Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Make sure to read the House Rules before posting anything!



Poll

Gusto mo ba ng I Hate My Future Husband 2?

Yes
103 (94.5%)
No
6 (5.5%)

Total Members Voted: 109

Author Topic: I Hate My Future Husband | END | AN @p1 | Pls answer the poll :)  (Read 111715 times)

itstrish

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4036
  • Karma: +36/-34
I Hate My Future Husband






"Arranged marriage, a marriage that is arranged
by the parents of the man and woman getting married,
instead of the man and woman choosing to marry each other.   

                                     - Nerd"


"Arranged marriage? That's so yesterday.   

                                    - Sosyal"


"Arranged marriage? Ano yun?

                                  - Adik sa kanto"





Anong gagawin ko kung ayoko sa mapapangasawa ko? Lalo na at arranged marriage kami.


Gwapo na sana eh. Perfect na. Matalino naman din at mayaman. Ugali lang niya ang hate na hate ko. Kaya pati siya hate ko na din.  >:(


Pano ba naman? Kaya lang naman ako pumayag dahil may utang kami sa isang tao,
at para hindi na pabayaran samin yun,
pumayag ang nanay ko na ipapakasal ako sa anak ng inutangan namin.  :(

May pag-asa pa bang magkadevelopan kami?


________________________________


CHARACTERS
(with pictures)





CHAPTERS


-----------------------------------------------------------



AUTHOR'S NOTE:



Wala akong mapaguploadan ng copy ng story ko so paki-PM nalang ako with your email ad kung gusto niyo ng copy. :) I'm open for feedbacks through email. Kung gusto niyong laitin, pwedeng pwede! :) Hindi ko kayo sasaktan. There's a poll pala. Please vote kasi your votes will really count. Thank you guys. Sobrang kayo ang nagiinspire sakin para magsulat pa. :)

« Last Edit: August 22, 2011, 07:03:03 PM by itstrish »
... But the best way to fall, is to fall in love with me ♥

C.

  • Guest
Re: I Hate My Future Husband | Support niyo `to!
« Reply #1 on: August 15, 2010, 07:39:46 PM »
Hi Trish! I guess that's your name? I'm C here. :>
I like your intro, haha. May adik sa kanto pa eh. haha. natawa ako dun. I'll support this one. :>

itstrish

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4036
  • Karma: +36/-34
Re: I Hate My Future Husband | Support niyo `to!
« Reply #2 on: August 15, 2010, 07:56:08 PM »
Hi C!  :)

Yes. My name's Trish. :) Yaaay! Thanks!
... But the best way to fall, is to fall in love with me ♥

silver2596

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 27
  • Karma: +4/-0
  • ~Crazy~
Re: I Hate My Future Husband | Support niyo `to!
« Reply #3 on: August 15, 2010, 11:02:24 PM »
Hi po ate.! Catchy cya ate. Sama din po ako kay ate .C. sa support. :)
:: THE CRUELTY OF THE THING CALLED ~LOVE~::

~.paread tska support niyo na lang kung type niyo.~

                                      ~thnx~

C.

  • Guest
Re: I Hate My Future Husband | Support niyo `to!
« Reply #4 on: August 15, 2010, 11:30:00 PM »
@trish: youre welcome :>
@danielle: haha. sama tayo dito sa story ni trish. we will support her story! :>

nuelene

  • taffy
  • ***
  • Posts: 446
  • Karma: +7/-4
  • i just want people to accept me for who i am.
    • The.Rocky.Road
Re: I Hate My Future Husband | Support niyo `to!
« Reply #5 on: August 16, 2010, 12:20:17 AM »
support ko to!

arranged marriage...i'm a fan of that..but only in fiction..

i don't want to happen it to me kahit gano pa ka-gwapo ang lalake or mayaman
 :)

itstrish

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4036
  • Karma: +36/-34
Re: I Hate My Future Husband | Support niyo `to!
« Reply #6 on: August 16, 2010, 06:44:36 AM »
Hi po ate.! Catchy cya ate. Sama din po ako kay ate .C. sa support. :)
Hi Danielle? Danielle diba? ;D Thank you thank you! :)

@trish: youre welcome :>
@danielle: haha. sama tayo dito sa story ni trish. we will support her story! :>
Awww :"> Thank youuuu!

support ko to!

arranged marriage...i'm a fan of that..but only in fiction..

i don't want to happen it to me kahit gano pa ka-gwapo ang lalake or mayaman
 :)

