CHAPTER 1
“Wait mom, wag niyong sabihin na tototohanin niyo ang nakasulat sa kontratang to. This is ridiculous for crying out loud I’m just 15 yrs old! Ipapakasal niyo na ko kaagad?” hinaing niya sa ina.
Pagkagaling palang niya sa eskuwela ay agad na siyang pinatawag nito para kausapin. Pag pasok niya sa silid ng ina ay nagtaka siya kung bakit seryoso ang mukha nito. Kinabahan tuloy siya, akala niya ay may nagawa siya kasalanan yun pala ay kakausapin siya nito tungkol sa kontrata na ginawa nito at ng matalik nitong kaibigan na si ninang Camilla.
“Sweetheart you should understand that contract is legal si tito mark mo mismo ang magpapatunay niyan and I didn’t say na ngayun kayo magpapakasal when you become eighteen-““What! When I become eighteen?! Don’t you think I’m still young then?” kontra niya sa iba pang sasabihin nito it doesn’t make any sense. Getting married at eighteen? That is the most ridiculous idea I ever heard in my entire life. No hindi pa pala. The most ridiculous idea is getting married at the age of eighteen with someone whom I didn’t know that exist. Ni hindi ko nga kilala ang tinutukoy nitong ninang daw niya na si “ninang” Camilla lalo naman siguro hindi rin niya kilala ang anak nitong si Cassidy.
“Lyra, please listen to me!” she look at her mother. She looks tired.
Sa mga nakalipas na buwan napapansin niya na parang pumapayat ito, madalas ding nasa kwarto lang at kapag niyaya niya ay tumatanggi ito. hindi ganun si mama dati outgoing ito sa edad na fourty-two lagi siyang niyaya nitong magbakasyon sa iba’t ibang lugar, hindi sila nagtatagal dito sa bahay na higit sa dalawang buwan na hindi mamasyal man lang kahit sa park pero ngayun mahigit apat na buwan na rin ng huli kaming magbakasyon dalawa. Ang laging dahilan nito ay napapabayan na daw niya ang kanyang pag aaral na hindi naman totoo dahil kahit noon pa ay lagi siyang nasa top. She always makes sure that her mom will be always proud of her. She was the only family she had pagkatapos kaming iwan ni daddy for some reason na si mommy lang ang nakakaalam. Sinabi nito mula sa simula palang na wag na siyang umasa na babalik pa ito. It was hard at first pero nung tumagal ay natanggap na rin niya ang nangyari. Her mom always makes her feel like she didn’t lose anything naging mas malapit ito sa kanya kaysa noon at sa nakikita niyang kondisyon ng katawan nito ngayun ay nagsisimula na siyang mag alala para dito
“Mom, are you okay?” hindi na niya mapigilang itanong.
“You look tired, I think you should take a rest sa susunod na araw na nating pag usapan ito” suwestiyon niya.
“No we need to talk now lyralyn, come here” utos nito sa kanya na agad naman niyang sinununod umupo siya sa gilid ng kama nito.
“Now listen very carefully.” Huminga ito ng malalim bago muling nag salita.
“We make that contract for your on sake. I want to make sure you are going to fine when I left you.”“Left? Saan naman kayo pupunta?” tanong niya.
Matagal ito bago sumagot.
“I have cancer” simpleng sagot nito.
“What?” napatayo siya sa pagkakaupo.
“You have cancer!? Kailan pa?”Umiling ito.
“hindi ko alam. Ang sabi ng doktor ang syrosis ay mahirap madetect, malalaman mo nalang kapag malala na.” syrosis? Alam niya kung anung sakit yun may ganun ding sakit ang tatay ng kaklase niya ang cause daw nun ay ang lagiang pag inum ng alak o kaya naman ay nahawa sa may ganung ding sakit.
“Mom, have you been drinking?” she asked. Not really wanting to continue the conversation. Umupo ulit siya sa tabi nito.
“Yes” maikling sagot nito.
“Since when?”“Since long time ago” since long time ago? Kailan pa yun?
“pero kailan man hindi kita nakikitang lasing.” Lagi niyang kasama ito at kahit minsan ay hindi niya nakikitang umiinom ito.
Tumawa ito ng mahina.
“sa loob ng maraming taon ay nagtagumpay akong itago sayo ang pag inom ko. Lagi akong nagtatago sa kwarto pag lasing ako at hindi mo alam na nilalagyan ko ng alak ang mga iiniinom kong kape at juice.” Tumawa ulit ito.
“Why are doing this mom? Kailan niyo pa nalaman may sakit kayo?”mahinang tanong niya dito.
