two timers are the worst. makipag break na kasi nang walang problema. ipahiya mo siya nang bonggang-bongga!
kaloka naman kasi si Shy. tsk tsk.
i'll wait for the next chapter. Jane here. 
hi jane. call me cell. we'll see sa third chapter kung ano mangyayari. hahaha. salamat sa pagbasa!

Hi! new reader here,
i love ur updates <33
next na po (:
Allyssa here .
hello alyssa! cell.

sana magustuhan mo rin yung 2nd chapter, pero sa 3rd chap pa ang riot eh. hahaha.
Aww. Nakakaawa naman si Shy. Buset na mga playboy yan.
Btw, new reader here. JoyJoy. 
oo, buisit talaga sila! nako. hi joy. cell here. salamat, sana'y patuloy mong basahin.

ay ang cute naman. haha..
ang galing ni Shy. LOL.
support ko po to.
-ly
thank you ly! ako pala si cell.

2
We are stalking my brother.
:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
POV: Maia Bernardo
“Excuse me, pero anong kailangan mo sa ‘kin?”Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa totoo lang, ang
freaky niya. Inayos nung taong umupo sa table ko ang shades niya. Tingin ko, baliw ‘to. Hula ko, takas ‘to ng mental. Hindi mo naman ako masisising isipin na baliw ‘tong tao na ‘to.
Una, parang tanga, ang weird. Ang taas ng araw sa mall ha, at naka-shades.
Pangalawa, I know na airconditioned ang mall pero OA naman ang pagkabalot na balot nitong taong to.
Third, I know this person’s moustache is a big fake.
Fourth, parang walis tambo ang wig niya.
Eeeew.
“Si Shy to.” Bulong niya.
“Ate Shy! Ano ba yang ayos mo?! Sherlock Holmes, ikaw ba yan?! You look weird!”“Ikinakahiya mo ba ko, parang diring-diri ka. Ano ka ba, kailangan nating mag-imbestiga!”“Kay kuya?”Tumango siya.
Okay. I’m in pero never ever let me wear that kind of outfit. Oh my gosh, I’m so arte. Hahaha. Pero alam niyo kasi, close na close kami nitong si Ate Shy. Kung tutuusin, mas nanaisin ko pang itakwil ang kapatid kong damuho maging kapatid ko lang siya.
I’m a meanie sister, ain’t I? Masama kasi ugali nitong si kuya ko (parang ako. Hahaha).
We’re
never close. We
rarely get along –well. Not like Ate Shy, she understands me kahit hindi kami magkapareho ng ugali. Actually, most of my friends would tell that kuya and I are the same, that there’s no doubt na magkapatid kami. Sometimes, I think that Ate Shy has a knack of being close to somebody like me, like us.
We met before maging sila ni kuya. She’s an officer kasi sa sinalihan kong dance club.
The first time I heard about Shy Gonzales, ang bali-balita ng mga tsismoserang frogs sa tabi-tabi, she’s dating Gian Marquez daw. Sabi ko pa, ang arte naman ng babae na ‘to,
Shy yung pangalan pero ang kapal ng mukha. Easy to get. Lol. Eh crush ko naman kasi ‘yung Gian Marquez na ‘yun noon. Alam niyo na.

So inis ang lola niyo sa kanya. Pero ang tindi ng effect ng charm nitong si Shy nung nakasama ko siyang magsayaw. Iba kasi siya sa lahat ng babae. Ohhh—what the fcuk.
I feel like you’d think I’m talking like a man. Hey, I don’t mean it that way. Alam ko namang naiintindihan niyo ko. She’s different from those meanie girls na gusto pa atang lampasan ang pagka-b*tch ko.
She didn’t judge me, that’s how I should put it. Despite my unlikeable background, she cares for me.
Kaya kapag napag-alaman lang namin na nanloloko ang balasubas kong kapatid na ‘yon, lalasunin ko talaga ‘yon. Joke lang. Hahaha.
Paiinumin ko na lang siya ng softdrinks na hinaluan ng maraming toyo at maraming maraming asukal para sabay siyang magkasakit sa bato at diabetes, hehehe.
“Bahala ka. Basta wag mo kong pagsusuutin ng ganyan. I don’t wanna be weird.”“Sige ka, hindi kita ilalakad sa pinsan ko!”“Naman ate e! Walang ganyanan.” Nag-make face ako dahil nga I’m so artee. Hahaha.