Hahahaha. ;D Ako kung gwapo, siguro pwede. :D  Thank you! Anong name mo? :)
... But the best way to fall, is to fall in love with me ♥

vain-girl

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 30
  • Karma: +2/-0
  • TeenTalker
Re: I Hate My Future Husband | Support niyo `to!
« Reply #7 on: August 16, 2010, 10:47:41 AM »


 ;D
kung gwapo siya siguro I'll go for the arranged marriage  :D
kidding . Ronnie by the way :D
I'll be supporting this :)
confessions
of a certified
Twi-aholic

What would you do if your ultimate love's rival are
BOOKS?

ilovefood

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 37
  • Karma: +7/-0
  • TeenTalker
Re: I Hate My Future Husband | Support niyo `to!
« Reply #8 on: August 16, 2010, 04:18:22 PM »
support ko toh.... hehe


BTW aril is my name,



Pls read my story

The title of it is

You are still mine

yu.jonie

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 39
  • Karma: +0/-1
  • TeenTalker
Re: I Hate My Future Husband | Support niyo `to!
« Reply #9 on: August 16, 2010, 04:22:01 PM »
..waaahhh....ate go

susubay bayan q yang s2ry mO..hehhe

itstrish

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4036
  • Karma: +36/-34
Re: I Hate My Future Husband | Prologue | Support niyo `to!
« Reply #10 on: August 16, 2010, 06:17:57 PM »
@Ronnie: Hahahaha! Oo. Jackpot din yun eh. :D Thank you thank you! :)
@Aril: Hi! :) Thank youuuu!
@yu.jonie: Thank you! :) Anong name mo?


------------------------------------------------


Prologue





Nagsimula ang lahat ng maaksidente ako at maconfine sa ospital.


*flashback*


"Umabot na po ang bill niyo sa ospital ng 200 thousand pesos. Hindi pa po kasama ang singil ng doktor." Halos magddalawang linggo akong nakaadmit sa ospital. Naaksidente kasi ako. Hindi ko naman kasi alam kung bakit sa mamahaling ospital pa ako dinala.

"Ganun po ba. Sige po." Tumango nalang na malungkot ang nanay ko ng mabalitaan niya kung magkano ang bayarin.

"Kayo po ba si Mrs. Gutierrez?"

"Ako nga po yun."

"Sumama po kayo sa akin. Gusto kitang makausap."


(Sa loob ng opisina ng misteryosong doktor)


"Ilang taon na nga pala ang anak mo?"

"18 na po siya. Bakit po?"

"Mabait ba ang anak mo?"

"Oo naman po! Masunurin pa. At maipagmamalaki ko po na hindi pa siya nagkakaboyfriend." :( Maipagmamalaki ba yun?

"Talaga? Mabuti kung ganun."

"Bakit po? Anong kailangan niyo sa anak ko?"

"Narinig ko kasi na 200 thousand ang bayaran niyo dito sa ospital. Kaya, may ippropose ako sayong deal."

"Ano ho yun?"

"Hindi ka na magbabayad ng 200 thousand, bayad nalang sa doktor ang babayaran niyo kapag pumayag ka na pakasal ang anak mo sa anak ko."

"ANO PO?" Halos mahulog na siya sa inuupuan niya.

"Nararamdaman kong mabait siyang bata at kaya niyang mapatino ang anak ko. Wag ka magalala gwapo ang anak ko. Maganda naman ang anak mo. Tiyak na bagay sila." Sabay abot ng picture ng anak niya.

"Oo nga po. Gwapo nga po."

"Ano? Papayag ka ba sa alok ko?" Matagal hindi siya nakapagsalita. Nagiisip kung papayag ba o hindi. Sa laki ng bayarin eh hindi talaga afford bayaran yung 200 thousand, ospital palang.

"Kaso ho.. Yung anak ko baka po hindi pumayag."

"Masunurin naman yung anak mo diba? Papayag yan."

"Pano na po yung kaligayahan niya?"

"Magiging masaya siya. Alam mo kasi. Kailangan ng magpapatino sa anak ko." Hayop ba yung anak niya? At zoo keeper ba ako?

"Ah.. eh.."

"200 thousand din yun misis." Matagal na naman nagisip ang nanay ko. Pinagiisipan niya ng mabuti ang magiging desisyon niya.

"Papayag na po ako."

"Okay. It's a deal then."


