Wala akong magawa e. Kaya ito na ang chapter 2. Kung sisipagin ako, baka every page may update. Hehehehe.
02.Ang awkward kasi e.Nagdaan ang mga araw at madalas akong nagpupunta kina Mike. Si Mike naman talaga ang pakay ko dun e. Kasi siya yung kasama ko. Kasi siya yung boyfriend ko. Pero kapag nawawala sa eksena si Mike, kahit ilang segundo lang, pumapasok sa eksena si James.
Oo. Nagpapacute siya na ewan. Nagpapapansin siya sa akin. Di ako feelingera ngayon. Kasi ako lang naman ang babae sa bahay nina Mike kapag pupumunta ako sa kanila e. Saka kapag kaming dalawa ang naiiwan, dun siya umeeksena.
Tuwing kikindatan niya ako, napapalunok na lang ako. Kailangan kong magpigil e. Baka kung anong magawa ko kapag di ako nakapagpigil. Ayaw ko pang mawalan ng boyfriend e.

Pero one time, nagpaalam si Mike na may bibilin lang daw siya muna sa tindahan. E sa pagkakaalala ko, sa kabilang kanto pa yung pinakamalapit na tindahan na nakita ko. So ibig sabihin… Oh noes!
Pagkaalis na pagkaalis ni Mike, nilapitan ako ni James. Nung una di ko siya pinapansin. Pero parang palapit siya ng palapit sa akin kaya tinignan ko siya. Shoot. Wrong move! Kasi sobrang lapit na niya sa akin. Waa.
“M-may kailangan ka?” Tanong ko sa kaniya.
“Wala naman.” Sabi niya sabay ngiti.
“E-e bakit ang lapit mo sa akin?”“Bakit? Masama na bang lumapit sa’yo?”“H-ha? Hindi naman pero-”“Pero ano?” Putol niya sa sinasabi ko.
“A-ang awkward kasi e.” Amp. Pahamak na bibig ‘to o. Bakit ka umamin na awkward? Waa.
“Awkward na ba sa’yo ‘to? E ano pa kaya pag ginawa ko ‘to?” Magtatanong sana ako kung anong gagawin niya. Kaso di ko na nagawa. Kasi naman…
Hinalikan niya ako sa lips.

Bumilis ng todo yung tibok ng puso ko. First kiss ko yun e! Tapos idagdag mo pa yung HD ko kay James. Waa. Heart, slow down please? Baka tumalon ka na palabas e!

Pagkatapos niya akong halikan for God knows how long, ngumiti na naman siya. Ako, eto. Nakatulala lang. Di ako makapaniwala na kapatid pa ng boyfriend ko yung magbibigay ng first kiss ko. Pero, I have to say na ang soft ng lips niya.
Parang ang sarap nga talagang halikan.Jusko naman o. Silly thoughts leave me alone!
Gustong gusto mo naman e. Sunggaban mo na kasi!No way! I have to compose myself. Breathe in. Breathe out.
“Uy. Di ka na nakapagsalita diyan.” Sabi niya sabay tapik sa braso ko.
“At ano naman ang gusto kong sabihin ha? Na nasarapan ako?” Oops. Pahamak talaga o.
“Ooh. So nasarapan ka pala.” Tapos lalong lumaki yung ngiti niya. Ano naman kayang nasa isip nito?
“Gusto mo ulitin natin?” Tanong niya tapos yung kilay niya tumataas baba habang suot niya ang kanyang nakakalokong ngiti.
“Ulitin ang alin?”“M-mike?”“Oy. Mike. Sigurado ka bang Section 1 talaga kayo nitong si Aiko? Hindi ma-gets yung lesson e. Tinuruan ko na di pa rin ma-gets.” Huh? Anong pinagsasasabi nito?
“Oo naman noh. Isa pa nga sa top 10 namin si Aiko e.” Di pa rin ako nakakapagsalita.
“Aiko, tara tapusin na natin homework natin.” Sabi ni Mike. Tumango na lang ako at sinubukang mag-concentrate sa homework ko.
Bakit ba kasi ganito e? Ang awkward lang talaga.

Pagkatapos naming gumawa ng homework ni Mike, hinatid na niya ako pauwi. Pero bago ako pumasok ng gate, tinawag niya ulit ako.
“Aiko!”“Hmm?”“Good night.”“Good night din.” Sabi ko sa kanya sabay ngiti.
“I love you.”“I love you too.”“Good night ulit.” Teka. Bakit parang may something dito kay Mike? Di ako sanay na ganito siya.
Nilapitan ko siya tapos may ginawa ako sa kanya.
“Aw! Bakit mo ako pinitik sa ilong?” Sabi niya sabay hawak sa ilong niya.
“Para ma-check kung okay ka lang ba. Kakaiba kasi kinikilos mo ngayon e.”“Okay lang ako noh. Ikaw talaga. Halatang concerned na concerned ka sa akin ah.
”“Che! Tigil tigilan mo ako Mike ah.” Sabi ko sabay palo sa braso niya.
“Halika nga dito.” Tapos hinatak niya ako sabay yakap sa akin.
“Huy. Anong ginagawa mo? Baka makita tayo ng parents ko.”“Ssh. Hayaan mo lang muna ako. Please?”“Sige na nga. Kung di lang kita mahal e.” Tapos lalo niyang hinigpitan yung pagkakayakap niya sa akin. Niyakap ko na rin siya tapos kiniss niya ako sa noo ko.
“I love you Aiko.”“I love you too Mike.” Tapos humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin. Tinignan niya ako sa mata sabay tanong ng…
“Aiko, pwede ba kitang i-kiss?” Ako naman si tanga, naubo sa sinabi niya.
“Aiko, okay ka lang ba?”“Ha? Oo naman.”“Ayaw mo ba? Okay lang naman kung ayaw mo e.”“Ha? Hindi naman sa ganun. Nasamid lang talaga ako. Oo. Nasamid nga lang ako.” Pagkatapos nun, kiniss niya nga ako sa lips. Iba ang feeling. Pero ang alam ko lang…
ang awkward.
