Hindi ko po alam kelan susunod kong update. 
lyshe10.ar j---bipolar kasi siya, daig pa niya ko.
GREENberries.
---Hahaha. Ang ogag ko. Pero bakit iba parin feeling ko? Ah basta, bahala na nga. Hahaha. Ano ba kasing meron dyan kay Axis at Dim? Nakakaintriga. Lol.

[/quote]
May galit sila sa isa't-isa.

---------------------------------------------------------------------
8.1
Hot Blood
:::::::::::::::::::::::::
POV: Dim Tuazon
"Tumahimik ka." Nawalan ako ng kontrol. Kapag nakikita ko talaga yung lalaki na yun, nag-iinit ang dugo ko. Nakakabadtrip. Leche lang talaga siya. Pinipilit ko na nga lang magpakabait sa harap niya pero siya pa ang may apog na magalit. Ang kapal ng mukha. Nabuwisit talaga ako.
Sinusubukan kong magmukhang masayahin sa school, pero kabaligtaran naman yung nararamdaman ko. Dahil mula pagkabata ko, hindi ako nakaramdam ng totoong saya. Yung puso ko, puno ng galit. Yung puso ko, may poot na nakakakimkim. Yung tatay ni Duavit lalo na siya, sila ang kinasusuklaman ko talaga.
Sagad sa buto. Kung gaano siya naiinis sa akin, sinisiguro kong mas malalim pa ang poot na nararamdaman ko sa kanila.
"Anong nangyayari sa 'yo?”“Baka nakakalimutan mong ako ang magiging boyfriend mo.”Hinatak ko si Shy sa motorsiklo ko. Umupo na ko at pinasakay na siya.
“Sakay.”“Saan mo ko balak—?”“Hindi ka sasakay?”Sumunod naman siya. Tried and tested na. Kapag ako na ang nagalit, madalas sa hindi, natatakot ang mga tao. Siguro dahil hindi lang sila sanay? Alam kong kakayan-kayanin lang ako ng babaeng ‘to kung masyado akong magiging mabait.
Mabuti na yung habang maaga pa lang, ipapakita ko sa kanya yung nakakatakot na ako. Nang maliwanag sa kanya na hindi ako kinakayan-kayanan. Para malaman niya kung anong problema yung pinasok niya. Para siyang diring-diri na babae na ayaw akong hawakan dahil nakakapit lang siya sa polo ko. Napabuntung-hininga na lang ako.
Nasobrahan yata ako sa pananakot sa kanya.
“Ayokong masira polo ko. Yakapin mo ko.” Imbis na ingatan yung polo ko, lalo pa yata niyang hinatak yung damit ko at nung lumingon ako sa kanya, nanlalaki yung mata niya.
“HA?!”“Bingi ka ba? O e di wag kang humawak.” Sabay pinaharurot ko yung motorsiklo. Napayakap naman siya agad dahil sa bilis ng motorsiklo.
“San mo ba ko balak dalhin?” irita na niyang sabi.
“Sa bahay ko.”“Para saan? Pwede naman tayong mag-usap sa school.”Hindi na lang ako sumagot. Yung mga walang kakuwenta-kuwentang usapan hindi na dapat pinag-aaksayahan ng oras. Hininto ko yung motorsiklo sa harap ng bahay naming at bumaba na.
“Sumunod ka sa akin.”“Ang bossy mo.”I just gave her a sharp look. She just rolled her eyes na parang sinasabi na, bahala ka na nga. Hanggang may umalingawngaw na boses.
“Diiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiim!”Si Kate. Nagmamadaling tumatakbo papunta sa min. Ilang bahay lang din naman kasi ang layo niya sa bahay ko, mga apat lang.
Napahinto naman siya nung makita niya si Shy.
“Eh? Diba Ikaw ba yung nabunggo ko kanina?”“Yup. Ikaw si Kate diba?”“Wow. It’s nice you remembered. Sorry ulit ha?”“Ok lang.” She smiled enthusiastically.
“Tara na sa loob Shy.”“Hala, sama ko Dim.”“Di pwede.”