I’m gonna give you a peek to my life. I’m just a year younger than my brother and Ate Shy. I’m fifteen and yes, I’m quite popular sa batch ko.
Sabihin niyo nang nagbubuhat ako ng sariling bangko, but that’s better than lying. Though in some way, I’m popular not in the positive way. Maraming naiinis sa kin—na babae.
Most of my schoolmates na babae are just too tsismosa, they pry to others’ lives. I’m not generalizing lahat ng mga babae kong kaeskuwela because I just said na most of my fellow girls are my haters—
not all. Hindi ko nga kilala minsan yung iba, nabalitaan ko na lang naiinis sa kin dahil I’m a flirt daw. Conyo daw. Fashion’s a big deal to me daw, and I would not wear something from ukay-ukay daw. I’m choosy daw sa pagkain. Maarte nga. Ayaw pang, puntuhin eh!
D-U-H, those are sooo true and so what to you?
“Uh-huh. Deal na ‘yon, walang imbestiga, walang tulong.”“Hmpph. Fine. But I’ll disguise the way I want.”Si Riley Gonzales nga pala ang tinutukoy niya. Her oh-so-handsome cousin sa side ng mommy niya. Oh yes—I’m a flirt, ako na ang maarte pero among the guys that I like, Rylie’s exceptional.
First, he is
handsome.
Second, he is
handsome.
Third, he is so
handsome talagaaaa! *Kilig*
Siya na ang handsome. 
But no, no. Aside from him—being handsome (because that’s given na), he’s the captain ball of the basketball team, a brilliant chess player, good at Math, and just like me—he’s a flirt, a playboy, I must say.
We’re sooooooo bagay, right?Enough of that, since hindi ko naman storya ‘to. Masyado naman akong nag-enjoy sa pagkukuwento nang buhay ko, ayoko namang agawan ng eksena si Ate Shy.
So, pagkatapos naming kumain sa Krispy Kreme, namili ako ng shades at ng wig na masusuot. Bumili na rin ako nang bagong mini-skirt at sleeveless.
“Ano ba ‘yan, hanggang sa pag-didisguise mo, hindi na nagbago ang image mo.” I winked at her like saying na, wala kang magagawa.
“Hayaan mo na nga, hindi mo na naman kamukha.”“So what’s our plan?”“Shhh. Baka may makarinig sa ‘yo.”“Lokaret, as if naman may magkakainteres. Sabihin mo na lang ang plano natin, Ate Shy.” Sabay batok sa kaniya.
“Aray ha! Minsan, iniisip ko kapatid talaga kita, nagmana ka sa king mambabatok eh. Tsaka ang weird mo, tinatawag mo pa kong Ate eh binabatuk-batukan mo lang ako. Weeeird.”“O eh di sige, Shy. Anong balak natin, dali. May date pa ko ng alas-siyete.”“Ano ba ‘yan, umaandar na naman ang playgirlmeter mo. Minsan iniisip ko kung dapat pa kitang ipakilala sa pinsan ko. Pero dahil tutulungan mo naman ako, eto nga.” Nilabas niya ang cellphone niya.
“Nagtext sa kin ang isa sa mga espiya ko. Nakita daw na may kasamang sexy na babae si James sa National Library. Tara, magtungo tayo doon!”“Ano ba ‘yan, ang cheap at napakaweird talaga ha? Sigurado ka bang mag-dedate yun, eh national library yun! Anong gagawin nila don, maghahalikan kaharap ng libro? Ba’t hindi na lang sila mag-motel?”Napansin kong napatahimik si Ate Shy.
Ooops. Napatakip agad ako sa bibig ko. Ikaw talaga, bibig, wala ka kasing preno. Nakoo. Bawas-bawasan mo nga ang pagiging taklesa mo!
“I mean, baka malay mo Ate, nag-aaral lang talaga sila. So, there’s nothing between them. Then, there’s no need for us to go. Siyaka, takot ako sa libro. Alam mo naman, books are my worst enemies.” Hahaha. I giggled, uneasily, hoping na magbago ang aura niya.
Pero napansin ko namang lumiwanag ang mukha niya at nabuhayan ng pag-asa. Ang sa akin lang naman, ayaw pala nitong si Ate Shy na mag-motel yung dalawa, eh bakit susundan pa naming sa National Library. Hindi ba parang masyadong paranoid siya?