“5 months ago”“5 months! At hindi niyo man lang sinabi sa kin?” ganun na pala katagal nito alam na may sakit ito pero hindi nito sinasabi sa kanya.
Hindi ito sumagot.
“Mom bakit hindi niyo sinabi sa kin?” nag uumpisa ng mamuo ang luha sa mga mata niya. She can’t believe this is happening to her. Many emotions overpower her. Shock, anger and sadness all the same time.
“Lyra do you know why your father left us almost two years ago?” tanong nito. Kahit hindi niya alam kung anung kaugnayan nun sa tinatanong niya,
Umiling siya bilang sagot.
“hindi ko sinabi sayo dahil masyado kapang bata noon alam kong hindi mo rin maiintindihan”paliwanag nito habang inaayos nito ang ilang hibla ng buhok niya na naligaw at inilagay iyon sa likod ng tenga niya.
“Ang daddy mo at ako ay laging nag aaway tungkol sa kung papano ka dapat naming palakihin. Your father have many plans for you. Lagi niyang sinasabi sakin na sa pagtungtong mo ng grade school ay dapat may alam ka na kung papaano mangabayo, dapat alam mo na kung papaano tumugtog ng piano o kaya violin, at the age of 7 dapat alam mo na kung papaano maging isang tunay na babae at kung anu ano pa.” Kumunot ang noo niya hindi niya masyadong nakukuha nag ibig nito sabihin so anu naman ngayun kung iyon ang plano sa kanya ng ama may karapatan ito dahil ama naman niya ito if this was the reason they broke up, well they broke up in no reason at all. Nagpapakalasing ito para sa wala.
Huminga na naman ito ng malalim.
“Lyra he was not your real father” pag tatapat nito. Napara bang nababasa nito ang iniisip niya.
“Wait! What do you mean he was not my real father?” she is seriously in shock now. Hinawakan nito ang kamay niya atsaka nag simulang mag kwento.
“Ang lolo mo ay napaka higpit sa akin noon, simula pa nung bata ako hanggang lumaki ay lagi niya dinidiktahan ang lahat ng ginagawa ko, pati kung sino ang mga nakakasama ko kailangan ay aprobado niya, sa sobrang takot ko noon sa lolo mo ay hindi ko nagawang kontrahin ito, hanggang sa nakilala ko si cesar, ang tunay mong ama, mabilis na nahulog ang loob ko sa ama mo hindi lang kasi ito gwapo, maginoo din. Nagkaroon kami ng relasyon ng umabot ng 4 na buwan hindi ito alam ng lolo mo dahil may pakiramdam ako na hindi niya kikilalanin ang ama mo kung sakali dahil isa lamang empleyado ng isang maliit na pabrika ang mga magulang ng ama mo at nakakapag aral lang dahil sa tulong ng government scholarship pero kahit ganun ay mataas ang pangarap nito sa buhay na kinahanga ko dito, kaya naging lihim sa lahat ang relasyon naming dalawa ng ama mo, sa bawat araw na dumadaang magkasama kaming dalawa ay lalong tumitindi ang pagmamahal ko sa kanya hanggang sa may nang yari sa amin at nabuntis ako.
Natakot ako at hindi ko alam ang gagawin. Sinabi ng ama mo napananagutan niya ang nangyari at handa na siya sa kung anung mangyayari kapag nalaman ito ng lolo mo.” Huminto ito sandali dahil biglang may sumakit dito.
“Mom!” pinigilan nito ang kamay niya na akmang aalalay siya dito.
“Ok lang ako” huminga ito ng malalim at nagsimula ulit mag kwento.
“gaya ng inaasahan ko hindi natanggap ng lolo mo si cesar, sinaktan niya kaming dalawa ng ama mo ng tangkain naming mangatwiran sa kanya. Sinabi niya na may nakatakda na akong mapangasawa at mas marangal ito kung ikukumpara sa ama mo. Hindi ako pumayag at pinaglaban ko ang pag mamahalan naming dalawa pero...Pero uhm...Ahh” may sumakit na naman dito pero sa pagkakataon na ito ay nakikita niyang hindi na nito kaya.
“Oh my god! Mom ok lang ba kayo?”“Yaya rosana, yaya rosana!!” tawag niya sa katulong nila na agad namang dumating.
“Yaya rosana, si mommy kailangan isugod sa ospital” sabi niya dito at agad kumilos para tumawag ng albulansya. Tumingin ulit siya sa ina. Pinag papawisan na ito ng sobra.
“Mom! Mommy ok lang ba kayo? Kunting tiis nalang papunta na tayo sa ospital” sabi niya dito bago ito mawalan ng malay.