Teentalk

Author Topic: It started with Youtube. -18~  (Read 6299 times)

sarza25

  • jellybean
  • **
  • Posts: 175
  • Karma: +14/-9
  • `Love is a simple word that makes life interesting
Re: It started with Youtube. -1.
« Reply #30 on: August 16, 2010, 08:46:26 pm »
3xa = trisha

actually, my real name's "TRISHA"..but my classmates spell my name as "3XA" and i like it that way..  :D
STEPHEN DAKANAY OWNS ME

thecagedDOLL

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1625
  • Karma: +308/-275
    • Off~Line Forum.
Re: It started with Youtube. -1.
« Reply #31 on: August 16, 2010, 09:39:34 pm »
Two.


Ayoko nang makita ulit ang pagmumukha niya.
Yung intsik niyang mga mata.
Yung sobrang ingay niyang mga bunganga.
Nakakainis. Nakakainis!!


“Hindi ko naiintindihan kung bakit ganun siya kung makapagsalita!!” Tumingin ako kay Mimi pagkatapos tumawa lang siya.

“Ang OA mo naman, Cheriiiii~”

“OA?! Ako?! OA?! Asa ka naman Mimi!! Papano ako magiging OA? E totoo namang nakakainis siya eh! Kung nandun ka lang siguro--”

“--Pinagtanggol kita!! Tama!! IPAGTATANGGOL KO ANG BESTFRIEND KO SA EVIL MONSTER!!!”

“Tama!! Ang galing mo talaga! Kaya nga naging best friend kita eh!”

“Pero maingay ka pa rin, Cheri.”

Parang nalaglag `yung bunganga ko nung sinabi `to ni Mimi. Hindi man lang niya ako binigyan ng chance na idefend `yung self ko! Maingay? Oo, alam ko namang maingay ako eh. Eh ano naman ngayon kung maingay ako?


Pumunta ako sa harapang ng laptoko pagkatapos nag-log in ako sa YouTube account ko at nakita kong may mga bagong subscribers ako...ngunit bakit 2,000 na lamang ulit `yung subscribers ko? A-anong nangyari? Hindi pwede 'to! 2,000+ subscribers ang nawala sa akin?! Imposible! Ayaw na ba nila sa mga topics ko?! Hindi! Hindi `yan maaari.


Tumingin ako sa new comments at may isa dung video response. Kinlick ko ito pagkatapos nagulat ako na akala ko'y sasabog na ang mga mata ko sa nakita kong video.

Siya!


Siya na naman?!

“Hey everyone, this is my first videoblog and this is dedicated to Cheri Bomb.” C-c-c-cheri booooooooomb?!?!?! A-ako?! B-bakit?!

Biglang naging wild `yung imagination ko~ *_*


“Ha? Para sa akin? Ang sweet mo namannnnnnnn~”
“Basta para sayo Cheri! Ikaw lang ang Cheri Bomb ko!!”
“Hindi ko na talaga mapigilan ang sariili ko, bebe. Eto kiss para sayo!! Mwah!!”
“Mwahh!! I love you forever bebe ko!!”



Napangiti ako habang tumitingin sa screen ng laptop ko ngunit bigla nalang akong lumabas sa lugar ng imahinasyon ko nung narinig ko `yung sinabi niya sa video. “First of all, I want to let you all know that the Cheri Bomb you know here in YouTube is not the same as the one I met yesterday. She's actually right when she said she's fat, tama. Mataba siya. Hindi lang siya mataba, pangit pa. At hindi lang siya pangit. Maingay pa. Nope! I'm not doing this because I'm against her or anything, I'm doing this because she's the ugliest girl I've met who has the guts to publish her videos online. I think if I'm in her position, I wouldn't even dare to publish my videos on line! I mean, is she actually crazy? How can someone as fat and as ugly as her tell girls her age that what's more important is the beauty we possess inside? That's nonsense! To be able to survive in this world, you need not only an inner beauty. Of course outward appearance matters! Guys are wired visually. How can you expect someone to like you if you're fat, ugly, and noisy? I'm afraid you'll be single for the rest of your life! Ha.”

