Teentalk

Poll

Anong masasabi niyo sa story na ito? 'Yung totoo? :D

maganda siya, nakakakilig :)
go lang ng go! :)
ang boring niya...sana matapos na.

Author Topic: Re: He Loves Me as a Friend:: 04/27/12 COPIES ARE SENT. Note on pg 45 :)  (Read 21201 times)

dan0809

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 919
  • Karma: +95/-3
  • I'm not perfect but I'm worth it <3
He Loves Me as a Friend

‘No man is an island...’
Sa mundong ito, hindi mo kakayaning mag-isa lang...
Kaya nga ba may mga tinatawag tayong kaibigan...
‘Friends are siblings that God forgot to give us...’
Madaling makakilala ng mga kaibigan...
Pero mahirap makahanap ng mga totoong kaibigan...
Paano nga ba natin masasabing ‘best friend’ mo siya?
Best friend mo siya kapag alam niya ang bawat kilos mo...
Ang mga gusto at ayaw mo...
Kasama mo sa mga kalokohan mo...
Karamay sa bawat kalungkutan mo...
Ang love bigla bigla na lang sumusulpot ‘yan...
Once na tinamaan ka, mahirap ng iwasan pa...
Paano kung mainlove ka sa taong tinuturing mong best friend?
Anong gagawin mo?
May lakas ka ba ng loob na sabihing:
“Best, inlove ako sa’yo...”
O hanggang sulyap ka na lang at magtitiis na:
“Best, lagi lang akong nandito para sa’yo...”
Mahirap din kapag ikaw Lang ang nagmamahal...
Masakit, kasi ang tingin niya lang sa’yo ay di hamak na best friend niya...
Handa ka bang isacrfice ang friendship for the sake of love?
O isacrifice ang love for the sake of friendship?



 

CHARACTERS
Bea Lorraine Suarez – ‘RAINE’
Andreo Lorenzo Faustino – ‘RENCE
Nicole Shane Bertulfo – ‘NIX’
Josh Bernard Tan – ‘JB’
Krisha Ann Bana – ‘ISHA’
Paulo Kent Aman – ‘PAULO’
Marielle Jane Lacson – ‘MAJ’
Roberto Sarmiento III – ‘ROBY’
Marco Romualdez – ‘MARC’
Gabriel Borja – ‘GAB’
Suarez Family
Faustino Family
Others







“Bebs, iba siya e, I think siya na talaga.”

“Nako, ilang beses mo na bang sinabi ‘yan? Ilang beses ko na kayang narinig sa’yo yan.” jusko naman, nakakailang girlfriendsssss ka na kaya? At matagal na yung 1 week! or maybe a month? XD

“Hindi, iba talaga ‘to. For this time, it’s real na talaga. Alam mo yun? Maganda na, matalino pa, mabait pa! She’s really sweet and caring.Iba yung feeling pag magkasama kaming dalawa e.”

“Hay, well, if that’s the case, then I think you’re serious with that girl, and you must take her seriously. Tama na pangbababae.”

“Yeah! Seryoso na ko. Paano ba yan? Wachance ka na sa’kin?” ang siraulong ‘to?

“!@#$! Pakialam ko naman sa’yo!”

“Joke lang bebs!”

Oh well, I’m Bea Lorraine Suarez, 18 years old. First year college. You can call me Bea, Lorraine, or Raine, actually Raine talaga tawag sakin ng lahat :) Ay ano pa bang dapat kong sabihin? I’m the youngest of us three children of my dad and mom malamang! Haha. Only girl din pala, I have 2 Kuya’s namely: Brent Lorenzo Suarez and Bryan Leron Suarez. Parang ewan lang mga names namin eh no. Puro kami B.L., eh kasi si Daddy eh Benedicto Suarez (ang luma e!) at Loreta Castillo. Ayan, kaya B.L. mga names namin. Oh well, enough for the names. What else should I say about myself? Hmm. I’m just a simple girl, masayahin, makulit, and palaban? That’s how my barkada describe me and always say. “Nako, yan! Kaya walang nakakatagal sa’yo! Masyado kang palaban! Kami, lalo na yang si Rence lang naman nagtitiyaga sa’yo eh!” 

