hi cell!
dianne here...
ok, i'll just wait for your next update.. soooooo excited with it.. haha..
ito na ang update ko, thanks dianne.

3.2
When I became a bitter ex-girlfriend.
:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
POV: Shy Gonzales
“Oh, sh*t! How dare you?!” she tried to slap me in return pero pinigilan ko yung braso niya.
“Don’t you dare, wala kang karapatan.”“At ikaw, meron?!”“Yes. Remember the call awhile ago, that’s me.” I grinned. Dahil ine-expect ko naman talagang wala siyang idea.
“If you must know, alam kong hindi si Maia yun.” She returned an evil grin to me. “I can’t believe na madali ka palang paniwalain na wala akong idea na ibang tao ‘yun?”“How did you---?” “Shy, stop this.” Mahinahong sabat sa amin ni James kaya hindi ko na nalaman kung pano nalaman ni Keisha na ako ‘yun.
“Bakit? I think kailangan mong mag-explain sa kin.”
“I don’t need to. Wala naman kaming ginagawang masama.”“Shut up, kuya. You’re just holding hands awhile ago.” Sagot ni Maia pagkahabol niya sa kin, at inirapan siya ni Maia, tapos sumunod naman siyang umirap kay Keisha.
“Holding hands lang ‘yun, for heaven’s sake, Maia! Magtigil ka nga. At wag kang makialam dito! This is none of your business, ok?”“So lahat ng babae, magagawa mo yun?”“At bakit hindi? Hindi mo pa ba ko kilala hanggang ngayon?” He glared at me—
the sweet guy I knew was suddenly gone. Para siyang sinapian dahil hindi ko na siya nakikilala. The way he talks to me now, the way he looks at me, ibang-iba. Hindi ko pa siya nakita na nagkaganito.
“Keisha, ako nang nag-sosorry sa ginawa niya. Mauna ka na.”“O-okay.” Medyo parang hesitant si Keisha na umalis pero umalis na rin naman yung babaeng yun at kaming tatlo na lang nina Maia at James ang natira.
“I just called her awhile ago, you know… and she…”“Ganon? Iniimbestigahan mo ko? Ano ba naman, Shy! Mali pala ang pagkakakilala ko sa ‘yo. Akala ko ok ka. Pero what the fcuk, ang immature mo!”Did he just say that? Did he just shout to me na ang immature ko?
Hindi matanggap ng utak ko ang narinig ng dalawang tenga ko. Tell me. Ang sakit kasi ng sinabi niya, he never raised his tone to me before.
He never said hurtful words to me before… For once in my life, siya ang kauna-unahang tao na sinigawan ako. My mom never did that to me. And none of my friends did that too… kahit mga teachers ko.
Believe me, siya ang una.
“I just… I just want to… Makinig ka naman sa kin, if you just heard what she said… she told me that…” tuluyan nang bumagsak yung luha ko.
“Tumigil ka na, ok? And don't cry, that won't buy me. Nakakairita ka na eh. Following me, calling her, anong point? Alam mo, this is nonsense! Aalis na lang din ako.” He snapped at me, tumalikod at naglakad palayo, kasunod ng sa direksiyon ni Keisha.
I was dumbfounded. Masyado akong nabigla na wala akong ibang nagawa kundi titigan siya.
I watched him walk away from me. A voice inside me wants to shout to him na ‘wag siyang umalis. Pero sa kung anong dahilan, tila natameme ata ako dahil hindi ko naman nasabi.
Naduwag ako na baka lalo pa siyang lumayo sa akin.We have not broken up yet pero parang ganun na rin naman ang situwasyon.
Mantakin niyo ba naman, it has been a week and three days since the incident happened, walang kibuan na nagaganap sa pagitan naming dalawa.
Ni hi o hello, wala! Minsang nakasalubong ko sa hallway, parang walang nakita.
It was as if I never existed. Buti pa yung kaibigan niya na si Paul, ngumiti sa kin.
E siya? Kahit nga tingnan man lang ako hindi ginawa.
At ang pathetic ko, sabi ng utak ko, pabayaan ko na lang.
Pero yung puso ko, f*ck sh*t naman. Hindi umaayon. Ni pm sa cellphone wala.
Nagpapapansin na nga ako at napadalas ang mga gm ko
na pm naman talaga, dahil sa kanya ko lang sinesend. lol. 
pero wala ni isang reply.
Kahit anong klase ng text wala, kahit gm, kahit pm, kahit quote nga hindi man lang magsend.Friday kasi ng July nung mangyari yun, kaya nung Monday, hinintay ko siya ng uwian dahil nagsasabay naman talaga kami. Inakyat na ko ng guard, wala pa rin siya.
Pumunta ko sa kuwarto nila, umuwi na daw sabi nung mga naiwan dun. Kaya tuwing uwian pagkatapos nun,
para kong stalker na inaabangan kung pano siya umalis ng school ng hindi man lang nagpapakita sa kin.Naisip ko na lang, ganun na lang ba katindi ang galit niya sa ‘kin para balewalain ako?! Gabi-gabi na lang umiiyak ako. Ang loser ko, diba? Hindi ko na makilala yung sarili ko. Ganito pala yung feeling ng broken-hearted.

