Fanclub
Hi. It's me again, huh? Heh. Hope you would give this a shot. (:
Ana by the way.
Hindi ko maintindihan kung bakit hindi maintindihan ng mga tao kung bakit ganito ang buhay ko. Para daw black and white TV ang drama, walang ka-thrill thrill dahil puro bahay at school na lang daw ako. Yung totoo, kailangang mangialam ng buhay ng iba? Pero hindi ko naman sila masisisi dahil ako mismo, napapansin ko din na boring talaga ang buhay ko. Hamakin niyong mas gusto kong magkulong sa bahay kaysa mag-ubos ng pera sa mall? Normal akong tao, sadyang hindi ako mahilig mag-gimik.
JOKE.
Ang totoo niyan…takot lang ako sa sikat ng araw kaya ganun.
Pero syempre walang maniniwala kapag sinabi ko iyon kasi joke lang talaga yun. At bago pa lalong gumulo ang pagpapaliwanag ko, titigil na ako. Walang basagan ng trip, please?
Nakahiga ako sa kama at nakatitig sa pader ng maisip kong silipin yung cellphone ko. Ayun at wala pa ring pagbabago. Inaasahan ko namang walang magtetext sa akin, tinitignan ko lang kung may battery pa para ma-charge ko kaagad.

Titigil na ako at—
“Ella bakit hindi ka pa natutulog? Anong oras na o! 11 na!” Matutulog na nga eh. Itong nanay ko may masabi lang sa akin eh. Ang nakakainis pa niyan, sa tuwing papasok ng kwarto ko kapag nakita niyang madilim na sa labas, eh patutulugin na ako at para bang nakalimutan niyang marunong din akong tumingin ng oras. Grabe. Pero kahit ganyan yang si Mercedes, love ko pa rin yan. Pero syempre hindi ko sasabihin sa kanya kasi shy type ako pagdating sa mga ganyan.
Bago tuluyang isara ng mahal kong nanay ang pinto, ginulo niya yung pagkakatapat ng aircon sa higaan ko. Walangjo. Limang minuto kong in-estima yang aircon na yan para matapat talaga sa kama ko tapos guguluhin niya lang?!
“MA! Ang tagal ko kayang inayos yan!” Dahilan ko nung inangat ko yung upper body ko (joke, for short, umupo ako sa kama ko) para makatikim siya ng pamatay kong tingin.
“Masamang nakatapat masyado ang aircon sa’yo noh”
“Sino may sabi?!” “Sabi ko. Hindi mo ba narinig?” Sabi na eh. Isa na naman yan sa mga moment niya na gusto niya lang magsalita.
“Tanggalan kaya kita ng aircon? Matulog ka na ngang bata ka. Rami mong sinasabi” dagdag niya ng lumapit siya sa akin para ipamukha niya sa akin yang pang-beauty queen niyang mukha. Oo na Mommy, ikaw na ang sumali sa Miss Universe nung 19kopongkopong at nanalo ng Miss Photogenic. Ikaw na!
“Wag ka magulo, Ma. Makita mo wala ka ng pagmamasdan na sash bukas nyan!” Joke ko sa kanya ng nakangiti. Syempre, mahal na mahal niya yung plaque at sash niya at syempre hindi nakakagulat na talagang bumili pa siya ng cabinet para ma-display lahat ng gamit na ginamit niya nung panahon na iyon. At ayun, nakadisplay sa living room. Kung pwede nga lang, gusto na niya ilagay yun sa harap ng pintuan eh.
“Gaga” Tumawa lang kaming pareho tapos lumabas na siya.
Kaya siguro hindi ako mahilig magpapansin sa school o kahit saan pang lugar dahil maganda yung ‘home’ ko. Masaya at kontento ako sa pamilya ko. Kinarir ko na masyado ang pagka-boring ng buhay ko diba?
*
Na-late akong gumising dahil sa panaginip ko. Aba. Pipiliin mo bang gumising kung si Angelina Jolie ang katambal mo habang bumabaril ng mga limampung tao sa loob ng isang cruise ship? Mabuti nga kamo at hindi ako naihi sa sobrang exciting ng mga nangyayari sa action-packed na panaginip na yun eh. Nasa ballroom area na kami nun at kasalukuyang nakalambitin sa ere na ang tanging support lang eh yung kurtina, babaril na sana ako dun sa lalaking naka-suit nung narinig ko ang boses ng aking pinakamamahal na Mommy.
