yehey! I thought readers will leave me after a long pause. But instead, I earned more of you guys though some really left me(I think). Anyway, keep on reading, supporting and most all, leave a comment that will encourage me to write more. Oryt? \(^v^)/
- Denny with l♥ve. ☺
this chapter will be more likely to just introduce the main characters. As you'll see, entry #1 is just the repetition of the prologue's entry. : p
Entry // One"Eya, table # 7!" "Eto na, saglit lang!" sigaw ko sa counter habang nasa loob ako ng staff room at nagtatali ng buhok. Andito ako sa part time ko ngayon, part time bilang isang waiter sa kilalang restaurant ng tito at tita ko. Part time na walang sweldo. Well, may sweldo pero ang sweldo ay pinangako nila sakin na sila lahat ang magbabayad ng expenses ko sa school which is actually a little bit unfair. Scholar kasi ako sa school which means wala ng problema sa tuition ko at allowance, ang babayaran na lang ng tito at tita ko ay yung mga miscellaneous fees. Pero pumayag na rin ako sa deal na yun since libre na ang lunch at dinner ko dito sa restaurant nila. Ang pinoproblema ko na lang madalas sa sarili ko ay ang pambayad ko sa rent, bills at unexpected fees such as medicines since wala naman akong kinikitang pera dito sa part time na 'to. Minsan kumukuha na lang ako ng mga small work para kumita ng pera, pero hindi po ako nagtutulak ng drugs or nag-aabort whatsoever, matino naman yung mga kinukuha kong small works. For example, ako yung nagtututor sa anak ng kapitbahay ko everytime may mga tests sila o kaya ako yung naglalaba ng damit nila.
Wala na akong parents, namatay sila sa car accident when I was 10 and since then ako na yung nag-alaga sa sarili ko. Wala kasing kumupkop na kamag-anak sakin dahil ayaw nila ng pabigat, pero dahil sa kapatid ng mama ko si tita hinayaan nila akong pagtrabahuhin dito sa restaurant nila at sila na ang nagasikaso sa pag-aaral ko. Pero hindi rin ako masaya sa ginawa nilang pagkupkop sakin, parang hindi rin kasi kamag-anak ang turing nila sakin, parang pabigat lang din. Nakakaasar kumbaga. Tsk. Pede na akong umiyak, andrama ng buhay ko. Bukas makalawa, nasa MMK na ang storya ko. Ajujuju.
"Hoy Eya, ang tagal mo aba! Kunin mo na yung order nung table number 7!" "Opo! Opo! Andyan na nga po!" lumabas na ako ng staff room, secretly making faces, kinuha ko na yung notebook at paper na pagsusulatan ko ng order at nagdiretso na sa table number 7.
Palapit na ako sa table at nakita kong isang lalaking nakatalikod mula sakin at isang babae ang nandun, couples ata. Maganda yung babae, mahaba ang buhok na kulot na color auburn. Maputi sya, matangos ang ilong, may cleft chin sya tapos ang pula ng malalaman nyang lips. Color blue ang mga mata nya, absolutely foreign.
"Goodevening maam and sir, may I take your orders please?" nakasmile kong bati sa kanila pagdating ko sa table nila pero nabigla na lang ako sa nakita ko.
"Wait, you look familiar..." tinuro ako nung guy, sya yung "oras guy", sya yung nagtanong sakin nung isang araw kung anong oras na pero katangahan naman yung sinagot ko. Shet. Taken na sya? Aaaw. /sad face
Pero taken man sya o hindi, as if naman mapapansin nya ako diba? Sino ba naman papatol sa katulad kong long lost sister ni Shrek?
"D'you know her, Chad?" pagtatanong nung pretty girl, she has a very melodic voice and an awesome British accent. Wait, his name is Chad? Oh gosh, so masculine and so handsome. (>_<)/♥
"Err... I don't know..." medyo parang nadisappoint ako sa sinabi nya, he doesn't know which means he doesn't remember me. Pero drama ko lang yun, expect ko naman na hindi nya na maalala 'tong pagmumukha kong 'to except kung natrauma sya sa kapangitan ko.
"Ah! I know! I remember, ikaw yung girl from Willford Academy... The one I asked for the time then you answered me---""Ahh! I need to get your orders now, I can't talk to customers. Please give me your orders." natatarantang sabi ko dahil ayaw kong ituloy yung sasabihin nya. Nakakahiya baka marinig nitong kadate nya, tsaka ayaw ko na rin maalala yung katangahang sinabi ko that day.
"Oh," he smiled! So cute...
"I'll take roasted beet salad.""Roasted Beet Salad..." I murmur as I jot it down on my notebook, then I look at the girl with her,
"How about her, maam?""I would want the braised kurobuta pork belly, please.""Any side dishes?""For us, creamed emmer would be fine." "Okay, drinks?""A bottle of red wine and water.""Okay, one roasted beet salad and a braised kurobuta pork belly for the main course, a creamed emmer for the side dish and a bottle of red wine and water for drinks. We'll serve it right away." paalis na sana ako nun nung may tinanong ulit sakin si "oras guy".
