PROLOGUENaghahanap ako ng pagkain sa ref nang may tumambad na mga mukha sa harap ko. Nginitian nila ako saka niyakap nang mahigpit. Aw, kaya mahal na mahal ko ‘tong mga ‘to eh.
“Oh, bakit gising pa kayo? Di ba good kids should be in bed by this time?”“Si Ianne po kasi, ayaw pang matulog.”“E kasi Mama, gusto ko kwento mo ulit samin ni MJ yung love story niyo ni Daddy.” Ano ba naman ‘tong mga batang ‘to? HAHAHA.
“Ianne, gabi na. I’ll tell you about it tomorrow. Okay?”“Please, Mama. Gusto ko talagang marinig yung story.” Tinignan ko si MJ. Mukhang iritang irita na siya. Nung nakita niyang nakatingin ako sa kanya, ngumiti siya.
“Sige na Mama, para matahimik na ‘tong si Ianne. Tsaka, gusto ko ring marinig eh.”“Tignan mo, ikaw din pala gusto mong pakinggan, pinahirapan mo pa ako.” Binatukan naman ni Ianne si MJ.
“Ianne, wag mo nang awayin si MJ. Sige na nga, ikukuwento ko na sa inyo yung story namin ng Daddy niyo. Akyat na kayo sa kwarto niyo. Dun ko kayo kkuwentuhan.”Kumaripas naman ng takbo yung mga bata. Nakakatuwa silang tignan, andami kong naaalala sa kanila. Kahit eight years old pa lang sila, ganun na sila kabangag. Nagmana talaga sa mga magulang. HAHAHA.
Sinara ko na yung ref at sinundan sina Ianne at MJ. Pagpasok ko ng kwarto nila, nakita ko silang nakahiga nang maayos sa mga kama nila. Himala kasi madalas, nasa labas pa lang ako ng pinto ay nakakarinig na ako ng sigawan at tilian. Pag naman pumasok ako, nakikita ko silang nagbabatuhan ng mga unan. Minsan kailangan pa ng tulong ng asawa ko para mapatahimik sila. Kaya himala talaga ‘to.
“Bakit tahimik ang angels ko?”
“Kasi gusto namin magkkwento ka kaagad pag pumasok na ikaw dito sa kwarto.”“Hindi ba kayo nagsasawa sa kwentong yun? Parang isang daang beses ko nang naikwento yun ah.” Reklamo ko sa kanila habang umuupo sa kama ni Ianne.
“Si Mama, exaggerated. Sixty six times mo pa lang naman naiikwento yun eh. Pang sixty seven na ngayon.” Aba at binilang talaga nila ha.
“Oh sige na nga. For the 67th time, ikukuwento ko ulit sa inyo. Saan niyo gustong magsimula?”“Nung nasa Pilipinas ka, Mama.”“Hindi, nung nasa States siya.”“Pilipinas!”“States!”“Pilipinas!”“States!”“Pilipinas!”“States sabi eh!” “STOP!” At tumahimik naman sila.
“Sa States na lang tayo magsimula. Okay? Para mas may suspense.”“Siya nga pala. Mama, asan po si Daddy?” Si Daddy? Nasan nga ba yung asungot na yun?
“Baka nagovertime sa work. Alam niyo naman si Daddy, business partner na ni Granddad. Lagi silang late nagtatrabaho.”“Pag po ba inabutan ni Daddy yung storytelling niyo, pwede po ba siyang makisama?”“Oo naman, MJ. Para di lang side ni Mama yung maririnig siyo. Di ba mas masaya yun?”“Opo!” Aba in chorus pa ang pagsasalita ng mga ito. Nakakatuwa talaga sila.
“Okay, sige na. Basta pag natapos na yung kwento, matulog na kayo ha? Late na oh. May school pa kayo bukas.”“Yes, Mama.”“Okay. It went like this.” ----------
@Mitchiebabes: Belat.

HAHAHAHAHA. So what kung initials pa rin? Cute nga eh. :>
@Ate Bianx: Wee, you're here na! Thank you so much.
Di ko na napigilan. Ayoko nang pakawalan yung idea ko ng prologue eh. Thank you sa mga nagbabasa pa. 