Teentalk

Poll

What kind of reader are you?

Active
Silent
both. it depends.
hindi ako reader. trip ko lang makivote.

Author Topic: I Courted Him. chapter 32 on pg. 87! GORA NAAAA.  (Read 51194 times)

littlemiss brightside

  • jellybean
  • **
  • Posts: 212
  • Karma: +8/-2
  • papa q ♥
Re: I Courted Him. chapter 31 and A/N on pg. 83! CLICK NA.
« Reply #1290 on: November 05, 2011, 11:28:07 am »
Miss miss miss ko na si papa drewwwwwww <3 tsaka si pachu at alex. omg huhuhu.

548

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 508
  • Karma: +34/-12
  • Don't get bitter. Get Better
Re: I Courted Him. chapter 31 and A/N on pg. 83! CLICK NA.
« Reply #1291 on: November 25, 2011, 09:07:43 pm »
miss ko na to. :(((((((((((

akosidaph

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1060
  • Karma: +60/-6
  • SPONGEBOB <3
    • FB Page
Re: I Courted Him. chapter 31 and A/N on pg. 83! CLICK NA.
« Reply #1292 on: November 27, 2011, 08:25:49 pm »
Hello, I'm DM. Isa ako sa mga silent readers hanggang chapter 13. Tapos ayun, ngayon lang ako nakahabol. Kaya lang on hiatus ata. Aw, pero sana matuloy mo kahit this christmas break lang >< Baka mamiss ko ng sobra, eh :(

animeaijin21

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1680
  • Karma: +104/-8
  • WAR.HAE.DREW <3
    • Tumblr
Re: I Courted Him. chapter 31 and A/N on pg. 83! CLICK NA.
« Reply #1293 on: November 28, 2011, 03:01:02 am »
Hello po. Ako si Shei 16 years old. Wahahaha. Kanina ko lang sinimulan and now maghihintay na ako sa chapter 32. OMG as in HUWAAAAAAAAAAAW. Nakakakilig. Nakakatuwa. Nakakatouch. Nakakaloka. Sobra. Ang galing ni Alex. IMBA siya :) Tapos ang cool naman ni Drew. WAAAA Drexandra is love <3 :"> Hehehe Ang saya naman. Nakakatuwa gift nila. Ang galing mo po :] Well ipagpatuloy mo sana ang mahusay na obrang ito. BTW. Curious lang, taga Batangas ka po ba? Or mali ako? E kasi may mga words na pang batanggenya. Well feeling ko lang, feeler po ako e HAHAHA. Good luck sa susunod na chapter. Hehe. Pagpasensyahan eto na ang ihahaba ng comment ko e :)

hanee29

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 36
  • Karma: +1/-0
  • TeenTalker
Re: I Courted Him. chapter 31 and A/N on pg. 83! CLICK NA.
« Reply #1294 on: November 28, 2011, 07:09:58 pm »
miss ko na si drew! update na po. :D
I love Jake Vargas :">

prom_princess08

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2451
  • Karma: +294/-31
  • Drexandra. :)
Re: I Courted Him. chapter 31 and A/N on pg. 83! CLICK NA.
« Reply #1295 on: December 02, 2011, 09:34:04 pm »
Chapter 32



For the guest characters..
Limegreen for Pip.
Orange for Caloy.
Maroon for Cera


------


Hulaan niyo kung sino ako? Kikiligin kayo sa may-ari ng POV na 'to. Kaso pasensya, emo ako ngayon e. haha! Nasan ba ako?

Nakaupo ako sa upuan ko sa classroom habang nagtuturo ang teacher. Nagtuturo, o umiimik, o, hindi ko alam. Wala sa kanya ang atensyon ko. Para akong lumulutang lang sa world na ito. Ganito pala pag nabibigo. Ganito nga pala pag nagmahal at di ka minahal. Nagiging beki. -.- Kasi pagdating sa pag-ibig at sa sakit, walang babae, walang lalaki. Basta nasaktan ka, nasaktan ka.


Hindi halata no? Noong huli kaming nagkausap. May advice pa nga ako sa kanya. Tangna, walang martir ‘yun. Pero mahal ko si Alex. Mahal ko talaga. Kaya gusto kong maging masaya siya, dahil kahit nasasaktan ako, at least masaya siya.

Gusto ko magmove on pero at the same time, ayaw ko. Hindi ko alam ang dapat gawin. Pero ayaw ko namang pagsamantalahan ang friendship na ibibigay ni Alex. Sabi ko, makikipag-usap ako pag ok na kami.


