Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Visit our new Candy Blog for the latest news and updates from Candy editorial team!



Poll

What kind of reader are you?

Active
Silent
both. it depends.
hindi ako reader. trip ko lang makivote.

Author Topic: I Courted Him. BOOK 2 CHAPTER 39  (Read 78383 times)

arbiexoxo

  • taffy
  • ***
  • Posts: 300
  • Karma: +15/-4
  • Hopelessly in love with my BFF (^^,)
Re: I Courted Him. CHAPTER 36! Explanations! pg. 93
« Reply #1395 on: October 19, 2012, 11:58:37 pm »
Ohmy!!!! Worth the wait!! =))) I really love this update! Keep up the good work! :D
Curiosity didn't kill the cat
BOREDOM  did...

xajxiajxD

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1157
  • Karma: +47/-3
  • k'die
    • TUMBLR
Re: I Courted Him. CHAPTER 36! Explanations! pg. 93
« Reply #1396 on: October 20, 2012, 09:14:30 am »
WAAAAAAAAAA DREXANDRA <3
Tsk, makamoments naman, sumisimple na talaga si Drew HAHAHA malapit na malapit na Alex! <3
Be a lady,not a !@#$.

prom_princess08

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2512
  • Karma: +298/-33
  • Drexandra. :)
Re: I Courted Him. CHAPTER 36! Explanations! pg. 93
« Reply #1397 on: October 20, 2012, 12:56:19 pm »
MA, kasali ka rin pala sa mga nakikihati sa puso ni PachuBabes! :)))

Hindi no! Ako kaya ang totoo niyang mahal. :P hahahaha

OMG! kakakilig talaga ang DREXANDRA! <3 salamat po sa pagsasabi pag may update  :) favorite ko talaga ang story na to sana po makapagupdate kayo ngaung sem break :)

syempre, bonus ko na 'yun sa sobrang tagal ko magupdate. hahaha. :> yay, thank you. :) yup. sana talaga makarami ako this sembreak. :)


Ohmy!!!! Worth the wait!! =))) I really love this update! Keep up the good work! :D

Thank you po. :">

WAAAAAAAAAA DREXANDRA <3
Tsk, makamoments naman, sumisimple na talaga si Drew HAHAHA malapit na malapit na Alex! <3


Ay, malapit na ba? Hahaha. :") Thanka!

hanee29

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 60
  • Karma: +1/-1
  • TeenTalker
Re: I Courted Him. CHAPTER 36! Explanations! pg. 93
« Reply #1398 on: October 21, 2012, 08:17:03 am »
Kinikilih ako sa kanila ni drew.  :">
I love Jake Vargas :">

prom_princess08

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2512
  • Karma: +298/-33
  • Drexandra. :)
Re: I Courted Him. CHAPTER 37! Day with the moms! pg. 94
« Reply #1399 on: October 21, 2012, 01:02:55 pm »
hanee29: thank you! <3

CHAPTER 37


Sinehan. Madilim. Malaki ang space sa likod. Malamig. Pero bago pa man makarating sa kung saan ang mga imahinasyon niyo, asa taas kami ni Drew, pero gitnang part kagabi. Walang nangyari sa’min, okay? Lalaswa niyo. Hahaha. Ang kapal ng mukha niyong husgahan ako na porke kami lang ni Drew, momolestyahin ko na siya! Sorry, pero takot na takot ako kagabi kaya nawalan ako ng lakas para magawa kung ano man ‘yan iniisip niyo! Joke lang. hahahaha. Pero seryoso, matinong tao naman kami ni Drew. Hahahaha.



Di na rin kami kumain kasi busog pa kami. Nagstay kami doon sa coffee shop diba. Parang matamlay din si Drew pagkatapos. Baka di kinaya ‘yung sparks.  :D Loljk. Masama daw pakiramdam niya kasi. Naulanan daw sila kanina pagbaba mula sa parking. Pero dahil may kotse ako at may kotse siya, umuwi na kami ng magkahiwalay.


“Thank you, Drew. Ingat ka.” O diba, parang date lang talaga. Haha! Tapos pinat lang niya ang ulo ko. Magingat din daw ako. Yun na. Walang hug. Walang kiss. Di kami PDA. Di rin naman kami e. :\ hahaha.


Kagabi ‘yan. Ngayon, andito ako nagogroceries, umagang umaga. Naggegeneral cleaning kasi si mama and ‘yung mga kasambahay. Ako na lang daw maggroceries para masarap pagkain namin after ng paglilinis nila.


Noong tapos na, nasa kotse na ako at nagdadrive pauwi, nakita kong naglalakad si Mommy (ni Drew). Nandito na kasi ako maybe 2 streets away from Drew’s house. Doon ata ‘yung babaan ng jeep. Bakit siya nagbyahe e ang dami niyang dala? O_O


Tumigil ako sa tapat niya. Waa, ang ganda talaga ng mommy ni Drew. Nakakastarstruck. Haha. Maganda rin naman ang nanay ko. Pero magkaiba beauty nila. Isang tingin mo pa lang kay mother, kita mo na agad na bubbly. Si Mommy naman, parang nakakapanganga na lang, at mukhang nakakahiya lapitan.


“Good morning po, mommy. Sabay na po kayo.”
“Uy, Sandra, ay, Alexandra pala. Hindi na, dalawang blocks na lang naman e. At mommy na talaga ha.”
Aw, bakit ko ba kasi siya tinawag na mommy! Hahaha. At igagawa pa ako ni mommy ng bagong nickname. Hahah. 


