Her LAST...
and
His FIRST...?
CHARACTERS
GELINE MARASIGAN
Campus sweetheart. Matalino. Mabait. Galing sa mayamang pamilya. Madaming nanliligaw kasi bukod sa maganda, talented pa. Pero kahit madaming nanliligaw, tatlo pa lang ang nagiging boyfriend nya. Yung una, first love daw nya pero hindi sila nagtagal kasi nalaman nya na si boyfriend no.1 e boyfriend din pala ang gusto. Si boyfriend no.2 naman, nagtagal sila for almost one year pero wala din. Naghiwalay din sila kasi na fall-out-of-love daw sa kanya. At ang pinakahuli at ang pinakaminahal nya si boyfriend no.3. Tumagal sila for three years at ang dahilan ng kanilang break up... third party! may ibang girl si boyfriend. At ayun pagtapos ng relasyon nila, wala na. Sinumpa na ata ni Geline na hindi na sya ever magmamahal unless makikilala nya yung "ONE GREAT LOVE" nya. Yung lalaking mamahalin sya ng tunay at hindi sya sasaktan.
But will she ever find him?
TYRONE REYES
Mr.Anti-love. Ang lalaking hindi naniniwala sa first love, sa true love o kahit sa simpleng love lang. Madaming nakarelasyon pero walang sineryoso. Pero kahit alam ng lahat ng babae na hindi sya marunong nagseryoso sa relasyon madami pa din ang nagkakandarapa para maging girlfriend nya. Paano ba naman e ang gwapo kaya nya! Mukhang angel pero may pagkamasama daw ang ugali, well, sabi yan nung mga girls na niloko at iniwan nya.
Will he ever meet the girl who'll capture his heart for the first time?
KEVIN VELASCO
Boyfiend NO.3. Ang lalaking minahal ng lubusan ni Geline. Sabi nya hindi naman nya sinadyang lokohin si Geline at nadala lang sya sa tukso. At biglang patunay na mahal na mahal pa rin nya si Geline ay gagawin daw nya ang lahat para mapatawad sya nito at malay natin magkabalikan sila pag napatawad na sya ng babaeng sobrang nasaktan nya pero sobrang mahal pa rin sya.
Will he get a second chance?
HAPPY TUI
Ang chinita beauty na BFF ni Geline. Makulit. Kikay. Mabait. Sweet.
STEPH GOMEZ
Ang third party sa love story ni Geline at Kevin. Ano kaya ang mangyayari pag umepal ulet sya sa buhay ng bida?
RYAN JAVIER
Ang buddy ni Tyrone na todo ang pacute kay Happy.
FRED MARASIGAN &
JENNIFER MARASIGAN
Parents ni Geline. May-ari ng isa sa pinakamalaking real estate company sa buong bansa.
MARIAN REYES
Tita ni Tyrone. Siya na ang nagpalaki at nag-alaga kay Tyrone simula ng maulila ang pamangkin nya.
EXTRA