Teentalk

Poll

inlove ka ba sa best friend mo?

yes.
no.
::)

Author Topic: bestfriend. :) Want soft copy? See page 27.  (Read 20654 times)

.L.

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1822
  • Karma: +296/-38
  • wattpad mode.
bestfriend. :) Want soft copy? See page 27.
« on: October 25, 2010, 02:57:25 pm »
I.
Tumingin ka sa akin at tumingin din ako sa`yo. Nagtitigan tayong dalawa. Ngumiti ka kaya naman ay napangiti din ako. ilang minuto ang lumipas, nagtawan tayong dalawa.

Apat na taon.
Apat na taon na tayong magkasama sa hirap at ginhawa.

Akala ko nung una tayong nagkita, ikaw na ang pinaka kamumuhian kong lalake sa balat ng lupa.

Akala ko lang pala `yun.

Tumatawa lang tayong dalawa hanggang sa huminto ka, napahinto din ako.

“bakit?” tumingin ka lang sa akin na parang may dumi sa mukha ko. ewan ko, natatakot ako. natatakot ako na baka mamaya, sa pagtitig mo sa mukha ko, hindi ka magandahan sa akin.

Nakakatakot.

“wala, cute mo kasi” pinisil mo ang pisngi ko sabay takbo palayo sa akin. Alam mo kasing hahabulin kita. Pero hindi, tumayo lang ako sa kinatatayuan ko at hindi kumibo.

Ngumiti lang ako at inalala ang nakaraan.

First year highschool ng maging magkaklase tayo. Asar na asar ako sa`yo nun dahil sa tingin ko ay ikaw ang pinaka mayabang na lalakeng nakilala ko.

Naaasar din ako sa`yo dati dahil panay ang pisil mo sa pisngi ko. hindi tayo close nun. Hindi tayo magkaibigan, kaya nabibwisit ako sa`yo.

Isa kang malaking papansin, epal at ipot sa buhay ko.

Hanggang dumating ang araw na `yun.

Umuulan ng malakas, wala akong payong na dala. Sumugod ako sa malakas na ulan papuntang 7eleven, ewan ko kung bakit hindi ko itinuloy ang pagsugod ko hanggang sa sakayan ng jeep. Basa naman na ako, ano bang pinagkaiba?

Siguro kasi, wala ka sa sakayan ng jeep.

Nagulat ako pagpasok ko ng 7eleven, mag isa ka lang na nakaupo sa tapat ng salamin at nakatingin sa labas. Tila may sariling utak ang mga paa ko at naglakad papalapit sa`yo. Bago pa man ako magsalita, tumingin ka sa akin.

Para kang nagulat nun. Yumuko ka at kinusot ang mata mo. Nung una pa lang, nahalata ko ng umiyak ka.

Tumingin ka ulit sa akin at ngumiti. Isang pekeng ngiti. Ngumiti din naman ako. dun ko lang narealize, gwapo ka pala.

Apat na taon.
Apat na taon na akong nagagwapuhan sa`yo.

Sa`yo, sa`yo na best friend ko.





heyya guys! rayne here, again. `wag kayo mag alala, short story lang `to. no color coding at hindi ako magrereply dito. kung gusto niyo ako makausap, PM ME.

pero i prefer kung mag cocomment kayo dito para naman mabusog ang puso ko.  i-YAY ko na lang kayo kapag nagreply kayo. sana po walang "first, update na sis, etc" na comment, mas masaya kasi kapag pinapaalam niyo sa akin kung ano nararamdaman niyo habang binabasa ang storya ko.