Oh yes, thank you sa mga friends ko at nagtatagal sila sakin. Lalo na ang Bebs kong si Rence, Andreo Lorenzo Faustino
. puro ‘o’ ending e no. Well, we’ve been friends, best friends for 11 years. And sawang sawa na ko sa gwapo niyang pagmumukha. Oo, gwapo siya, hearthrob kaya yan sa campus namin kahit nung high school. Kaya ayan, may karapatan namang mambabae, certified chickboy! Kami, lalo na ako lang naman nagtitiyaga sa kanya e.
« Last Edit: May 02, 2012, 01:43:20 pm by dan0809 »

thinkingnote

  • Guest
Re: He Loves Me as a Friend <3
« Reply #1 on: July 05, 2010, 04:10:53 pm »
Hello. New reader here. I'll check this one out. :)
-Nica

dan0809

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 919
  • Karma: +95/-3
  • I'm not perfect but I'm worth it <3
He Loves Me as a Friend::1
« Reply #2 on: July 05, 2010, 08:42:01 pm »
Chapter One:
Bebs meets Babe


Tinawagan ako ng pagkaaga-aga, yung tipong nananaginip pa ko, para sabihing mag-ayos daw ako and we will meet someone daw. Aba’y nag-ayos nga ako, simple lang naman, red blouse and white skirt tapos naka red sandals, then ayun lang, hehe. And I’m already here sa cafe pero ayun, yung nag-aya eh wala pa! Kamusta naman no. Pano pag dumating na yung imimeet namin? Hala, sino ba yun? Kilala niya kaya ako? Naku Rence asan ka na ba?


To: bebs...
From: Bebs

Hey bebs, Wer r u? U said, we’ll b meeting someone? :/


Message sent! Then just few seconds later, nagvibrate yung cellphone ko,


To: Bebs
From: bebs...

I’m here... ;)



Asan? Tumingin naman ako sa may entrance ng cafe, ayun na nga, nakita niya naman ako kaagad, so pumunta naman siya palapit dito... With this pretty girl. ???


“Hi bebs, meet my baby. Babe, she’s my best friend.”


“Hi! I’m Raine.” We shaked our hands.


“I’m Nicole Bertulfo, Just call me Nix.” umupo naman sila then we ordered some coffee and cakes ;)


“Alam mo bebs, itong si Nix e, kinukulit ako na makilala ka, kaya eto, binulabog kita kaninang umaga kahit alam kong naghihilik ka pa.” tinapakan ko naman yung paa niya, since magkatapat naman kami.


“Ano ka ba, panong hindi kita kukulitin na makilala siya, eh I’ve heard so many things about her pero di ko naman siya kilala? And Raine, it’s so nice na we finally met each other :)


“Naku, baka kung anu-ano na pinagsasabi niya sa’yo a. You know what? Ikaw lang din lagi naming topic ni Rence. And he always say na he’s so lucky with you.”


“Aww. Babe, you’re so sweet. I think I’m lucky with you, not you lucky with me. :-*


Nag-usap usap lang naman kami, mukhang ang na-OP pa nga e si Rence, paano kasi, nagkakasundo kami ni Nix, about girly things syempre, she’s 19 na pala so 1 year ahead siya sa’min ni Rence, she’s the only child kaya inamin naman niyang medyo spoiled brat daw siya. By 11 am naman, nagbabye na siya, she has class daw kasi. Sumakay naman na kami sa car ni Rence at ihahatid namin siya sa school niya.

5 minutes away lang yung school niya sa school namin ni Rence, so ayun.


“Ah, Raine, nice meeting you, anyway, I have your number so text text na lang a. Nice meeting you. :-* Hey babe, thank you at pinakilala mo na sa’kin yung best friend mo, I love you. See you later. :-* (hug)”


“Nice meeting you too, Nix. Bye, Ingat!”


“Bye babe, I love you too.”


Umalis naman siya, and kaming dalawa eh deretso na sa mall. We don’t have classes pag Monday e. :)


“What can you say about Nix?”


“She’s nice! Really nice. You’re right, she’s different from your other girlsssss.”


“Grabe, ang emphasized ng girlssss ah! Anyway, sabi ko na nga ba at magkakasundo kayo nun.”


“Kitang kita naman kanina, kasi na-OP ka samin. :D


“Eh ano namang pwede kong ibida about make-ups no? Malay ko ba dun?”