Tangna, gusto ko siyang hintayin pero wala talagang pag-asa. Ayoko na muna mag-isip, Ayaw ko na muna siya isipin. Pati ang nararamdaman ko. Saka na lang. Mukhang magtatagal pa ang pag-iwas ko sa kanya. Gag0 ka talaga pachu. Tangna, gagu ka na nga, ang drama mo pa. :D


“Mr. Sanchez! *ehem!” Napatingin naman ako sa teacher ko. Nakatayo ang mga kaklase ko pati siya. Anong meron?
“Don’t you want to say goodbye?” ??
“Huh, bakit po, san po kayo pupunta?” Nagkagikhikan naman ang mga kaklase ko. Mga di na nakapagpigil. Di na nahiya sa teacher. Ang sama nila. >:D
“Tapos na po sir ang klase! Tulala ka na nga habang nagtuturo ako, pati ba sa pag-alis ko.”
“Wow, haveyyy.--- ” sht. Tae, nasabi ko ang nasa isip ko. Hahahah.  Havey kasi alam nyang tulala ako habang nagtuturo siya, walang pakiealam. Tapos sa good bye, saka lang may pake? Tss. Walang pakundangan sa mga estudyante. >_< Ayoko sa mga ganitong guro.

“What’s so havey about my statement, Mr. Sanchez?”
“Ako ma’am. Like a boss kasi ako e. :D Sorry po, good bye. I will miss you ma’am. You may go.” Tiningnan niya lang ako ng isang napakatagal na nakakatakot na tingin tapos umalis na. Buti na lang di totoo ang kasabihan, looks could kill. Haha!


Sana nandito si Alex at nakita ‘yun. Siguradong tatawa na naman ng tatawa ‘yun. Baka dinagdagan pa ang pangaasar kay Ma’am. Ay, nakalimutan kong sabihin, si Ms. B nga pala ito. Ang paborito ng buong teenage population. :P

"Huy, bro. Tulala ka na naman diyan. Nagagalit na ako kay she-who-must-not-be-named na yan ha! Lagi na lang siya ang nasa isip mo! "
“E ano ang gusto mo? Ikaw?!”
“Oo. Manhid ka ba? :D
“Ulul! Hahah.”
“Ta' sa SM! Bili tayo ng panregalo.”
"Ala. Ayoko. Uuwi na lang ako."
"Sus! Magmumukmok ka na lang diyan dahil kay SWMNBN(go figure).. Wag ka ngang babakla bakla."
"Sinong bakla? Di ako bakla! Pakiss ngaa. >:)"
"Ulol! Haha. Sama na.."
"Tss. Walang kulit 'to. Sige na, sige na. Bwisit."
Sasama na nga ako. Para sana man lang dumaan ang isang araw na di ko siya naaalala. Baka sakaling magawa ko.

"Papayag din pala, pakipot pa.."
"Tayong dalawa lang ba? Yinayaya mo ba ako ng date? Pare wag ka namang ganyan.. Baka kiligin ako!"
"Gaguuuu ka talaga! Kasama natin si Pip. Gusto mo ba tayong dalawa lang? Ayyy, papa!"
"Pare pakiss nga.."
tapos nagact kami na parang maglalapit for a kiss, nang biglang dumating si Caloy at ibang mga babae naming kaklase.


"Oh my gossssh. I knew ittt from the simula talaga." sabi naman ng girlfriend nitong si Caloy na si Cera na parang sinasalabit ba ung daliri niya sa buhok niya. Parang 'yung ginagawa ni Sisa ba. Ang arte talaga.

It's called twirling. -.-  sabi ni JK. Ang konsensya ko. haha.
O ayon, twirling daw. Daming alam ng konensya ko, daig pa ang google! Sana naging konsensya na lang ako. :))))

"Mga beki talaga kayo kahit kailan, tss. Siya, alis na tayo." Imik naman ni Kyra. Oo Kyra, hindi Kyle. Wag na magbackread. Haha! Sus, nakalimutan niyo agad si Kyra? :)) or si Kyle. Tsk. Si Kyle, ‘yung SC vice president. Si Kyra, kaklase kong paborito kong asarin.
"Sino nagsabi sa'yong kasama ka?"
"Ako. Ako kaya ang nagyaya. Ikaw ang bakit kasama dito?"

"Ops, ops. Kyra at Jake. Wag nang magaway. Yan na lang ba ang pwede niyong gawin? Daig niyo pa ang mag-ex ah!" napatingin naman ako sa kanya. Nakasimangot na. Haha. Tss.
"Yan?! Ex ko, eww." at pinaikot pa niya ang itim ng mata niya na parang elesi lang.
" Mas lalo namang ayaw kitang maging ex!" Hindi ko nga alam kung kailan kami nagsimulang maging ganito. Hindi naman kami magkaaway talaga, pero habit at hobby na naming ang bwisitin ang isa’t isa. Pero.. ako din naman ang nauuna mangasar. Haha. Ang cute niya kasing mabwiset.   >:D Pero, dati naman malapit kami.. Siguro kasalanan ko. Pero kasalanan din niya. Kung bakit hindi na kami close sobrang close. Ewan. Basta barkada pa rin kami.


