Teentalk

Author Topic: EJ: Ang kapal na ng agiw. Lol.  (Read 5618 times)

anime fanatic

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1219
  • Karma: +25/-22
  • amre enaj
EJ: Ang kapal na ng agiw. Lol.
« on: September 04, 2010, 08:12:28 am »
Hello.

Kadalasan yang sinasabi sa mga di pa nakikikilala o kakikilala pa lang. Hello. Ako si EJ. Isang taong gulang sa Candy. Nagparegister ako ng di namamalayan na kasabay pala yung petsa na yun ng birthday ng isang matalik kong kaibigan. Share lang. Para akong adik kung makakwento. Hello. Ako si EJ. At ako'y 17 taong gulang na nangangarap mabura ang edad dahil bata pa talaga ako. Minsan nga napapatanong ako, paano pag 100 ang unang naging edad mo pababa, pwede ka kayang tawaging matnda muna bago bata?

Hello. Ako si EJ. Taong nagmamahal sa mga kaibigan. Kaibigan. Meron din akong standards para diyan. Sila yung mga partners in crime mo sa kalokohan(partner mo nga pero iiwan ka din pag nagkaharapan), sila yung mga taong bukod sa pamilya mo makakatiis sa baho ng utot mo. Mandiri man kayo pero totoo. Sila yung mga tipong manghihiram ng bagay. Oo hiram lang di hiningi at ang masaklap di pa sinasauli. Sila yung mga taong nagpapatawa sayo kahit na sila dun yung naging dahilan ng pagluha mo. Pwede mo silang iwan, pwede mo silang itakwil at pwede mo silang awayin. Pero pwede ring hindi sa rasong mahal mosila o sadyang hindi mo na talaga matakasan yung tadhana na parte na sila ng buhay mo. Hello. Ako si EJ at mahal ko mga kaibigan ko.

Hello. Ako si EJ. Bunso sa limang magkakapatid. Kulang sa pera pero sagana sa sustansiya't pagmamahal. Ayoko ng magkwento tungkol sa kapamilya ko baka kasi masiyahan din kayo at agawin niyo pa sila. Djk. Sadyang mahal na mahal ko sila na tanging puso ko lang ang makakapagdescribe. Hello. Ako si EJ at mahal ko ang pamilya ko.

Hello. Ako si EJ. Palaging masaya. Todong ngumiti dahil isa ring iyakin. Masaya ako. Masaya ako. Masaya ako. At mahal ko sila. Mahal ko siya. Mahal ko ang sarili ko. Hello. Ako si EJ at mahal ko sarili ko.

Hello. Ako si EJ. Ikaw? Mamahalin rin kaya kita?

***
Mga dagdag na kaalaman. XD

Ako si EJ. Wagas kung makatawa pero grabe naman kung makaiyak. Ako yung tipo ng tao na ang daming luhang nakatago sa glands. Buti nga di nadedehydrate tong mata sa bawat pag-iyak ko. Kahit konting bagay lang kasi, naiiyak na ko. Tulad na lang ng mga korning movie, iniiyakan ko yan, yung mga alagang hayop na kinukuha at mga di makatwiran-para-iyakan na mga bagay. Hahaha.
« Last Edit: May 19, 2012, 01:30:40 pm by anime fanatic »

anime fanatic

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1219
  • Karma: +25/-22
  • amre enaj
Re: ej here.. anime?friends? :)
« Reply #1 on: September 04, 2010, 05:47:18 pm »
weeh.. i didn't get the latest episode of naruto :(

zeroeightislove

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2726
  • Karma: +54/-9
  • Ang gulo.
    • Uhm, okay.
Re: ej here.. anime?friends? :)
« Reply #2 on: September 04, 2010, 09:11:51 pm »
Hello:) Di ako anime fanatic, pero friends pa din! Haha. Maganda nga siguro anime, mga friends ko kasi adik din sa anime e. Pati mangga. No wonder maraming tao slightly addicted dun. Alyssa nga pala.

anime fanatic

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1219
  • Karma: +25/-22
  • amre enaj
Re: ej here.. anime?friends? :)
« Reply #3 on: September 04, 2010, 09:53:01 pm »
Hello:) Di ako anime fanatic, pero friends pa din! Haha. Maganda nga siguro anime, mga friends ko kasi adik din sa anime e. Pati mangga. No wonder maraming tao slightly addicted dun. Alyssa nga pala.

