CHAPTER 5
Makalipas ng isang linggo ay ginanap ang burol ng mommy niya sa north cemetery. Wala ng masyadong pumunta roon dahil lunes at marami sa bisita ay may mga negosyong dapat asikasuhin kasabay din nun ay malakas na buhos ng ulan habang papaalis kami sa lugar na ginanapan ng libing, mukhang nakikiramay din sa kanya ang langit. Pinipigilan niya ang sariling lumuha ulit habang binababa na ang kabaong ng mommy niya sa lupa. Hindi niya magawang pagkatitigan iyon ng matagal kaya nilibot niya ang mga mata sa mga taong dumalo. Tahimik ang lahat, lalo na ang lola niya na kadadarating lang nung biyernes galing states hanggang ngayon ay hindi pa niya nakakausap ito dahil laging kasama nito ang ninang Camilla niya at para ding iniiwasan siya nito dahil madalas ay kapag lumalapit siya ay agad ito namamaalam. Maya maya ay natapos na ang seremonya at natapos na ring tabunan ng lupa ang lugar na pinagburolan. Sa mga sandaling iyon hindi niya namamalayan na kanina pa pala tumutulo ang luha niya wala sa sariling pinahid niya iyon at sinout ang itim na sunglasses na kanina pa niya hawak, isa isa ng namaalam ang mga dumalo pinilit niyang magpakatibay habang nagpapasalamat siya sa mga ito. Ilang saglit pa ay may humawak sa kaliwang balikat niya.
“Lyra ako na ang bahala dito, puntahan mo muna ang lola mo dun.” Sabi ng ninang Camilla niya sabay turo sa matanda na nasa harap parin ng pinaburolan ng mommy niya.
Tumungo siya bilang pangsang ayon na puntahan ito. dahan dahan akong lumapit at huminto nang isang hakbang na nalang ang layo nila. Kahit medyo mahina ay naririnig niya na may sinasabi ito kay mommy.
“kung sana ay nakinig ka samin ng ama mo emerald sana ay hindi ka sa ganito humantong… sana ngayon ay naniwala kana na tama kami at ikaw ang mali…” narinig kong sabi nito.
“lola?” mahinang tawag niya dito habang unit unti kong inaabot ng kamay ko ang braso nito pero bago pa man lumapat iyon dito ay sinanggi na nito iyon.
“wag na wag mo akong hahawakan!” malakas na sabi nito sa kanya na kinagulat niya.
“lola bakit-“ marahas na lumingon ito sa kanya.
“at wag na wag mo akong tatawaging lola dahil kahit kailan hindi kita tinuturing na apo!” natigilan siya sa sinabi nito, kitang kita sa mga mata nito ang matinding galit at dis gusto nito sa kanya.
“ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay si emerald kung hindi ka sana sinilang at ginulo ang pag sasama ni emerald at jonathan sana hindi mangyayari ito.” sumbat nito sa kanya.
“Pero hindi naman po iyon ang dahilan... Dahil po kay Cesar-“ malakas na sampal ang natanggap niya mula dito. Napabagsak siya at halos mawalan siya ng malay sa lakas nun.
“at wag na wag mo rin ipaparinig sa kin ang pangalan ng walang hiyang lalaking iyon isa rin siya sa mga dahilan kung bakit nag kasira sira ang pamilya ko!”“Tita romana anung nangyayari dito?” narinig kong sabi ng ninang niya, nilapitan siya nito at tinulungan tumayo ulit.
“Lyra? Ayos ka lang ba?” tanong nito pero hindi siya nakasagot dahil sa sobrang gulat sa mga nangyayari.
“Camilla palayasin mo sa harap ko iyang babaeng iyan ayaw ko nang makita ang pagmumukha niyan pinapaalala lang niya sakin ang mga kawalang hiyaang ginawa sakin ng ina niya.”“tita wag niyong ibaling sa bata ang hinanakit niyo kay emerald at sa
ama niya… wala siyang kasalanan-““Por que wala o meron ayaw ko nang makita ang batang iyan kunin mo na siya at umalis na kayo sa harapan ko ngayon din mismo!” malakas na utos nito walang nagawa si ninang Camilla niya kundi pakatitigan lang ang matanda at umalis.
Pag dating sa sasakyan ay doon na siya napahagulgol ng iyak, kahit ayaw niya ay hindi na niya mapigilan ilabas ang sinasaloob, agad na dinaluhan siya ng ninang niya at sinubukan nitong kahit papano ay pagaangin ang loob niya pero hindi parin matigil tigil ang pag iyak niya. Parang ito na iyong sinasabi nilang
nervous breakdown .
Maya maya pa ay narinig niya ulit nag salita ang ninang niya.
“Lyra tumahan kana…” sabi nito,
Sinubukan niyang kontrolin ang damdamin, sinubukan niyang tumigil sa pag iyak kahit mahirap, mahigit isang oras narin siyang umiiyak, kahit alam niya wala ring patutunguhan iyon hindi niya mapigilan, alam niyang hindi mababalik ng luha ang anu mang nawala sa kanya ngayon hindi iyon makakatulong sa kanya sa pag harap niya sa hinaharap, kailangan maging matatag siya lalo na ngayon… tinakwil na siya ng mga tunay niyang pamilya ... nag iisa na lang siya ngayon kahit pa nandyan ang ninang Camilla niya ay hindi sa lahat ng oras ay matatakbuhan niya ito, may pamilya din itong kailangan unahin.
“Wag mo nang pansinin ang sinbi ng lola mo… hindi parin kasi nito tanggap na wala na si emerald…” patuloy nito. huminto narin siya sa wakas sa pag iyak
“Pero kahit na po ninang… bakit niya iyon sinabi sa kin…kahit ako hindi ko matanggap na wala na si mommy...”may hinanakit niyang sabi. Hindi parin siya makapaniwalang ginawa iyon sa kanya ng sarili niyang lola… ng sarili niyang kapamilya.
“Wag mo na siya intindihin lyra… wala na tayong magagawa pa… wag kang mag alala dahil nandito naman ako aalagaan kita… iyan ang pinangako ko sa mommy mo…at malapit narin tayo sa bahay…” doon nalang niya nagawang tumingin sa labas puro mga naglalakihang mga bahay ang nakikita niya doon. hindi na siya nagtaka dahil alam niyang mayaman talaga ang ninang niyang ito. kahit ayaw niya ay hindi niya mapigilang mapag isip kung anong buhay ang kakaharapin niya sa bagong bahay na titirhan niya.