“Ay sorry, tita.” Tumawa lang siya ng bahagya. “Alex na lang po. Sige na po, ang dami niyong dala e.” Binuksan ko na ‘yung pinto. Wala na siyang choice. Haha.
“Di, ikaw na bahala sa gusto mong itawag sa’kin. Salamat ha. Pinaayos kasi ni Drew ‘yung kotse, nagkaron ng sira.”
“Ha? E gamit pa lang po niya kagabi ah.”
“Matagal nang may problema ‘yun. Sinusumpong kasi. Magkasama pala kayo? Kala ko si Ly ang kasama niya.”
"Ay. Opo, nagkakita kita kami kasi andun lang din po ako. Saktong kinailangan agad umalis ni Ly."



"Ah. So nakilala mo na pala siya?" Nagsmile siya na parang naaaliw. Napatingin naman siya sa mga paper bags ng pinamili ko sa likod. “Namalengke ka rin?”
“Opo, pero sa grocery store po.”
“Sa susunod, try mong mamalengke. Mas malaki ang matitipid mo.”
Oo nga naman. Gusto ko ‘yun, para mtuto din ako. Papaturo pala ako sa mga kasambahay namin. Pero di ko inexpect na sa palengke siya namamalengke. Ang classy kasi talaga tingnan ng mommy ni Drew. Parang nakakaintimidate na hindi.
“Sige po. Next time, try ko. :)
“Marunong ka ba?”
“Papaturo pa lang po,”
I smiled, ashamed.
“Samahan kita next time. Sabihan mo lang ako.”
“Ay, wag na po. Abala pa ‘yun.”
“Hindi. Basta ha.”



Nakarating na kami sa bahay nina Drew. Dinala na namin ‘yung mga pinamili niya sa kusina nila. Paalis na dapat ako kaso ihing ihi na ako. Hahaha.


“Ay, mommy, pwede po ba maki-cr?” Nag-akma akong pupunta doon sa CR na itinuro dati ni Drew. Tanda niyo? Noong LQ pa kami? Chos. Hahah. At kung saan naiwan ni Jude ang undies niya. Hahahha.


“Naku, inaayos ‘yung sirang tubo diyan e.” Ang daming sira ngayon sa kanila ah. Kaya pala nadamay ang ulo ni Drew. Mehehe. Ako magaayos ng buhay nila. Chos.


“Doon na lang sa kwarto ni Drew. Alam mo na naman ‘yun.”
“Ay, jumping into conclusions. Hindi ko pa po napupuntahan ‘yun ever.”
Napatawa naman siya doon.
“Ganun ba? Haha. Sige, akyat ka diyan. Turn left. Tapos ‘yung patatlong kwarto.”


Umakyat ako at hinanap agad ang banyo sa kwarto ni Drew. Sobrang naiihi na talaga ako e. Sorry naman. Haha. Paglabas ko ng cr niya, saka ko pa lang inobserbahan ang kwarto ni Drew. Malinis. Okay ang kama. Pero di naman sobrang OC-looking. May magulo din naman sa study table niya. And naalala ko, ‘yung banyo niya, walang nakasabit. O anywhere. Haha.


Napatingin ako sa kama ni Drew. Umupo ako doon para.. wala lang. Ifeel. Soon, kama ko na rin ‘to e. hahaha. Joke. Humiga ako, pero nakalawit ‘yung legs. Gets niyo na ‘yun. Sa paghiga ko, nauntog ang ulo ko sa matigas na bagay. Oops, cell phone ni Drew.


Kinuha ko. Syempre wallpaper agad ang tiningnan ko.  Sila ng mommy niya. Aw, bakit di na lang ‘yung pictures namin? Ang dami dami e. Haha. Jk. Wait, chance ko na ‘to. Sakto, magagamit ko ‘to para doon sa plano kong gift kay Drew. Iba ‘yung original plan ko, kaso delikado kasi ‘yung planong ‘yun e. Ito na ang best.


Hinanap ko kaagad ang pangalan ko sa contacts niya at pinaltan ang nakasave na pangalan. Kung ano ang ipinalit ko, akin na lang ‘yun. :P


Nagmasid ulit ako sa kwarto niya at nawirduhin sa malaking frame na nakasabit sa room niya. Painting siguro, kaso nakaharap sa wall. Whut. Tapos ‘yung likod ng painting (na nakaharap sa’kin gets?) may nakasulat na For Her. Damn. Para kanino naman kaya ‘yun!


Ihaharap ko sana ang painting na ‘yun kaso tinawag ako ni mommy.
“Alex, nakita mo ba?"
"Opo."
"Dito ka na kumain ha. Bilang pagpapasalamat ko na rin sa’yo.”



Bumaba na ako bago pa mapagisipan ng kung ano. “Naku, mommy, I would really love to, kaso magluluto po si Mother e. Gamit din ‘yung mga pinamili ko. Next time po, if di pa expired ‘yung offer. :D
“Sige. Walang problema. Next time ha. :)
“Kapalit na lang po, wag niyo na lang sabihin kay Drew na pumunta ako dito ha.”
“Ay. Magkaaway?” At kahit nagjoke siya, ang lumanay pa rin niya. Wow. Si mommy ‘yung tipo ng tao na kahit di sila super yaman, punong puno ng elegance. Nahiya naman tuloy ako sa kanya. Barako ako e. Hahah. Sana di ako mahirapan na iplease siya.