Bigla kong napansin na nasasaktan ako sa mga sinasabi niya ngunit di ko man lang ma pause `yung video. Ang bawat salitang sinabi niya, totoo naman eh. Pero bakit ganito? Bakit ako nalulungkot? Hindi naman ako ganito ah. Noon, kung may nang-iinsulto sa akin, balewala lang. Pero bakit ngayon, parang may sense yung sinasabi niya? Bakit parang...nasasaktan ako?

“What I'm trying to say is, she can't even help herself yet she's actually telling girls that they should press on? That's very very very ridiculous! Do you guys agree? If you do so, let me know. And if you are ugly, accept the fact first. And then try to work out your outer self and then develop the inner self. You don't want to be the only black in the color white, do you? Subscribe now and I'll make sure that in my next video blog, you'll eventually have guys lining infront of your house's door!”

Nawalan ako ng sigla nung nakita ko `yung mga comments.

“Ay ganun pala si Cheri Bomb?” posted by yanyan7192
“Aww, that's a sad fact about Ms. Cheri... Naglulook up pa naman ako sa kanya...” posted by esowtoo
“I like your vlog!! I'll subsribe and I''ll look forward to your next vid!! I'm so excited!!” posted by PieceofCAKE.
“Thank you for telling us about Ms. Cheri Bomb! Your vid rocks!” posted by C.
“OH MY GOSH! You exactly look like my Koreanovela crush!! I love you na~!!!” posted by mikaayre
“True that. Inner beauty won't apply anymore. Guys are really visually wired. I won't settle for a fat and an ugly girl with such a noisy mouth.
Definitely a turn off.
” posted by thecagedDOLL
“I'll stop subscribing to Ms. Cheri. Thank you for letting us know!!” posted by curiousitykils

(see all comments)


Bigla akong naiyak pero hindi ako magpapatalo. I stood up and wiped my tears. Alam ko na kung saan ko siya pwedeng hanapin.


HINDI AKO TALUNAN!!! TAMA! HINDI AKO MAGPAPATALO~!! WHOOHOOO!!! GO, CHERI BOMB! 

Padating ko sa greenwich, agad ko siyang hinahap. Umorder muna ako ng pizza at hinintay ko siya. When the clock struck 12:15pm, he arrived. Hindi pa siya nakauniform. Tumingin siya sa akin pagkatapos napahinto siya sa may door.

“IKAW!!!”

Nanlaki `yung mga mata niya. Tumingin sa akin ang mga kasama niya sa trabaho. Tumingin rin sa akin `yung mga kumakain. Yung iba napahinto. Yung iba naman parang nalalaglag `yung bunganga. Lahat sila natahimik. Wala akong pakealam. Nakakainis talaga 'tong lalakeng 'to. Tumingin ako sa name tag niya. May naisip agad akong paraan.

“I MISSED YOU BOJO!!!” Tumakbo ako papunta sa kanya pagkatapos kinurot ko `yung pisngi niya.

“Ah.. magboyfriend pala.”
“Akala ko may eskandalong magaganap.”
“Pero at least ha. Ang cute nila.”


“Teka lang po. Labas tayo.” Bigla niya akong hinawakan sa kamay at hinila niya ako sa labas.

“BAKIT MO KO HINAHAWAKAN?!”

“BAKIT MO AKO KINUROT?!”

“BAKIT MO NGA HINAWAKAN YUNG KAMAY KO?!”

“AS IF GUSTO KO?!”

“AKALA MO NAMAN GUSTO KO?!”

“Alam mo ikaw.” Biglang tumigil siya sa pagsigaw. Halatang seryoso na siya.

“ANO?! AKO PA NGAYON ANG MAY MALI--”

“--Pwede ba tumahimik ka?” Natahimik ako dahil nakakatakot `yung tono niya.

“. . . . “

“Una sa lahat, di ba sabi ko sayo wag mong idamay ang trabaho ko sa kabaliwan mo?!”

