PrologueSa high school nagsimula ang lahat. Wala naman talaga akong balak na maging ganito. Matino naman ako nung bata ako. Pero ewan ko ba, parang biglang nagbago ang lahat nung nag-high school ako. Dahil siguro sa kalokohan ng barkada ko kaya ako nagkaganito. Pssh. Kasalanan nila ‘to e. Pero never mind. I’m loving every bit of having my boyfriends.
Yes. Boyfriends. Playgirl nga kasi ako di ba? Kung iisipin, ang hirap maging playgirl. Lalo pa kung medyo possessive ang isa sa mga naunang boyfriend mo. Pero wala naman kasing pumipilit sa kanila na magtiis sa ganitong sitwasyon e. Choice nila yun. So wala akong kasalanan.

Siyempre pagpasok ko ng 1st year, wala pa akong boyfriend. Mabait pa akong bata nun e. Pero pagtungtong ko ng 2nd year, nakilala ko ang first boyfriend ko. Si Mike.
Magkaklase kami nun. Nung una, di ko siya pinapansin. Mahangin kasi siya. Masyado siyang gwapo. Masyado siyang mayaman. Masyado siyang mataas. Tipong, di ko siya ma-reach. Lahat ng ka-batch naming babae, crush siya pero kapag minamalas este sinuswerte ka nga naman, sa akin pa siya nagkagusto.
Naglalakad ako sa corridor nung bigla niya akong hinarang. Nagtaka ako kung bakit e di naman kami nag-uusap pero bigla na lang niya akong hinatak papasok sa isang room at pinaupo sa isa sa mga upuan.
“Bakit mo ako dinala dito?” Tanong ko sa kanya.
“Kailangan nating mag-usap.”“Tungkol naman saan? E sa pagkakaalala ko, di naman tayo magkaibigan. Hindi nga rin tayo nag-uusap ever e.”“Yun na nga ang problema ko e.”“Huh?
” Di ko maintindihan yung mga pinagsasasabi niya. Kumuha siya ng isa pang upuan at iniharap sa akin. Umupo siya dun. Hinawakan niya yung dalawang kamay ko tapos nagsalita ulit siya.
“Di ko na kaya yung ganito. Kahit di tayo nag-uusap, may naramdaman akong something sa’yo. Alam ko parang tanga lang yung nararamdaman ko pero kailangan ko talagang sabihin ‘to sa’yo. Aiko, gusto kita.”Aiko, gusto kita.
Aiko, gusto kita.
Aiko, gusto kita.
Aiko, gusto kita.Dun pa lang nag-sink in sa akin yung sinabi niya. Gusto niya ako. Di ba dito na dapat yung part na nagtatatalon ako kasi umamin yung heartthrob ng batch naming na gusto niya ako? Pero bakit di ko ma-feel yung ganun?
“Aiko, pwede bang maging tayo?” Tanong ni Mike.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at ang nasabi ko ay…
“Uhm. I love to.”