Sana may part 2 mamaya, kasama naman namin si Brad Pitt. Huwag mo kong tanungin kung bakit mas gusto ko ang barilan na pelikula kaysa sa mga chick flick na walang ginawa kundi maghalikan, mag-away at maghalikan ulit (karamihan, nako po, hindi lang halikan). Hindi ko rin alam kung bakit ganun ang panaginip ko ngayon, ni hindi ko nga naisip yung si Angelina. Close?!
“Ano naman yang ginagawa mo, Ella?” Tinignan ko siya ng nagtataka. Yung totoo, ayoko mag-isip ng ganitong kaaga, Mommy. Sinundan ko yung tingin ng nanay ko sa kamay kong nakaporma ng baril. Anak ng tokwa. May ganun!?
“Bumangon ka na bago ka tuluyang ma-late”
“Wow Mom. Sweet mo ah”
“Aba. Anong oras na, anak? 6.30 na po” Parang gusto kong hugutin yung eyeballs ko para malaman niya na nagulat ako sa sinabi niya. Woah. 7.30 ang first class ko at mahigit isang oras pa ang biyahe galing dito papunta sa bagong school ko! Anak lang talaga ni Angelina Jolie.
“Bakit hindi niyo ko ginising ng mas maaga?! Nako naman!” Tumakbo ako sa banyo at naligo ng mabilis na mabilis.
“Mom! I’m wearing my uniform!” Napa-English tuloy ako nung nakita kong may nakalagay na dress sa higaan ko. Pasaway tong nanay ko eh. Kaya nga ako bumili ng uniform para iyon ang isuot eh.
“Ella, pwede namang hindi mag-uniform sa school mo diba?” sagot niya nung bumalik galing sa labas at may hawak ng apple shake. Daily routine niya at secret daw sa kanyang younger face. Psh.
“Yep pero kaya nga sila gumawa ng uniform para isuot diba? Tsaka okay naman tong uniform nila eh”
“Nako. Bahala ka. I’m telling you ikaw lang ang naka-uniform sa inyo” Tinignan ko siya na kunyaring naiinis. Aba naman tong nanay ko. Weirdo kasi itong university na papasukan ko eh. Sinasabing required mag-uniform pero allowed ang casual clothes. Kung hindi ba naman magulo at kalahati ang nagpauso nun eh. Tsaka kahit naman talagang hindi required ang uniform maghahanap pa rin ako ng uniform dahil ayoko nagsusuot ng casual sa school. Aba. Kahit hindi ako mahilig mag-aral, nasa eskwelahan ako para matuto hindi para magfashion show.
“Bilisan mo dyan at naghihintay na ang driver sa ibaba”“MA!” This time, hindi na kunyaring naiinis akong tumingin sa kanya, umagang umaga naiinis na ako ah.
“Sabi ko naman sa inyo magko-commute ako diba? Ilang beses ba natin napag-usapan ito ngayong linggo? Akala ko ba—“Tinaas niya yung isang kamay niya na walang hawak,
“Huwag kang OA, hija. Hindi ko nakakalimutan ang pinag-usapan natin. Kailangan mong magpahatid ngayon kung ayaw mong lalong ma-late” K FINE. May point siya.
“ARGH. First and last, Mommy. First and last” Narinig ko na naman yung tawa niyang maganda, alam mo yung parang bell dahil nakaka-soothe sa tenga? To the point na sana tawa na lang siya dahil nakakainggit? Ganun tumawa ang nanay ko. O diba pati tawa na-insecure na din ako? Pero anyway, alam kong tumatawa siya dahil napahiya ako. Walang hiya naman o.
Sinundan niya ako hanggang sa may main entrance ng bahay namin. Inabot niya na sa akin yung tumbler ko na may laman na kape. Kung ang nanay ko, addict sa cosmetics at lahat ng uri ng pagpapaganda, kape naman ang kinaaadikan ko. Sixteen years old ako ng marealize ko na halos araw araw na ako umiinom ng kape. Actually, akala ko nga tubig siya eh. Hindi ko kaya magsurvive ng isang araw na walang naiinom na kape. Pakiramdam ko nga pwede na ako ma-confine sa rehab dahil dun eh.