read and reply, please? :)
« Last Edit: December 22, 2011, 02:54:25 pm by .L. »
Active user of: wattpad | tumblr

raice03

  • jawbreaker
  • *****
  • Posts: 13214
  • Karma: +616/-51
  • I am raice03 and I am Inevitable.
    • Twitter
Re: bestfriend. :)
« Reply #1 on: October 25, 2010, 03:02:14 pm »
Ewan ko ba kung bakit pero feel na feel ko yung mga nangyayari nung binabasa ko 'to. Hay. Grabe ka lang talaga Rayne. Ibang klase ang powers mo. Hands down talaga ako sa'yo. O0

curiousity kills

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3049
  • Karma: +265/-32
  • crazy chicken. <3
Re: bestfriend. :)
« Reply #2 on: October 25, 2010, 03:12:50 pm »
ay syet. may naalala ako. lmao.
SUPPORT ULAAAAAN! :D

hugz_n_kissez

  • taffy
  • ***
  • Posts: 446
  • Karma: +102/-13
  • .:.toxic duties!!.:.
Re: bestfriend. :)
« Reply #3 on: October 25, 2010, 03:14:36 pm »
NICE!!! another story nanaman na dapat abangan araw-araw :)

and YES! nainlove na ako sa bestfriend ko :)


.:.your face is like a moon.. in my empty room .:.


yanyan7192

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4759
  • Karma: +330/-74
  • Hate, haters.
    • Formspring
Re: bestfriend. :)
« Reply #4 on: October 25, 2010, 03:14:39 pm »
Syempre support ko `to.

x-iRis-x

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3229
  • Karma: +192/-44
  • Hasta la vista, BABY
Re: bestfriend. :)
« Reply #5 on: October 25, 2010, 03:17:31 pm »
Support   :D
Magiging inactive na

veejay28

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 520
  • Karma: +64/-3
  • random stranger ♥
Re: bestfriend. :)
« Reply #6 on: October 25, 2010, 03:25:55 pm »
Since I've always been fascinated with besfriends-turned-lovers story, I'll read this one! :)

prom_princess08

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2451
  • Karma: +294/-31
  • Drexandra. :)
Re: bestfriend. :)
« Reply #7 on: October 25, 2010, 03:53:45 pm »
Naman Rayne. :D Nakuha mo ang swak sa panlasa ko.  :D ;D :D First year.. parang kami lang. ano ba yan Rayne! haha. ang pinagkaiba lang.. :/ sa pahuli ako nabwisit sa kanya.  :-[ :-\

sweetrax

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2984
  • Karma: +303/-25
  • My name is Aei.
Re: bestfriend. :)
« Reply #8 on: October 25, 2010, 04:13:55 pm »
Rayne! Reply lang muna ako ha? Para pag nag-update ka ulit, lalabas sa new replies to post. Bukas na ako magbabasa at magbibigay ng matinong comment. May pahabol na exam pa ako e. Pero makakaasa kang babasahin ko ito. :)

Carmi!

  • jellybean
  • **
  • Posts: 202
  • Karma: +11/-0
Re: bestfriend. :)
« Reply #9 on: October 25, 2010, 04:24:19 pm »
Ang cute naman nito. ;D Follow ko. :)
I'm Carmi by the way. 8)

ckaichen

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1487
  • Karma: +49/-11
  • I shouldn't love you, but I want you...
    • STORY OF MY LIFE
Re: bestfriend. :)
« Reply #10 on: October 25, 2010, 04:25:58 pm »
cute. may na feel ako'ng kakaiba while reading this.
I'm going to support this. :)

hsmstarboy

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 10
  • Karma: +1/-4
  • TeenTalker
Re: bestfriend. :)
« Reply #11 on: October 25, 2010, 04:27:02 pm »
NICE :))

xajxiajxD

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1165
  • Karma: +43/-3
  • k'die
    • TUMBLR
Re: bestfriend. :)
« Reply #12 on: October 25, 2010, 07:13:03 pm »
waaag ka mainlooove sa bestfriend mo :D :D :D

support ko po to ;)

im xaj po ;D
Be a lady,not a !@#$.

aishiteruhachi

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2371
  • Karma: +217/-19
  • Status: SINGLE
    • tumblr
Re: bestfriend. :)
« Reply #13 on: October 26, 2010, 01:19:13 am »
whooo! support to em. :> bestfrieeeend :))
It's the Music Of  Our Hearts and
My love chance that keeps us from being Strangers Again...

alena_o4

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2908
  • Karma: +135/-9
  • bLuez!.♥
    • oh so precious blog. ;)
Re: bestfriend. :)
« Reply #14 on: October 26, 2010, 01:22:22 am »
huwaaaaw. i am speechless. haha.
pero nabitin ako. whahaha. :D

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website