Hi EJ here cute kasi eh :)
cartoons bha nanonood ka rin? :) hope we cud be gudfriends

ianne11

  • taffy
  • ***
  • Posts: 336
  • Karma: +10/-4
  • TeenTalker
Re: ej here.. anime?friends? :)
« Reply #4 on: September 04, 2010, 11:28:00 pm »
hello ej!!! I love anime also!! naimpluwensyahan ako ng bessie ko!! haha.. .friends na tayo!!



___________________________________________________________________


... what if a distraction came?....


Buhay Nurse
GUESS WHO???
Guess na!!!

anime fanatic

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1219
  • Karma: +25/-22
  • amre enaj
Re: ej here.. anime?friends? :)
« Reply #5 on: September 04, 2010, 11:38:04 pm »
@ ianne bestfriend yung sayo? sa akin kuya eh.. :)
yes thank you may bago na kong friend :-*

juzty

  • taffy
  • ***
  • Posts: 386
  • Karma: +24/-5
  • of all the things that i REGRET you were the BEST
Re: ej here.. anime?friends? :)
« Reply #6 on: September 04, 2010, 11:45:36 pm »
hi ej.. juzty here :) friends??
well i'm not soo into with anime but i love manga :) my brother is more an avid fan of anime saying stuff like otako or something :))
i like manga since i think it is more detailed than anime :))

anime fanatic

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1219
  • Karma: +25/-22
  • amre enaj
Re: ej here.. anime?friends? :)
« Reply #7 on: September 05, 2010, 12:06:13 am »
hi juzty.. i like them both :) kuya mo din?pareho tayo..:) so friends na tayo? :D

juzty

  • taffy
  • ***
  • Posts: 386
  • Karma: +24/-5
  • of all the things that i REGRET you were the BEST
Re: ej here.. anime?friends? :)
« Reply #8 on: September 05, 2010, 12:08:41 am »
hi juzty.. i like them both :) kuya mo din?pareho tayo..:) so friends na tayo? :D

no, he's younger by 3 years.. :)
oo friends na :)))

anime fanatic

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1219
  • Karma: +25/-22
  • amre enaj
Re: ej here.. anime?friends? :)
« Reply #9 on: September 05, 2010, 12:36:58 am »
haha ganun ba?i didn't know eh
weeehh time to sleep na bukas ulit
:) thank you mah friend

anime fanatic

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1219
  • Karma: +25/-22
  • amre enaj
Re: ej here.. anime?friends? :)
« Reply #10 on: September 05, 2010, 09:22:31 am »
if i we're the rain that binds the sky and the Earth
would I be able to bind two hearts?

~Bleach

zeroeightislove

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2726
  • Karma: +54/-9
  • Ang gulo.
    • Uhm, okay.
Re: ej here.. anime?friends? :)
« Reply #11 on: September 05, 2010, 03:13:44 pm »
Haha. Ayos lang cartoons. nanoood din ako ng Anime at nagbabasa ng manga. Pero di ako ganun ka commited. Haha.
Ako din. I hope, too.
Babae ka po ba? Haha.

anime fanatic

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1219
  • Karma: +25/-22
  • amre enaj
Re: ej here.. anime?friends? :)
« Reply #12 on: September 05, 2010, 05:38:52 pm »
Haha. Ayos lang cartoons. nanoood din ako ng Anime at nagbabasa ng manga. Pero di ako ganun ka commited. Haha.
Ako din. I hope, too.
Babae ka po ba? Haha.

yep girl ako :D
para ba akong boy makipag.usap? >.<

zeroeightislove

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2726
  • Karma: +54/-9
  • Ang gulo.
    • Uhm, okay.
Re: ej here.. anime?friends? :)
« Reply #13 on: September 05, 2010, 08:00:38 pm »
Hindi naman po. Haha. Kasi may kapitnahay akong lalaki na EJ. Haha ;)
Nacoconfuse talaga ko sa ibang tao pag may kakilala na kong ganun, parang naiisip ko, pati yung ibng tao, ganun din ugali, gender, itsura. Haha.
Andaldal ko.
Ilang taon ka na po?

anime fanatic

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1219
  • Karma: +25/-22
  • amre enaj
Re: ej here.. anime?friends? :)
« Reply #14 on: September 09, 2010, 07:30:07 pm »
Hindi naman po. Haha. Kasi may kapitnahay akong lalaki na EJ. Haha ;)
Nacoconfuse talaga ko sa ibang tao pag may kakilala na kong ganun, parang naiisip ko, pati yung ibng tao, ganun din ugali, gender, itsura. Haha.
Andaldal ko.
Ilang taon ka na po?

weee di naman hehe 15 pa lang ako? ikaw guess ko 15 din?hehe oh baka kapatid ko na yang kapitbahay mo :)

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website