Nginitian ko na lang siya. Tapos nagpaalam na ako. Nagbless na lang ako tapos umalis na. Nahiya ako magbeso e. Lol. Parang ang kapal ko naman.


Umuwi na ako at tumulong sa paglilinis. Noong nakapagluto na si mother ng kanyang specialty na Beef Steak A La Crema. Kumakain na kami at nagkwentuhan. Kwinento ko sa kanya ‘yung pagkikita namin ni Mommy. Alam naman ni Mommy lahat e. Pati nga 'yung regalo ko kay Drew.


“E ano ba Alex, ha. Kamusta na kayo niyang si Drew? May progress ba?”
“Hindi ko masabi mother e. Wala namang siyang sinasabi. Di ko rin naman mapagkakatiwalaan ang kilos niya kasi most of the time, weirdo siya.”
“Pano?”
“Tawa lang ng tawa. Tulad kahapon, di man lang nagselos sa’min ni Pachu, samantalang ako, makakapatay na. Parang natatawa pa siya sa’kin. Alam mo ‘yun, Ma. Nakakainsulto. Ang tagal tagal ko nang naghihintay. May mga moments na sweet siya. Tulad noong pinahawakan niya sa’kin ang kamay niya sa sinehan. Pero di ko talaga alam kung may gusto na ba siya o wala. Kasi pwedeng sa sobrang pangungulit ko o ano, naaliw na lang siya sa’kin. Baka nga masisterzone pa ako. Di ko alam talaga ma e. Sa sitwasyon ba namin, mahirap pa ba sa kanyang umamin? Diba?”
“Nasasaktan ka na ba?”
“Lahat naman nasasaktan pag nagmamahal diba ma? May ilang araw o linggo na rin noong narealize ko, ma.”
“Alam mo, matagal mo na ring sinusuyo ‘yang si Drew. Gusto ko siya para sa’yo. Alam ko din naman na hindi siya 'yung tipo na nagtetake for granted. Pero kung hindi pa rin niyan makita ‘yung halaga mo pagkatapos niyang regalo mo sa kanya, tigilan mo na ha?”
“Pero, ma!”
“Alex, pinapayagan kita sa mga gusto mong gawin. Na ang normal na ina ay hindi papayag. Iniintindi ko ‘yang mga kagustuhan mo at nararamdaman mo. Pero pagkatapos niyang ‘regalo’ mo sa kanya, tigil na.”
“Pero ma—”
“Para mapilitan na ‘yang si Drew na harapin kung ano ba talaga ang nararamdaman niya. If all else fails, hayaan mong siya naman humabol sa’yo. Malay mo diba.”
“Ma naman. :-\
“Promise me, my little girl.”
“Sige ma, promise. Pag wala pa rin after nun, titigilan ko na ang pangungulit sa kanya.”
Minsan lang maging stern sa’kin ang sarili kong nanay. Mothers know best, sabi nila. Sana totoo nga ‘yun.  Pinat niya ang ulo ko. Naalala ko naman ‘yung pagpat din ni Drew ng ulo ko kagabi. :3  Hay, bahala na.


Pagkatapos, pumunta na lang ako sa kwarto ko. And para maiba naman, magaaral na lang muna ako ng Chem para naman makataas ako at magkaron ng pagasa na mapasama ako sa klase nina Drew next year. Ihihiwalay na kasi sa’min next year ‘yung mga angat ang IQ sa’min e.


*Basa..basa..basa..*

Sa gitna ng aking kasipagan, may nagtext ulit. From the student council, si Kyle Araneta. Tanda niyo pa ba siya? VP of the Student Council.


Quote
To all Pitiers, please be informed that our Christmas Party will be held on Sunday, same time, 11:00 am to 3 pm. We are sorry for the sudden change of plans due to the weather condition. It is settled to be on Sunday to make the Christmas vacation earlier. Please reply Yes, if you are able to attend on Sunday, and No, if not. If ¾ of the student population agreed, Sunday it is. See you!  Please reply until 7 pm.


Nagyes ako. It means bukas na 'yung regalo ko. Ok na 'yun. To get it over with na rin.  Okay, so bumalik na ako sa pagaaral.   *Basa.. Basa.. Basa..*  Nang nakatapos na ako ng 1 at kalahating chapters--- zzZZ

« Last Edit: October 21, 2012, 01:04:42 pm by prom_princess08 »

prom_princess08

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2512
  • Karma: +298/-33
  • Drexandra. :)
Re: I Courted Him. CHAPTER 37! Day with the moms! pg. 94
« Reply #1400 on: October 21, 2012, 01:04:11 pm »

Nagising ako, mga 5 pm na. Putek. 1 ako nagstart magaral. Mas mahaba pa ang itinulog ko. Tama nga sila, mas malakas pa sa sleeping pills ang pagaaral.

Dahil ayoko namang irisk ulit na makatulog, nagonline na lang ako. May message si Riza para sa’kin and Che. Nagyayaya siya ng dinner some time before Christmas.

“Hey guys! Dinner naman tayo any time before Christmas. Let’s eat out, para makapagcatchup na rin. Sorry di ako gaano nakakapagparamdam ha. Dad lost his job.  And things are more complicated. Basta before Christmas, let’s hang out. Again, I’m sincerely sorry for everything.”


Chinat ko naman agad si Che noon, na online din.