"Can I ask you one thing, miss?""What is it sir?""Do you like me?" seryoso nyang sinabi yung mga salitang yun na syang ikinabigla ko pati nung girl na kasama nya.
"Eh?! Sir?! What are you talking about?!""Chad!""Just answer me miss, do you like me?" he's looking directly in my eyes that got me uneasy.
"I- I need to go sir, we have lots of customer to take care of. Sorry." at nagmadali na akong bumalik sa counter, pinasa ko yung order nila dun at nagtago ako sa staff room.
"Sheeet. Ano yun?!!"///
KRINGG! KRINGG!!Tapos na rin ang klase. Ako ang huling lumabas ng classroom kasi ako ang na-assigned na taga linis ng classroom. Nagkaroon kasi ng botohan ng class officers, at ako ang napagkatuwaan nilang iboto bilang "class maintenance president". Err. Yeah, right. Oo na lang ako. Eto role ko bilang panget sa school ng magaganda at gwapo, isang hamak na invicible person.
Nang matapos na akong maglinis, naglakad na ako sa hallway habang nasa kamay ko ang mga libro ko at nagsimula ng dumayo sa kalawakan ang aking isipan.
Natatandaan ko, dito sa same hallway na 'to ko unang nameet si Chad at dito nya rin tinanong sakin kung anong oras na. Crush na crush ko talaga sya, ang gwapo nya kasi. Pero after that incident sa restaurant, hindi ko na nakita yung Chad. Ewan, masyado atang malaki ang campus para pagtagpuin ulit ang mga landas namin. Pero mabuti na itong ganto, sobrang hindi ko kasi makalimutan yung tinanong nya sakin sa restaurant.
"Do you like me?"Bakit nya kaya tinanong yun? Siguro gawa rin nung sinagot ko sa kanya dati nung tinanong nya ako ng oras, masyado kasi akong naging obvious. Pero kasalanan ko ba kung sobrang gwapo nya? Kasalanan ko ba kung nalaglag ang panty ko sa kagwapuhang taglay nya?
Pero dahil sa na-absorb na ako sa mga thoughts ko, hindi ko namalayang nasa dulo na pala ako ng hallway at sa dulo ng hallway ay may three steps stairs. At dahil nga sa hindi ko namalayang may hagdan, nagdire diretso ako sa paglalakad dahilan para matapilok ako sa hagdan na yun at magplakta ang mukha ko sa may damuhan. Sa end ng hallway ay ang green ground ng school kung saan maraming benches at maraming studyanteng nakatambay lalo na ngayon na tapos na ang mga klase. Nakakahiya kasi nadapa ako sa isang open space at nakita kong madaming tao pero ang maganda dun, walang nakapansin sa pagkadapa ko.
Lahat sila busy sa mga kani kanilang ginagawa, meron din naman akong nakitang nakatingin sakin pero hindi nila inaksaya ang oras nila sakin at inismid lang ako. Since panget ako, pagaaksayahan pa ba nila ako ng oras? Yun lang siguro advantages ko dito, walang may pakelam sakin dito. Walang papansin dito sakin kahit mangulangot ako anytime I want, wala silang pakelam sakin at hindi nila ako pagaaksayahang tignan o husgahan kahit isang segundo lang dahil nakatatak na sa isipan nila na isa akong hamak na panget na hindi mamalayan kung paano sa lupalop ng mundo ako nakapasok sa maganda nilang school. Isa akong invicible.
Ligtas na sana ako sa kahihiyan at taimtim na akong tumatayo at inaayos ang sarili ko kung hindi ko lang narinig ang isang mahinang tawa sa likod ko.
"Hahaha! Panget na nga, lampa pa." napatingin ako sa likod ko para lang makita ang isang lalaking tumatawa, ang puti at pantay na pantay ang mga ngipin nya. Tapos ang pula pa ng mga labi nya at sobrang kissable. Then he has this prominent and broad cheekbones, developed brows, and chiseled jawlines that is awesomely super musculine. Ang puti at ang kinis ng mukha nya,there aren't any spot of pimples or blackheads. Ang tangos pa ng ilong and he has dirty blonde hair! Foreign-ish.
"Kung iisa isahin mo sa utak mo ang physical attributes ko baka madefine mo ang salitang perfect. Sige, mauna na ako. May shooting pa ako para sa Bench. Sa susunod, stop drooling around when you're walking in the hallway para hindi ka magtagasa dyan at magmukhang malaking tanga." tumawa ulit sya at sabay nilagpasan na ako. Naiwan akong nakatulala dun. Foreign-ish with a fluent Tagalog accent.
And wait, what the perk did he just said? Ang yabang! Shet lang.
Dear Diary,
Today nadapa ako sa may hallway. Walang nakapansin, buti na lang panget ako.
-Eya
PS. joke lang, nakita at pinagtawanan ako ni Cross, schoolmate kong model ng Bench.