“Ella, gusto mo bang mawalan ako ng trabaho?” Tanong ni Kuya Kano pagkasakay ko ng sasakyan.
Hala. Anong ginawa ko?
“K-kuya? Okay ka lang?” Dahil nga ito lagi ang sinasakyan ko, meron ng lalagyanan ng tumbler ko sa upuan ko. Nilagay ko doon yung tumbler para makapag-ayos ako ng buhok ko.
Tinignan niya ako sa pamamagitan ng mirror sa itaas, pasensya, hindi ko alam tawag dun.
“Sinabi mo kay Ma’am Ede na ayaw mo na daw magpahatid sa eskwela mo?” Napangiti naman ako sa rebelasyon na iyon ni Kuya. Simula bata pa ako siya na talaga ang driver at kasama ko sa kung saan ko gusto pumunta. Kaya nga close kami eh.
“Kuya naman. Syempre gusto ko magamit yung mga tinuro mo sa akin sa pagko-commute noh. Ayaw mo nun?” Simple kong sagot habang sinusuklay yung buhok ko at nakatingin sa labas.
“Nako. Kung ganun pala ang gagawin mo sana hindi na kita tinuruan” Ngumiti lang ako sa sinabi niya. Hindi ko malaman kung nagtatampo ba toh o nagpapacute lang eh.
Napabuntong hininga na lang ako. Sa totoo lang, ayoko na talagang nagpapahatid at nagpapasundo kasi…ewan ko, inaasar kasi ako ng mga kaklase ko nung high school na mayaman daw kasi kami kaya kailangan ko ng driver/bodyguard. Ayoko kasi ng ganun. Para bang binibigyan nila ako ng special treatment dahil sa nanay ko si Mercedes Ortega. At hindi ko is-share kung anong meron sa kanya.
At ang nanay ko, naisipan akong i-enroll sa university na pantay pantay lahat. Hah. Hindi niya daw maintindihan kung bakit ayoko ng special treatment samantalang yung iba gustong gusto daw nun. O sige, sila na! Sila na!
Syempre 7.35 na nung nakarating ako sa school. Mabuti na lang at simple lang yung mga building dito at nahanap ko kaagad yung classroom ko. Pero kanina ko pa napapansin na meron ding sumusunod sa akin na babae. Naka-uniform din siya. Hah. Pahiya ka Mommy.
Nauna akong pumasok sa classroom, nagtinginan yung mga estudyanteng naka-casual na damit. Biglang nagbulungan yung mga tao pero hindi ko na lang pinansin. Sa pinakalikod ako naupo, kinuha ko yung binder sa bag ko, nagulat ako nung tumabi sa akin yung babae.
Nahihiya siguro toh na dalawa lang kaming naka-uniform. Muntikan ko ng ipahalata yung pagkagulat ko sa nakita kong mukha, GRABEE (Ivan Dorschner style). Literal na galing sa langit yung mukha niya eh. Halatang nagpapa-hair spa siya dahil ang shiny ng hair niya. Parang yung mga nasa commercial eh. Yung mata niya may pagkamaliit at dahil nakaside view siya, kitang kita yung pagkatangos ng ilong niya.
Yung totoo, Belo o Calayan, Ate?
Ang weird kasi pati sa second subject namin, tinabihan niya ako at ang matindi, nanghiram pa siya ng ball pen. Okay, hindi naman siya weird since okay lang naman sa akin. Pero grabe. Nakakamesmerize lang. Lalo na nung una kong narinig yung boses niya, anghel ka, anghel? Nung break na namin, kaming dalawa lang yung magkasabay na lumabas ng building. Tahimik lang kaming dalawa. Tinitignan ko yung open field kung nasaan yung basketball court at volleyball court. Raming tao.
Nagulat ako nung bigla siyang naglakad papunta sa isang grupo ng mga lalaki sa ilalim ng puno na mukhang hindi naman mga baguhan dito. Sige, tama yan, Ate. Mang-iwan ng walang pasabi. Palakad na ulit sana ako nung napansin ko na nahulog yung COR niya. Oo, alam kong COR yun dahil iisa lang naman itsura ng mga ganun.
Kung alam ko lang kung gaano magbabago ang buhay ko nang maisip kong habulin yung babae, sana hindi ko na lang ginawa. Sana hindi ko na lang naisipan maging mabait ng mga panahon na iyon.