Ano ang gagawin niyo pag may classmate kayo na hingi ng hingi ng pagkain?

*btw hindi ako grade 4 student kahit na mukhang pambata ang topic

, grad students na kami pero surprisingly nangyayari parin to* HAHAHA
Hindi naman sa madamot ako pero nakakairita na kasi every time may bibilhin akong pagkain sasabihin niya "pahingi" tapos nakaabot na sa pagkain ko kamay nya. Hindi mo naman kailangan manghingi e kasi aalukin ka naman ng tao pag gusto niyang makipagshare.
Kunwari bibili ako ng lunch, kukuha siya ng ilang spoonful ng ulam, pag bibili ako pansit ganun din, pag bibili naman ako ng skyflakes kukunin nya ung isang cracker. Ang masaklap pa pag may sandwich ako kakagatin pa nya e laway conscious ako. Parang akala mo hindi pinapakain sa bahay.
Alam kong hindi masarap ang pagkain sa bahay nila dahil lola lang nya ang kasama niya pero may allowance naman siya galing sa parents nya overseas, kung gusto niya bumili, bumili siya. Hindi siya mahirap dahil nakakapagaral siya sa isa sa mga pinakamahal na schools sa bansa. Ayaw niya bumili ng isang order ng pancit pero pag sa labas sige splurge siya sa burger king.
Pag ako naman kukuha ng isang fries sa order nya sa mcdo masama na tingin sa akin. Di ko alam kung patay gutom ba o kuripot lang siya. Kaya pala wala pang BF since birth , masyado kasing self centered.
Kaya tuwing lunch time humihiwalay na ako sa kanya kumain kung posible para mabusog naman ako. Garapalan na kasi

Sorry for ranting gusto ko lang talaga ilabas

Ano gagawin mo pag may ganyan kang classmate?
