CHAPTER 9
“Akin na yung three glasses. Bilis!”
5:41 pmTapos na kaming kumain at nag-iinuman na lang yung iba dito. My god! Ang babata pa eh puros pag-iinom na lam sa buhay. Dahil di ako umiinom, ako na lang tagakuha ng pics nila.
“Liz tama na yan. Shot ka muna kahit isa lang.”
“Magtigil ka dyan Maca ah. Di ako umiinom, pwede ba.”At yung iba nakiusap na rin. Dapat daw ganun talaga. I looked at Alex, humihingi ako ng tulong sa kanya. Lumapit naman siya. Nagdeal na lang, ang game namin spin the bottle with twist… nagsulat sila sa papel ng mga kung anu-ano. Ewan ko kung ano pinagsusulat-sulat niya dun at kakaiba yung ngiti niya. May binabalak na naman siguro tong babae na to.
“Ganito, spin the bottle…lam nyo na game na yun pero dito, bubunot kayo ng papel. And you need to do whatever is written on the paper, ok people? Pero kung di nyo kaya yung gagawin yun, you better drink these 3 glass straight, pero..pero..pag di nyo pa rin carry ang 3 straight shots, pwede kang makiusap sa katapat mo. Yun eh kung papayag, ok people? Tapos spin ulit nung nakabunot for the next VICTIM. Hahaha.”What? Nababaliw na ba siya? Nailigtas nga ko kanina pero 3 shots straight? She’s really crazy.
Agree naman yung mga klasmeyts namin kasi new game daw. Natuwa pa nga sila sa kakaibang twist. Aishhhh!!!
Nagform kami, este sila pala ng big circle. Ako kasi nakatayo, di ako umupo. Tagakuha nga kasi ako ng pics. Pero naglagay sila ng space sa tapat ko, so it means kasama pa rin ako dun.
“Oh sige start ka na Maca kasi ikaw birthday celebrant natin.”Bumunot si Maca, she’ll dance at kukunan pa ng video. Hindi na masama. Ginawa naman niya at ako pa yung kumukuha ng video. Nakakatuwa yung ganito pero syempre di ko pinapakita na natutuwa ako. Tamang tumitingin lang ako. Si Alex naman, napailing lang sakin. Syempre alam niya na nag-eenjoy ako.
Oo na. Plastik rin ako, ayaw ko lang na makita nila na masaya ako. Basta. Ganun yung feeling ko eh. Hirap explain bakit.
After ni birthday celebrant magsayaw, nag-enjoy yung iba, especially the boys. Nagspin na siya for the next victim na gagawa ng kalokohan ni Alex.
Kung ano-anu yung mga nakalagay doon,merong kiss yung katabi, tumula, sray kayo sa isang room for 15 minutes, kumanta ng old songs, yakapin yung katabi ni Maca (eh yung ungas nay un yung nasa left side niya, at sa right side eh si Alex). Mag-i-love-you sa katabi, etc… sobrang dami talaga para imention at never pa kong natapatan ng bottle kaya salamat sa Di-
“Liz.”“Ha?” napatingin ako sa kanila, all of them was staring at me. What’s wrong?
Then I realized that the bottle was in front of me. Crap. Di po ko nagthank you Lord. Later na lang. hmpp.
Bumunot naman ako, medyo kinakabahan ako kasi baka masama yung nakalagay dito. Eh nakangisi yung kupal na yon sakin pati si Alex sakin. Nakakatakot yung ngisi ni Alex.
I read the paper,
“Kiss the person in front of you”. Wahhhhh. Bakeet? Ayaw. Ayaw.
“Wuiii. Liz. Ano ba yung nakasulat?” “Akin na yung three glasses. Bilis!” I crumpled the paper sa sobrang pagkagulat, pagkainis. Nakaka-frustrate talaga!
“Hehehe. Liz, ano bang nakalagay?” I looked at Alex with my wicked eyes. She was grinning at me!
“Would you mind if we see it?” isa pa tong kumag na to. Yung iba rin nag-nod. Neknek nyo. Tumngin lang ako ng masama sa kanila, and they didn’t utter anything.
