Chapter 32.Meet the Others.Pagkatapos nung sa amin ni Enzo, nagkaroon pa ako ng 2 biktima. Hanggang dalawa lang kasi may nangyari sa buhay ko na nagpa-realize sa akin na dapat na akong tumigil. Gustuhin ko man na turuan pa ng leksyon yung iba pang mga lalaki sa paligid, hindi ko na magagawa. Kailangan ko na rin talagang tumigil. Siguro in a way, may nagawa na rin naman na ako para mabago yung mga buhay nung mga naging biktima ko e.
Una sa tatlong huling biktima ko si Albert. Kaibigan ni Enzo. Well, yeah. Hindi rin ako natiis ni Enzo. Nagkabati rin kami agad. Kahit na hindi pa niya nahahanap yung the one, naging friends na agad kami. Hindi naman dahil sa gusto niya lang turuan ng leksyon yung kaibigan niyang manloloko. Naging friends agad kami kasi…
gusto lang namin. HAHAHAHA.

Siguro yung mission ko kay Albert yung isa sa mga pinakawalang kwentang ginawa ko sa buong buhay ko. Hindi ‘to exaggerated kasi totoo yun. Halos isang araw lang ata nagtagal yung mission ko sa kanya e. Nagtino agad. Naloka naman daw ako don di ba?
Naglalakad kasi ako papuntang library nung bigla siya sumipol. Tinignan ko kung sino yung sinipulan niya. Malay ko ba kung ibang babae yun. Nakakahiya namang mag-feeling di ba? Kahit na feelingera ako at feeling ko na ako yun kasi nireto na ako ni Enzo sa kanya at sinabi ni Enzo yung schedule ko buong araw kay Albert, mahirap pa ring mag-assume ng basta basta.
Kaya nung nasiguro ko na ako nga yung sinipulan ni Albert, lumingon ako sa kanya tapos ngumiti lang ako ng nakakaloko. Yung tipong inaakit siya na hindi. Basta. Di ko ma-explain ng maayos. Pagkatapos nun pumasok na ako ng library. Nagdirediretso ako sa pinakadulong section ng library kasi alam ko walang nagpupunta dun maliban na lang kung may gagawing milagro.
Yep. May ganung section na raw bigla sa library namin. May sofa na nga dun para komportable sa gagawa nung milagro e. HAHAHAHA. To be honest, naloka ako nung nalaman ko na may ganun sa lib. Sinabi lang sa akin yun ni Enzo e. Sinabi raw kasi ni Albert. Tapos ayon. Nagpanggap na lang ako na may hahanapin talaga akong libro sa part ng library na yun.
Swerte ko lang nung araw na yun kasi halos walang tao sa library. Kaya walang nakapansin na pumunta ako sa section na yun. Kasi ang sabi ng iba, pag may nakikita raw yung mga students na pumupunta dun, automatic na na may gagawing milagro. Aba. Ibang milagro naman yung gagawin ko e. Magpapatino lang ako ng tao. Hihihihi.
May kukunin kuno sana ako na libro sa may taas na part ng shelf ng biglang may ibang kamay na humawak sa kamay ko. Napatingin ako kung kanino yun, kay Albert pala.
Malamang. Kung iba yon tumakbo ka na.
“Alin bang libro?” Tanong niya sa akin.
“Uhh, yung color green.” Kinuha niya naman yung sinabi kong libro tapos iniabot niya sa akin.
“Here you go.”“Thanks!” Aalis na sana ako ng bigla siyang magsalita.
“Wait. Aiko, right?”“Yup! Pano mo nalaman name ko?”“Let’s just say that I have my sources. By the way, I liked the way you smile kanina ah. It makes me want to know you more.” Sabi niya tapos hinawakan niya ulit yung kamay ko. I just looked at him then he led me to the sofa.
Pinaupo niya ako tapos umupo rin siya. Inilayo niya yung libro mula sa akin tapos he moved closer to me. I could feel his breath na pero hindi ko na lang muna pinansin.
“Uhh. Ano palang name mo?”“Albert. Ikaw Aiko tapos ako Albert. Bagay na bagay ah? Parehong A.” Di rin naman pala masyadong mahangin ‘tong lalaking ‘to di ba? Kairita lang e. Panira ng mood. Harujusko.
“Ah e. Ganun ba?” Sabi ko tapos pinilit ko na lang na ngumiti.
“Teka. Narinig mo na ba yung balita?”“Ha? Anong balita?” Tanong ko sa kanya tapos bigla siyang natawa. E? Labo lang nito. Seryoso akong nagtatanong tapos bigla akong tatawanan. Bakit ba ang wirdo nitong nirecommend ni Enzo?
“Let me show you.” The next thing I knew, bigla niya akong hinalikan. I was caught off guard so I kicked him in his balls, hard.
“Bullsht! Bakit mo ginawa yon ha?” He said while holding his uhm. You know.