Well, he has a point. Haha. Tinawagan naman niya yung barkada para mamaya raw eh sabay sabay kaming magdinner, papakilala niya raw si Nix sa lahat.

...

Sa bahay namin lang siya nagstay, kaya eto, nakatulog pa kami pareho sa kama ko. Oh yeah, it’s okay na matulog kami nang magkatabi sa kwarto ko, or kwarto niya, wala namang malice samin pareho yun. Grabe, minsan nga samin na tumitira yan pag wala siyang kasama sa bahay nila which is 20 meters away lang naman mula samin. Ako rin minsan, pag napasaya ang kwentuhan at bonding time namin eh dun na lang ako natutulog, actually may mga gamit na nga ako dun eh, at ilang mga damit. Haha.


“Bebs, gising na!!! It’s already 6 pm and you are to pick up Nix on her school diba!” niyugyog ko na talaga siya dahil tulog mantika ang loko!


“Mmm??”


“Nix will get mad at you sige ka!”


“Ay nako oo nga pala!!!” bigla naman siyang bumangon, at kinuha yung polo niya. Ako naman eh, nagretouch lang at nag-ayos ng konti. Aba, okay na ‘to no.


In 15 minutes naman, lumarga na kami papunta sa school ni Nix, and sakto naman, kalalabas niya lang. Nagkiss lang naman sya kay Rence then sumakay na siya sa car.


“Babe, as promised, ipapakilala kita sa barkada namin.” with matching hawak pa yan ng kamay ah, yung left hand ni Rence pandrive and yung right yung nakahawak sa left hand ni Nix. So kailangan, iniexplain ko? Haha


“Really babe? Yehey! Raine, alam mo ba, though 1 week pa lang kami nitong si Rence e, puro kwento na siya about your barkada, that’s why I really want to see your friends na.”


“Naku, for sure Nix, you’ll like them. They’re so fun to be with!”


10 minutes away lang naman yung restobar na meeting place namin, pagkapark ng car, pumasok naman na kaming tatlo sa resto. And as expected, nandun na silang lahat.


“Bro! Bakit ba bigla ka nagpatawag ng meeting?” salubong ni Roby. Tapos nagsmile na lang siya kay Nix nung makita niya na magkaholding hands sila ni Rence. I make beso-beso naman kila Isha at Maj. And a bit hug with the boys. We’re barkada since first year HS. Kaya, we’re that close na talaga.


Umupo naman na kami, bali magkatabi kami ni Nix. Ganito o: Ako-Nix-Rence-Roby-Marc-Maj-Isha-Paulo... basta ganyan, pacircle yan.


“Guys, I want to formally introduce to you my girlfriend, Nix. Nix, he’s Roby, Marc, she’s Maj, Isha, that’s Paulo and she. Never mind her.” Natawa naman si Nix, kasi never mind me ang sinabi ni Rence nung ako na.


“Hello. It’s so nice to meet you all guys.”


“So she’s the reason why we have this dinner and instant reunion. Kamusta naman Nix? Does Rence give you some headache?”


“Ahm, not yet?” nagtawanan naman kaming lahat sa sinabi ni Nix tapos nagpout pa si Rence. :))


Okay naman yung dinner namin, usap-usap ganyan. Nagdecide naman na kaming umuwi by 9 pm. Dahil we all have our classes tomorrow at magbabar pa sana kami.

Hinatid naman namin si Nix sa house nila.(oo, kasama pa rin ako, medyo nahiya pa nga ako kasi imbis na solo moment nung dalawa sa car e, epal ako.)

Since magkaibang way yung house ni Nix at yung sa village namin, it took 20 minutes para makarating sa bahay namin, hay.


“Oh bebs, babus na.”


“Ano ka ba, it’s babush, not babus. And don’t use that word, di bagay sa’yo, pagkamalan ka pang bading. Oh wait, mabuking ka pang bading ka”


“Anong sabi mo? Naku, pumasok ka na nga, at baka makitulog pa ko sa inyo.”