“Che. Nabasa mo na?”
“Oo.”
“So, are you coming?”
Kasi diba, parang nauna na ako sa aming dalawa na bigyan ng isa pang chance si Riza.
“I feel bad for her. It must be hard. I think she learned her lesson already. So, let’s bond again and hope for the best.”
“Yay, I’m so happy! Btw, kamusta ka? Tagal na natin di naguusap. :\”
“OA, teh. Saturday ngayon. Nagkita naman tayo sa klase ng Thursday. Mahal na mahal mo ako no. :* ”
And yes, this is to make you realize, na despite the months na nakalipas, ilang araw pa lang ang lumilipas sa buhay ko, o sa buhay namin sa mundong ito. Haha. Baka kasi isipin niyo ang tagal na.

Just to bring the memories back. Wednesday ‘yung pagpapahiya ko kay Ms. B dahil nagkekwentuhan kami ni Che. Remember?
“E, ganyan talaga e. Best friend kita. And di ka nagpaparamdaman. Porke nagkalovelife. :\ Jk baby che. >:D<”
“Kapal mo! Nagpaparamdam ako sa’yo. Di ka nagrereply. Busy masyado kay Drew. Pag ikaw sinagot na niya, subukan mo akong iwan sa ere, makikita mo!”
“May inaasikaso kasi ako e. And naisipan ko magmall magisa kahapon. Then saw Drew. Ang dami kong ikekwento sa'yo. Hay, pero pag nagkita na lang tayo.”
“Ganun? Haha. Sige, uy. Alis na ako. Pupunta pa kami sa ospital, papacheck up si Lola.”
“Anong nangyari?”
“Di pa alam e. Ilang araw nang masama ang pakiramdam. Sige, bye. Labyu.
Sabay offline.


Aw. Sana maging okay ang lola niya. ‘Yun na ang nagpalaki sa kanya e kapag busy sa pagtatrabaho ang mga magulang niya. Ako na lang ang nagreply muna sa thread naming tatlo. :)


So internet internet. Naghahanap ako ng Chem PowerPoint presentations para makatulong sa pag-aaral ko. I’ll keep in mind na dapat sa umaga ako magaaral. Hahaha.


Online si Drew. Di ko na lang ichachat. Ayoko namang magmukhang overly attached suitor.

Biglang may nagchat sa'kin. Wag kiligin. Si Jed lang.

"May nalaman ako, Alex."
"Ano yan?"
"Secret. Di mo alam?"
"Sabihin mo sa'kin kung ano para malaman ko kung alam ko, duh."
"Joke lang. Chill. Alam mo bang may sakit si Drew?"
"Lovenat ba?"
"Ang corny mo, kadiri. Ano sunod mo sasabihin, kailangan niya ng kispirin at yakapsul?"
"Hindi. Nagimprove na. Alexan na."
"Ay. Corny. Pero seryoso. Nagchat siya na baka daw di makaattend ng klase namin bukas."
"Weh. E bakit naman niya sasabihin sa'yo? Bromance talaga kayo. Girlfriend ka ba, ha? Girlfriend ka ba??"
"Init ng ulo mo. Kakampi mo nga ako dito e. Hahaha. Kasi po, ako ang president ng klase namin, if ever po hindi ninyo alam. Bigatin ‘yang inaaway away mo. :D :D joke lang."
“Eh? Hala. Bat daw siya may sakit? Kagabi pa siyang masama ang pakiramdam e.”
“Baka naulanan kasi.”
“Hala, paano ‘yun? :( Edi wala siya sa christmas party.”
“Yun nga e. Tsk. Bakit, may regalo ka bang ibibigay? ayieee”
“Bakit ko naman siya bibigyan!”
“Woo, Alex. Wag na nga tayo maglokohan dito.”
“Pero di, wala nga. Sure na ba daw siyang hindi?”
“Pag tuloy bukas, tapos may sakit pa siya. Ay malamang naman hindi. Diba?”
“Awww. :\ Balitaan mo ako ha. :)
“Opo, boss.”
“Yay, salamat, Mr. President.”



Narealize ko na ang dami ko pa palang hindi alam tungkol kay Jed kahit close friends na talaga kami. Tiningnan ko ang facebook niya. Wow, kasama siya sa top 10 ng batch. Pati si Drew. Nakita ko lang na na-tag siya doon sa list nung first grading pa. Ang bibigatin pala nga ng mga kaibigan ko. Sina Miah, nasa top 20. Si Jude naman panlaban pala sa singing contests. Amazing. Nasa theater din.


‘Yun lang ang ginawa ko hanggang mag-7 pm at itinext na sa amin ang final result.


Quote
“Only 3% of the student population replied NO. See you at school tomorrow. 11:00 am to 3:00 pm. Have a wonderful Christmas season, Pitiers!”


Oh noo. :( No, no, no! Paano na si Drew? May sakit pa rin kaya siya? Kung wala siya, di rin tuloy ‘yung plano ko bukas. Hala, paano ko kaya malalaman? Ang hirap naman nito. Kung kailangan ko siyang padalhan ng doctor gumaling lang bago mag 6 pm bukas, gagawin ko? Gulat kayo no, gabi na kasi 'yung gift? Hahaha. Rereypin ko si Drew e, bakit ba. Joke! Hahahah. Isipin niyo na lang, glow in the dark yung gift ko sa kanya. ;)


Saktong iniisip ko naman siya ay mag nagchat! Siyempre hindi si Drew. Si Jed ulit. Hahaha.