Ganun siguro talaga ang buhay. May mga taong dumadating sa buhay mo, pero aalis din kaagad. Pero para din namang paghalukay sa tiyan pag parang najejebs. Darating, biglang mawawala. Tapos babalik na naman kung kailan ayos ka na ng wala siya. Pero wag na nga lang alalahanin ang nakaraan. Bawas pogi points 'yun.

"Guysss, tara na nga. Don't be skandaloso na lang. Nakakairita na." Hindi naman sa pagaano, pero naaartehan talaga ako kay Cera. Hindi  alam kung bakit nagustuhan siya ni Caloy.  Pero tulad nga ng sabi ni SWMNBN, base sa nararamdaman ang love at walang rason. Hindi nalalaman. Tsk.


"Edi wag sumama. -.-" narinig kong bulong ni Kyra. Di naman narinig ni Cera. Haha! Hindi naman kasi talaga sila close. Kasama sya dahil ni Caloy. Si Kyra naman dahil pinsan siya ni Caloy. At ako? Wala kasama talaga ang mga gwapo.


Siguro kaya lagi ko din siyang inaasar ay dala na rin ng tampo. O ewan, basta parang natural na sa'min 'yun. Pagdumating ang araw na hindi na kami nag-aasaran, may mali. haha.

Nakarating na kami sa mall at kumain muna. Ay oo nga pala, sino nga ba ang nabunot ko? Nakalimutan ko basahin ung papel pagkadampot ko kanina. Haha. Napakawirdo kong bata. Binunot ko sa bulsa 'yung papel at binasa. 'Alec'. Namputs.  Ganito pala ‘yung ayaw maalala.


 Ang alam ko ang hilig noong si Alec, mga bungo. Ewan. May pagkaemo kasi 'yun tsaka boyish. Parang lagi na lang syang nageemit ng napakanegatibong aura. Bigyan ko kaya ng Lysol para maging fresh naman. Ang korni, puutah.

"Ano kaya ang mairegalo kay Alec?"
"Siya 'yung emo girl dibaa?"
"Oo, babe." hindi kasi naman 'to kaklase.
"Edi kung ano ang hilig niya."
"Ang alam ko lang kasi mahilig siya sa bungo."
"Edi regaluhan mo ng kabaong para may malagyan siya ng mga bungo niya."
"Tatawa na?"
"Nagpapatawa? Edi tumawa ka kung gusto mo. Sarili mo yan. Pati pag tawa mo iaasa mo pa sa iba."
Tss. Labo talaga kausap. Most of the time, hindi ko alam kung natutuwa ba ako o naiinis.


"Ikaaaw! Nagtatanong ng maayos eh.. " Di na lang siya umimik.
"Kyra, can you come with me sa ME? "
"Hay. Sige." As usual, papayag na naman siya kahit ayaw niya. May pakisama pa rin pala siya kahit papano. Ang daya daya ng babaeng ito. Ako lang naman kasi ang kinakaya niya. Kinakaya ko din naman sya kaya tabla lang. Ala ewan. 

Ayun, umalis na sila at naiwan kaming mga lalaki. Pustahan, maalin sa dalawang ito ang magsisimula na sa kababalaghan nila.

"Yan, wala ng chicks. May kanina pa akong gustong itanong sa inyo." oh tamo! haha.
"Kabastusan na naman iyan ano."
"Kapal mo naman! Kung makapanghusga to!"
"E ano yan?"
"Yung ano.. Kuwan.. Kung nakita niyo na 'yung scandal ni--"
Binatukan ko kaagad siya.
"Ang manyak manyak mo! Umuwi ka na nga sa nanay mo, paturo ka ng manners."
"Pare pakidefine daw ng manners. Di alam." nagapir naman kami ni Caloy. Iba na talaga pag nagkakalovelife. Tumitino. Parang nung isang buwan lang, loko-loko pa rin 'to e. Ngayon loko na lang.  :D


"Kung maka-manyak ka e ikaw naman diyan ang lagi-laging nangunguna sa ganyang bagay dati. "
"Hoy dati lang ako ganyan no! Good boy na ako. Sinaunang panahon pa iyang kwento mo. Gumaya kayo skin."
"Papasok na naman si she-who-must-not-be-named sa usapan natin!! Sawa na ako sa topic na 'yan!"
"Na naman ka diyan! Kupal ka. Di ko binabanggit si SWMNB !"
Totoo naman e. Hindi ko siya naisip kung hindi nila sinabi. Matagal na naman kasi akong nagbago, bago ko pa nakilala si SWMNBN. Ang point ko, sarili kong sikap ang pagbabagong ito. At wow, ngayon lang ulit siya pumasok sa isip ko bukod dun sa pangalan ni Alec. haha! At least kahit papano, may inimprove ako. haha.