“Suplado ka talaga!!”

“Bwiset! Pwede bang tumahimik ka muna, miss?! At pati hindi Bojo ang pangalan ko!!”

“Eh may mas gag* pa ba sayo? Bojo kaya nakalagay sa name tag mo!!”

“Pwede ba? Masasaktan kita eh!!”

“Pwede ba! Pumunta ako dito para kausapin ka!!”

“So sinadya mo talaga? Gusto mo talagang makita ako? Sinadya mo talagang ipahiya ako sa loob--”

“--Bakit mo kasi ako pinahiya sa mga subscribers ko. . . .”

Bigla akong napatigil sa pagsigaw at naging matamlay na `yung pagbigkas ko ng salita. Halatang nagulat rin siya kaya natahimik rin siya. Pinigilan ko `yung mga mata ko sa pagluha kasi hindi ako pwedeng maiyak sa harapan nitong lalakeng 'to. Ayoko ng mapahiya ulit.

“Eh totoo naman eh! Talagang pangit ka! Di lang pangit, maingay pa! Akala mo kung girlfriend kita para puntahan mo ako dito. Tapos ka na ba? Babalik na ako sa trabaho ko. Mainwan na kita diyan. Ayoko nang makita `yung pagmumukha mo dito.” Sobrang seryoso nang boses niya na para bang walang emosyon kung magsalita at kung meron man, isa itong patnubay na wala siyang puso. Na isa siyang masamang tao na napupuno lang ng sarili niya. Na akala niya'y siya lang `yung magaling.

Umalis ako habang naalala ko `yung sinabi niya sa video niya.

“And if you are ugly, accept the fact first. And then try to work out your outer self and then develop the inner self. You don't want to be the only black in the color white, do you?”

Alam ko namang pangit ako. Pero kailangan pa ba talaga niyang sabihin sa buong mundo? Ganyan na ba talaga ako kalala? Dahan-dahan akong naglakad habang nag-iisip hangang sa may isang bagay na pumasok sa isipan ko.

Ano ba ang kasalanan ko na kailangang ako nilang kamuhian?


Isa bang nakakamatay na sakit ang pagiging pangit na kailangan nilang lumayo sa akin?

Nakakalungkot naman.

« Last Edit: August 16, 2010, 09:42:23 pm by thecagedDOLL »

 

VISIT MY BLOG. (o)__(o)

LIKE MY PAGE

Sino nga ba ang manhid?
Ako o ikaw? </3

yanyan7192

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4759
  • Karma: +330/-74
  • Hate, haters.
    • Formspring
Re: It started with Youtube. -2.
« Reply #32 on: August 16, 2010, 09:59:05 pm »
Boo-hoo! I feel you, Cheri! Nako! Owver tong si greenwich guy! Hmf! Anong masamang maging pangit? TEAM CHERI ALL THE WAY!!

Haha

mikaayre

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1241
  • Karma: +137/-15
  • Growing up.
Re: It started with Youtube. -2.
« Reply #33 on: August 16, 2010, 10:43:14 pm »
hahahaha! napaghahalataang malandi ako dun sa comment ah. haha!  :D joke lang! di po ako malandi, sira ulo lang!  ;D

haay, anubayan. favorite ko pa man din ang greenwich. you just ruined it for me Cheri Bomb-Hater. di bale kakarmahin ka rin!  :D
◊◊ Jeep ng Bayan ◊◊
Para na!

silentwhisper

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 796
  • Karma: +48/-6
    • [url]FACEBOOK[/url]
Re: It started with Youtube. -2.
« Reply #34 on: August 16, 2010, 11:07:48 pm »
hahaha.ngayon ko lang nabasa ito!
nakakaaliw ee.bagong bago ung story mo sis:)
haha.ang gaspang naman ng guy para sabihin niya iyon..tsk!
anyway.i'm zhane nga pala.

xxjeannexx

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1776
  • Karma: +155/-53
  • .haha.=)
Re: It started with Youtube. -2.
« Reply #35 on: August 17, 2010, 01:33:29 am »
IMMA SUPPORT THIS! :)
ILOVEEEET! :))
di ka nagsasalita mumu, may ganito ka pala!
amfuu. HAHAHA! :P
i love this story, syempre.. yung author.
mimiss na kita, sobra! :) yieee.  ;)
mwaaa. :*
.hey,iloveyou.=).