Dati-rati, kapag may brokenhearted na nagpopost sa bulletin ng Friendster
dahil Friendster pa ang uso noon, sa isip-isip ko, ang corny naman ng taong ‘to.
Lalaki lang eh, eh di wag kung ayaw niya.Ayon, kinakain ko tuloy lahat ng mga naisip ko nun. Ouch ha.
Sorry naman sa inyo, ngayon naiintindihan ko na kayo. 
Ang masakit pa niyan, ito yun eh. Nagfe-facebook ako minsan upang i-check kung kamusta na siya. Tapos may nakita akong hindi kanais-nais.
James Bernardo is single ♥Pucha naman,
kailan pa kami nagbreak? Ano yan, biglaang break-up? Teka, ni hindi nga ko naabisuhan na break na pala kami.
Kung hindi ko lang mahal laptop ko, baka nasuntok ko na ito.
Masakit palang iwasan ng taong mahal mo. Mahirap palang magselos.
Now, I know. Dahil si James ang first boyfriend ko, bago sa kin lahat ng mga pangyayaring ito, kaya siguro nabibigla ako.

Bago ako makalabas ng gate, pagkatapos kong tingnan na umalis si James na hindi man lang nagpapakita sa kin, o nililinaw ang lahat, nakasalubong ko si Maia.
“Ate Shy, hindi ka yata umattend ng weekly meeting natin sa club.” Ngapala, kasali ako sa dance club, kasama ko dun si Maia.
“Wala ako sa mood.”“Naku, sis. Lagot ka kay Mr. Club President, aawayin ka na naman nun.” “Pakialam ko sa kanya. Magsama sila ng kaibigan niya.” My line should have sounded angry,
pero hindi. I think it sounded more of somebody who is lonely.
Somebody who longs for her someone special.
“Si kuya na naman iniisip mo, kalimutan mo na siya. Hindi siya karapat-dapat isipin ng isang magandang babae na katulad mo—na katulad ko.” She tried to joke. Ngumiti naman ako, sobrang mahal ko talaga si Maia, trying to cheer me up at my lowest moments, na-aappreciate ko talaga yung mga ganung bagay.
“Tara sa park, let’s have a chat.”Buti na lang, walang bata sa swing kasi yun ang favorite spot namin ni Maia pag nagkukuwentuhan.
“Kamusta na siya?”“I’ll be honest with you, he doesn’t even look affected by the situation. That jerk is a good for nothing, you know, bakit hindi mo na lang kasi kalimutan ‘yung g*go kong kapatid? Well, I know, he’s got a beautiful face like mine, pero c’mon. He’s not worth you.”“Kaw talaga, dapat talaga may kasamang beautiful ka?” I laughed a bit.
“Akala ko din dati, ganung kadaling gawin ang sinasabi mo. That’s exactly what my thought was when I was still an NBSB girl. Pero kahit hindi pa kami ganung katagal sa relasyon na ‘to, una ko siya. Siya ang unang tao na minahal ko.” Itinukod ko yung dalawang paa ko sa lupa at bumuwelo para itulak ang sarili ko ng malakas habang nakaupo sa swing.
“May paniniwala kasi ako, na kung papasok ako sa isang relasyon, dapat seryoso, yung taong ma-vivisualize kong siya na talaga habambuhay that’s why I’m still waiting, na baka ma-realize niyan nagkamali siya at lapitan akong uli.”“Pero hanggang kalian mo naman balak magpakatanga sa kanya, lonely girl?”“I don’t know. Kapag online ako sa fb, biglang mag-ooffline. Di siya nagrereply sa messages ko, ni kamustahin man lang nga ako, hindi magawa.”Once more, itinulak ko ang sarili ko habang nakaupo sa swing, feeling ko kasi nababawasan ng bahagya yung bigat na nararamdaman ko.
“Hanggang umaasa pa ‘kong magkakaayos kami, hindi ako susuko. I’ll wait for him hanggang may pag-asa pa sa sarili ko.”“Bilib din naman kasi ako sa ‘yo, you know what? Ganyan ba talaga pag inlove, nagiging corny at cheesy? Alam mo, treat na lang kita ng sorbetes, ayon si manong o.” Maia laughed, and I thought...
Oo nga, kailan pa ko naging corny at cheesy? 
Nasabi ko na ba sa inyo? Favorite ko ang ice cream, chocolate at cheese flavor lalo. Wala lang, share ko lang. So habang nilalasap ko ang libreng ice cream
wala nang sasarap pa sa libre, nawawala ang stress ko.