"Hindi daw. We can see it in your eyes, bro.."
"Oo nga.. Your voice. Your words.. Your toes, your knees, your shoulder your head! Mahahahahaha!"
sabay takbo ng dalawa. Oo, "mahahaha" talaga ang tawa. minsan nga mehehehehe pa. :))

"Mga luko! Kala niyo naman hahabulin ko kayo. Ano kayo, chicks?!" Tumawa na lang ako at napakamot ng ulo. Namiss ko din naman 'yung mga kalokohan ng mga ugok na ito e. Sa Tribal na lang kaya ako bumili?.Damit kaya? Pero ayoko namang pagkagastusan siya. Di rin naman siya chicks! Hahahaha.


Mamaya, nagvibrate ang phone ko. May nagtext!

Quote
"Hoy. Sorry kanina. PMS lang. Gusto ni Alec ng libro tungkol sa supernatural na bagay. Mga witchcraft halimbawa or whatever. Alam mo naman siguro kung ano ang supernatural."
"Aba. Nanlait pa. >_< Ayoko ngang bigyan sya nun. Baka mamaya mainlove pa sa'kin gayumahin ako. O kulamin ako sa galit niya pag di tumalab ang gayuma. ;D"
"Kahit kailan talaga walang matinong lumalabas diyan sa bibig mo!"
"Malamang, nagtetext ako ngayon e. Alangang nagtetext na nga ako umiimik pa ako. Kalabisan na 'yun, Kyra. Utak naman.."
"Bwiset ka! Tinutulungan na nga kita at nagsorry pa. Bahala ka sa buhay mo.."
"E kasi di mo ata alam kung paano idistinguish ang joke sa seryoso! Ano ba. HAHA! "
"K."



« Last Edit: December 03, 2011, 12:37:08 pm by prom_princess08 »

prom_princess08

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2451
  • Karma: +294/-31
  • Drexandra. :)
Re: I Courted Him. chapter 31 and A/N on pg. 83! CLICK NA.
« Reply #1296 on: December 02, 2011, 09:35:55 pm »
"Hahaha. Napikon na naman siya!" Pumunta na ako sa national bookstore at naghanap ng witchcraft na book. Lord, sana naman wag gamitin to ni Alec sa totoong buhay. Magbasa na lang siya, wag nang magdemo-demo pa. Ayoko namang maging dahilan ng magiging masama pa niya. haha. CLICK.

Naghanap ako pero wala akong makita.  Ayaw ko namang magtanong sa mga saleslady. Baka isipin pa may plano akong sumali sa kulto. Mas masama pa kung isipin niyang palusot ko lang 'yun para kausapin siya. Ang unusual kaya ng hinahanap ko sa kanya. haha.

Quote
"Kyraaaa. Wala akong makita."
"Baka kasi pikit ka."
"HA. HA. Seryoso."
"Edi magtanong ka diyan."
"Ayoko. Nakakahiya."
"O, e bakit ako ang aabalahin mo? Mukha ba akong saleslady diyan?"
"Oo. Joke. E kasi magkaibigan tayo. Ikaw na magtanong. Punta ka dito, di ka naman siguro busy. "
"Kelan pa? Wow. Kaibigan lang pag may kailangan."
"E ikaw naman diyan ang laging nakikipagaway ah. Bakit, hindi na ba kaibigan ang turing mo sa’kin? Ganyan! </3"
"Anong ako? Aaaah! Bahala ka na nga diyan. Magtanong ka na kasi."
"Naman! Minsan lang hihingi ng tulong!"
"Tae to. Ano ka chicks?! Andito pa ako sa malayo diyan tapos pupuntahan kita?! Feeling naman. Sayang ang ganda ko. "
"E kamalayan ko ba! Napaglaitan pa o. Tae."

Di na siya nagreply pagkatapos nun. Taena. Ayaw ko magtanong e. Pero yae na, gwapo naman ako. Para lang akong batang takot makipagusap sa saleslay. Tss. haha!

"Ah, miss. Ano, excuse me."
"Yes, ano po 'yun, sir?"
"May ano ba.. Uh. Libro kayo na tungkol sa witchcraft?"
"Witchcraft po?"
"Witchcraft nga.
" Parang nawirduhan nga ung expression niya. Yan kasi e. Ang kakaiba naman ng mga trip mo sa buhay Alec. </3 Gusto talaga pinapaulit ulit? Hahaha.
"Sandali lang po ah." tapos lumapit siya dun sa computer at nagpipindot. Pwede ako din pumindot? >:D
"Uhm, di po siya exactly witchcraft pero meron po kaming Wizards of Waverly place at Sabrina the teenage witch." Ang alam ko tv show ung Wizards e. Ung Sabrina di ko pa naririnig. 'Yun na lang. Sana magustuhan niya. Pagod na ako e. HAHA.