*end of flashback*



Ako nga pala si Maxx Gutierrez. 18 years old. College student. Nbsb. Maayos naman ang buhay ko. Kahit hindi kami mayaman, pero hindi naman din kami mahirap. Tama lang. Hindi ko lang talaga akalain na hinayaan ng nanay ko na makasal ako sa lalaking yun.


"Alam mo anak, gwapo naman eh. Tska, tama, maganda ka naman. Bagay kayo." Nagsalita ang tatay ko. Siyempre, papayag siya. Gwapo naman kasi talaga yung ipapapakasal sakin.

"Eh dad naman. Hindi ko naman siya mahal. Never pa nga akong nagkakaboyfriend eh! Tapos kasal na agad sa isang hindi natin kilala." Ang dami ko pa namang iniisip na magandang love story na pwede sakin. :( Naglaho lang na parang bula.

"Mahal mahal ka diyan. Matututunan mo din siyang mahalin. Hindi lang nga ngayon."

"Dad. Ang drama mo naman. Hindi bagay sayo."

"Minsan lang 'to! Words of wisdom." Tatay ko talaga. -_-

"Maxx, magkikita daw kayo ng anak niya maya maya. Susunduin ka daw dito." Sabi ng nanay ko. Hindi pa ako reaaaadyyyy!

"Nako anak. Dapat bumili ka na ng magandang damit habang may oras pa!"

"Wala na pong oras. At meron naman diyan sa cabinet, hindi ko pa masyadong nagagamit." Gastos na naman. Eh, hindi pa fully paid yung sa mga

doctor. :(

"Nagtitipid ka lang eh! Ok lang samin ng mama mo. Tutal, future husband mo naman yun." Iniisip ko palang, parang sumpa na. :((

"Hindi po. Tska wala nang oras. Sige magbibihis na po ako."


After 30 minutes biglang may nagbubusina sa labas ng bahay. Nandiyan na nga ata. Ang aga naman masyado. Kaya lumabas na agad ako dahil hindi ko mahagilap ang mga magulang ko.Wala namang lumabas sa kotse kaya tumayo nalang ako ng saglit sa labas ng kotse. Pero, biglang bumukas yung pinto sa kotse. Parang magic. :D

"Sige na. Sit down." Aso ba ako? Sinunod ko naman. Kaysa naman tumayo ako sa loob ng kotse diba?

Bigla akong lumingon sa kanan. Nandoon siya. -_-











"IKAW?" Hindi ko man siya kilala pero siya na ata ang pinakagwapong lalaki na nakita ko sa buong buhay ko. Nakakahiya naman ang itsura ko. :(


-----------------------------------------


COMMENTS PLEASE :)

Q: Ano sa tingin niyo ang itsura ng future husband ni Maxx?
... But the best way to fall, is to fall in love with me ♥

C.

  • Guest
Re: I Hate My Future Husband | Prologue | Support niyo `to!
« Reply #11 on: August 16, 2010, 06:31:06 PM »
hahaha! pogi pogi!! haha. Nahiya sya sa itsura nya which means pag tumabi ka dun sa tao mukha kang atchay sa kagwapuhan. :D

itstrish

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4036
  • Karma: +36/-34
Re: I Hate My Future Husband | Prologue | Support niyo `to!
« Reply #12 on: August 16, 2010, 06:38:16 PM »
Oo nga. Pwede pwede. ;D Nakakailang tumabi sa ganun.  :D

Bilis magreply ah. ;D
... But the best way to fall, is to fall in love with me ♥

C.

  • Guest
Re: I Hate My Future Husband | Prologue | Support niyo `to!
« Reply #13 on: August 16, 2010, 06:47:45 PM »
^aiy ako hindi maiilang tumabi. kahit mukha akong basura sa tabi nya, tatabi pa rin ako! Gwapo eh! :D

hahaha. chineck ko kasi unread replies ko tapos boom, lumabos story mo kaya click agad at basa. :D

itstrish

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4036
  • Karma: +36/-34
Re: I Hate My Future Husband | Prologue | Support niyo `to!
« Reply #14 on: August 16, 2010, 06:49:13 PM »
Hahahaha. Salamat ;D Sabagay. AYYYY Nako. Kung magppage 2 na agad 'to ipopost ko na Chapter 1  ;D
... But the best way to fall, is to fall in love with me ♥

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

Mid-Week Essentials

by: marla, 2014-07-30

It's a Wednesday that feels like a Monday, and on one hand I can think, "Yay! It's almost the weekend!" but on the other hand it's... well, a Wednesday that feels like a Monday....

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved