Teentalk

Author Topic: It started with Youtube. -18~  (Read 6299 times)

thecagedDOLL

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1625
  • Karma: +308/-275
    • Off~Line Forum.
Re: It started with Youtube.
« Reply #15 on: August 15, 2010, 03:11:22 pm »
MAMAYANG GABI IPOPOST KO CHAPTER ONE. :) Enjoy this intro! :D








I N T R O D U C T I O N .


When I first saw him, ganito `yung mukha ko : <3_<3


Gets mo? Naging hearts `yung mga mata ko. Ang slow mo naman! Joke joke! Pero nung...nung nakilala ko siya, nag wish ako sa isang wishing well na sana hindi ko na ulit makita `yung hampaslupang lalakeng `yun. Pero sinasadya yata ng tadhana e. Papano e favorite girl ako ni Cupid. Kasalanan ko ba kung bakit ako kumain sa Greenwich nung araw na yun? Eh sa gutom ako eh.


Nagkataong siya `yung waiter na nagserve sa table ko. Tapos mala-anghel `yung ugali. Yun pala pakitang tao lang! Kung alam ko lang sana na isang mapormang instik lang siya na may maliliit na mata na sobrang conscious sa buhok niya na ubod ng pagkasuplado na akala mo'y walang emosyon -- sana hindi ko nalang sinadyang kumain ng paulit-ulit dun sa Greenwich! Pero nagkamali ako.

Isang demonyito pala siya. Isang malaswang demonyito na nagnanakaw ng mga puso. Eh ano magagawa ko? Ano magagawa ng isang baboy na pangit na bobo na mainggay na tulad ko?

Edi ano pa kundi ang mahulog sa napakatamis niyang ngiti.

Siguro tanong mo ngayon kung bakit sa ngiti niya ako nahulog?

Naalala ko kasi ang sabi ng Lolo ko. Sabi niya, maghanap daw ako ng lalakeng hindi ganun kadalas kung ngumiti sa umpisa dahil `yun raw `yung lalakeng marunong magmahal ng tunay.

Tama nga si Lolo.

Natagpuan ko na `yung lalakeng sinasabi ni Lolo.

Ngunit hindi naging ganun kadali ang lahat para sa akin.

Kasi kahit bobo ako, nalaman kong magkaiba talaga ang ikot ng mundo namin.

At sa mundo niya, hindi pinapansin ang mga katulad ko.

Sisimulan ko na ang istorya namin.

Sana may matutunan ka. At sana, tulad ko, matutunan mo ring mahalin ang sarili mo.

Ayan na, sisimulan ko na talaga.

 

VISIT MY BLOG. (o)__(o)

LIKE MY PAGE

Sino nga ba ang manhid?
Ako o ikaw? </3

yanyan7192

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4759
  • Karma: +330/-74
  • Hate, haters.
    • Formspring
Re: It started with Youtube.
« Reply #16 on: August 15, 2010, 03:18:59 pm »
Nice start!
Ni-Yay nanaman kita... Nagpapantay nanaman e
« Last Edit: August 15, 2010, 03:23:00 pm by yanyan7192 »

PieceofCAKE.

  • jellybean
  • **
  • Posts: 141
  • Karma: +8/-0
  • Sun kissed 8)
Re: It started with Youtube.
« Reply #17 on: August 15, 2010, 03:21:28 pm »
Sayang `di ako first! HAHAHA.

----

Dakeyjdal. AYYY! Parang halo-halong words lang tuloy. =))

 SOMEDAY ITS GONNA MAKE SENSE.  ;D ;D
LoL. Sabihin ko sa'yo sa......... Hmmm... Isipin ko muna date.  :D

Paborito ko ang greenwich, lagi nga `ko kumakain dun, e. Pero ba't wala naman dun `yung lalaking hindi gaanong ngumingiti?  ???

Sana may matutunan ka. At sana, tulad ko, matutunan mo ring mahalin ang sarili mo.

naiimagine ko talaga si 200 pound beauty. Hays. Gusto ko tuloy. tuloy - tuloy ang update mo sis! Alam mo `yun. Parang movie nalang sana. HAHAH.
« Last Edit: August 15, 2010, 03:30:32 pm by PieceofCAKE. »
Sorry.. I'm not Rihanna. I don't love the way you lie.

jjazz

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2684
  • Karma: +113/-15
  • He's the MAN OF MY DREAMS.
Re: It started with Youtube.
« Reply #18 on: August 15, 2010, 03:24:31 pm »
Sheeeeesssssssshhhhh..... hook-up ako sa story na to! Update na!!!!   ;)

Support ko to! BTW, I'm Jazz.  :)

krizZ@candy

  • Guest
Re: It started with Youtube.
« Reply #19 on: August 15, 2010, 03:29:57 pm »
Aba, dati Krizzy yung tawag mo sa akin, ngayon babe na! Nag-level up ka na, GEE! Mahilig ka talaga sa greenwich? Ako din! Ano daw? OHNOES. I'm getting sabaw. HAHAHA. Tsk, habol nalang me next week okay? Wala na ako maya-maya e.

thecagedDOLL

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1625
  • Karma: +308/-275
    • Off~Line Forum.
Re: It started with Youtube.
« Reply #20 on: August 15, 2010, 09:21:18 pm »

One.

Ako si Cheri King.

Hindi ako perpekto.

Chubby ako sabi nila, pero para sa akin isa akong baboy.


Hindi naman ako ganun ka taba pero piglet pa rin ako.  Wala kang magugustuhan sa akin.

Pangit ang buhok ko, sobrang kulot.  Hindi naman ako kagandahan kung pumorma.

Sabi ng isang kakilala ko, childish ako.

Yung tipong nakakainis na. Maingay rin ako. Pag may hindi ako nagustuhan sayo, sasabihin ko.

Hindi rin ako mayaman. Ang lagay ko sa buhay ay ang balanse lang. Nakakakain pa naman ako three times a day kahit papano. May maliit akong kwarto na kulay pink. Wala akong mama at papa, tito ko lang ang tumatayong tatay ko at si lolo ko naman ang tumatayong nanay ko. Seryoso ako! Ganun ang buhay ko. Si lolo ko, mahal na mahal ako nun. Si tito naman, kahit sobrang stricto, mahal rin ako nun. Mahal na mahal ko sila. Sila nalang ang natitira kong kapamilya e! Sila ang nagpalaki sa akin. Sila ang rason kung bakit ako masaya kahit wala akong mga magulang. Sila ang nag-aalaga sa akin.


At pagnakahanap na ako ng isang stable na trabaho, bibili ako ng malaking bahay para sa kanilang dalawa. Yung tipong napakaganda. Yan ang pangarap ko sa buhay. Gusto kong makita na masaya rin sila.

Hmm. Lovelife? Wala pa akong ganyan. Wala namang nagtitiyaga sa akin eh. Meron namang iba, pero di ko sila type. Tapos yung mga naging type ko, di naman nila ako type o di kaya'y may girlfriend na. So single na single ako at sobrang busy sa aking mga youtube fans.

Oo. Sikat ako pagdating sa YouTube. Ako kasi si Cheri Bomb eh. Meron akong mga documentary videos dun. At ngayon, kukuha ulit ako ng isa pang video. Ang topic ko, tungkol sa 'self-image'.