“Adik ka talaga. Sige na Nanayts!”   :)


“Nanayts too.”
  ;)






comments po ;)

Jajazzbee

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3427
  • Karma: +646/-54
  • Silent Reader :3
    • FACEBOOK
Re: He Loves Me as a Friend <3
« Reply #3 on: July 06, 2010, 04:49:54 pm »
Hi there. Jaja here ;) I'll be supporting this. I'm wondering kung anu ang ending ng mag bestfriends. HEHEHE  ;)

yhukiree

  • Guest
Re: He Loves Me as a Friend <3
« Reply #4 on: July 06, 2010, 04:57:03 pm »
support.. support... aantayin cuu ending nito... ^^

thinkingnote

  • Guest
Re: He Loves Me as a Friend <3
« Reply #5 on: July 06, 2010, 05:53:53 pm »
Ang cute talaga ng story nilang dalawa kahit start pa lang. Hehe.

dan0809

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 919
  • Karma: +95/-3
  • I'm not perfect but I'm worth it <3
Re: He Loves Me as a Friend <3
« Reply #6 on: July 07, 2010, 11:52:23 am »
Hi there. Jaja here ;) I'll be supporting this. I'm wondering kung anu ang ending ng mag bestfriends. HEHEHE  ;)

hello JAJA! :) ako naman si Dan :)
omg, thank you Sis! <3
My best friend ka bang guy? baka makarelate ka! :)

support.. support... aantayin cuu ending nito... ^^

hello! anong name mo? :) ako pala si Dan. haha paulit ulit? :D
omg. thank you Sis! <3 :) ;)

Ang cute talaga ng story nilang dalawa kahit start pa lang. Hehe.

NICA! thank you Sis! <3 :) ;)
anong real name mo? haha :D nacurious lang. Ako nga pala si Dan :D haha inulit uli ;)



thank you. thank you. thank you.
 <3 :) :)

thinkingnote

  • Guest
Re: He Loves Me as a Friend <3
« Reply #7 on: July 07, 2010, 05:18:58 pm »
walang anuman. :)
uhm. ayaw kong sabihin e. haha. :P

dan0809

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 919
  • Karma: +95/-3
  • I'm not perfect but I'm worth it <3
Re: He Loves Me as a Friend <3
« Reply #8 on: July 07, 2010, 08:01:18 pm »
NICA. :D
nacurious lang ako sa real name mo :D
haha. minsan kasi Nica din tawag sa'kin ;) Danica kasi pangalan ko! ayun! natuwa lang ako :D or not!!!

Jajazzbee

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3427
  • Karma: +646/-54
  • Silent Reader :3
    • FACEBOOK
Re: He Loves Me as a Friend <3
« Reply #9 on: July 07, 2010, 09:35:47 pm »
Hi there Dan! Ilang taon ka na?
Yes, may best friend akong guy. Kaya nga interested ako sa mga ganitong klase ng story kasi nakakarelate ako. ;)

dan0809

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 919
  • Karma: +95/-3
  • I'm not perfect but I'm worth it <3
Re: He Loves Me as a Friend <3
« Reply #10 on: July 07, 2010, 10:11:37 pm »
hello ulit Jaja! uy, friend na pala kita sa FB? haha ;) shinare ko pala 'yung video ni Lee Min Ho ah! ;) <3 <3

ayieee. ;) <3
ako rin may best friend na guy... pero hep hep hurray. hindi kami kagaya ni Rence at Raine :D <3

karenita

  • taffy
  • ***
  • Posts: 471
  • Karma: +29/-3
  • follow me on twitter: @icbsuperman
Re: He Loves Me as a Friend <3
« Reply #11 on: July 07, 2010, 10:41:57 pm »
hindi kaya malito un sa pagtawag ng bebs at babes? haha!

Jajazzbee

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3427
  • Karma: +646/-54
  • Silent Reader :3
    • FACEBOOK
Re: He Loves Me as a Friend <3
« Reply #12 on: July 08, 2010, 09:19:43 am »
Ay. Ikaw pala yun? Sure thing. No problem ;)
Ganun? HAHAHA. Eeeh, hmmm. Same tayo, hindi rin kami kagaya ng bida mu sa story. hehehe ;)

amitaf09

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 19
  • Karma: +3/-0
  • TeenTalker
Re: He Loves Me as a Friend <3
« Reply #13 on: July 08, 2010, 10:20:48 am »
wow !
new reader po :D
ang kyut ng magbesfriend ^^
update pu kau :DD

dan0809

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 919
  • Karma: +95/-3
  • I'm not perfect but I'm worth it <3
Re: He Loves Me as a Friend <3
« Reply #14 on: July 08, 2010, 01:37:28 pm »
karri :: uy! you're here too!! thank you!!
nako, ano mas mganda? bebs o babes? ;)

jaja ::  yiee! ilang taon ka na pla?
naiissue ba kayo na alam mo na, you're more than friends daw, mga ganyang issue? :)

amitaf09 :: fatima ba name mo ? ;) omg. thank you sis sa iyong pagbabasa ;)


at dahil dyan...

eto na ang ikalawang kabanata ;)






Chapter Two:
Enough. Let’s end this.