"Ano, may nakita ka?" Aba nagtext. Kahit papaano naman pala, magkaibigan pa din kami. 
“Oo. Sabrina, the teenage witch. Magustuhan kaya niya?”
“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.”
“-.-”
“Intayin mo ako diyan. Haha! Naaawa ako sa'yo.” Wow, bati naman kami ngayon. Whew.


Maya-maya pa, dumating na siya, hindi kasama si Cera pero kasama na si Pip. Pagkakita niya sa’kin, biglang parang natatawa na naman siya. Bakit ba? May mali ba? Lumapit na kaagad siya. Miminsan na lang dumating ang mga ganitong pagkakataon na parang balik kami sa dati. Walang inis at tensyon sa pagitan namin. Oo, dumdating naman paminsan ang mga ganitong pagkakataon. Ang wiweird talaga ng mga kaibigan ko. haha.


“Yung Sabrina ay isang palabas sa tv na mas luma pa sa’yo. :D May book din obviously. But she’s not going to like it.” Nagwalk out ata siya. Ewan, basta naglakad na siya palayo. Susundan ko sana siya, kaso paliko-liko siya sa shelves . Nakakatamad! Haha. Nag-usap na lang kami ni Pip tungkol sa NBA. Meron na ulit. Yezzzz!

"Ayan, ito. Pumunta ka nga dito." May pinakita siya sa'kin na book of spells. Pero counterattacks sila from the evil ones mismo.
"Wow. Sino ang balak niyong kulamin?"
"Ikaw. Gagayumahin ka ni Ky."
"Che. Wag ka nga diyang magulo."
"Tss. Patingin nga. Ayan, cool! Sige, ito na." Tiningnan ko ang price. Whoah! Grabe, ang mahal naman. 450 pesos. Para lang dun. >_< "Ayoko na, ang mahal. haha."
"Bilhin mo na, minsan lang magpapasko. Minsan ka lang magkakaron ng chance na magbigay at makapagpasaya sa ibang tao. Bilhin mo na."
"Ang mahal kaya! Hindi naman ako mayaman."
"Wow, says the owner of The Gasoline Company."
(HAHA. Namiss niyo ba ang mga pangalang pinagisipan kong talaga? xD Effort no.)
"Oo nga pala. Libre naman diyaaan."
"Sus. Alam mo namang di ako laki sa layaw. Pinaghihirapan ko ang pera ko no."
"Oo. sa laway ka kasi laki.  hahaha."
"Nice one, Kyra! :))" Ang sipag talaga nitong si Pip. Kailangan talaga buo pa ang pagbanggit sa pangalan. Pero alam niyo ba kung ano ang totoong pangalan ni Pip? HAHAHAHAH. PEPITO. :D Wala lang, natatawa lang ako talaga sa pangalan niya. Since elementary magkaibigan na kami. Since elementary tinatawanan ko na ang pangalan niya. At hanggang ngayon, tinatawanan ko pa rin. :D Pero nagagalit siya kaya sinasarili ko na lang ang saya ko. haha!

"Dami mong alam daig mo pa ang google. :D"
"K. Ano, bibilhin mo na?"
"Ayoko."
"Matutuwa 'yun, lalo pa't galing sa'yo."
Mejo nagets ko na ang point niya. May gusto si Alec sa'kin. Wow, swerte niya naman sa pasko.  :D At hindi rin naman ako umiiwas sa mga nagkakagusto sa'kin, odi sige. 8) Di na ako magtataka kung paano niya nalaman kasi siya 'yung tipong pinagsasabihan ng lahat ng sikreto at problema. Trustworthy kasi siya. Kaya nga nasa barkada ko siya e. Kaming lahat na magkakabarkada matitino pero may toyo. Sige, sawsawan niyo kami, masasarapan kayo. >:D

Pagkabili namin, nagkayayaan na kami sa SB.

Pagpasok na pagpasok namin, ang ineexpect ko, pagtitinginan na nila ang mga gwapo. >:)))) Pero hindi e, kokonti ang babae. Ayun, pinagtinginan na nung mga lalaki si Ky. Tss. Haha. Ang haba naman ng buhok nitong kaibigan ko. haha! Pero siya, parang di naman napansin. Diretso lang kami sa paglakad hanggang sa nakahanap kami ng kumportableng upuan. NagCR muna si Pip.


'Wow, antagal na nating di gumigimik magkasama ah. Istorbohin mo nga 'yung magjowa kung nasan man sila at kung ano ang ginagawa. Papuntahin mo na din dito.."

"E ikaw jan.."
"Bakit ako?"
"Di ka nagyayaya. At busy ka. haha. Lagi pa rin kami gumagala nina Pip."
Mejo matagal na nga ang panahong nakalabas kami ni Ky o nakapagusap ng matino. Lagi lang kaming nagbwibwisitan tuwing nagkakasama sa school.

