Chapter 2Vacant na namin, dalawang klase na ang natapos namin pero yung mayabang na si Roll hindi pa rin tumatawag.

Grr! Hindi naman sa inaantay ko yung tawag niya

baka kasi tumawag na naman siya kung kalian may klase na naman kami.
Haist! Saan kaya nakuha ng kumag na yon yung number ko? Yeah tama, siguro kay Mica, Kanino pa nga ba.
Andito kami ngayon ni Lia sa luncheonette.
“Ano hindi pa rin ba tumatawag si Roll?” Tanong ni Lia.
Umupo ako sa kaharap ng upuan niya.
“Hindi pa.” Walang kwenta ko sabi. Gutom na talaga ako.
“Kayo ah? Kailan pa kayo naging textmate ni Roll?” Ay naku! Lia gusto mo sapak.
“Gusto mo sapak? Textmate ka dyan! Tignan mong kanina ko lang nalaman na siya pala yung tumatawag kanina eh.” “Ang sungit mo ah, in fairness!! Parang niloloko ka lang. Pagsi Roll ang pinag-uusapan natin lagi kaagad mainit ang ulo mo. Ganun ka ba kainis sa kanya?” Nanghahabang nguso ni Lia. Halatang nang-iinis na naman ‘tong bruhang ‘to.
“Hindi naman, basta badtrip lang talaga ako sa taong yun. Napakayabang kaasar.” Ewan ko, pero hindi ko talaga trip ang lalaking yun Makita ko lang mukha non parang umaakyat na lahat ng dugo sa katawan ko.
“Yup, may pagkamayabang nga yun pero may “k” namang magyabang, medyo masungit din pero mabait naman yun at gwapo pa.” Kinikilig na sabi ni Lia. Hala! Kinikilig ka pa dyan isumbong kaya kita kay Mark.
“Gwapo, oo sige sasabihin ko pang super pero mabait ewan di ako sure pero sige pwede na rin.” Well, pwede na nga rin siguro. .kasi tinulungan niya ako nung isang araw.
. .tonight will be the night that I will fall for you. . Calling
+63917*******
“Si Roll na ba yan? Sagutin mo na dali, nang malaman natin kung bakit siya tumatawag.” Hay grabe! Kinikilig ang lola ko.

Naku! Lia lagot ka talaga kay mark pagnalaman niya ‘to.
Sinagot ko na ang tawag ni Roll.
“Yes.” Walang kakwenta kwenta kong sabi.
“Ano’ng oras ang labas mo?” Cold, as usual. Haist! Talo talaga ako sa taong ‘to.
“At bakit mo tinatanong?”
“Basta. Ano nga ang time na labas mo?” Demanding ang lolo ko.

Sapakin kaya kita.
“Eh, bakit nga? Susunduin mo ba ako?” Hahaha. . lakas ko no?
“OO.” WHAT? Hala! Sususnduin nga ako. .bakit naman? Close?
“Susunduin mo ako?”
“OO nga! BINGI KA BA? Ang kulit mo! Kaya sabihin mo na kung ano ang oras ng labas mo.” Naku!

Kaaasra ah! Nagsisimula na naman akong maiirita. Napakademanding mo talaga!
“Eh bakit mo nga ako sususnduin?” GRRRRRRR!!! Mukha na akong manganagin ng tao! Kaasara ka talaga ROLL!!
“Meron lang tayong pag-uusapan, IMPORTANTE!” Talagang pinagkadiinan pa ang salitang IMPORTANTE ah.. Ano naman kaya yun? A ???t gaanong ka-IMPORTANTE?
“Gaano ba yan ka-IMPORTANTE ha? Bakit di mo na lang sabihin ngayon?.” “Basta! Importante at hindi pwedeng pag-usapan lang sa phone, ok?” OH, Lord give me patient! Nauubosan na ako ng pasensya sa taong ‘to! Siguro kung magkaharap lang kami kanina ko pa ‘to nasakal. GRRRRRRRRR!!!
Huminga ako ng malalalim. PATIENT! PATIENT! PATIENT! Madali kang tatanda n’yan ZEPH!
“So, ano na ang oras ng labas mo?” Tanong na naman ni Roll.
“Okay, 2:30 ang labas namin. Masaya ka na.” “Ok, 2:30, sige antayin na lang kita sa labas ng school n’yo. ” Then he ended the call
Basta ko na lang nilagay yung cellphone ko sa loob ng bag ko. Gosh! Nasira na naman ang araw ko. Bwiset kang Roll ka bakit ka pa napunta sa mundo ko?
Buong klase namin walang ginawa si Lia kundi asarin ako. Tanong ng tanong kung bakit ako susunduin ng kumag na si Roll. OH MY! For Pete sake, as if naman na alam ko. Eh sa akin nga ayaw sabihin eh.Super sira na talaga ang araw ko ngayon and it’s all because of HIM!
ROLL!!!
Hanggang sa mag-uwian. .At gaya ng sabi ng Kumag na yon hinintay niya nga ako.
“Akala ko ba 2:30?” Bungad kaagad sa akin ni Roll pagkalabas ko ng gate.
Kundi niyo po alam 3 o’clock na.
Malay ko ba kung totoong sususnduin niya ko at talagang sinadya kong magpatagal sa loob ng school para inisin siya kung sakaling totoong sunduin niya ko. And I won, YEAH!