Mama: “Hmm, if that’s what you want baby, then sige lang, para matuto kang magcommute. Para save gasoline din!”


Daddy: “That’s good hija, train yourself.”


Kuya Ron(Bryan Leron): “Aba, mabuti yan Raine nang pumayat payat ka.Siguro nagLQ kayo ni Rence no.”



“Aba Kuya, parang ang taba ko masyado a. Ang sexy ko kaya! Pati Kuya, he has a girlfriend na, eh nakakahiya naman kung pati ako hatid sundo pa rin niya.” 2 weeks nang ganun yung set-up. Susunduin muna ako ni Rence since magkapitbahay lang naman kami then, we will pick up Nix. Eh, I feel awkward na kasi, feeling ko, di nila magawa yung sweet moments nila since kasama ako sa car. You know what I’m saying.


Si Nix pa lang naman kasi ang hinahatid sundo niya no. As in! Yung iba niyang girlfriendsss e, siya ang sinusundo!


Kuya Ron: “Whoo.”


“Good morning po!”


Mama: “Oh hijo, kain tayo! Ang aga naman ng sundo mo Raine” hindi naman nahiya, nakiupo at kumuha ng bread at hotdog. Aba! Haha. Ganyan na talaga yan. Tinapos ko naman na yung pagkain ko, dahil nakakahiya kay Rence, or should I say, nakakahiya kay Nix.


“Bye Ma :-*, Bye Dad :-*, Bye Kuya Ron.”


Kuya Ron: Bakit ako walang kiss? Hahaha.


“Sige po Tita, Tito and Kuya Ron!”


umakbay naman siya sakin, then lumabas na kami, sa car naman tahimik lang ako. While he’s talking about Nix, na kaya raw maaga kasi, may aasikasuhin si Nix sa school nila and she needs na maging maaga, ayaw na nga raw sana magpahatid pa kay Rence, but Rence is so mapilit. >.<


“Hey! Kanina ka pa tahimik d’yan a. Kanina pa ko salita ng salita, and you’re just nodding. What’s wrong bebs?” tamang tama, traffic pa o.


“Nothing, it’s just that, I feel that ‘this’ is wrong.”


“What? Anong mali? Saan?”


“Eto, susunduin mo ko, then susunduin natin si Nix, the same routine kapag pauwi, hahatid si Nix, then hahatid ako. C’mon bebs.”


“And so? What’s the matter with that set-up. Ano ka ba Lorraine, we’ve been like this for a semester. At kahit nung mga highschool tayo e, sabay pa rin tayo sa lahat, though, wala nga lang akong car that time. Ano ba yang pinoproblema mo?”


“Hay, I feel kasi na ang epal ko. Lorenzo, I’ve decided na rin naman na magkocommute na lang ako, since I wanna experience that. I mean, para masanay din ako, or better yet, sa driver na lang namin ako magpapahatid sundo. Yun lang naman.”


“Raine! Ayoko. Baka, kung ano pa mangyari sa’yo, and besides, you have a class na nag-eend by 8 pm. Delikado sa daan. Kung may mangyari sa’yo, ano yun wala ako sa tabi mo? Hindi naman pwede yun.”


“Kahit ayaw mo. Simula mamaya, wag mo na kong ihatid sundo. Rence, just focus with Nix.”


“Nagseselos ka ba?” ako magseselos? Ano ba namang klaseng tanong yan! Syempre hindi! Do I have any rights and reasons to get jealous? Nothing! I’m just concern with them.


“No.” hindi naman na kami nagpansinan, hanggang sa nahatid na namin si Nix. Sa school naman namin, bumaba lang ako sa car, then umalis na rin ako, hindi ko na siya hinintay.


...