"Kasama si Cera? hahah."
"Minsan hindi, minsan oo. Depende kung kasama si Caloy o naiwan ni Caloy."
"A, minsan kayo lang ni Pip? ayiiiii. "
"Tigilan mo nga ako. Lagi mo na lang akong inasar sa kanya!"
"hahaha. Bagay kayo kaya. ayiiiii."
tapos kiniliti ko siya.
"Tssssk! Tantanan mo nga ako. Nakakainis ka na. Tss, oorder na ako." tapos tumayo na siya. Napikon na naman. Ang bilis niya talaga mapikon. haha. Umorder na din ako tapos lumapit na sa'min si Pip.

Maya maya pa nung nakaupo na kami, dumating na sina Caloy.

"O, ano'ng nabili niyo?"
"Ito, mocha frappe.  :D"
"Na regalo! >_<"
"Akin libro."
"Akin tshirt."
"Akin roses and candles."
"Akin bed covers and pillows."
"TEKA TEKA. Bakit parang pang honeymoon na ata 'yang pinagbibili niyo!  :D"
"Porke pangkwarto at kama panghoneymoon na kaagad! Hindi ba pwedeng mahilig lang talagang matulog! Ikaw pachu ha, bastos mo talaga. :o"
"HAHAHA. Biro laang!" Tapos sinabi na talaga nila kung ano ang binili nila. Noong si Cera na ang magsasalita...


"Oh, and I bought ano--"
"Di ko tinatanong.."
napatingin siya sa'kin na parang hurt. si Caloy, masama ang tingin sa'kin. :D Masyado akong nasanay sa pangaasar kay Ky, nadamay tuloy si Cera. haha. Sorry, nakakalimutan kong good boy nga pala ako. HAHA.

"Di joke langggg! Ikaw talaga.. O ano na nga ulit 'yung binili mo? ::)"
"-.- bumili ako ng chocolates. I heard that's where  siya mahilig e."

"Ah.." sabay naming sabi lahat pwera kay Caloy.

"Dota tayo pagkatapos?"
"Wag na.. Inom na lang tayo. T.ice para walang epekto bukas sa Christmas Party. "
"Ala."
"Dali na. Gamutin natin 'yang puso mo."
"Ha? Baki-- Ah! Wag mo na nga lang laging pinapaalala! Kung di mo naman sinasabi e di ko maalala e."
"Wooooh. utut mo! Game na. Ikaw Kyra sama ka?"
"Hindi ako umiinom ano."
"So? Sasama lang. Minsan na lang natin makasama si Pachu o."
"Tss. Haha. Wag na, boys night nyo yan. Ikaw Cera? Papasamahin ka ba ni Caloy? ;D"
"Hindi. Masama sa kanya 'yun. Sabay na lang kayong umuwi ha. Ingatan mo Kyra yan. Ingat kayo pag-uwi ha."
"Okay, love."
"Anakng! May endearment!"
"Matagal na po. Ngayon mo lang nalaman kasi busy ka sa IBA mong kaibigan."
"Sorry naman. Babawi na lang ako sa inyo."
"Woooo. Porke wala ng lablayp. Saka babawi. Tsk"
"Sorry naaaa."
"Ano, pinapatawad na ba natin si Pachu?"
"Hindi pa e. Lalasingin na lang natin iyan mamaya. >:D "
"Ulul!"
"Oo nga. Tama iyan, tama."
"Sya, uuna na ako. Sabay ka na Cera. Magaalasais na o."
"Hmm. Osige. Love, alis na kami. Wag ka magpapakalasing! Nako, lagot ka sa'kin. "



 Wow, nagbanta lang, natuwid na ang tagalog! hahaha. Pero dahil dun, parang nakita kong kahit ganun iyang si Cera, mahal na mahal nga nila ang isa't isa. Siguro, dapat ko na ring tanggapin iyan gugali niya at iwelcome siya sa barkada namin.

"Oo naman, love. Sya, ingat kayo." tapos kiniss niya sa cheeks si Cera. Tapos may pahabol na bulong pa
"Sus, I love you lang di pa masabi ng malakasan. ;D"
"Tss. I love youuu. Happy?"
"I love you too. Bye."
"Grabe ang tamiiiiis. Kakabitter. hahaha. dejoke. Sige, babye." 
"Byeeeeee. Ingat kayo."
"Bye, lovely ladies."