C.

  • Guest
Re: It started with Youtube. -2.
« Reply #36 on: August 17, 2010, 02:21:34 am »
pwahaha. natawa namanako dun sa mga vid comments, mga readers. haha. thanks sa exposure ! :D
eek. ang bad ni gian, i mean every girl needs to be respectd no matter how bad they look or act. napaka insensitive nya. boo you gian!

btw, ive seen your channel, i like your song 'dare to fall', you composed it right?

thecagedDOLL

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1625
  • Karma: +308/-275
    • Off~Line Forum.
Re: It started with Youtube. -2.
« Reply #37 on: August 17, 2010, 08:18:52 am »
So far whatcha guys think about this story? :D


Boo-hoo! I feel you, Cheri! Nako! Owver tong si greenwich guy! Hmf! Anong masamang maging pangit? TEAM CHERI ALL THE WAY!!

Haha

HAHAHA! Team Cheri!! :D

Tama! Anong masama maging pangit? Wala! :)

Thanks yannnnieee. :D

hahahaha! napaghahalataang malandi ako dun sa comment ah. haha!  :D joke lang! di po ako malandi, sira ulo lang!  ;D

haay, anubayan. favorite ko pa man din ang greenwich. you just ruined it for me Cheri Bomb-Hater. di bale kakarmahin ka rin!  :D

JANEEEE~ hahaha. bakit naman malandi? Hindi naman malandi yung comment mong yun ah! ;D HAHAHA.

FAVORITE KO RIN ANG GREENWICHHHHHH~ nandun crush ko. ;D

hahaha.ngayon ko lang nabasa ito!
nakakaaliw ee.bagong bago ung story mo sis:)
haha.ang gaspang naman ng guy para sabihin niya iyon..tsk!
anyway.i'm zhane nga pala.

Hello zhane~ HAHAHA.
Bagong bago talaga. Pati yung genre pang comedy. :D
Nagustuhan mo ba sis?

IMMA SUPPORT THIS! :)
ILOVEEEET! :))
di ka nagsasalita mumu, may ganito ka pala!
amfuu. HAHAHA! :P
i love this story, syempre.. yung author.
mimiss na kita, sobra! :) yieee.  ;)
mwaaa. :*


BATA~ SHAKS.
nagparamdam ka!! Talagang namiss kita.
Kamusta? :D :D :D
IMYIMYIMY!!!
ILY! :-*
May crush ako sa greenwich! :D


pwahaha. natawa namanako dun sa mga vid comments, mga readers. haha. thanks sa exposure ! :D
eek. ang bad ni gian, i mean every girl needs to be respectd no matter how bad they look or act. napaka insensitive nya. boo you gian!

btw, ive seen your channel, i like your song 'dare to fall', you composed it right?

HAHA. Yeep. Exposure ng mga readers~ HAHA.
You were there! :D HEHE.
Yep. Girls must be respected.
Sige lang. Tuturuan siya ni Cheri ng leksyon! :D

Yep! I composed it. :) Wow, thank you. Glad you liked it. :)


 

VISIT MY BLOG. (o)__(o)

LIKE MY PAGE

Sino nga ba ang manhid?
Ako o ikaw? </3

mikaayre

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1241
  • Karma: +137/-15
  • Growing up.
Re: It started with Youtube. -2.
« Reply #38 on: August 17, 2010, 09:56:28 am »

JANEEEE~ hahaha. bakit naman malandi? Hindi naman malandi yung comment mong yun ah! ;D HAHAHA.

