Teentalk

Author Topic: Tayong Tatlo. *Author's Note* page 6. =(  (Read 2995 times)

MhAe06saiZ

  • taffy
  • ***
  • Posts: 354
  • Karma: +26/-2
  • ~bembZ~
    • ...Tumblr...
Re: Tayong Tatlo. Ikalimang Kabanata na! ^^
« Reply #75 on: July 23, 2010, 03:24:46 pm »
Quote
Favorite kong kabanata to.. medyo maikli siya pero.. basta favorite ko to.  ;)

karenita
..salamat sa pagbabasa ha?  ;) Wag ka sanang magsasawa kahit hindi ako ganun kabilis mag-update.  :)

Jajazzbee
..eto na si update oh.  ;)

eimee23
..si Irish? Oo. oa talaga yun. haha!  :D
paborito mo rin ang siomai? Aba'y magkakasundo tayo niyan!  ;)
Salamat sa pagbabasa!  :)





Ikaanim Na Kabanata

“Promise niyo muna na walang ibang makakaalam?”
“Oo na nga.”
“Pero, please ha? May tiwala ako sa inyo. Wag niyo sanang sirain.”
“Opo! Opo! Sabihin mo na bilis!”
“Cross your heart muna?”
“Leche.”
“Maya? Please?”


“Oo na. Cross my heart mamatay ka man. Este ako pala.”

   Sabay kaming tumingin kay Jayden.

“Cross my heart.”
“Sasabihin ko na… lapit kayo parang walang makarinig.”

   At nilapit namin yung tenga namin sa kanya.
"Ano kasi.. kasi... ako. Ako...












































..ako si spiderman.”
:D

   What the-------!??????????????!!!!!!!!! ??? >:(


“Leche ka.” >:(

   Kinuha ko yung bote ko ng C2 at tumayo na ako para lumabas ng canteen. Sino ba naman hindi mababaliw sa pinagsasabi nitong gagong to!? Nakakapikon.

“Huy!”

<krriiiiiiiiiiiing!!!>

   Nag-bell na, ibig sabihin tapos na ang recess. Naglalakad ako sa school grounds ng mapansin kong nakasunod sakin si Jayden at si Erick. Nawawala na yung ibang students, time na kasi.

“Huy! Teka! Sasabihin ko na talaga!”

   Nilingon ko siya at tinignan ng masama. >:(

“Ulul. Hindi nakakatuwa.”
“Joke lang yun! Toh naman…”

   Sunod parin siya ng sunod kahit lakad ako ng lakad.

“Maya! Jayden! Joke lang yun! Malay ko bang maasar kayo? Sorry na!!”

   Nag-init lalo ulo ko kaya tumigil ako at nilingon ko siya. Siguro mga 5 feet away lang siya.

“Eh kung sabihin ko sayong hindi ako si Maya?!” >:(

















“Joke lang yun siyempre!”




















“Hindi joke yun! Dahil ako si Wonder woman!!!!!!!!!!”
















   At daha-dahan akong lumakad papalapit sa kanya.

“…at si wonder woman ganito manapak!”
   
Booooooooogssssssssh
(sound effects ng suntok)



   OO, sinapak ko nga ang mokong. Napalingon ako bigla kay Jayden na narinig kong tumawa ng mahina.





“What!?” ??? >:(
“Akala ko malakas suntok mo pero…”

   Nginuso niya yung lugar ni Erick.

“…hindi mo siya napatumba.” ::)
“Gusto mo ikaw na lang patumbahin ko?!” >:(

   He smirked.

“Kung kaya mo ba eh.” ::)

   Huwaaaaaaaat?! Pati ba naman si Jayden?! Ano bang nangyayari sa Earth!?

“Jayden… wag ka ng sumabay.”
“Hindi mo siguro kaya.” 8)

   Pinatunog ko mga daliri ko at dahan-dahan akong lumapit kay Jayden tsaka ko sinara yung fist ko. Humanda ka ngayon… hinahamon mo pala ako ah. Habang papalapit ako… nagagawa niya pang ngumiti sa mga nanlilisik kong mga mata?!

“Etong saayoooooooo!!!”
















   Pagkabitaw na pagkabitaw ko sa suntok ko bigla niyang sinalo yung right fist ko ng palad niya at inikot niya yung kamay ko patalikod tsaka ko lang naramdaman na may humawak sa left hand ko at inikot din patalikod. Yeah, they were strong enough to hold me kahit nagpupumiglas ako! Anong itsura ko? Alam niyo yung mga hinuhuling criminal? Ganun!

“Bitiwan niyo ako!!!!!!!!!!!! Anu ba Jayden! Erick!”