Pasalamat siya mabait pa ako dapat nga gagawing ko pang dalawang oras ang paghihintay niya eh.Hahaha. Gantihan lang yan.
“Nag-overtime kasi yung Prof. namin sa statistic
at nag-usap-usap pa kami tungkol sa group report namin. Diba Lia?” Tinignan ko sa mata si Lia na parang sinasabing “Makisama ka na lang.”.

She smiled at me.
“Oo, sensya ka na ah.” Yes, kaibigan ka talaga Lia.
“Talaga lang?
” Hala! Mukhang hindi kumbinsado ang lolo mo. Hindi ba kami marunong magsinungaling?
“Sige na exit na ako sa inyo. Baka makaistorbo pa ako sa date ninyong dalawa.” “ASA!”

Halos sabay naming sabi ni Roll.
Tapos umexit na nga ung bruha.
Sa Max ang napili niyang lugar para mag-usap at kumain (at syempre libre niya). Feeling ko tuloy nagdadate nga kami dahil kaming dalawa nag magkasama. Na-conscious tuloy ako bigla. At yung mga babaeng kumakain din dito kanina pa tingin ng tingin kay Roll.
Naririnig ko pa yung sabi ng iba na.. .
“Super cute naman ng papa niya.” Grabe dinaig pa ang bakla.
“Kainggit naman ‘tong babaeng ‘to. Sana ako na lang ang kasama non.” Edi palit tayo, as if naman ang saya-saya kong kasama ‘tong taong ‘to no. Hmmp! Kung alam n’yo lang ugali nito.
“I think hindi sila bagay. Look at that girl hindi siya maganda at pandak niya pa. Mukha tuloy silang David and Goliath at Beauty and the Beast yung girl si beast *<tawa>*” Beast pala ah!

Sapakin kaya kita. Kala mo kung sinong maganda. Mas may itsura pa nga sayo ang aso eh. GRRR.
[/i]
Kaasar!

Then I look at Roll. Nakatingin lang din siya sa akin. Naman, bakit ganito makatingin ‘tong lalaking ‘to? May dumi ba ako sa mukha?
“Ano bang pag-uusapan nating IMPORTANTE? Pakidalian lang at gusto ko ng umuwi.” Iritable kong sabi.
“May problema tayo.” Tayo?
“Problema? Ano namin problema yan at talagang kasama pa ako?.” “
Gusto kang makita ng mga magulang ko lalu ng lola ko. And they want you to come with me on Saturday sa bahay namin.” What?!? At bakit naman? Close kami?
“At bakit? Hindi naman kami knowings ng family mo as in wala akong ibang kakilalang kamag-anak mo kundi si Mica. Ano naman ang kailangan nila sa akin?” Nakakaintriga ah. Ano bang kinalaman ko sa pamilya niya.
“Basta, they want to know you tapos.” Kumunot lalu yung noon g kumag na’to.
“Tapos?!? Are you out of your mind? Bakit naman ako sasama sa’yo para makilala ang pamilya mo? Bakit close ba tayo? Boyfriend ba kita? Hindi naman ah. . so walang dahilan para makipagkita ako sa kanila” Kaloka ka!
Hinilamos ni Roll yung kamay niya sa mukha niya. Mukhang lalung nairita ang lolo n’yo.
“Alam mo ang hirap n’yo talagang intindihing mga babae. Sumasakit ang ulo ko sa inyo. Pwede ba nakikiusap ako sa’yo please lang sumama ka na sa bahay para matapos na ‘tong problema ko. Nang matigil na rin ang pangungulit sa akin ng mga ate ko at lalung lalo na ng lola ko.” Nakiki-usap ka na n’yan? Eh parang nag-uutos ka nga eh kesa nakiki-usap.!!
“Ano bang dahilan at gusto nila akong makilala?” Siguro naman meron diba?
“Dahil. ..” Huminga siya ng malalim. Talagang binitin pa yung sasabihin, Sosyal!
“. .akala kase nila girlfriend kita.. and it’s all because of my brother-in-law, yung doctor na tumingin sayo ng dalhin kita sa hospital nung Monday.” WHAT!?!
“HUH?!? May toyo ba si Doc. Pa’no niya namin nasabing girlfriend mo ko.” “Baah ewan ko.” “Ewan mo? Ang weird naman non.”
Nakakaloka talaga. Ano bang problema ng mga kamag-anak ng lalaking ‘to. May sakit ata ang mga yun na TAMANG HINALA!
Natahimik kami sandali. Nakatingin lang siya sa akin. Nakikipagsukatan ata ‘to ng tingin eh. Talo ako! Suko ako, na-coconscious ako pagtinignan ako ng ganyan.
“Please, sige na. Matapos lang ‘tong problemang ‘to. Tulungan mo na ako because I’m really sick and tired of them. Please lang.” Naging malamlam yung eyes niya. Mukhang nakakaawa. Haist!Oshas Marimar sasama na.
“Okay. Ano’ng oras? Sunduin mo ako ah” “4 o’clock ng hapon. Sige susunduin kita sa inyo” He smiled.
Mukhang hindi ko gusto ang mangyayari.
[/color]