“Alex. :\ :o
“:’( Masama pa ba pakiramdam?”
“Oo!! Mama na niya nagtext sa’kin. 39 na lagnat ni Drew at di pa daw makatayo as of the moment.”
“Omg. Bakit kaya siya nagkaganun! Ala. :\ Uminom na daw ba ng gamot?”
“Alex, hindi niya ako girlfriend. Haha. Ikaw magtanong.”
“Peste. Sige salamat, pare. :)
Ang hirap naman noon. Stalled din tuloy ang plano ko. Pano kung pumasok siya. Hay, bahala na. Pero, nagaalala talaga ako.


Naghapunan na kami, at di pa rin mawala sa isip ko si Drew. 39 na ang lagnat niya. Alam kong matanda na siya at kaya ang sarili niya.. pero malay mo hindi? Haha.


“Alex! Kanina ka pang balisa. Anong problema? Ok ka naman kanina ah? Iniisip mo pa rin sinabi ko sa'yo?”
“Hindi po. Kanina pa po nilalagnat si Drew, sabi ni Jed. Ngayon, di na siya makabangon, tapos 39 point something na ‘yung lagnat niya. :\” Sa totoo lang, gusto ko siyang dalawin.
“Anakng, in love nga ang anak ko o. :3 Kabataan nga naman ngayon. O, e anong gusto mo mangyari?” :o kilala na nga niya ako.
“Pwede ba Ma…”
“Hindi.”
“Hindi ko pa nga nasasabi mother eh.”
“Alam kong gusto mo siyang puntahan. Pero gabi na Alex. Tsaka babae ka. Siguro, mapipilit mo pa ako. Pero ano ang iisipin ni kumare dyan diba?”
“Bakit ang strict mo ata sa’kin ngayon, mother? Di naman nagrereklamo ako o masama ang loob, nagtataka lang. :)
“Nagkakamustahan kasi kami ng papa mo. E kung kalian may time siya, wala ka naman. Miss ka na niya. At laging bilin niya na wag ka daw papabayaan. Uwi siya this Christmas Vacation, alam mo ‘yun? Kaya mas binabantayan na kita ngayon. Para kunwari, andito na rin ang papa mo. Haha!”
“Ganun? Tsk. E pano si Drew?”
“May nanay siya, Alex.”
“Ma, last na ‘to. Tsaka di naman siguro mamasamain ‘yun ng nanay ni Drew. Gagawa ako ng excuse. Kunwari may kailangan akong ibigay. Please. Last na talaga. Please please please please.”
“Ikaw talagang bata ka, o’oh. Last mo na talaga ‘yan ha. At ipangako mo sa’kin na hindi darating ang araw na ibababa mo ng sobra ‘yang sarili mo para kay Drew, o sa kahit sinong lalaki. Naiintindihan mo?”
“Oo, ma. May sakit lang talaga siya. And para makita ko rin kung may pagasa bang gumaling siya para by tomorrow.”
“Oo na. Ayusin mo buhay mo, Alex ha! Magdala ka na rin ng gamot. ‘Yung iniinom mo pag nagkakaganyan ka rin. Nasa kwarto ko, okay? Ang kapalit nito, maglilinis ng ka ng bahay after New Year.”
“Ako lang?! New Year kaya ‘yun!”
“Wag ka na umalis.”
“Ang higpit mo talaga mother, nakakapanibago. Sige na po.”



Leche, ang swerte ni Drew sa'kin. Kinuha ko sa kwarto at nagbabye kay mother bago umalis. Syempre dala ko ang kotse ko. Ma-rape pa ako diba. Haha. Tsaka di naman kalayuan ang bahay nina Drew. 5-7 minute drive lang.

Kumatok ako, at tulad ng inaasahan, si mommy ang nakita ko.


“Um. Good evening po. Naiwan ko po ‘yung wallet ko sa banyo ni Drew pagpunta ko kanina. Okay lang po ba kuhanin?” Syempre, nasa bag ko lang talaga ‘yung wallet ko.
“Ay, ganun ba? Ikaw talaga, Alex. Sige, tuloy ka.” Pumasok na ako at inintay ang kanyang go signal. Haha. Bale, nakatayo pa kami dito sa may baba ng hagdan nila.
“Andyan din sa kwarto si Drew, mataas ang lagnat. Di pa ata makakapasok bukas.”
“Sabi nga po ni Jed sa’kin. Mabuti na po ba pakiramdam niya?”
“Hindi pa nga e. Hindi tumalab sa kanya ‘yung gamot namin dito. Sakto nga, bibili pa ako ngayon. Iwan ko muna kayo.”
“Mommy, may dala po akong gamot. Naalala ko po kasing ‘yung iniinom ko dating gamot, mabilis ang talab pag nagkakasakit ako. 3 po ‘yung dala ko. Saka na lang po kayo bumili pag di pa rin gumaling si Drew.”
“Naku, nakakahiya naman ‘yan. Bibili na lang ako, hija. Sabihin mo ‘yung pangalan.”
“Kahit 1 muna po. Gabi na rin po e. Alam ko pong matanda—um, no offense po. Haha. I mean, adult na, kaya niyo na. Pero , wala lang. Pwede naman po bukas. :)
“Hm, sige na nga. Osya, kunin mo na ‘yung wallet mo. Gusto mo bang ikaw na magpainom?”
“Hala, e ano po. Baka magulat si Drew na andito ako.”
“Magkaaway pero, kunwari naiwan ang wallet, malaman lang kung kamusta na. Tapos di magpapakita. Kabataan nga naman.”
:o Alam niya? Nooo. Bakit parang paboritong paborito ng mga matatanda ang phrase na ‘yan.


“Naiwan ko naman po talaga, mommy.”
“Sige na, sabi mo e. Halika sa kusina. Ikaw na magpainom ng gamot.”