“Ay? Sungit naman nito. Dali na kasi, isama mo na ko.” “Alis.”“PMS ka na naman. Badtrip ka talaga.” Hinatak ko agad si Shy papasok sa bahay.
Si Kate. Bestfriend ko yan, sanay na siya sa moodswings ko. Sabi niya nga para daw akong pendulum, hindi malaman kung kelan mabait at kelan masungit. Ako naman, wala akong pakialam sa sasabihin nila.
Wala namang tao sa bahay ngayon. Si lola lang, pero malamang nasa veranda lang yun. Lagi naman, ba’t di pa ba ko nasanay? Si Daddy laging nagtratrabaho, kung wala sa trabaho, panigurado nasa bar, nambababae o umiinom.
Buti nga hindi pa siya nag-uuwi dito ng babae niya. Kasi nandito rin si lolo. Si lolo naman, nagtratrabaho pa rin. Pinapalakad pa rin niya yung kompanya niya kasama si Daddy bale kadalasan ako lang nandito.
“Mag-isa ka lang?”"Nakikita mo namang may housekeepers sa bahay diba?”Pinaupo ko siya sa sofa at nagpakuha kay Manang ng juice para sa aming dalawa. Pagkatapos, umupo na rin ako sa katapat niyang sofa.
“Sungit mo ngayon, alam mo yun? Meron ka ba?”“Magkuwentuhan tayo.”Tiningnan niya ko ng pagkalaki-laki na parang nagulat sa sinabi ko. May nakakagulat ba sa sinabi ko?
“Anong problema?”“Ok ka lang? Dinala mo ko sa inyo para lang makipagkuwentuhan?”“Ano gusto mo? Tayo na agad bukas ng di natin kilala ang isa’t-isa?”“Pumayag na ba ko?” Lokong babae to, sasagot-sagot dun sa post ko sa forum tapos magpapakipot. Sus. Ano pa bang kulang sa kin?
“Bakit ka sumama kung di ka pumayag?”“Pinilit mo ko eh.”“Bakit ka nagpapilit, kung ayaw mo talagang sumama, gagawa ka ng paraan.”“Ewan ko sa ‘yo.”“Alam mo bang sagot yan ng mga talunan?” Inirapan niya lang ako. Sa isip-isip ko lang, para siyang bata, ang cute nyang umirap.
“Ilang taon ka na ba?”“16. Ikaw?”“18.”“Pano mangyayari yun eh ka-batch kita?!” Lumalaki na naman yung medyo maliit niyang mata. Bakit ba lagi na lang siyang parang na-aamaze o nagugulat sa mga sinasabi ko.
Siguro mukha lang talaga akong bata.
“Lahat ba ng ka-batch mo 16? Diba yung iba 15 palang. Meron ding 17.”Tumingin siya sa kin na parang sinasabing hindi niya ma-gets kung bakit pinagtyatyagaan niya kong kausapin. She tightened her lips at umirap patingin sa itaas. Pikon siya, nakakatuwang inisin lalo.
“Right. Nasan ba ang mommy at daddy mo?”“Daddy ko, tumutulong sa pagpapatakbo nung kumpanya ni lolo, yung nanay ko may iba ng pamilya.”“Ahhh…” Parang nanlambot yung paningin niya sa kin na hindi ko nagustuhan.
“Walang nakakaawa sa sinabi ko. Ikaw, mga magulang mo?” bawi ko para di na uminit pa ulo ko.
“Mommy ko madalas kong kasama, housewife. Daddy ko naman, bihira kong makita, laging nasa trabaho.” Uminom siya pagkatapos nung lemon juice.
“Favorite food?”“French fries. Ikaw?”
“Doughnut.”“Mag-effort ka naman na dugtungan yung getting-to-know-each-other session natin. Ibang klase ka rin ah. Ok, may kapatid ka?”Napatigil ako. May kapatid nga ba ako? Gusto kong sabihin na wala pero ang totoo meron naman kahit papano. Na sobrang nakakainis isipin.
“Meron.” matipid kong sagot.
“Ano pangalan niya? Nasan siya?” Bakit ba ang dami niyang tanong? Nakakainis na.
Ayoko ng daloy ng usapan.

---------------------------------------------------------------------
8.2
He is the misunderstood.
:::::::::::::::::::::::::
POV: Shy Gonzales
“Ano pangalan niya? Nasan siya?” Sunod-sunod kong tanong. Marami akong katanungan tungkol sa kanya. Masyado kasing misteryoso tong si Dim. Hindi ko alam kung sino ba siya. Gusto ko pa siya lalong makilala. Pero dun yata sa huling tanong ko, nainis siya. Inilabas na naman niya yung nakakatakot niyang aura at pinalo ng malakas ang table habang nakangiti nung ngiting nakakatakot pero
guwapo pa rin naman. LOL.
Isipin niyo na lang, may isang super hot na prinsipe ng kadiliman na ngumiti pero galit yung aura. Ayun siya. Contrasting yung ginagawa niya sa ni-rerelease niyang aura.
“May masama ba sa huling tinanong ko?”“Oo.” Tumalikod siya at umalis ng walang paalam. Ako naman, natameme.
Ok, ang kulit ko kasi.

Napinid yung bibig ko dahil sa pagkabigla. Susundan ko sana siya pero natakot naman ako kaya nanatili na lang akong nakaupo.
“Maglibot ka na lang sa bahay habang wala ako. Labas lang ako sandali."Hindi ako kumilos sa upuan ko habang hindi pa siya nakakalabas ng pinto. Nung nasilip kong wala na talaga siya. Naglibot-libot na nga ako. Curious talaga ko sa kanya. Kakaiba siya, parang madaming sikreto. Nung first time niyang ipakita sa kin yung nakakakilabot niyang aura. Inisip ko agad na bipolar tong tao na ‘to.
Kaloka ba.
Mas bipolar pa sa kin.
Akala ko ako nang pinaka-bipolar sa mundo.

Malaki ang bahay ni Dim. Pero walang buhay. Classic ang style, parang yung sa Spanish era dito sa Pilipinas. Habang tumitingin-tingin ako sa mansyon nila. Nagpunta ko sa veranda, merong nakaupong matandang babaeng sa tumba-tumba…
Lola niya siguro, naisip ko. Nahiya naman ako, kaya bababa na sana ulit ako pero nagsalita yung matandang babae.
“Sino yan?”Napatigil ako, hindi ko alam ang gagawin. Pero may manners din naman ako, kaya naglakad ako papuntang veranda nila.
“Ako po si Shy. Bisita ni Dim.” Magmamano ba ko? I chose not to. Nginitian ko lang siya ng aking friendliest smile at tumingin din naman sa kin yung lola niya. Ngumiti. Tapos, inialis din yung tingin mula sa kin na parang may iniisip.
“Sinong Dim?” tumingin na naman sa kin si lola. Halatang maganda siya nung kabataan niya. Bakas pa rin sa mukha niya, para siyang Spanish mestiza at maputi talaga. Nasa aura niya pa rin ang mayaman na hitsura. Pero sa tingin ko, Spanish mestiza nga talaga lola niya.
Teka, bakit ganun? Siguro Chinese mommy ni Dim? O di kaya lolo niya? O daddy niya? O baka... Ano ba naman to?! Kasi medyo singkit siya. Ay, ano bang pakialam ko? Masyado kong maraming tanong.

Kaya lang, ulyanin na ba tong lola ni Dim? Di na siya kilala. Tapos, naisip ko, baka Vladimir ang pagkakilala sa kanya.
“Si Vladimir ho.”“Ah… ang apo ko. Kasintahan ka ba niya?” Napalunok naman ako ng lahat ng laway ko na muntik na kong masamid sa sinabi ni lola.
“Hindi po, ‘la. Bisita niya lang.”“Ang apo ko talagang ‘yan. Manang-mana sa tatay niya. Matinik sa babae.”
“Hindi po kami magkasintahan, ‘la.” Ulit ko.
“Ay san pa ba tutungo yan, kundi sa maging kayo sa hinaharap.” Kung makaintriga naman si lola o.
“Lola naman…”
“Tinatawag mo na nga akong lola, hija. Di naman kita apo. Maniwala ka, diyan din patutungo iyan.” Pati ba naman pagtawag ko ng lola, gawan ng issue. Si lola talaga. Tsk.
“Mapagbiro ho pala kayo.”“Alam mo ba yang si Vladimir. Mahal na mahal ko yan. Kaawa-awa nga lang na bata. Iniwan ng kaniyang ina.”“Po?”“Mahabang kuwento, hija. Buti at naparito ka. May makakakuwentuhan ako. Minsan, nakatingin na lang ako sa kawalan dahil wala na kong makausap rito. Nagiging makakalimutin na rin tuloy ako.”“Ay sige po magkuwento lang kayo.” Kawawa naman si lola. Wala nang masyadong nakakausap. Sana hindi ako ganito pag tumanda na ko.
“Ang pamilya namin, produkto halos ng kasunduang kasal. Kami ng lolo niya, maliban na lang sa tatay niya na nakabuntis ng isang Intsik sa Pilipinas. Ayaw ng lolo ni Dim sa nanay niya pero wala rin namang nagawa ang asawa ko.”Kasunduang kasal. Uso pa pala talaga yun? Pangalawang beses ko na ‘tong maririnig. Una kay Axis, nang malaman ko sa kanyang iniiwasan ako ni James dahil ipinagkasundo kami ng mga daddy namin.
Siguro, ganun talaga sa mayayaman. Mga negosyanteng sobrang yaman, malaki na rin kasi ang nakuha ni daddy sa negosyo niya. Ganun nga siguro, gusto pa nilang magpayaman lalo?
Hindi ko pa rin nakakausap si Daddy tungkol dun, pero ano bang magagawa niya? Di niya mapipilit ang taong ayaw magpapilit.

At ngayon, sa lola naman ni Dim.
“Yun nga lamang, naging masalimuot ang sa anak ko at sa nanay ni Vladimir. Dahil sa ibang bansa nagpakasal ang nanay at tatay niya, inilakad ng dalawa ang diborsyo ng mahuli ng anak ko na may ibang lalaki ang nanay ni Vladimir at gayundinaman sa anak kong madalas mambabae.”Umupo ako sa monobloc na upuan at matiim na nakinig sa lola niya.
“Ang anak ko, mabigat ang kamay. Nasasaktan niya paminsan ang nanay ni Vladimir. Kaya iniwan niya ang asawa niya ng tuluyan at nakipagdiborsyo. Dalawang taon pa lamang noon si Vladimir at walang kaalam-alam sa mundo.”“Hindi po pala maganda ang nakaraan ni Dim…”“Sinong Dim?”“Ah… Pasensya na ho, si Vladimir ho ang ibig kong sabihin.”“Hindi ko makitang minahal ng nanay niya si Vladimir noon pa man. Kaawa-awa talaga ang apo ko.”
"Kawawa naman po pala---"“SHY.” Oops.

Takot akong napalingon. Si Dim. Bumalik na pala. Napatayo ako bigla. At nakita kong humalik lang si Dim sa lola niya. Kailan pa ba siya nandito?
“Lola, aalis na po siya.”Aalis na agad ako? Di pa kami tapos magkuwentuhan ni lola.
“Magpaalam ka na sa lola ko.” Hanep talagang makautos tong lalaki na 'to.
“Lola, aalis na po ako.”“Mag-ingat ka, hija. Babalik ka pa ba ulit?”“Opo naman, lola. Babalik pa siya ulit. Sige po, mauuna na kami.” Hinatak ako nang walang pakundangan ni Dim pababa hanggang nasa gate na kami, hawak-hawak niya lang ako sa braso. Binitawan na niya ko pagkalabas namin ng bahay niya.
“San ka ba nakatira?”“Malapit lang. Apat na kanto mula dito.”Bumaba na kami ni Dim pagkatapos at sumakay na kami sa motorsiklo niya. Kahit masungit siya ngayon, or kung ito man ang totoo niyang pagkatao, ihinatid niya pa rin ako sa amin. May pagka-gentleman din naman pala tong lalaking ‘to.
Habang nakayakap ako sa kanya nung umaandar ang motorsiklo, parang nanlambot yung puso ko sa mga kwinento ng lola ni Dim.
Nakayakap lang ako sa bipolar kong kasama habang umaandar yung sasakyan. Siguro nga, kaya bipolar siya, dahil sa mga pangit na nangyari sa kanya.
Hindi ko maiwasang mainis sa nanay niya. Kung may mother figure lang sana siyang kinalakihan, baka maayos lang ang lahat. Baka hindi siya ang number one visitor sa Principal’s office.
Malamang, matalino siya. Malamang, role model siya sa school. Sana, may nag-aalaga sa kanya. Pero mukhang hindi, parang nabubuhay siyang mag-isa sa sariling mundo niya.
“Bitawan mo na ko. Kanina pa tayo nasa harap ng bahay niyo.”Bumitaw naman ako agad sa kaniya at medyo nakaramdam ng hiya sa nangyari.
“Sorry, di ko napansin.”“Mag-online ka mamaya, dun na lang natin ituloy yung usapan natin.” At pinaandar na niya ang motorsiklo niya ng walang paalam.