   Tinigan ko silang dalawa ng masama at parehas pa silang naka-ngisi.

“Bitiwan niyo ako! Magbibilang ako ng lima! Kapag hindi niyo ako binitawan hindi niyo na makikita ang bukas!"

   Aba! At parang walang narinig?!

“ISA!”
“DALAWA!”
“TATLO!”


   Wa epek?! Takte yan!

“APAT!”

   Tinignan ko ulit sila ng kabilaan pero naka-ngiti parin sila! Uggh!

“LIMA!!!!!!!!!!!!!!”





 >:(





>_<






-_-















O________O
















   And they both kissed me on my cheeks. Kabilaan pa.
...I J.G.S.
...

junachoopxz

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2228
  • Karma: +86/-38
  • is undeniably in ♡
Re: Tayong Tatlo. Ikalimang Kabanata na! ^^
« Reply #76 on: July 23, 2010, 09:00:09 pm »
OWEMJEE! :o I SO LOVE THIS CHAPTER! :D Kala ko naman kung ano! Ang epal mo Erick! ;D WONDERWOMAN? ::) Hahaha! ;D Waepek suntok ni Wonder Woman o! ;D Nagulat ako PROMISE! ;D Sa Lima? I SO LOVE THAT! :D Sana ganun din sila sakin ;D

Jajazzbee

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3427
  • Karma: +646/-54
  • Silent Reader :3
    • FACEBOOK
Re: Tayong Tatlo. *updated* Ikaanim na kabanata na! ^^
« Reply #77 on: July 23, 2010, 09:18:38 pm »
OMG. Ancute naman! What a cute gesture! HAHAHA.

karenita

  • taffy
  • ***
  • Posts: 471
  • Karma: +29/-3
  • follow me on twitter: @icbsuperman
Re: Tayong Tatlo. *updated* Ikaanim na kabanata na! ^^
« Reply #78 on: July 23, 2010, 11:39:04 pm »
ang cute naman  :D
nakakatuwa siguro sila tignan..  :)

eimee23

  • jellybean
  • **
  • Posts: 185
  • Karma: +3/-4
  • TeenTalker
    • Tumblr. <3
Re: Tayong Tatlo. *updated* Ikaanim na kabanata na! ^^
« Reply #79 on: July 31, 2010, 08:28:24 am »
Ahahaha. Ang cute! Spiderman and wonderwoman! Eh si jaydennsino??? Hahaha. Lalakas ng trip nila.. XD ang cute cute ng update! Haha. Ang cute din nung kiniss nila si maya sa cheeks! OMG naiimagine ko. Hahaha. Cute! Uppie na uppie! ^^
I deleted my stories in CC.
Yeah. That's how cool I am.
Deal with it.

MhAe06saiZ

  • taffy
  • ***
  • Posts: 354
  • Karma: +26/-2
  • ~bembZ~
    • ...Tumblr...
Re: Tayong Tatlo. *updated* Ikaanim na kabanata na! ^^
« Reply #80 on: August 03, 2010, 02:37:35 pm »
Quote
Trivia: Yung itsura nila Jayden, Maya at Erick na hinalikan sa pisngi nung dalawa si Maya eh bigla lang pumasok sa isip ko nung nakita ko yung picture ko with my two closest guy friend.. ganun din ang itsura namin pero hindi naman nakadikit yung lips nila sa pisngi ko.. haha!  :D ayun. Voila.  :)

...Junallane
Haha! Favorite chapter ko to eh.. mabuti naman at nagustuhan mo.  :)
salamat sa pagbabasa. ;)

...Jaja
ang kyut no? Haha! Salamat sa pagbabasa.  ;)

...karenita
can i call you Karen? Karen name mo diba?  :)
naku.. nakakatuwa talaga sila tignan. Kyot! Salamat sa pagbabasa.  ;)

...Maryflor
si Jayden? Siya si.. uhmm.. malalaman mo sa next update. haha!  :D
salamat sa pagbabasa ha?  ;)


Mag-a-update na po ako.. maybe tommorow or sa Wednesday. Salamat sa pag-support. Love you all!  :) ;)

...I J.G.S.
...

theUntamed06

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 10
  • Karma: +0/-0
  • Formerly known yahk06 =]
    • Cutescape
Re: Tayong Tatlo. *updated* Ikaanim na kabanata na! ^^
« Reply #81 on: August 03, 2010, 04:19:45 pm »
Aheeeeeeee!! Kilig kilig!! Lokong dalawang lalaki na ito!! hahaha! sabay pang hinalikan si Maya!! What if pala yumuko si Maya? Pagnagkataon, lips to lips si Erick at Jayden! bwahahahah! >:D >:D >:D >:D

Kaengotan na naman nasa isip ko. Bwahaha! >:D >:D >:D

Kapatiddddddddddddddddd!! AKo itech! bwahaha! New account.. yayy! Same old reason, ayaw parin gumana ng credits ng account kong yahk06. hayy.. sayang posts ko dun..