Pinuwesto ko na `yung camera pagkatapos kong ayusin `yung sarili ko. "Hi! Nandito na naman ulit ako. Kamusta kayo? Ako nga pala si Cheri. Mas kilala sa pangalang Cheri Bomb. Ang topic ko ngayon tungkol sa self-image. Bakit kaya maraming tao ang hindi kontento sa kung sino sila? Halimbawa, hindi man lang sila makuntento sa body figure nila. O kaya'y sa buhok nila. O di kaya sa hitsura nila. I've been there, I tell you. Tignan niyo ako, mataba ako. Pangit ang buhok ko. Hindi maganda `yung skin tone ko. Hindi rin ako ganun ka talino. Pero mahal ko ang sarili ko. Kahit mataba ako, kahit ganito ako. Kasi kung hindi mo mahal ang sarili mo, di ka matututong magmahal ng ibang tao. Hindi mo ma tututuhang mahalin ang pamilya mo. Ang mga kaibigan mo. Diba? So ayun, sa mga babaeng may struggle sa self image nila, build up what's inside. Be confident. You're beautiful! Ang pinakaimportante sa lahat ay ang nasa loob. Aanhin mo ang panglabas na anyo kung pangit naman ang nasa loob?" Kumindat ako pagkatapos itinigil ko na `yung recording.

Tinali ko `yung buhok ko tapos kinuha ko na `yung bag ko at umalis ako papunta sa bakery ni tito para magtrabaho. Pagdating ko dun, nakita ko `yung lalakeng nagtatrabaho sa greenwich. Biglang namula `yung mga pisngi ko pagkatapos natulala ako sa harapan niya.


Ang gwapo gwapo niya. Sobrang gwapo niya. Kamukha niya `yung crush ko sa isang Koreanovela ba `yun? Takte. Tao ba talaga siya o diyos? Parang tinamaan ako ni kupido. Mas gwapo siya pag di niya sinusuot ang uniform niya. Mas gwapo siya pag ganito `yung porma niya.


"G-green!!"

"Huh?"

"I-i-ikaw yun!!"

"Ako?"

"Oo!! Ikaw talaga yun!! Yung lalakeng--"

"--Ang?"

"Yung sa ano!"

"ANG GULO MO!!"

Ay? Ang sungit? "Hoy! Bakit ang sungit mo?! Akala ko pa naman ang bait-bait mo! Mukha ka pa namang mabait pag nags-serve ka sa greenwich!!"

". . . ."

"Akala mo kakausapin pa kita ulit?!"

". . . ."

"Ano?! Tatayo ka lang diyan?! Ha? Wala kang sasabihin?! Ganyan pala ang mga nagtatrabaho sa greenwich?!"

"Wala ka nang sasabihin?"

"Meron pa!"

"Pwede pakibilisan? Kinakain mo oras ko e."

"Ang sungit mo! Pwedeng magresign ka nalang sa greenwich? Naiirita ako sa tuwing nakikita kita dun eh!"

"Nakikita?"

"Oo!! Palagi kang nagseserve ng pagkain sa customers. Ang bait bait ng mukha mo. Hawak-hawak mo yung tray pagkatapos ang polite ng boses mo. Hindi ka suplado at sobrang gentleman mo pa nga!! Pagkatapos mas bagay sayo yung hindi nakasuot ng uniform mo na pang waiter. Pero ang pangit ng ugali mo!! Akala ko pa naman pwede kita maging kaibig--"

"--Alam mo, ang ingay mo. Mas maingay ka pa sa isang trumpeta. At alam mo kung ano ang mas malala pa kesa ingay mo? Yang mukha mo!! Maingay ka na nga, ang pangit mo pa!! Wala kang karapatan na sabihan akong magresign sa trabaho ko kasi trabaho ko yun--"

"--Wala ka ring karapatang sabihin na pangit ako!!"

"Eh totoo naman eh!!"

"Mas pangit ka!! Mas pangit ang ugali mo!! Akala mo gwapo ka?! Umalis ka na nga dito sa bakery ni tito ko!! Ayokong makita `yung pagmumukha ng isang aswang na katulad mo!! At isa pa, hindi namin kailangan ng customer na katulad mo--"

"--Cheri? Anong nangyayari dito?"

