Chapter 2- Maling Akala...tsk
Grabe. Tinginan yung mga tao samin ni kuya pag pasok. Normal na rin namang makakita ng mga sosyal na kotse sa SaphU tulad ng dina-drive ni kuya pero ngayon lang nila nakita si kuya na may kasamang babae pag pasok. Kala tuloy nila, girlfriend ako ni kuya. ASA.
Iih, kainis talaga. Yan na... bulungan to the max ang drama ng fan girls ni kuya.
OMG! Girlfriend ni Papa Chino KO? Yuck, wala sa kalingkingan ko yan noh! Duh.Girlfriend ni Chino? Maganda ba?Sa tingin mo? Mas maganda kaya ako.Kala ko talaga dati, bading yan si Chino eh. Akalain mong me GF pala? Freshman pa, wag ka.Dun talaga ko natawa eh, yung sa nag-akalang bakla si kuya. Haha. Di yun bakla si kuya, sa totoo nyan, may girlfriend sya, pero nasa States. Childhood sweetheart nya, si Patrice Enriquez, kakambal pala ni Philip yan. Hehe. Pero kahit nasa States na si Pat, si Phil naman nandito. Schoolmate namin sya.
Grabe naman yang fangirls mo kuya. Baka mamaya, cornerin ako ng mga yan sa CR at bugbugin. Linawin mo na nga sa kanila. Sabihin mo kapatid mo ko. Yuck ha. Sabay dila. Hehehe. Childish.
Oo na. Sige, papasok na ko. Bye. Tapos naglakad na sya palayo. Mag-isa na tuloy ako.
BESPREN!!! Aray. Nabinge ko dun ah. Ay, si Philip lang pala. Ano ba yan, kung makasigaw naman parang wala nang bukas?!
Aray! Nabasag na eardrums ko. Sabay hawak sa tenga for effects. Hehe.
Ang OA naman... Namiss lang kita eh... Uuy, nagtatamapo!
Naks naman! Namiss rin kaya kita, pero talaga. Si JayAnn naman talaga namimiss mo eh... Paawa effects para kapanipaniwala. Hehe.
'To naman oh. Pa-hug nga!Op op op. Baka makita nanaman tayo ni Jenny. Nakow. Dito rin pala nag-aral ang bruha.Haha! Naalala ko tuloy yung ginawa nyong dalawa! Hahaha!Nakow! asar naman to, pinaalala talaga. Hmmp.
Flashback
Nagpapatulong manligaw si Philip sakin. Sabi na nga ba eh, may gusto rin sya ke JayAnn.
Pinuntahan ko si Philip sa ilalim ng punong mangga sa school namin. Ayun, sinabi ko sa kanya yung mga dapat at di nya dapat na gawin habang nanliligaw kay JayAnn. Nung matapos kami sa usapan namin, super hug hug naman tong si Philip. Sakto nakita ni Jenny. Ay, s!yeeeheet.
MANG-AAGAAAAAAAW!! Sigaw nya sabay hila sa buhok ko. Ouch.
Ano ba Jenny! Sabay hawak sa kamay nyang nakahawak sa buhok ko.
Ay, dapat pala yung kabilang kamay nya yung hinawakan ko. May dala kasi syang cake para kay Philip. Ang sarap nung cake ha, infairness, kaso, yung mukha ko yung nagsilbing plato.
Urgh. Ang lagkit kaya. Feeling ko, sinusundan ako ng mga langgam at langaw. Yucks.
Si Philip? Ayon, tinawanan ako hanggang pag-uwi. Badtrip.Hahaha!Tawa ka jan?! Di na tayo bati! Sabay dila nanaman. Oo na, childish na...
Alam mo, dila ka ng dila. Hilahin ko yang dila mo eh.Subok daw?? Naks. Di nya rin yun kaya eh.
Philip?!?! Is those you?? OMG! I mishuuu!And that was the cue for my exit. Ahay. I can't stand being with that girl again. Haha. Natawa ko dun sa English nya ha.
Pumunta na ko sa room, nakupo! Mejo late nako. Sana di magalit yung teacher.
Super takbo ko papuntang room. Haaay. Nakahinga na ako ng maluwag. Wala pa kaming teacher. Buti naman. Umupo ako sa likod ng room. Ayoko namang maginf agaw pansin at sa harap agad umupo.
Good morning class! Wow. Ang jolly jolly naman ng teacher namin na to.
I'm your teacher, Mr. Alvin Andrada and this is your Logics class. Welcome to Sapphire University.Waah. I can't believe college na ko. Huhu. Di ko talaga ma-feel. Haaay. Nung matapos na yug lesson, lumabas na ko ng room para hanapin yung next class ko: Psychology.
Pagpasok ko ng room, natahimik ang lahat. Mostly, girls yung kaklase ko. Tumingin silang lahat sakin. Mejo nag-bow nalang ako at tumingin sa sahig habang naglalakad. Nakakahiya. Umupo na ko sa likuran. Bakit kaya sila tumitingin sa kin? Ganun na ba ko kapangit?
Alam ko, hindi naman ako maganda pero...
Ikaw di ba yung kasama ni Chino Gonzales kanina sa pagpasok? Girlfriend ka ba nya? Lumapit sa kin yung babae. Mukha naman syang mabait.
H-ha? Hindi no. Kapatid nya ko. Nginitian ko sya.
Aah, ganun ba? O girls, di naman pala sya girlfriend ni Chino eh. Kapatid pala sya. She is...? Humarap sya sakin.
Chay-zee Gonzales. Nice to meet you all. Nginitian ko silang lahat.
Ayun, warm naman yung pagwelcome nila sakin. Ang saya, may friends na ko agad.
Dumating na yung teacher namin. Tapos, in the middle of her lecture...
Miss? Pinapatawag po si Chay-zee Gonzales sa Dean's office. Thank you.Uh-oh. Anong ginawa ko???
Oks lang ba? hehehe.