FAVORITE KO RIN ANG GREENWICHHHHHH~ nandun crush ko. ;D


malandi kasi nag aylabyu na agad, hahaha!  :D sa greenwich nagttrabaho crush mo? ako naman kaya ko gusto yun kasi in-endorse siya dati ni Christian Bautista. hahaha! crush na crush ko yun eh.  ;D

i like the update... super! more Cheri Bomb and Greenwich Boy scenes please.  ;D
◊◊ Jeep ng Bayan ◊◊
Para na!

silentwhisper

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 796
  • Karma: +48/-6
    • [url]FACEBOOK[/url]
Re: It started with Youtube. -2.
« Reply #39 on: August 17, 2010, 10:15:52 am »
So far whatcha guys think about this story? :D


Hello zhane~ HAHAHA.
Bagong bago talaga. Pati yung genre pang comedy. :D
Nagustuhan mo ba sis?

Oo.haha!
talagang meron pang endorsement! haha.
aabangan ko talaga ang story mo sis:)

prilan

  • taffy
  • ***
  • Posts: 424
  • Karma: +15/-4
  • TeenTalker
Re: It started with Youtube. -2.
« Reply #40 on: August 17, 2010, 11:38:15 am »
ang sama.
oh ano cheri anong gusto mo resbakan natin????

C.

  • Guest
Re: It started with Youtube. -2.
« Reply #41 on: August 17, 2010, 02:58:39 pm »
haha! Yeah, go CheriBomb!! Y'know youre the bomb ayt? Pasubagan mo si Gian ng bomba para deds na! :D

You're welcome. Btw, you're Christian? C:

About the story, I can say that this is definitely a must continue story. Honestly, silent reader ako ng iba mong story kaso... I hate you for not continuing your stories. :D

SkYzErOh8

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 11
  • Karma: +5/-0
  • I LOVE THE THINGS........ YOU HATE
Re: It started with Youtube. -2.
« Reply #42 on: August 17, 2010, 07:15:55 pm »
Hi! skatey nga pala o kaya sky n lng..
I really don't like the guts of the male role.. >:( what a jerk!
cheri i understand pareho kayo ng bhezt ko, confident kayo sa sarili nyo though may mga tao talagang hihila sa inyo pababa, naalala ko tuloy yung ex ng bhezt ko hmppp... isa pang jerk..

nga pala po new reader!

Qckevin

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 23
  • Karma: +3/-0
  • = sxeunaco =
Re: It started with Youtube. -2.
« Reply #43 on: August 17, 2010, 08:03:27 pm »
.. very uniQue ! ..
.. suPport ..!!! :) ;) :D ;D

thecagedDOLL

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1625
  • Karma: +308/-275
    • Off~Line Forum.
Re: It started with Youtube. -2.
« Reply #44 on: August 17, 2010, 08:38:12 pm »
I won't be able to give individual replies since I'll quote only those that require answers. :) Hope that'll be fine with you guys. :) Thank you sa pagsupporta.
Supportahan natin si Cheri. :D




haha! Yeah, go CheriBomb!! Y'know youre the bomb ayt? Pasubagan mo si Gian ng bomba para deds na! :D

You're welcome. Btw, you're Christian? C:

About the story, I can say that this is definitely a must continue story. Honestly, silent reader ako ng iba mong story kaso... I hate you for not continuing your stories. :D

Kasi wala ng replies that's why I cannot continue/speed up the pace of the update. :'(
Yan! Nagiging silent reader kasi eh. Hmp. ;D


UPDATE.UPDATE!!






Three.


“Hindi!!! Hindi!! HINDIIIIII~!!!!”

“C-Cheri?! Cheri, apo?! Anong---anong nangyayari---”

“HINDI AKO PANGIT!!!”

“Cheri gumising ka!!”

“HINDI~!!! I'LL PROVE TO HIM!!!”

“Cheri!! Gising ka, apo!! Nananaginip ka~!”

Bigla lang akong nagising. Nagulat ako nung nakita ko si Lolo, nakaboxers. “EH?! LOLO!! Bakit nandito ka?! Pati bakit nakaboxers ka lang?! Di ba sabi ko sayo wag kang lumabas ng kwarto mo pag nakaboxers ka lang?!”

