CHAPTER 23—[[LOVER’S QUARREL?]]
Dumaan yung tatlong araw na hindi ko napapansin si Aaron. Pero yung ibang seniors naman na nag-oorganize ng prom, nakikita ko naman. Di na rin siya sumasabay samin sa lunch. Alam ko na alam ni Mico kung anong nangyari pero hindi ko alam kung paano ko siya tatanungin.
Ilang beses ko na ring sinubukan.
Trial # 1:Tuesday, nung wala kaming klase sa Chemistry.
Wala si Aaron. Well, most of the time, wala talaga siya pag Chemistry. Pero napapasa naman niya yun. Madaya nga e.
Walang katabi si Mico. Ako naman, wala rin dahil absent nun yung katabi ko. Tinabihan ko si Mico.
“Mico?”“Ria, ikaw pala. Uy, ikaw ha. Bakit mo ako tinabihan?” Kiniliti niya ako sa tagiliran.
“Ano ba! Wag mo akong kilitiin kasi!” Tinawanan niya ako bago bumalik sa una nyang ginagawa: ang magbasa. Parehas lang sila ni Danni, parehong di halata pero napakaGC.
“Huy.” Tinignan niya ulit ako nang nakangiti. Nako, magkahawig talaga sila ng pinsan niya. Papasa na silang magkapatid.
“Ikaw ha. Baka mainlove ka sakin nyan. Sorry, pero taken na yata ang puso ko.”“YUCK! Ang corny mo, dude. Tigilan mo nga ako. Taken na ako no.”“Asus. Alam ko namang singgwapo ako ng pinsan mo, not to mention singbait. Di ako magugulat kung pati ako kaiinlovean mo.” With matching kindat.
“HEH! Ewan ko sayo.” Tinawanan lang ako. Kainis to! Magbestfriend nga sila ni Aaron, pareho silang nakakaasar!
Ay oo nga pala!
“Mico!” “Ikaw ha, medyo kumukulit ka ngayon. Sige ka, hahalikan kita.” Sa sobrang inis ko, hinampas ko siya ng notebook at bumalik sa upuan ko. Sinalpak ko sa tenga ko yung earphones ko.
Napaisip ako. Distraction ba yun para di ko matanong yung kay Aaron?
Trial # 2:Wednesday, lunch.
Magkahati si Danni at Mico ng earphones. Si Danni, nagsusulat ng draft para sa paper niya. Si Mico, kumakain ng apple. Kami ni JC, pinag-uusapan yung mga ginawa namin nung bakasyon. Napansin ko, napapatingin samin si Mico pag si Drew yung pinag-uusapan.
Mas lalo tuloy akong naiinip na tanungin sa kanya si Aaron.
“Mico?”“Yes, babe?” Hinampas ko siya ng libro.
“Ewww!”“Aw! Hoy, masakit yun ha!”“Babe ka dyan!? Manahimik ka nga! Kadiri ka.” Napatingin ako kay Danni. Kinabahan ako, baka sampal-sampalin ako. Pero tumawa lang siya.
Di ako papayag na lumagpas na naman tong pagkakataon na to dahil sa mga distractions niya.
“Mico, si Aaron?”Tumigil siya sa kakatawa at napatingin sakin.
“Unli ba tayo? Nasabi ko na sayo di ba? Nag-oorganize siya sa prom.”“E bakit siya lang yung di ko nakikita? Yung iba naman sa mga nag-oorganize ng prom, nakikita ko. Bakit siya lang yung hindi?”“Sus. Busy kasi talaga yun pag ganitong panahon ng taon.” EXCUSES!
“May nangyari bang masama sa kanya?”Short pause. BINGO.
“You’re being too suspicious these past days, Ria.”“But Mico, he—““Tama si JC. Pati ako dinadamay mo. Anyway, ayos lang naman si Aaron. Pagbigyan mo na yun, ngayon na nga lang nun mapapatunayan na pwede pala siyang maging responsible e.”I guess may point siya. Pero...
Masama ba kung pagbibigyan din nila ako? Gusto ko lang namang malaman yung anong problema ni Aaron ngayon.