Nakatayo lang ako doon habang kumukuha siya ng tubig. Naisip ko na rin na linawin na kay mommy. Bilang respeto na rink ay Drew.


“Pero mommy, ano po kasi e.” Saglit siyang tumingin sa’kin. “Hindi naman po talaga kami ni Drew e.” As much as I want to live in that illusion, kailangan magkaliniwan na.
“Alam ko. Nanliligaw.” sabay abot sa’kin ng baso, at muntik ko nang mabitawan. What? She knows?!
“Um. Ano po. O-opo. Sige akyat na po ako.” Omg. Wala na akong mukhang ihaharap sa kanya. Umakyat na agad ako. Peste tong si Drew. Peste. Bakit niya sinabi? Grabe.


Handa na akong awayin siya nang pagdating ko sa kwarto niya, nakarinig ako ng mga salitang labis kong ikinagulat. Muffled ‘yung pagkasalita niya kaya putol-putol naririnig ko.


“dsjhds Pagod dskfn sorry ffdkn Good bye dfjkdsandra.” Noong una akala ko, inaasar niya lang ako at alam niyang andito ako. Pero pagkakita ko, tulog na tulog talaga siya.


Ano ang ibig sabihin nun? Sa pagkakaintindihan ko, “Pagod. Sorry. Good bye, Alexandra. “ Tama ba?  Grabe naman managinip ‘tong si Drew! Ha-ha. :\ Think positive na lang. Panaginip lang ‘to. Di naman niya siguro ako babastedin na diba? :\ Think positive lang.


Lumapit ako sa kanya at umupo sa kama. Inalalayan ko ‘yung batok niya para mapainom siya ng gamot. Mas okay nang wag niyang malaman na pumunta nga ako dito. Inilapit ko ‘yung gamot sa bibig niya. He opened his mouth, reflex na siguro. Then pinainom ko nang tubig.


Aalis na dapat ako nang.

“Alex?”  Humarap ako sa kanya at kahit mukha siyang mahina, bakas pa rin ang pagkagulat niya.
“Oo. Sige, alis na ako Drew. Pagaling ka.” Tumalikod na ulit ako.
“Don’t go.” Tiningnan ko siya. “Stay.” Ano pa nga ba. Umupo ako sa tabi niya.  Kinuha ko ‘yung facetowel sa gilid ng kama niya at bahagyang pinunasan ang noo niya.


“Kahit kalian ka talaga Drew. May sakit man o wala, di pa rin kita maintindihan.”





Quote
MUST READ (ang di magbabasa panget):
1. I seriously recommend you to backread bago niyo 'to basahin or after basahin. Like seriously. Haahhaha. Dapat nakapagbackread na kayo bago niyo basahin 'yung sunod dito. Okay? Kung hindi, di masyado malakas impact nung sunod na update. Pwede rin namang at least the last 10 chapters kung busy talaga kayo.

2. Doon naman sa ibang nagsagot or nanghula about sa dressing up, sorry, pero wala pa akong mapagsingitan ng gantimpala niyo. Sa mga susunod sigurong updates. :)

3. And tulad ng lagi kong sinasabi, comments please. Hindi pampadagdag lang ng comment ang gusto ko. Gusto ko kasi nalalaman ang feedback niyo. Kung aling part ang parang hindi maganda, or kulang sa dating, o kung alin ang nagustuhan niyo, ganun. Haha.

4. Meron group sa facebook sina Drew, Alex, Pachu, and other readers. Sila ay 'yung mga nagsabing gusto sumali para mas mabilis silang manotify about updates. May mga pagkakataon kasing di niyo aabutin 'yung status ng characters. Di rin naman siya nakakaspam kasi ung characters lang ang pwedeng magpost. Tell me, or magsabi kay Alex.

5. May polls din ako uling ilalagay sa fan page para sa mga taong ayaw talaga magcomment. HINDI SA OKAY LANG SA'KIN 'YUN. HAHAHA. As much as possible, wag sanang silent. Daya e. :P

6. Answer this (para sa mga magcocomment.) A. Sino talaga sa tingin niyo si Ly? B. Ano ang regalo ni Alex kay Drew? C. Bakit tawa ng tawa si Drew? D. Ano sa tingin niyo ang 'clues' na tinutukoy na you should watch out for? :) E. Mas gusto niyo ba 'yung bagong font? HAHAHAHAH

7. Birthday nga pala ni Pachu. Don't forget to greet him. Hahahha

8. Maglaladlad na ako sa sunod na update. :) Pero di po ako bading. Hahaha.
« Last Edit: October 21, 2012, 01:24:45 pm by prom_princess08 »

onefivefour

  • jellybean
  • **
  • Posts: 175
  • Karma: +10/-2
  • smile.
Re: I Courted Him. CHAPTER 37! Day with the moms! pg. 94
« Reply #1401 on: October 21, 2012, 02:03:02 pm »
teka. comment muna. =)) saka na ako mag-iisip ng matinong sagot. hahaha. pero infairness, bumalik na sa plot ang story. Ang iniisip ko na gift ni Alex kay Drew ay fireworks tapos naka-sulat ang "will you marry me?"  ay joke lang yung naka-sulat =))) haha, KILALA KO SI LY, serioso. siya si bestfriend ni Drew na minsan naiisip kong baka kamag-anak lang rin ni Drew. tapos tawa ng tawa si Drew, kasi may sakit siya sa pag-iisip. joke lang ulit. tawa siya ng tawa kasi nakyukyut-an siya kay Alex =))) hala. anong maglaladlad? nakowww. omg. bakit ang gwapo ni Mario Maurer?! ayy. haha. sige yun lang MA.
it's when dreams do come true
Destined To Love

biancx3

  • jellybean
  • **
  • Posts: 217
  • Karma: +2/-2
  • Call me maybe ;)
    • Milky Way *wink wink*
Re: I Courted Him. CHAPTER 36! Explanations! pg. 93
« Reply #1402 on: October 21, 2012, 05:50:34 pm »
Hahaha. Sana nga! Magdidiwang ako at manliligaw na rin. Jk.
Hala ano daw? HAHAHHAHAHHAA