Kahit ayaw ko nito, napilitan ako. Ininom ko yun. Umupo na lang ako at nagtake ng pictures sa kanila. Di ko alam pero tumahimik lang sila sakin. Si Alex balak sana ako pigilan pero nainom ko na. ang pait-pait. My god!!
Naisipan ko na lang kumuha ng video, tinapat ko yung cam sa bottle, at nagstop. I focus the cam kay… crap. Ang malas ko naman. Ngumiti lang sa cam yung ungas. At napakunot ng noo sa nabasa.
“Ano ba yang nakasulat dyan?” nakiusyoso naman yung iba sa kanila. Pati rin yung ibang girls. Pero sympre curious ako ano nga ba yung nakasulat doon?
Napangiwi pa yung iba at tumngin sakin. Ano na naman ba yun? Ako na lang parati yung tinitignan nila.
“Basahin mo na Shane. Ano ba yan?” He looked at me, I mean sa camera, hindi na ko mapakali sa pwesto ko. Parang may ewan talaga.
“ikiss ko daw yung katapat ko, pag ayaw iinom ng three glasses.”Naibaba ko yung camera sa sobrang kabiglaan. Eh bakit ganun? Napatingin ako bigla kay Alex at sa ibang nagsulat ng kung anu-ano doon. Aba naman at iba-ibang direksyon ang mga pinagtitignan.. you people here… I'm going to kill all of you!! Hindi fair yon!
Kakashot ko lang! Ano ba naman. Baka di ako makauwi ng bahay nito even though andyan si…si…arghhh! Tapos kiss pa? bat ba kasi nagkatapat kami??
Tumingin ako sa kanya and there’s an amusement in his eyes. Is he enjoying this??? The nerve!
“Sana ako na lang yung katapat nya noh?”
“Swerte mo Liz.”“OO nga eh. Si fafa Shane pa kikiss sayo.” Excuse me people it's not my privilege na mahalikan ng kumag na yan.
“Ahmm Liz, kiss or shot?” lahat sila naghihintay. Crap. Syempre shot! Ano ko nahihibang??
“Baka naman di mo kaya.”“Alex, wag mo kong hamunin. Syempre kaya ko.” Most of them gasped. Napakunot ako ng noo, then I realized yung meaning nung sinabi ko.
“It's not what you think, I m-mean shot ako.” Potek naman.
“Ahhhh. Kala namin kiss eh.” Napatingin ako dun sa nagsalita at ngumiwi lang sakin. Yung iba tawa ng tawa. Are they mocking at me? Parang nagsisisi tuloy ako na nakipagsocialize pa ko sa kanila ngayon. Hmpp.
Binigay nila sakin yung 3 glasses. Syempre kaya ko pa noh.
“Wait Liz…”
“Lizbeth, akin na yan. Di mo na kaya.”I raised my eyebrow on him. Kahit kelan pakilamero sa buhay ko.
“Kaya ko. At pwede ba wag kang mangialam!”
“Eh bakit ka sumisigaw??”
“Eh napakapakilamero mo kasi lam mo yun!!”
“I'm not nosy ok? I'm worried sa magiging kalagayan mo!”
“I don’t need your concern!! Sino ka ba para pakilamanan ako ha?”
“Ako lang na-”
“LQ ba to?”
“Baka nga, nag-aaway na kasi sila eh.”“SHUT UP!!” sabay pa kami nagsalita nun. LQ? Are they kidding me? I'm a man-hater kaya why the hell would I have a lover?
They gave me the glasses, and I immediately gulped it. Ang kapal talaga. Ang sama ng tingin niya sakin. Hmpp. Feeling ba niya na di ko kaya? Nakakagigil talaga siya! Sana lang talaga di ko na siya makita kaso mukang malabo mangyari yun.
I decided na wag tumayo kasi nga baka matumba ako. Mahina talaga ako sa alak. As if naman kasi lasenggera ako. Eh bahay at school lang ang alam ko.
