CHAPTER 2
“What?!! Is my name Lizbeth?.. .”
Pagpasok ko nang room, nagkukumpulan yung mga classmates ko. Bat kaya? Ano na naman kaya ang pinagtsitsismisan nila? Umupo na lang ako at nagbasa ng favorite kong book about vampires. Maya-maya dumating na rin yung mga iba kong classmate pero yung bestfriend kong si Alex wala pa. Bat kaya?
Nagbell na, at pumasok na si Maam. May kasama siyang guy. At parang.. .
Parang .. . Oh hell.
“Class, ipapakilala ko sa inyo ang bago niyong classmate. This is Mr. Shane Melenes. Treat him well, ok?
“Yes Maam.” Oh well, yun pala name niya. At kaya pala sila nagtsitsismisan. Ito na yung guy na binabanggit sakin kagabi ni Alex. Crap. San na nga ba yung babaeng yun? Siya pa nga tong excited makita tong guy.
Ang lalandi ng mga klasmeyt kong girl, meron pang gay na nagkukumahog lapitan ng lalaking to.
OMG mga classmate, quiet kayo. Ngayon lang ba kayo nakakita ng guy? Kung sabagay, may babatbatin din naman kasi yung pagmumukha niya.
“Mr. Melenes, you can take a seat on the vacant chair there on left.”
Another crap. Dito pa siya sa harapan ko uupo. Ano ba to. Nung tumingin siya sakin nagulat siya pero sandali lang yun, at ayun, nakangiti sakin.
“Hi Lizbeth.”
“Lizbeth!?” sabi nung mga nasa likod ko.
“Mabibingi ako sa sigaw nyo huh.”“Ay sorry Liz.”Oo nga eh. Wait. Lizbeth? What!!!? Lizbeth!? Yun ba name ko!? HmPp!
Tinignan ko lang siya ng masama, at sabay irap. Naku huh, feeling close kame? Neknek mo.
“Kilala mo ba siya Liz?”“Of course not.” Sino ba siya huh?
“Ang sungit mo naman Lizbeth.”“Will you stop calling me Lizbeth!?”
“Eh gusto kong yun ang itawag sayo, may magagawa-”“Mr. Melenes is there any problem with Ms. Molina?”“No Maam, I’m just talking with her.”“Well this is not the right time to talk with your new classmates. We’re going to start our class now. Talk to them later, ok?”Tumayo siya at nagsabing
“Yes Maam. And I’m sorry Maam, sorry din classmates for interrupting our class...”Nagtawanan na lang yung mga classmate ko sa ginawa niya. Ano ba to? Kulang sa pansin?
Hanggang sa mga sumunod na classes namin, nakipagkilala siya sa mga klasmeyts namin. First day pa lang niya, kilala na siya ng mga teachers and classmates ko. Sa totoo lang maingay siya noh. Natutuliro na nga yung tenga ko sa kanya, siya na lang yung naririnig ko.
Si Alex naman, wala dito, nasan kaya yun buong araw na to? Dito naman gamit niya. Baka kung san na naman nagpunta yun.
“ALL STUDENTS WHO SIGNED TO BE A NEW STAFF FOR PUBLISHING PAPER, PLEASE SUBMIT ANY ESSAY, POEM, STORY, OR ANYTHING THAT YOU MADE BY YOUR OWN IDEAS TOMORROW BEFORE 2 IN THE AFTERNOON. THAT’S ALL. GOODLUCK.”Ano kaya ang ipapasa ko? Maybe yung mga ginawa ko na lang na short story last year. Dapat kasi matagal na kong sumali, 3 years na ko dito eh. Nung elementary ako, kasali talaga ako sa school paper. Dapat din, dun ako magco-continue ng high school eh kaso ayaw ko na. Di ko ma-take ugali ng mga rich kids dun na spoiled brat. At isa pang reason, ang daming humahunting sakin dun na LALAKE. Ang buong lahi ni Adan.
Alam yun ni Mom kaya nagsabi akong magtatransfer ako sa malapit na public school dito samin. No choice si Mom sa gusto ko. Even though kulang sa facilities, mas marami akong mga nae-experience dito except sa paghuhunting or pagi-stalk ng mga kolokoy dito.
“Liz may bisita ka.” Lumingon ako sa inginuso ni Alex.
Aba! At kagulat tong si Alex, bigla na lang sumusulpot dito ahh. Kanina ko pa siya inaantay.
“Who’s that?”“I don’t know on you Liz. Tignan mo kayang mabuti.”Awtss. Ang epangers na si Johny the freak. I thought nagtransfer na siya? May pakaway-kaway pa sakin.
“Alex, pakisabi sa kanya to stay away from me.”“Johny lumayas ka na dito. She doesn’t want to talk to you or even to see your.. .face?”Nagulantang ako. Grabe rin tong si Alex noh? Mas malupit pa sakin. Di ko naman gustong mamahiya ng ganyan diba?
“Alex, stop that. Masyado kang malupit.”“Ok. Nakiki-epal lang naman noh.” Tumingin ako sa lalaking yun.
“Mr. Romero, umalis ka na dito kung ayaw mong ihagis kita mula sa rooftop.” My classmates just laughed. What’s so funny?
“Awwwttss. .. basted ka uli. Better luck next time.”
Ngumiti lang siya at kumaway sakin and then umalis na rin. Feeling naman niya. Tinignan ko lang yung mga epangers kong klasmeyt tapos kanya-kanyang gawa-gawa. Naku klasmeyt! Wag nyo kong subukan.
Humarap sakin si Alex at tumingin. I just looked at her and act that I don’t have any idea what she will say.
“What?”“Until now, sa sobrang pagka-man hater mo, di mo maatim na tawagin ang kahit sinong guy sa name nila.”“I don’t care about them Alex.” inantay kong magsalita siya but when I looked at her, ayun at nawala. San ba nagpupunta yun?
Lumabas na lang ako ng room para makasagap ng new air, nakakabuwisit mga klasmeyt ko. At ang tagal naman nitong teacher namin sa last subject. Nakakainip. Umupo na lang ako sa bench sa tapat ng room namin.
And then I heard again that. Nakarinig na naman ako ng kwento bout kay. ..
Siya na naman!!?