Mga 10 minuto pagkaalis nila, pumunta na kami kina Pip at nag-inom. Pinaguusapan lang namin basketball, dota, at mga chiks. Oo, may mga alam pa rin namang chicks si Caloy, pero siyempre wala siyang pakielam dun. Dati wala na rin akong pake sa chicks. Pero ayoko namang ikulong na lang ang buhay ko kay Alex. Oo, inuman na e, pwede ko na siyang isipin. Pero maya-maya, makakalimutan ko na din, depende sa tama ng alak sa'kin. Pero Tanduay Ice lang yan.  :D


"Pero aminin mo Pachu, namiss mo kami."
"Oo, pare! Shet. Pakiss sabay hug ngaaa. :-*"
"Siya ta sa loob."
Nagtawanan lang kami. Oo nga, tama siya.
"Pero seryoso. Namiss ko nga kayo. Akala ko di ko mamimiss ang mga mukha niyong kadiri na iyan e."
"Ang kapal mo! Mas gwapo naman ako sa'yo."
"Lapa, kayo'y magsingahan na lang! >_< Ginawa tayo ng Dyos na magkakaiba. Gwapo tayong lahat"
"Wooow. Magpapari pa ata si Caloy!"
"Basta, ako ang pari pag ikakasal na kayo pareho. :D"
"Makakarating kay Cera."
"De joke.  :D Baka mahumaling lang sa'kin ang mga madre dun."
"Hahahha. Pucha, walang kapal yun."



Ito ang gusto ko sa amin. Kahit gaano pang panlalait sa isa't isa, kahit nakainom na, never pa nangyaring magpapanuntok kaming tatlo. Solid ang bond namin e. Daig pa ang one direction. So gay, alam ko kung sino sila, ohmyy. :"> ;D Sht, unti-unti na akong nagiging bakla!! Kundangan naman bang ang mga kaklase kong babae lagi na lang binabanggit 'yun. Di hamak namang mas gwapo ako as mga 'yun.


Inom lang ng inom.. Inom.. Hanggang sa nagiging kabadingan na ang topic namin.

"Pero payo lang dre. Kalimutan mo na si Alex. Maghanap ka na lang ng iba jan, ang dami dami pa o. Kitang kita kasi kung gaano kaseryoso siya kay Drew. At aminin mo, nakikita mong may pag-asa siya kay Drew."
"Bakit, tingin niyo ba meron?"
"Oo pare e. Sorry"
"Alam naming cool na babae iyang si Alex. Pero tignin namin e magiging okay kung kalimutan mo 'yang nararamdaman mo, at maging kaibigan naman ngayon. Sayang ang pagkakaibigan nyo e."
"Yun naman ang plano ko e. Kaso minsan naiisip ko, paano kung may pag-asa pa? Paano kung di naman pala silang dalawa? Paano kung mali si Alex, may nararamdaman pala siya sa'kin. O kung nagsinungaling lang siya."
"Ikaw magsabi sa'min. Alam mo sa sarili mo ang sagot diyan. Natatakot ka lang tanggapin."
"Tangna..  :( Oo na, alam kong sigurado si Alex sa lahat ng sinabi niya at di siya magsisinungaling."
"Sus, emo ka na o. Shot pa!"
"Kalimutan mo na lang siya pare. Payong kaibigan, payong kapatid, at payong chismoso lang. Babae lang iyan."



Ano, kakalimutan ko na ba? Tatapusin ko na ba ang dapat? Parang ayaw ko pa..

"O, lumalabas na naman sa mukha mong ayaw mo pang kalimutan. Dre, trust me. Kalimutan mo na."



Nasasaktan na naman ako. Oo, walang halong biro. Kalimitan talaga kasi, ang mga gwapong nilalang, sila pa 'yung parating nasasaktan. Ano bang kulang pa sa'kin? Bakit hindi ako nakikita ng mga taong gusto ko. Minahal ko. Bakit lagi na lang ako hanggang kaibigan? Bakit lagi na lang kailangan ako ang masaktan, ako ang magparaya. Tangina, ang daya naman ata.

Nakakasama lang ng loob e. Minsan na nga lang magmahal, lagi na pang sinasaktan. Kumbaga, ako na lang lagi ang nasa friend zone. Tangna, ano bang gusto niyo para makitang pwede rin ako maging boyfriend? Gusto niyo ba rape-in ko na lang kayo, para ayos na? Haha. Di, joke lang 'yun. Tibay no, nakakapagbiro pa ako. Bipolar na ata ako.


Wow. Ang galing ko talaga. Isa akong Bipolar King of the Friend Zone. -.- <////3

At gustuhin ko mang manatiling minamahal si Alex, nagsabi na ako sa kanya e. Aayusin ko na 'yung nararamdaman ko at magiging magkaibigan ulit kami.

Pachu, wala ng pag-asa. Wala naaa. Tandaan mo lahat ng nangyari. Wala kang pag-asa. Kahit pa naging syota ka niya ng isang araw. Wala. Tapos na ang laban Pachu. Game over na.

Balik ka na lang, pag wala nang Drexandra.  :-[ Kung posible man 'yun.