At nagiging positive pa ako.
“Thank you dito ha! The best ka talaga, maybe, I should call you best.”“Naman. Best friend naman talaga kita. Ewan ko lang kung best friend mo din ako.” “Okay. Then we’re formally best friend. I'll call you best from now on. At dapat ilibre mo ko ng ice cream sa monthsary natin, best.” binigyang diin ko yung pagsasabi ng libre at best. lol.
“Talagang nagkaroon tayo bigla ng tawagan? Haha. Aba ok lang yun, basta ililibre mo ko sa spa, best.” Her smile was way more dirty.
Loko naman kasi, ako nga ice cream lang, tapos sya, SPA? Sosyal ang babaeng 'to.
“Abusado ka palang best friend, teka. Pwedeng bawiin na best friend kita?” Hehe.
“Bawal na. Nasabi mo na eh.”“Nako, basta thank you ulit dito. Naliwanagan tuloy ako.”“Panong naliwanagan?”“Kakausapin ko na siya. Hindi ko na hihintayin na siya ang maunang lumapit. Minsan, dapat babaan ko din ang pride ko, diba?”“Well, what can I say? Good luck.” And she winked at me.
:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
Unang dilat ng mata ko, na-feel ko yung excitement.
It’s my day. Everything’s gonna be fine later kapag nagkaayos na kami.
“O, bakit parang ang saya ng baby ko?”“Kasi po, ma. Nag-away kami ni James and I just had a realization yesterday,” I smiled at umupo na para hintayin ang breakfast ko. I must say, nagugutom na ko.
“Ano naman ‘yun ha?” inilapag ni mommy yung plate of rice sa harap ko and yung egg, ham and hotdog na nasa plato din sa tapat ng plato ko. Pagkatapos, umupo sa katapat kong upuan.
“I realized na minsan, I should not spoil myself at hintayin na siya ang maunang lumapit. I think, ito na ang turn ko para ako naman ang gumawa ng paraan para magkaayos kami.”“All right. Kumain ka na at nang makapasok ka na sa school at magawa ang plano mo. Just promise me one thing, baby.”
“What is it, mommy?”“Wag mong hahayaang isang lalaki lang ang sisira sa pag-aaral mo, lalo na kung dahil sasaktan ka lang niya. Believe me, you’d regret it in the end.”
“Promise.” Itinaas ko pa yung kamay ko na parang nag-Papanatang Makabayan and then I continued eating.
After eating, naghanda na kong pumasok sa school. Inihatid ako ni mommy dahil same route lang naman sa work niya. Pagpasok ko sa gate, I can’t explain the nervousness I feel.
*hingang-malalim*Balak ko muna sanang umakyat ng fourth floor dahil dun ang room ko, gusto ko munang ibaba ang gamit ko bago siya kausapin.
Kaya lang, napansin kong nagkukumpulan ang mga studyante sa room nila James sa second floor. Meron pa ngang classmates ko na naandun. Ambilis ngang makasagap ng radar, samantalang dalawang floor ang distansya namin sa second floor.
Hindi ko na binaba ang gamit ko, dahil makiki-usyoso na rin ako. Hehe.