“For two things. First, kasi ang feeling mo. Hindi lahat ng babae magkakagusto sa’yo kaya wag ka masyadong assuming at wag ka masyadong gumawa ng mga how shall I call it? Malalaswang bagay? And second, para sa panloloko mo sa iba pang babae. Serves you right btch.”“Wait. What do you mean?”“Tanga ka ba o ano? Pero fiiiiine. Let’s put it this way. Someone told me that you’re a flirt and a playboy and it just so happens that I hate playboys. So tada! I wanted to give you your lesson. Now let me ask you. Sapat na ba yung isang sipa o gusto mo pa?”“Magtitino na! Promise! Wag mo lang ulit sipaan yung kinabukasan ko.” Napatawa ako sa sinabi niya tapos nagsimula na akong maglakad papalayo sa kanya. Tumigil lang ako saglit para sabihin na…
“Siguraduhin mo yan ah? Pag ikaw nakita ko pang mambababae di lang yan ang aabutin mo. Ciao!” Tapos lumabas na ako ng library.
Yung next mission ko naman ay yung kay Patrick. Isang certified manloloko. Ginagawa lang na display yung mga babae. Kumabaga, masabi lang na sikat siya kaya siya nambababae. Claim to fame niya lang talaga yon. Feeling ko may rason din naman ‘tong lalaking ‘to e.
Paano ko nasabi? Kakilala ko siya nung grade school ako e. HAHAHAHA. Though hindi na ata niya ako natatandaan. -____-
“Patrick!” I called out his name nung nasa may tapat siya ng sasakyan niya. May kasama siyang dalawang babae nung time na yun so di niya ako masyadong pinansin.
Lumapit ako sa kanya tapos tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Nagpanggap pa ako na nagtataka sa hindi niya pagpansin sa akin. Kinamot ko saglit yung ulo ko tapos tinignan ko ulit siya.
“Di ba ikaw naman si Patrick Go?” Tanong ko sa kanya.
“Oo. Halos buong school naman alam yung pangalan ko e. Ano ba yun ha?”“Di mo na ba ako natatandaan?”“Sino ka ba ha? Papansin ka na masyado e.”“E kung sabihin kong alam ko na nadumi ka sa sa—“ Tinakpan agad ni Patrick yung bibig ko kaya di ko natapos yung sasabihin ko.
“Girls, una na muna kami ha? Kailangan lang naming mag-usap nito.” Sabi niya dun sa dalawang babae tapos binuksan niya agad yung pinto nung sasakyan niya.
“Sakay. Dali!” Sumakay naman ako sa loob tapos napangiti ako. Tinigil ko yung pagngiti ko nung sumakay na rin si Patrick sa sasakyan.
Pinaandar niya agad yung sasakyan tapos pumunta kami sa isang bakanteng lote. Humarap siya sa akin tapos bigla siyang nagsalita.
“Anak ng pating naman Aiko! Kailangan pa talagang sabihin yung sa pagdumi part? Masisira image ko niyan e!”“Sorry naman daw. Di mo kasi ako pinansin agad e.”“E sa hindi kita nakilala agad. Sensya na.”“So feeling mo naman okay na tayo sa simpleng sorry mo ha?”“E ano bang dapat kong gawin ha?” Sabi niya sabay akbay sa akin.
“Hoy, anong inaakbay akbay mo diyan ha?”“Alam ko naman kasi na crush mo ko since grade school e.
”“Asa dude!”“Pwede namang umamin na Aiko. Tayong dalawa lang naman ang nandito e.”“Hindi nga eeeeee.”“Bakit? Kasi first love mo ako?” Bigla akong napa-blush dahil sa sinabi niya. He caught me. Oo. First love ko siya. Kahit na hindi kami nagkaron ng kahit anong relationship itinuring ko pa rin siya na first love ko nung bata ako. Kainis lang e. Bakit ba naisip niya yoooon?
“H-hindi kaya!”“E bakit ka nagstammer? Tama ako noh?”“Pssh. Oo na! Tama ka na!”“Pwede naman nating ituloy yung dati e.”“What do you mean?
”“E di magiging girlfriend kita simula ngayon.”“Excuse me?”“Ayaw mo ba?”“E sino bang gugustuhin na maging girlfriend mo kung alam naman nung babae na wala lang lahat yon? Tapos ang dami pang kaagaw sa oras, pagtingin, etcetera, etcetera.” Bigla niyang hinawakan yung kamay ko tapos tinignan niya ako sa mata.
“Gusto mo ba iwan ko lahat nung girlfriends ko para sa’yo?”“Hindi.”“Ha? Bakit hindi?”“Gusto ko matuto ka munang magseryoso. Ang dami ko ng nakilala na nanloloko ng babae. Sasabihin iiwan yung iba pero ang totoo meron pa rin pala. Ayaw ko ng masaktan ulit. When the time comes at handa ka na talagang magseryoso that’s the time na magpapakita ka ulit sa akin. So do we have a deal?” Sabi ko kahit na sa totoo, di ko alam kung kaya ko bang tuparin yung deal na ‘to. Kasi ang totoo, I have Rico.
“Deal. Tara, kain na lang muna tayo. My treat.” Tapos dinala na niya ako sa isang restaurant.