CHAPTER 49
“Oh thank you Lizbeth kasi tinanggap mo ako kahit isa akong !@#$. Yan ba ang gusto mong marinig sakin? Fine!”
“Oh san tayo ngayon?” Lumingon ako sa kanya at parang gusto ko ng magduda sa ngiting binibigay nya sakin. Parang may gagawing di maganda. Sh1t. Gagahasain na ata ako ni Shane. Wahaha. Stupid.
“It’s a surprise Lizbeth so stay quiet ok?” “Ok.” Ano pa nga bang magagawa ko diba? Isa lang naman akong hamak na nagmamahal. Shet na malagket. Eto na nga bang ayokong mangyari nang na-inlove ako sa kanya. Yung kahit may pagdududa aalisin mo sya sa isip mo dahil alam mong mahal mo sya at mahal ka nya. Kahit may iba kang bagay na napapansin, you will ignore that. Ganun katindi pag nagmahal ang isang tao, I belong with them.
Dinala nya ako sa isang Five star hotel. Sabi ko na sa inyo eh, gagahasain na talaga nya ako. Wahahaha. Hay. Ang tanga-tanga ko kasi at na-inlove pa ako. Eto tuloy napala ko. Nag-iimagine ng mga kagaguhan eh.
“Lizbeth sandali lang ah. Wait ka muna dito sa lobby.” “Oh sya, wag mo lang tagalan ah.” He smiled at me. Para talaga syang may tinatago sakin. Ano na naman kaya yun? Sira ulo sya, wag lang syang magsisinungaling sa akin kundi iiwan ko sya.
Pero syempre hindi rin ako nakapagtimpi sa upuan ko at sinundan sya. May sasabihin kasi ako sa kanya. Nakita ko na lang syang may kausap sa lobby then lumabas ng hotel. Aba’t.. .
You should trust him! Sabi ng isip ko.
Tama naman diba? Ano yun, dinala nya lang ako dito sa hotel na ito para lang makita ko na may kasama syang ibang girl? Silly of me. I'm just paranoid diba? Kung ikaw ba naman pagsinungalingan ng mahal mo dati hindi ka rin ba maghihinala ulit? Syempre matatakot ka ng magmahal o magtrust dun sa taong mahal mo.
Sundan ko kaya yun?
Tumayo ako para pumunta pabalik ulit sa upuan ko nang may mahagip ako ng tingin. Yung lalaki na lagi akong sinusundan dati. Yung lagi akong pinupuntahan sa room ko para magbigay ng kung anu-ano. Yung lagi kong inaaway. Yung lalaki na laging kumakaway sakin. No other than Mr. Romero or the epangers na si Johny.
Lumapit sya sakin at tinaasan ko lang sya ng kilay. Ngumiti sya at huminto sa tapat ko.
“Hi Liz. How are you?” “Not fine when I saw you.” He just laughed at me. Aba. Nakakatuwa na pa lang magtaray ngayon? Ganun?? Lagi ko ngang gagawin yun at ng wala na ulit lalapit saking lalaki. Except of course for Shane. Kahit sya na lang. No problem.
“Kelan ka pa ulit naging mataray?” “Huh?” oh shet na malagket.
Lumayo ako bigla sa kanya. I could feel his stare at me. Oh I can’t blame him. I just became a snobbish a few days ago. Naging masama na rin ang tingin ko sa iba just a few days ago
again.
Palabas pa lang ako ng door ng makita ko si Shane na may nilapitang tatlong lalaki. What the… I saw him punched the guy, and then kicked his stomach. OMG. When the hell did my boyfriend know how to fight like that? How lame of me. Before I got into having amnesia, we’re fighting some damn gangsters. How could I forget that?
Lumabas na ko ng tuluyan. I'm gonna help him kaso hindi pa man ako nakakalapit, may lalaki ng bumalandra sa tapat ko. Duguan ang mukha nya at nakapikit na. He looked familiar.
“Shane! Stop that!” Hindi nya siguro ako naririnig kasi patuloy pa rin syang nakikipagsuntukan. Parang sobrang galit nya eh binubuhos na lang nya doon.
Lumapit na ko ng tuluyan sa kanya at hinila yung kwelyo nya ng sobrang higpit. Parang gusto ko ako yung sumuntok sa kanya eh. Ano bang problema nya? Akala ko ba may surprise sya. Damn. Malamang sa malamang ito ang surprise na sinasabi sakin ni Shane. How good of it. Sobrang nakakatuwa. Gusto ko itong ipagdiwang!
“I said stop! Didn’t you hear me a while ago?! Ano bang problema mong ugok ka ah? Ano ang mahirap intindihin sa sinabi ko?? At may gana ka pang makipagbasag ulo sa mga taong ito?! Hindi ka man lang naawa sa kanila. Duguan na nga mukha nila, you keep fighting them! Nakakapeste ka na ah! Sabi mo may surprise ka, eto ba yun, niloloko mo na naman ba ako!?” He smiled, but not the usual smile na binibigay nya sakin. It’s kinda sarcastic.
“So may naaalala ka na pala?” Para akong nanlamig sa sinabi nya. It's like ako pa ang may ginawang kasalanan na nahuli nya ako.
“Kelan pa bumalik yan Lizbeth? Nung andun ba tayo kila Zach?” Nagmamadali akong tumalikod. Shet na malagket. Bakit ba ako pa ang natatakot. Diba nga dapat matuwa pa sya kasi open arms ko syang tinanggap kahit alam kong inaayawan sya ng isip ko dati? Bakit isip lang? Yung tanga ko kasing puso nagpaudyok sa tinatawag na –
LOVE. After the incident na muntik masagasaan si Zone, bumalik lahat sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganun. Yung iba namang alam ko na nagka-amnesia, nabagok yung ulo o naaksidente. Masuwerte pa rin ako.
“Lizbeth!” hinawakan nya yung mga braso ko ng sobrang higpit.
“Alam mo Shane dapat nga magpasalamat ka pa kasi kahit bumalik na yung alaala ko tinanggap kita ng walang pag-aalinlangan. Kahit nga-” “Oh thank you Lizbeth kasi tinanggap mo ako kahit isa akong !@#$. Yan ba ang gusto mong marinig sakin? Fine!” Parang gusto kong umiyak sa nangyayari samin. Is this will be the end? I can’t take it. I will not.
“Shane bakit kasi hindi mo rin sa kanya sabihin yung sekreto mo.” Napalingon kaming dalawa sa nagsalita. Damn! Bakit ba ang daming mga lalaking bumabalik sa buhay ko, sa buhay namin? Ano pa ba ang kailangan nitong herodes na si Basti sa buhay namin?? Akala ko ba masaya na sya kay Cielo?
“Wag kang mangialam dito!” Tumawa pa ang walang hiyang ugok. Minsan talaga iisipin ko nang si Basti ang kontrabida sa love life namin.
“Hindi mo ba alam Liz? Na yang si Shane–” “Shut up!” “Leader ng mga gangster.” Shet na malagket! As in??
“So?” tanging nasabi ko na lang pagkatapos tuluyang sapakin ni Shane si Basti.