“Hmm. Siguro nga you’re right. Ibang girl na kasi yang si Nix, serious na si Rence. magmamonthsary na sila by this Saturday diba?”


“Yeah. Kaya I’ve made a right decision.”


“Ahm, Raine. here’s my sundo na, sabay ka na lang kaya, hahatid ka na lang namin?”


“Wag na, ano ka ba, magkocommute nga ako diba!”


“Are you sure? Oh, ingat ka girl a. :-* Text me pag nakauwi ka na a.”


“Bye. Yes, I’ll text you. Ingat din.”


Umalis naman na si Isha, and ako naman, eh pupunta sa hintayan ng ... ay teka, ano nga bang sasakyan ko? Ay oo. Taxi.


*beep beep*


Huminto naman ako, si Rence. >.< Kakulit naman nitong lalaking ‘to o. Bumaba naman siya, tapos lumapit sa’kin.

“Bebs, tara na.” kasasabi ko lang kanina na, simula ngayon e, wag na niya kong ihatid sundo a. labo nito.


“Alam mo ang kulit mo, diba sabi ko wag mo na kong ihatid?”


“Pumayag ba ako? Diba hindi? So tara na.”


“Ayoko. Diba sabi ko, kahit ayaw mo?”


“Wag ka na ngang maarte dyan Lorraine, sumakay ka na!!! Yan ka na naman e, gagawin mo kung ano lang yung gusto mo!!!” My gosh,sinisigawan niya na ko, he said na maarte ako? Ako pa ang maarte ngayon a! at ang higpit na ng hawak nya sakin! Pero hindi, hindi ako papatinag! Aba, palaban nga diba. So pinipilit kong tanggalin yung pagkakahawak niya sa braso ko. >.<


“Hey bro, don’t force her. Ah, Lorraine, c’mon sumakay ka na.” at sino naman ‘tong handsome guy na ‘to?


TInignan lang naman siya ni Rence... But sorry Rence, ang kulit mo kasi. So ang ginawa ko, tinanggal ko yung braso ko sa pagkakahawak niya, at sumakay ako sa car ni ... basta siya.




sa car ni... ni handsome guy...


“I think you’re having an LQ with your rude boyfriend.”


“Ah. No, first of all, he’s not my boyfriend, and he’s not rude. Naasar lang talaga siguro sa’kin yun.”


“By the way, I’m JB. Ahm, I’m a freshman student from College of Engineering.”


“Ah JB, just call me Raine. I’m also a freshman student from College of Arts and Sciences. Ah thank you nga pala a. Ahm, istop mo na yung car mo, dito na lang ako.” inistop naman niya yung car niya.


“Hah? San ka ba nakatira? Ihahatid na kita, umuulan pa o.”


“Eh nakakahiya naman, don’t mind me, okay lang ako. And sa may *** Village lang naman ako nakatira, I’ll just ride on a taxi. Thank you talaga.” bumaba naman ako, buti na lang sa waiting shed ko siya pinahinto, pero bumaba rin siya. Ano ba to?


“Sang street ka? I’m on the 5th street actually, if you don’t mind.”


“Really? I’m on the 7th street.”


“So, sasakay ka na. Ewan ko na lang kung umayaw ka pa. ;)


So okay lang naman pala? Same village lang pala eh, and 2 streets away from our house. common. I’m so lucky with this guy. :)

Finally, we’re here na rin sa tapat ng house namin, bumaba naman siya para pagbuksan ako, Pagbaba ko naman, tumila naman na yung ulan.


“So here’s your house. Malapit lang sa’min.”


“Ah, yes. 2 streets away? Pero ngayon lang talaga nakita e, even in our campus, hindi kita napapansin.”


“You will not notice me, if you don’t even know me. Ganun naman yun, saka mo lang mapapansin yung isang tao kapag, meron kayo kahit isang connection, or maybe kung famous talaga siya. I’m not famous either.”


“Well you have a point. Ah JB, Tara, pasok ka muna. Dito ka na magdinner.”


“Wow. Hindi ako tatanggi sa offer mo. Pero are you sure na okay lang? Baka kasi may magselos or what.”


“Ano ka ba, I don’t have a boyfriend, and walang magagalit or whatsoever. C’mon. Pang-thank you ko na sa’yo ‘to.”





comments po :)

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website