Agad akong binatukan ni Lolo. “Ikaw talaga, nagiging stricto ka na katulad ng tito mo ah!!”

“Aray! Batukan ba naman ako... teka nga, bakit ka nandito lolo?!”

“Sumisigaw ka kasi eh.. sabi mo, hindi ka pangit

Nanlaki yung mga mata ko pagkatapos niyugyog ko si lolo. “Talaga?! Sinabi ko yun?! Tama!!” Tumayo ako sa kama sabay lagay ng index finger ko sa chin ko. “Oo!! Nanaginip ako, lolo... at sa panaginip ko...”

“Ano?! Anong nangyari sa panaginip mo?!”

“Sa pangaginip ko, may isang monster na sobrang gwapo...”

“Boring!”

“Lolo nahahawa ka na sakin ha! Di pa nga ako tapos!”

“Bilisan mo, manunuod pa ako ng tv!”

“FINE! So ganito yun... may isang babae. Chubby siya, kulot ang buhok niya, tapos sobrang maingay siya. Pagkatapos nasa greenwich sila... nakita ng babae yung gwapong monster... biglang naging hearts yung mga mata niya....” Idinikit ko `yung dalawa kong mga kamay pagkatapos inimagine ko yung mukha niya. “Pero isang araw, naging sobrang masama na yung monster...sinabihan niya yung babae na pangit...Pangit ba ako, lolo?”

Ngumiti si lolo sa akin pagkatapos tinapik niya ang balikat ko. “Maganda ka apo. Hindi ka pangit. At sana marealize ng monster na yan na hindi ka pangit. Siguro palabas lang ng monster yan dahil isa nga siyang monster. Hayaan mo apo, darating rin ang araw na titigil rin siya sa pagiging monster niya.”

Napangiti ako sa sagot ni lolo pagkatapos napatingin ako sa relo. “Pak!! Late na ako!!! Tabi diyan!!!!” Sorry lolo, ang sama ko talaga pero I really needed to push you away, LATE NA AKO!!! Naligo ako pagkatapos bumihis at dumeretso na sa school. Isa akong 3rd year college Psychology student, at ngayong araw na 'to, may OJT pa ako!!!


“Sorry sir, I'm late.” Humihingal-hingal pa ako nung nakarating na ako sa labas ng pinto. Napatingin si sir sa akin at hindi lang ako pinansin kaya pumasok na agad ako. First day ngayon ng OJT orientation namin kaya medyo masama ang tingin sa akin ng prof namin. Mamaya kasi pupunta na kami sa SPED center. Hahang-out sa mga siraulo't baliw.

“Class 3E, Alam niyo naman siguro kung ano ang gagawin niyo mamaya, diba?”

“Opo sir!!”
“Kami pa!!”
“Class 3E yata kami!!”
“Last section pare!!”
“HAHAHAHAHAHAHA~!”

“Tumahimik kayong lahat! Tularan niyo si Ms. King, tahimik lang pero nagsisikap!” A-ako?! “Ms. King, ikaw lang ang nakapagperfect ng previous quiz natin tungkol sa low self-image ng isang tao. I want to congratulate you for having a good grade!”

“Waw, hanep!!!”
“Galing mo Cheri!!”
“Talino mo!!”
“Sampol!!Sampol!!Sampol!!”


Tumingin lang ako kay sir. A-ako? Perfect? Sa Quiz? Kakaibang araw 'to ah. Anong kababalaghan ito? “Sir baka nagkamali kayo! Hindi possibleng maperfect ko yun...”

“Cheri, sa ayaw mo at sa gusto, perfect mo ang quiz natin... keep up the good work!!” Napangiti ako. For the first time, ang sarap ng feeling na pinupuri ka ng prof. Feeling ko ang talitalino ko na. Naiinspire ako. Keep up the good work, Cheri~!!!

“And because of that, may libre kang pizza delivery. Palakpakan para kay Ms. Cheri~!!”