“Let’s go! Excited na kong mag-imbestiga!”“Gusto kong isipin na mag-iimbestiga tayo dahil pangarap mo ‘to nung bata ka pa at hindi dahil naghihinala ka sa boyfriend mo.”She winked.
“Pwedeng both?”Lumarga na nga kami at pumuntang National Library. Ang weird talaga, kasi bakit sa lahat ng dating place, National Library?! So kaninong brilliant idea naman kaya ito? KASI nawiweirdohan talaga ko! Pumasok kami sa loob, hassle, kailangan pa palang mag-apply para sa ID.
Tapos ginalugad na naming ang National Library hanggang sa pinakataas na floor. At sa wakas, bumalik din kami sa first floor.
“Ate, wrong info naman ata yang espiya mo. Wala naman sila dito eh.”“Oo nga eh, pero malay mo naman, baka nahuli lang tayo.”"Siguro nga.” Sabi ko sabay tingin sa labas ng building. Tinanaw ko pang maigi kung si kuya nga ‘yon at bingo! Siya nga… kasama ang isang babaeng rebonded ang hair, naka-shorts at naka-sleeveless. Aba, at balak ata akong talunin nito sa kaartehan sa pananamit. Hahaha.
“Ate, si kuya ata at yung sexy na babae niya yung naglalakad palabas ng gate ng National Lib.”Naalerto naman itong kasama ko, at parang asong nakaamoy ng pagkain niya bigla.
“Oo nga no. Sundan natin!”Sinundan naman namin ang dalawang taong iyon.
“Akin na ang camera, picturan natin sila habang magka-holding hands sila. Isa yan sa mga magiging matibay nating ebidensiya.”“Eto o.”Picture dito, picture doon, picture picture picture na lang picture. “Pose ka na rin nang ganyan ayos mo. Dali, baka mawala sila sa paningin natin.”“Finally, that’s a good idea!” CLICK! May primary pic na kong FB. Hahaha.
“Let’s continue investigating them.”“Ate, nakakapagod namang mag-stalk. Mahal mo ba talaga ang kuya ko?”“Oo naman. Ano ba namang tanong yan. Atsaka hindi tayo stalkers, investigators tayo!”“Eh sige na, oo na, investigators na nga. Pero bakit hindi ka nagwawala, may kaholding hands na ngang iba yung tao eh…” Hinawakan ko yung mukha niya at parang baril na ifinocus sa magkalapat na kamay ng kuya ko at ng babae niya.
“Tingnan mo, ate o. MAGKA-HOLDING HANDS SILA.” Napatigil kami sa paglalakad. Medyo nakita ko na naman na naging malungkot siya. Kitang-kita sa expression niya. Medyo lumalim din ang isip niya.
“Ano ka ba… Baka probinsyana yung babae… ayaw niya lang sigurong maligaw sa Maynila.”UMP!"Aray! Para san yon?!"“Gusto mo pa isang batok? Wag ka ngang magtanga-tangahan kasi alam ko namang nararamdaman mo kung ano ang mas totoo! Ano siya, baby, dapat hawakan talaga para di mawala?!”
"O isa pa!UMP!“Aray sumosobra ka na, na-gets ko naman. Ayoko lang sigurong tanggapin yung katotohanan. Diba masakit? Yung gusto mong malaman ang totoo, pero ayaw mo namang tanggapin kung anong malalaman mo. Kasi ayaw mo siyang mawala sa 'yo.” 
Nalungkot ako nung sinabi niya 'yun. Pero tumatagos sa puso ko ang bawat salitang sinabi niya.
Bakit nga ba gusto nating malaman ang katotohanan pero kapag nandyan na siya sa harap mo, nagbubulag-bulagan na lang? 
Pagkatapos niyang sabihin yun, nagpatuloy na siyang maglakad uli, mas mabilis.
“Uy wait~ hintay lang. Saan ka pupunta?”“Obvious naman, sa kanila?”“Don’t tell me, gegiyerahin mo na sila?!”“Hindi, ife-face to face ko lang.” At nagpatuloy siya sa paglalakad. Mas mabilis pa lalo kaya nahirapan akong humabol, dahil three-inches ang heels ko. Napatakbo ako ng di oras kahit naka-heels. Ayun.
Nadapa lang naman ako. “Ouch, Ate Shy… Wait lang. Pag-isipan mo muna yan!” Patayo na ako para sumunod pa sa kanya pero ang sumunod ko na lang na nakita…
Kaharap na niya ang dalawa. 