Tutal, may sasadyain din naman ako sa room nila.
Ano kayang meron?“Chelsea, anong meron?” salubong ko sa kaklase kong nakikitsismis din. Kaso, hindi naman sumagot at tumingin lang sa ‘kin. Hindi ko rin maipaliwanag ang hitsura niya dahil kakatwa talaga ang titig niya sa kin,
parang nakakita ng multo. Kaya dumiretso na lang ako.
“Tara na, akyat na tayo sa room.” Hinabol niya ako at pinigilan para umakyat na sa room.
“E, teka lang. May kakausapin din ako dito.” 
Wala na siyang nagawa at dumiretso na ko.
Hindi ko rin maiwasang mapakinggan ang usapan ng mga tsismoserang frogs.“Break na ba sila nung huli niyang girlfriend?”
“Oo siguro,kita mo ngang nanliligaw na nga ng bago.”
“Diba kalalagpas pa lang yata nung huli niya ng isang buwan?”
“Para namang hindi mo kilala ‘yang lalaking ‘yan. Kaya tigil-tigilan mo na ang pagkaka-crush diyan. Kita mo naman, parang basahang pinalitan yung babae. Kawawa naman.”“Excuse me,” sabad ko. “Anong meron?” Nung makita nila ko, para silang nakakita ng multo katulad ni Chelsea.
Para na rin akong CAT officer dahil nahawi ang daan sa isang bahagi ng kumpulan ng estudyante nang mapansin nilang andun ako. Should I feel good about that? I’m not a CAT officer at all.

At dahil, iniisnab ako ng mga tinatanong ko kung anong meron, dumiretso na lang ako sa loob.
Pagpasok ko, wala pang teacher. Malamang, kaya nga walang crowd control sa room na ito. Napansin ko yung black board dahil may malalaking letrang nakasulat.
ALL CAPS, parang BOLD pa nga at pagkalalaki-laki na halos gusto ko nang lapastanganin ang blackboard nila kung hindi lang sana ako mapri-principal's office kapag ginawa ko yun.
KEISHA SEBASTIAN, WILL YOU BE MY GIRL? ♥
--JamesSaktong pagpasok ko pa nung marinig ko ang nakakarinding boses ng babaeng isang linggo’t lagpas na ang nakalipas ng makausap ko sa phone at makita kong ka-holding hands ng boyfriend ko—
este ng ex kong hindi ko man lang alam na nag-break na pala kami.“Of course! Yes! Yes, James. Hindi mo lang alam kung gano mo ko napasaya!”At ang sumunod na tumambad sa dalawang malinaw kong mga mata,
James kissed her.


A passionate kiss where she kissed in return. Yung may dila ba,
yuck.
Author: Bitter lang si Shy
Hindi man lang nahiya. 
Nakasandal sa board si Keisha at ikinulong niya ang babae niya ng kanyang dalawang kamay na nakahawak sa blackboard. Naghiyawan ang mga lalaki. Nagtilian ang mga babae maliban na lang dun sa mga nakakakita sakin. May iba namang kinukuhaan sila ng video or picture gamit ang kani-kanilang cellphone.
Nagdilim talaga ang paningin ko. Pero thanks to the teachings of my dearest mother,
she often told me to stay calm in situations like this, or I’d regret what I would possibly do. Kasi kung ako ang tatanungin niyo, gusto kong ibato lahat ng upuan ng classroom sa kanilang dalawa!But I know, that’s a foolish thing to do.
Thanks to my mommy for that.I smiled and walked out of the classroom, with my head up. And with a sly smile para maitago yung pagkapahiya at sakit na nararamdaman ko. I’m well aware that the people who saw me are looking to me nang umalis ako.
I don’t want to be seen as someone weak. Pride na lang ang natitira sa kin, hahayaan ko pa bang mawala ‘yun?
“Chelsea, tara na sa room.” aya ko sa kanya with a smile. Habang naglalakad kami paakyat, Chelsea did not speak. Siguro, dahil hindi niya rin alam kung anong sasabihin sa kin. If I was in her situation, I would do the same thing dahil ayoko rin naman ng kausap, sa totoo lang.
I want to get rid of this pain. Sobra na ‘to.
Tama na ang gabi-gabing pag-iyak. Hindi na ko aasang babalik pa siya sa kin. Isipin ko pa lang na silang dalawa na masaya sa piling ng isa't-isa tapos ako lang ang nahihirapan,
nakakasuka. Seriously, this world's unfair.

Yes, the pain was replaced with anger.
And I’ve become one hell of a bitter ex-girlfriend. But what the hell? Ano naman kung naging bitter na ako?

Just as what Patrick the Star app advised to me in Facebook:
Okay lang maging bitter. Bitter ang gamot pero it makes you feel better.