“Ah ehhh..nakakahiya naman po niyan, pero...SALAMAT PO!! SALAMAT MGA CLASSMATES!! Kung hindi dahil sa inyo hindi ko narating 'to!” Tumingin ako sa whiteboard pagkatapos parang may nakita akong mga stars. Tulad nung sa mga anime, kung sobrang saya nila, parang may mga stars.

“Walang anuman Cheri~”
“Basta pagbutihan mo!”
“Class 3E pa rin tayo!!”
“WHOOHOO!!!”

“Tama!! Class 3E tayo!! Hindi tayo susuko!! Kaya natin 'to!!” Agad silang nagpalakpakan ulit. Ito ang gusto ko sa batch namin, walang nanginginsulto. Lahat nagmamahalan. Lahat sumusuporta. Sana nga lahat ng tao sa buong mundo, tulad rin ng class 3E.

Umalis na kami at pumunta sa SPED center at nagstart na ng duty. Kasama ko ngayon ang grupo ko at ang isang head psychologist. “Ito ang childcare center ng SPED... 90% ng mga batang nandito ay mga anak ng mayayaman na may diperensya sa pag-iisip. Yung iba sa kanila, kailangan ng attention, ang iba naman ayaw nito. Yung iba hindi mapakali at di tumitigil sa paggalaw, meron rin namang kahit gano mo siyang kausapin, hindi siya magsasalita't hindi rin gagalaw. Sa may mga serious mental disorders naman, nagiging mannequin sila paminsan minsan dahil akala nila'y mannequin sila. Pag naging ganito na sila, talagang nagfifreeze sila at ito'y involuntary. Ang danger nito ay kung sila'y nasa kalsada. Kahit nasa gitna sila ng daan, titigil pa rin sila o magfifreeze pa rin sila dahil sa disorder na tutuklasin natin kung ano.”

Kawawa naman sila. Bakit kaya naging ganito sila? Sana magamot na sila as soon as possible.

After ng duty, umuwi na ako sa bahay. Mga 8pm na ako nakauwi. Sobrang pagod na. Wala pa si lolo at tito sa bahay kaya tumambay muna ako sa living room. Maya-maya'y may nag-doorbell.

“Sino yan?”

“Good evening ma'am... pizza delivery po.”

“Teka, sandali lang ha.”

Pumunta ako sa pinto para buksan ito. Nalaglag pati panga ko nung nakita ko na naman siya. “S-sinong nag-order nito?! Hindi ako ang umorder nito!! B-baka nagkamali ka lang ng address!! U-umalis ka na dito!!” Hindi pa ako nakapagsuklay, hindi pa ako nakapaghilamos, siguradong mabaho na ako. Hindi pa ako nakapagpulbo, hindi ko pa nacheck `yung mukha ko sa mirror—OH MY GOD sira na ang buhay ko!!!

Napatingin ako sa kanya. Bubuksan na niya `yung bunganga niya. Ayan na. Magsasalita na siya. Nanginginig na ako sa sasabihin niya. Ayoko, ayokong marinig `yung salitang--


Umandar na naman `yung imahinasyon ko.

“Ang pangit mo talaga!!!”
“Ha??Alam ko naman...tama na please...”
“Iiyak ka?! Mas magiging pangit ka niyan!! Sobrang pangit mo na nga iiyak ka pa!! HAHAHAHAHAHAHA!! Pangiiiiiiiiiiiiiiiitt!!!”
“Hindi ako pangit... Hindi!!!”
“Pa.....ngit!!!”
“Nooooooooeeeesss!!”



“Mula 'to sa psychology teacher mo. Congrats sa mataas na grado. Alis na ako.”

"T-Teka--"

Inabot niya sa akin ang box ng pizza. “Have a great night.”

Ano kaya ang nakain niya't parang hindi siya suplado ngayon?


« Last Edit: September 04, 2010, 09:09:30 pm by thecagedDOLL »

 

VISIT MY BLOG. (o)__(o)

LIKE MY PAGE

Sino nga ba ang manhid?
Ako o ikaw? </3

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website