--------------

SORRY TALAGA. SORRY SA SUPER LATE. NOVEMBER PA RIN SA PUSO KO. HAHAHA. PERO PAGKAUPDATE KO, DEC 2 NA ULIT. :))) PLEASE COMMENT. PANGMOTIVATE. HAHAHA.
« Last Edit: December 03, 2011, 01:22:25 pm by prom_princess08 »

lala.LOVE

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 14
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: I Courted Him. chapter 32 on pg. 87! GORA NAAAA.
« Reply #1297 on: December 02, 2011, 09:58:04 pm »
yo. long time no everything. HAHA nmaaah. after ng intense na pangungulit ay nagupdate kna dn. 2 araw dn akong umasa sa pangako mong napako no. HAHAHAHA chos lang. anyhoo. MAHAL NA MAHAL KO SI PACHU. akin nlng ksi sya e. hahaha. kawawa nman sya. pero alam ko nmang sasaya dn sya sa huli dahil mgiging kme. chos lang uli haha. love this chapter ksi POV nya. its about time na magkaron sya ng mas mhabang exposure to express his sentiments. hahaha. nkakaiyak tlga ung last part tho hindi ako umiyak. at sobrang benta pdn ng lines nya sakin. HAHAHAHA gwapo ksi nya e. =)))) yuuun. goodnight MA!:)

littlemiss brightside

  • jellybean
  • **
  • Posts: 212
  • Karma: +8/-2
  • papa q ♥
Re: I Courted Him. chapter 32 on pg. 87! GORA NAAAA.
« Reply #1298 on: December 02, 2011, 10:15:03 pm »
omaygaaaad may update haha. pero omg walang alex at drew >___< namimiss ko tuloy si drew bigla haha. pero omg pachu tama ang iyong mga friendships, dapat na kalimutan. pero 50-50 ako e. malay mo may pagasa pa. diba sabi nga habang may buhay, may pagasa. naks! haha. pero go lang pachu, nasa saiyo parin ang desisyon. go go go!!! kaya mo yan andito lang ako <3 HAHAHAHA

miss you drew ;)

akosidaph

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1060
  • Karma: +60/-6
  • SPONGEBOB <3
    • FB Page
Re: I Courted Him. chapter 32 on pg. 87! GORA NAAAA.
« Reply #1299 on: December 02, 2011, 10:27:21 pm »
KYAAAA :D May update na :> Ayun oh. Tama sila pachu. Kalimutan mo na. Move on na tayo dre :P Sabay pa tayo, eh :)

i.dont.have.a.name

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1222
  • Karma: +31/-4
  • I love writing as much as I love imagining!
Re: I Courted Him. chapter 32 on pg. 87! GORA NAAAA.
« Reply #1300 on: December 02, 2011, 10:34:52 pm »
Naaawa ako kay Pachu. pero keri lang. :)) niceeeee update, it's been a long time! buhay nanaman ang story na ito sa wakaS!!!!! ;D ;D

R I E . 1 5

  • taffy
  • ***
  • Posts: 456
  • Karma: +29/-6
    • Unspoken thoughts
Re: I Courted Him. chapter 32 on pg. 87! GORA NAAAA.
« Reply #1301 on: December 02, 2011, 10:38:26 pm »
Yessss, may update na! Basa basa mode.  :D
U N S P O K E N T H O U G H T S

keiko-nyan13

  • Guest
Re: I Courted Him. chapter 32 on pg. 87! GORA NAAAA.
« Reply #1302 on: December 02, 2011, 10:40:01 pm »
HI MA! :> (FC na naman) After 4521756524asdfghjkl years, nakapagupdate na din.
Puro si Pachu ang POV, mwahahaha~ Bagay sila ni Kyra ♥ Pero, nakakaawa si Pachu  :( Parang binagsakan ng langit at lupa ang kanyang isipan.Pero syempre, pogi pa din. XD
Bakit ganun, walang Drexandra? Sana kahit umepal man lang si Alex o yung konsensiya na. Haha. Feeling MA din naman ako e.
Sana madaming update pag Christmas Break. Nakakabitin kasi kahit napakahaba ng Chapter na to. Pero, ang ganda padin!!!!!!!
</endkdot>

animeaijin21

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1680
  • Karma: +104/-8
  • WAR.HAE.DREW <3
    • Tumblr
Re: I Courted Him. chapter 32 on pg. 87! GORA NAAAA.
« Reply #1303 on: December 02, 2011, 10:44:38 pm »
AWWW. Pachu! akin ka na lang :"> Haha

imFranCes:)

  • taffy
  • ***
  • Posts: 376
  • Karma: +24/-1
    • http://fattythingyces.tumblr.com/
Re: I Courted Him. chapter 32 on pg. 87! GORA NAAAA.
« Reply #1304 on: December 03, 2011, 01:36:35 pm »
Awwww. :( Sarap makakita ng lalaking iniiyakan ka. lol. HAHA!
Mahalin mo ko pachu, mamahalin din kita(AYLANDE)
HAHAHAHA! UPDATE NAAAAAAAA!  :D

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website