I love the update MA, Happy Birthday na nga rin pala kay Pachu!  :D :D :D :D :D
Pa-kiss na lang sa kanya ha ;)  :-*

Ang landi daw eh. HAHAHAHHAHAHAHHAHAHA

prom_princess08

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2512
  • Karma: +298/-33
  • Drexandra. :)
Re: I Courted Him. CHAPTER 37! Day with the moms! pg. 94
« Reply #1403 on: October 23, 2012, 12:27:01 pm »
teka. comment muna. =)) saka na ako mag-iisip ng matinong sagot. hahaha. pero infairness, bumalik na sa plot ang story. Ang iniisip ko na gift ni Alex kay Drew ay fireworks tapos naka-sulat ang "will you marry me?"  ay joke lang yung naka-sulat =))) haha, KILALA KO SI LY, serioso. siya si bestfriend ni Drew na minsan naiisip kong baka kamag-anak lang rin ni Drew. tapos tawa ng tawa si Drew, kasi may sakit siya sa pag-iisip. joke lang ulit. tawa siya ng tawa kasi nakyukyut-an siya kay Alex =))) hala. anong maglaladlad? nakowww. omg. bakit ang gwapo ni Mario Maurer?! ayy. haha. sige yun lang MA.

Haha. Bakit, nawala ba sa plot? Haha. Oo, siya nga ang best friend ni Drew. Hahaha. ;) Lol. Maglaladlad kung sino si MA. hahaha. Ang gwapo nga niya, baket? :\ hahaha. May konti kang tamang hula. hahahaha. Secret kung alin. Bleh.


Hala ano daw? HAHAHHAHAHHAA

I love the update MA, Happy Birthday na nga rin pala kay Pachu!  :D :D :D :D :D
Pa-kiss na lang sa kanya ha ;)  :-*

Ang landi daw eh. HAHAHAHHAHAHAHHAHAHA


Sige daw, mwah mwah tsup tsup. :D

paolaaa

  • taffy
  • ***
  • Posts: 372
  • Karma: +33/-3
  • I am ME. :)
Re: I Courted Him. CHAPTER 37! Day with the moms! pg. 94
« Reply #1404 on: October 23, 2012, 12:35:07 pm »
Nagcomment ako para kay Pachuuuu! Haha! =D Hi Miss Author :) sasagutin ko ung mga tanong mo para naman po malaman niyo kung ano nasa isip ko. Char!

A. Feeling ko si Ly kaagaw ni Alex kay Drew! Nagbabait-baitan lang siya pero totoo, naiinis siya kay Alex! Dahil mas close sila ni Drew, pinapakita niya kay Alex na mas attached sa kanya si Drew. Pinagseselos niya si Alex!! At hindi ako papayag na mapunta si Drew kay Alex :@@@

B. Fireworks ata ung regalo ni Alex eh =)) Sweet. O kaya naman, romantic dinner date sa tuktok ng bundok? WAHAHA Pero impossible mangyari un, si Alex yan eh!  :D

C. Kaya tawa ng tawa si Drew dahil nabaliw na siya! Nabaliw na siya kay Alex! Hahaha. O kaya naman baka sadyang masayahin na bata lamang tong si Drew :))

D. Waaa! Wala akong makitang clues! bakit ganun? Haha.

E. Mas okay tong bagong font miss author! Haha.

Yan langs. =)) Update na po? ;p Excited na kong malaman ung regalo ni Alex kay Drew eh! Ano kayang regalo ni Drew kay Alex! Aba, dapat meron! Katayin ko yang si Drew eh. Haha. Joke lang po!  ;D
Concentrate. Pray. Achieve.

lala.LOVE

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 19
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: I Courted Him. CHAPTER 37! Day with the moms! pg. 94
« Reply #1405 on: October 23, 2012, 12:58:22 pm »
Ang masasabi ko lang ay, I miss Pachu HAHAHAHA. Jks. Hay. Awesome, awesome pdn. Di ko magets si Drew. =)))))

xajxiajxD

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1157
  • Karma: +47/-3
  • k'die
    • TUMBLR
Re: I Courted Him. CHAPTER 37! Day with the moms! pg. 94
« Reply #1406 on: October 24, 2012, 04:22:02 am »
Sana naman gumaling si Drew, para di naman sayang ang regalo ni Alex, ilang araw nang napupurnada hahahaha at saka para magkaalaman na din! hahaha Goooo Alex! ^___^
Be a lady,not a !@#$.

prom_princess08

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2512
  • Karma: +298/-33
  • Drexandra. :)
Re: I Courted Him. CHAPTER 37! Day with the moms! pg. 94
« Reply #1407 on: October 24, 2012, 01:32:32 pm »
Nagcomment ako para kay Pachuuuu! Haha! =D Hi Miss Author :) sasagutin ko ung mga tanong mo para naman po malaman niyo kung ano nasa isip ko. Char!