Bigla akong napatakip sa bunganga ko. "T-tito...na-nandiyan ka pala!"

"Anong ginagawa mo sa customer natin? Di ba sabi ko sayo, dapat maging mabait ka sa mga customers natin! Mabuti nalang at siya lang ang nandito ngayon. Papano kung maraming tao't nakita nilang sinisigawan mo 'tong si sir?"

"Ah...tito...sorry po talaga. Hindi na mauulit."

"Mag sorry ka sa kanya."

"Po?"

"Mag sorry ka. Sir, hindi po niya sinasadya. Sadyang maingay lang talaga 'tong pamangkin ko."

"Ganun po ba? Halata naman eh. Pati ayos lang. Naaliw naman ako sa ingay niya eh."

"Salamat po sir. Maiwan ko muna kayo. Magsorry ka!"

Yumuko ako pagkatapos nagsalita. "Kahit na sinabihan ako ni tito na magsorry sayo, hindi ako magsosorry kasi ikaw yung sumira ng mood ko!"

Nakita kong tumawa siya. "Kakaiba ka talaga. Babae ka ba?"

"Nananadya ka ba?!"

Biglang nagring `yung cellphone niya pagkatapos tumingin siya sa akin.

"Miss. Aalis na ako ha. Tandaan mo lang. Wag na wag mong isali ang trabaho ko sa kabaliwan mo. Mag-ingay ka kung gusto mo, basta wag mong sabihin na hindi ako karapat-dapat sa trabaho ko. Kung ayaw mong maging miserable yung buhay mo at kung ayaw mong mas maging pangit, kalimutan mo nalang na nagkabangga tayo dito sa bakery niyo. Kakalimutan ko ring sinigawan mo ako."

Nung sinabi niya ito, bigla siyang tumalikod. Kakaiba talaga ang pagiging suplado niya. May araw rin 'tong demonyitong 'to sa akin.


Pinapakulo niya `yung mga fats ko. Tae!
« Last Edit: September 04, 2010, 08:19:31 pm by thecagedDOLL »

 

VISIT MY BLOG. (o)__(o)

LIKE MY PAGE

Sino nga ba ang manhid?
Ako o ikaw? </3

yanyan7192

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4759
  • Karma: +330/-74
  • Hate, haters.
    • Formspring
Re: It started with Youtube. -1.
« Reply #21 on: August 15, 2010, 09:22:47 pm »
Hahahha! Super laughtrip!
Love ko na siya Gee!

« Last Edit: August 15, 2010, 09:29:10 pm by yanyan7192 »

sarza25

  • jellybean
  • **
  • Posts: 175
  • Karma: +14/-9
  • `Love is a simple word that makes life interesting
Re: It started with Youtube. -1.
« Reply #22 on: August 15, 2010, 09:34:26 pm »
haha..adeek..she's so talkative..can't she stop talking even for a minute?..  ;D

the name's 3xa, btw..
STEPHEN DAKANAY OWNS ME

prilan

  • taffy
  • ***
  • Posts: 424
  • Karma: +15/-4
  • TeenTalker
Re: It started with Youtube. -1.
« Reply #23 on: August 15, 2010, 10:40:07 pm »
hi april po. new reader.

ayos ha. parang armalite ang bibig ni cheri. hahah
grabe pa kung idiscriminate ang sarili.

at huli. natawa ako sa part na walang tatay at nanay. ano yun tito at lolo nya gumawa sa kanya? hahah. peace

thecagedDOLL

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1625
  • Karma: +308/-275
    • Off~Line Forum.
Re: It started with Youtube. -1.
« Reply #24 on: August 16, 2010, 03:45:00 pm »
Hahahha! Super laughtrip!
Love ko na siya Gee!

YEY! Marunong rin pala akong magcomedy. ;D HAHA.


haha..adeek..she's so talkative..can't she stop talking even for a minute?..  ;D

the name's 3xa, btw..