Trial # 3:Thursday, klase namin sa English.
Katabi ko sa klaseng to si Aaron. Siguro naman, kung ayaw ni Mico, si Aaron na lang yung sasagot sa tanong ko.
Nakita ko siyang pumasok. Tatayo na sana ako nang lapitan niya yung parating na prof at may sinabi. Tumango naman yung prof at inannounce na tabihan ako ni Sam, yung lalaking nakaupo sa likod ng classroom. Ngumiti nang kaunti si Aaron at umupo sa upuan ni Sam nang di man lang ako tinitignan.
WTF.
Nginitian ako ni Sam.
“Looks like someone had a lover’s quarrel.”Niroll ko lang yung mata ko sa sinabi niya at tumingin sa likod. Nakangiti si Aaron sa katabi niyang babae na di ko maalala yung pangalan. Mukhang nag-eenjoy silang dalawa.
Pinipilit akong kausapin ni Sam. Kinakausap ko naman siya, pero di ko talaga matanggal sa isip ko si Aaron. Ano ba talagang nangyari?
Thursday, uwian.
Nakakainis! Nakakainis talaga! Nakasalubong ko kanina yung isang senior na nag-oorganize ng prom. Sabi nila, di naman sila laging busy. Madalas nga raw wala si Aaron e. Oo, tumutulong daw siya. Pero pag nagttake sila ng break, one hour after matapos ng break na daw siya bumabalik.
!@#$.
Inabangan ko siya sa may sasakyan niya. Alam ko iba na naman yung iniisip ng tao pero di ko na lang sila pinapansin.
Nakita kong nagulat si Aaron sakin na nakatayo sa tabi ng sasakyan niya. Pero tumingin lang siya sa lupa at naglakad papunta sa sasakyan niya.
Kinalabit ko siya. SNOB ANG LOLO NIYO.
“Teka nga.” Kahit mahirap, sinubukan kong iharap siya sakin.
“Nakakahalata na ako ha. Iniiwasan mo ba ako?” Nagtitigan kami. Ewan ko ba, pakiramdam ko, ang lalim ng mga mata niya. Makikita mo talaga yung pain na nararamdaman niya.
ASDFGHJKL.
Tinulak niya ako.
“Feeler. Bakit naman kita iiwasan? Baliw.”Masakit yun ha. Kahit kelan talaga di to marunong rumespeto ng babae.
“Bastos! Nagtatanong lang naman ako a! E bakit kasi di mo ako pinapansin? Nung bakasyon, di ka nagparamdam! May excuse ka pang pag-oorganize ng prom. Anong tingin mo sakin, tnga!?”“Tigilan mo nga ako! Wala kang pake sa buhay ko! Magsama na lang kayo ng ptangina mong boyfriend!” Napatigil ako. Nakita kong pati siya nagulat sa sinabi niya, pero saglit lang yun bago siya pumasok sa sasakyan niya at nagdrive palayo. Halos lahat ng tao sa parking lot nakatingin samin, pero wala akong pake.
“Ria?” Napatingala ako. Nakaluhod sa harap ko si Mico. Nandito ako sa rooftop. Actually, dapat talaga wala na ako dito dahil gabi na rin pero di ko lang mapigilang pumunta dito. Nakatulog ata ako dahil di ko naman napansin na pumasok ng rooftop si Mico.
Pinunasan ko yung luha ko.
“Bakit ka pa nandito? Gabi na a.”“I should be the one asking you that question. Kanina ka pa dito?” Nagshrug ako.
“May nagsabi sakin nung nangyari sa inyo kanina. Ayos ka lang ba?” Biglang sumikip yung dibdib ko. Bakit ba ganito? Ang gulo gulo.
Umupo si Mico sa tabi ko. Napatingin lang ako sa kanya. Kahawig niya talaga si Drew. Nung mga panahong di kami ayos, naiilang ako pag tumitingin ako kay Mico kasi nakikita ko si Drew. Pero ngayon, medyo nakakatawang isipin na ambabaw ko talaga tumingin.