“Liz, smile on the cam.” Inanig ko kung sino ang walang hiyang yumuyogyog sakin. Nahihilo ako pwede ba? Pero syempre dahil nagtatapang-tapangaan ako, di ko sinabi yun. Bat ko ipapaalam na nanghihina ako? I just smiled.
“Liz water.” Is that Alex? Yeah. I think. Ininom ko yung binigay niya. Hinawakan niya ko para makaupo ako sa couch. At nagpaalam siya sakin, may kukunin lang daw.
And I think they stopped what they are playing. Yung…yung ano ba yon? Crap. I can't remember yung game namin. Lahat sila lumayo nung nasa isang tabi na lang ako. I'm waiting for Alex at uuwi na kami. Baka nagtawag ng taxi.
Itinaas ko yung mga tuhod ko at sinandal yung ulo ko. Nakapikit ako. I felt my world is spinning so better stay like this. Soundtrip na lang sila. At one of my fav song ko pa.
Whoa, I never meant to brag
But I got him where I want him now
Whoa, it was never my intention to brag
To steal it all away from you now
But God, does it feel so good
'Cause I got him where I want him now
And if you could then you know you would
'Cause God, it just feels so
It just feels so goodMay naramdaman akong tumabi sakin kaya tumigil ako. Ang bango naman.. .amoy lalaki. Aishh. Sino kaya to? Di niya ba alam na mapanganib akong lapitan pag nakainom?
“Ang ganda pala ng voice mo.” Ha? Ano daw? Di ko narinig ng maayos.
“Uwi na tayo.” I didn’t say anything. Ako ba yung kausap niya? Naramdaman kong hinawakan nya yung kamay ko. Aba naman! Tinabig ko yung kamay niya, pero humawak pa rin sakin.
Sino ba ang herodes na to? Nag-angat ako ng tingin but still di ko makilala. Malabo image. Malabo rin kasi utak ko ngayon.
“Let go of my hand.” Hinawakan niya yung balikat ko at pinatayo ako. Syempre napatayo ako kasi nga nagmamalaki akong kaya ko pa kahit hindi na.
“Sino ka ba ha?? And will you please stop holding my shoulder. You jerk!” 
hinampas ko yung ulo ng lalaking ito. Ang kapal ng mukha. Nagtawanan lang yung mga klasmeyts ko.
Pero ayaw pa rin akong bitiwan. Ano bang problema nitong ungas na to?
Hinampas ko ulit yung ulo niya, pati mga braso niya. Pero di pa ko nakuntento pati pa yung dibdib pero ayaw pa rin akong bitiwan. Ano bang katawan meron to?
“Stop it Lizbeth.” Nagulat ako. Lizbeth? Lizbeth!!? Eh iisang tao lang ang tumatawag sakin ng ganito.
“Fafa Shane, hayaan mo na lang yan, nagiging wild kasi si Liz pag nakatikim ng alak, kahit konti. 5 glasses lang kaya niya kaya nga nakakapagtaka na gising pa yan.”
“Shane may taxi na. Uwi mo na siya.”
“Alex kaw ang maghatid sakin. Please?”
“Iisa lang naman ang bahay nyo kaya bakit ako pa?”“IISANG BAHAY?”
“LIVE-IN PARTNER NA BA KAYO??”Bat ba ang dami nilang tanong? I want to go home. Nahihilo na ko at nanghihina na talaga.
“Wala kayong pake! Pwede ba Shane! Bitiwan mo ko!!” binitiwan nga niya ko. Nakikita ko yung figure sa tabi ko, I think it's Alex.
I tried to walk pero nahihilo na ko. Matutumba na ko pero may humawak sa bewang ko at hinawakan pa yong likod ko. Damn!!
Sinuntok ko yung ungas na humahawak sakin, at bigla akong natumba and then I felt something bump my head. And again may naramdaman akong humihinga sa tapat ng mukha ko. Potek naman. Di ko maidilat mga mata ko.
I just heard them gasped. Giggled. Shouted. And lastly…
“SO CHEESY! KAINGGIT NAMAN!”After that, I sleep silently.