A. Feeling ko si Ly kaagaw ni Alex kay Drew! Nagbabait-baitan lang siya pero totoo, naiinis siya kay Alex! Dahil mas close sila ni Drew, pinapakita niya kay Alex na mas attached sa kanya si Drew. Pinagseselos niya si Alex!! At hindi ako papayag na mapunta si Drew kay Alex :@@@

B. Fireworks ata ung regalo ni Alex eh =)) Sweet. O kaya naman, romantic dinner date sa tuktok ng bundok? WAHAHA Pero impossible mangyari un, si Alex yan eh!  :D

C. Kaya tawa ng tawa si Drew dahil nabaliw na siya! Nabaliw na siya kay Alex! Hahaha. O kaya naman baka sadyang masayahin na bata lamang tong si Drew :))

D. Waaa! Wala akong makitang clues! bakit ganun? Haha.

E. Mas okay tong bagong font miss author! Haha.

Yan langs. =)) Update na po? ;p Excited na kong malaman ung regalo ni Alex kay Drew eh! Ano kayang regalo ni Drew kay Alex! Aba, dapat meron! Katayin ko yang si Drew eh. Haha. Joke lang po!  ;D

Laki pala ng utang na loob ko kay Pachu. Hahahaha. Ayee, may tama ka sa mga hula mo. Pero secret kung alin. Hahahaha. :bd Malapit nang malaman. I mean, kung kailan ako makatapos. Hahahah. Thank you!! <3


Ang masasabi ko lang ay, I miss Pachu HAHAHAHA. Jks. Hay. Awesome, awesome pdn. Di ko magets si Drew. =)))))

Anobayan! Sagutin mo naman mga tanong ko. Hahahahah.


Sana naman gumaling si Drew, para di naman sayang ang regalo ni Alex, ilang araw nang napupurnada hahahaha at saka para magkaalaman na din! hahaha Goooo Alex! ^___^

Oo nga e! Kawawa naman si Alex. Hahaha.

onefivefour

  • jellybean
  • **
  • Posts: 175
  • Karma: +10/-2
  • smile.
Re: I Courted Him. CHAPTER 37! Day with the moms! pg. 94
« Reply #1408 on: October 24, 2012, 08:16:15 pm »
feel ko na nawala sa plot noong matagal ka nag-update. hihi, nfeel ko lang kasi parang maraming delay at minsan naiisip ko di pa new year sakanila? =))) hahaha. pero di bali di naman nakakabitin yung previous updates. talaga? nakatama ako? HAHAHA, amaziiing. MA FAVOR! ILABAS MO SI PACHUBABY KOOOO. miss na daw niya ako :P mehehehe
it's when dreams do come true
Destined To Love

jaky11

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1482
  • Karma: +183/-9
  • i love goodbye's but i hate farewell
Re: I Courted Him. CHAPTER 37! Day with the moms! pg. 94
« Reply #1409 on: October 25, 2012, 01:29:20 am »
Omg. Tagal ko na di nakakapagbasa neto. Kamiss, lalo na si Pachuuuu <33 de joke mas miss ko Drexandrea :)) de joke lang ulit. Mas miss kita :"> :))) Hi ako pala si Kyra, baka nakalimutan mo na sa tagal kong di nagparamdam :))

Chapter 35

Naawa ako dun kay Billy, Alex naman kasi pwede naman bumili ng sarili diba? nagselos pa tuloy si Shehannah. Pero sweet ni Billy :">, akin ka na lang hahahha. Kung ako si Shehannah, mandidilim paningin ko. :)) okay anywaaaaayzz, 

Quote
"Wala pa akong ikekwento eh. Saka na pag meron na." -Drew

aheeem. Ano to? tama ba naiisip ko? /:) "pag meron na." hhhhh wait, pang future to a. Magiging kayo ni Alex, Drew? tas un na kukwento mo kay Ly? :)) hala. Tinamaan ako ng kilig :">

Chapter 36

Daming langgam. hahahaha, naman. Kinikilig akooooo :"> feel na feel ko na bumibigay na si Drew kay Alex. Feel ko na e. Naiimagine ko na ako si Alex tapos si Drew ngumingiti sakin. naman, nahihimatay ako sa kilig :)) umm Ly, may gusto ka ba kay Drew? /:)

Pasimple pa si Drew e, talagang pinili ung nakakatakot. Kasi gusto mo lang mayakap ka ni alex tas ung holding hands pa. HAHHAA dumaDAMOVES :))

Chapter 37
yung paintiiiiiiiing. nacucurious ako. para kay Alex ba un? o.O

Quote
“Lahat naman nasasaktan pag nagmamahal diba ma? May ilang araw o linggo na rin noong narealize ko, ma.”

oo nga, kitang crush pa lang sakit na e  :'( :'( k Drama  :D ;D

Quote
“Magkaaway pero, kunwari naiwan ang wallet, malaman lang kung kamusta na. Tapos di magpapakita. Kabataan nga naman.”

ALAM NA.  :D wala ka pala Alex e. Huli ka agad hahahhaha. ako napahiya dun  ;D nahiya ako kasi di gumana palusot nya hahaha :D

Christmas party na nyan -------> yung gift ni Alex. Excited na akoooooo :"""""">

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

What We Read: "Here"

by: marla, 2013-05-20

I won't deny it: I spend way too much time online. Mostly I'm just stalking people on Facebook and Instagram, other times I'm doing something more useful like reading articles...


ADVERTISEMENT

TEENTALK