Nagring yung phone ko. Pinalangin ko na sana si Aaron yung tumatawag, magsabi na di niya sinasadya yung kanina. Magexplain kung ano talagang problema niya para matulungan ko siya kahit papano.
“Di mo pa ba sasagutin?” “Ito na nga e.” Kinuha ko yung phone sa bulsa ko.
Calling...
Drewkoo. <3Oh.
“Bakit mo nireject yung tawag ng pinsan ko?”“Magsosorry na lang ako mamaya. Di ko siya pwedeng kausapin nang ganto boses ko.”Nakonsensya ako bigla dahil habang sinasabi ko yun, nag-iisip na ako ng excuses na pwede kong ibigay kay Drew. Ayoko namang magsinungaling, pero pakiramdam ko mali rin kung sasabihin ko sa kanya kung totoong dahilan.
“Sorry.” Napatingin ako sa kanya.
“Part of the reason why he did that was me.”“Ha?”“Ako yung nagsabi sa kanya na okay na kayo ni Drew. Nung bakasyon ko pa nalaman.” I guess that explains his kind of matter-of-fact smile. Alam na niya pala. Si Drew malamang ang nagsabi kay Mico. Nakaramdam ako ng konting tampo kay Mico. Feeling ko kasi mas tama kung ako yung nagsabi kay Aaron mismo rather than marinig niya secondhand kay Mico.
“Ang babaw talaga nung kalabaw na yun. Nakakainis.” Napaiyak na naman ako. Pano naman kasi?! Yun lang naman. Di pa ako pinakinggan. Teka nga, bakit ba kailangan ko pang mag-explain sa kanya? Ang lakas talaga nun mangonsensya.
“Actually, di lang talaga yun yung dahilan kung bakit siya ganun. Oo, malaking part na rin yun pero...”“Pero?”“Alam ko I shouldn’t be the one telling you this, and after what happened earlier, I really should shut my mouth.” May point siya. Magagalit lalo si Aaron pag nalaman niyang sinabi sakin ni Mico yung problema niya.
“Sabihin mo na. Akong bahala sayo. Bubugbugin ko yun pag nagalit yun sayo.”“Actually, galit na talaga siya sakin. Pansin mo, pati ako di rin niya pinapansin? Pero it’s natural for him to act such. Di ako galit sa kanya dahil dun.”Napansin ko nga. Di na sila naghhandshake man lang pag nagkakasalubong sila sa corridors. Kaya siguro mas madalas kong nakikita si Mico na kasama kaming tatlo nina JC at Danni.
“Anyway, sinabi mo yan ha. Bubugbugin mo talaga si Aaron pag inaway ako ha.” Natawa ako.
“Oo nga. Sabihin mo na kasi.”“Nag-away na naman sila ng dad niya. However, this probably is one of the worst fights the two tigers have had since forever. Wanna know why? Dahil sayo.”Never minention sakin ni Aaron yung tungkol sa parents niya. Analyzing his name, McCartney siya di ba? So ibig sabihin Fil-Am siya. Yung dad niya yung Amerikano? Well, uso kasi yun. Na ang mga Amerikano ay nag-aasawa ng mga Filipina.
Late lang talaga nagprocess yung utak ko. Nung nagsink in na yung sinabi ni Mico, napatayo ako.
“Dahil sakin!?”
Hahaha. Tagal ko ring di to inupdate kaya bumabawi ako ng 3 chapters agad. Finals week ko na so di na ako makakapagonline for this week. Baka pag nakabalik na lang siguro ako ng Makati. Anyway, salamat sa mga nandito pa. Yung mga bagong salta, hello! =)hello po.. new reader here..
ngayon ko lang po kasi nakita yung season2 ng love-phobiac..
support !! 
Hi! Nakita ko na yung UN mo sa Love Phobiac. Thank you! :>
new reader po ako~! uhm, actually silent reader since season 1 pa. hahaha. tapos, ayun di na nakatiis! ganda eh! naiinis ako kay drew
hello po~!! update na sana! ^__^v
Hi you! :] Huwaw, thanks naman at nagparamdam ka na. Hahaha, wag kang mainis kay Drew. Ayan na yung explanation o. Thank you thank you sa pagsupport. :>