Hello dear. :]] HAHA! Yes,yes. she's soooo talkative. :D
Uhm, how do you read "3xa"? :)

hi april po. new reader.

ayos ha. parang armalite ang bibig ni cheri. hahah
grabe pa kung idiscriminate ang sarili.

at huli. natawa ako sa part na walang tatay at nanay. ano yun tito at lolo nya gumawa sa kanya? hahah. peace

HAHAHA. armalite talaga? ;D ang ingay niya ano? :D nako. baka nga yung tito at lolo niya yung gumawa sa kanya. ;D JOKE. :D Nice to meet you april. :) Gee here. XD I'll update in awhile. :D

 

VISIT MY BLOG. (o)__(o)

LIKE MY PAGE

Sino nga ba ang manhid?
Ako o ikaw? </3

C.

  • Guest
Re: It started with Youtube. -1.
« Reply #25 on: August 16, 2010, 04:23:59 pm »
Hi Gee! Nice to meet you. haha. dati when I hear bieber's name, kinikilig ako ngayon eh...  ;D ;D

Nwy, about sa update, haha. machine gun? I know someone na katulad nya kung magalit talagang ratatat ang bibig. xD
Haha! Greenwich! It really happens, may mga poging waiter talaga. tapos yung mga girls dadalasan kaan sa certain chain para makita lang yung waiter. xD

Haha! GJ with the update! Keep it coming. :>

uh.. anong name nung channel mo sa youtube? I wont subscribe kasi wala akong acc pero I will check it every now and then. :D

thecagedDOLL

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1625
  • Karma: +308/-275
    • Off~Line Forum.
Re: It started with Youtube. -1.
« Reply #26 on: August 16, 2010, 05:13:05 pm »
Hi Gee! Nice to meet you. haha. dati when I hear bieber's name, kinikilig ako ngayon eh...  ;D ;D

Nwy, about sa update, haha. machine gun? I know someone na katulad nya kung magalit talagang ratatat ang bibig. xD
Haha! Greenwich! It really happens, may mga poging waiter talaga. tapos yung mga girls dadalasan kaan sa certain chain para makita lang yung waiter. xD

Haha! GJ with the update! Keep it coming. :>

uh.. anong name nung channel mo sa youtube? I wont subscribe kasi wala akong acc pero I will check it every now and then. :D

Hi C! Haha. :D Hahahaha.. Noon kinikilig ka, ngayon....? Hmmm ::)

Ratatat talaga! :D Parang hindi talaga mapigilan eh ;D Kawawa si Gian kay Cheri. ;D :D
AKO!!! May crush ako sa greenwich!! ;D Kaya nga nainspire ako eh. ;D WAHAHAHAHA!!

littlemsgee ako sa youtube. :)

thank you for reading. i'll update tonight. :D

 

VISIT MY BLOG. (o)__(o)

LIKE MY PAGE

Sino nga ba ang manhid?
Ako o ikaw? </3

jjazz

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2684
  • Karma: +113/-15
  • He's the MAN OF MY DREAMS.
Re: It started with Youtube. -1.
« Reply #27 on: August 16, 2010, 08:22:15 pm »
Ayy... bad guy! Tsss....

karenita

  • taffy
  • ***
  • Posts: 471
  • Karma: +29/-3
  • follow me on twitter: @icbsuperman
Re: It started with Youtube. -1.
« Reply #28 on: August 16, 2010, 08:35:17 pm »
hmmn. update update. i'll support this :D

gheeyah

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4147
  • Karma: +109/-41
  • Young.Wild.Free <3333
    • little by little
Re: It started with Youtube. -1.
« Reply #29 on: August 16, 2010, 08:35:41 pm »
hello there,  :D
gia po pala, hahaha i reaaly adore boys na 'gian' yung name kasi feel ko ang gwapo tsaka pwede kong ka MTB hahaha  :D :D

anyways support ko toh  ;)

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website