Anyway, kahit bago account ko, andito parin ako!! bwahahha! >:D >:D

Ako kapatid? Mukha ba akong adik?? hahahahha >:D I wanna siomai love to you.. hopia love me too.. hahha! wala na bang ganung linya?? nyahehe!!

loveyou kapatid!! mwahhh!!

MhAe06saiZ

  • taffy
  • ***
  • Posts: 354
  • Karma: +26/-2
  • ~bembZ~
    • ...Tumblr...
Re: Tayong Tatlo. *updated* Ikaanim na kabanata na! ^^
« Reply #82 on: August 03, 2010, 10:49:24 pm »
^^KAPATID!!!

napaisip tuloy ako agad nung nakita ko yung username nung last na nag-post.. pagkakita ko sa avatar mo.. ayh! Alam na kung sino! haha  :D

i miss you kapatid! musta na? Tagal mo ring nawala ah?

at ikaw.. ikaw talagang bata ka. Kung anu-ano na naman iniisip mo. Diba sinabi ko sayo na wag mong ipagkalat na adik KA tayo?  :D :D :D

Salamat sa pag-drop by ha! Labyu too kapatid! Ingat ka lagi.  ;)
...I J.G.S.
...

MhAe06saiZ

  • taffy
  • ***
  • Posts: 354
  • Karma: +26/-2
  • ~bembZ~
    • ...Tumblr...
Re: Tayong Tatlo. *updated* Ikaanim na kabanata na! ^^
« Reply #83 on: August 04, 2010, 03:44:17 pm »
Ikapitong Kabanata

“Buti na lang talaga si Mam Brenda lang ang teacher natin ngayon. Kung hindi naku… tigbak talaga kayo sakin!”
“Mas masarap nga tumambay dito eh.”
“Oo na lang.”
“Sabagay. Kaysa andun tayo sa room panigurado tutulugan lang naten siya. Haha!”
“Gawin din kaya naten to bukas?”
“Baliw. Baka bukas guidance na kabagsakan natin.”
“Unga no? Oh di sige, tulugan na lang naten siya bukas. haha!” :D
“Ang sama.”
“Woshoo… akala mo siya! Kahapon papikit-pikit ka pa eh!”
“Hindi ko tinatanggi. Hehe!”
   Anung nangyari samin? Well, after nung ginawa nila napangiti na lang din ako. Eh sino ba namang hindi maalis ang badtrip kung ganon ang gawin nila diba? Haha! So ayun.. nawala talaga inis ko kaso…

*FLASHBACK*
“Syet.”
   Napatingin yung dalawa sakin.
“Bakit?”
“Bell na diba?”
   Nagkatinginan na lang kaming tatlo.
“Time na!!!”
   Sabay-sabay kaming tumakbo papuntang room naming at halos lahat ng room na nadaanan namin napatigil yata sa pagka-klase. Haha! Pagdating na pagdating naming sa pinto ng room naming andun na si Mam. Paktay. Hinahabol pa naming yung hininga naming at magsasalita sana para mag-explain pero… >:(
“Wait for your next teacher…








OUTSIDE!!!”


   Sabay sara ng pinto. No choice dito kami sa may hallway nakatambay. Nakaupo kami sa lapag at nakasandal sa pader. Siyempre makakatabi kaming tatlo, nasa kanan ko si Jayden at sa kaliwa si Erick.
*End of FLASHBACK*



“May naalala ako bigla.”
“Ano yun?”
“Naalala niyo pa yung pencil case ko nung first year?”
“Parang alam ko yun ah. Yun ba yung may nakasulat na pangngalan nating tatlo?”
“Oo. Yung may drawing ng Naruto..pinangalanan ko pa nga eh. Ako si Sasuke. Tapos si Erick naman si Naruto at ikaw si---”
   Bigla kong tinakpan yung bibig ni Jayden. At binigyan ko siya ng nakakamatay na tingin na wag niya nang ituloy ang sasabihin niya.
“…at si Maya si Sakura! Hahaha!” ;D :P
“Pasalamat ka dalawa lang kamay ko.”
   Mahinahon kong sabi kay Erick at tinanggal ko ng yung pagkakahawak ko sa bibig ni Jayden.
“Ayoko maging si Sakura no.”
“Bakit naman?” ???
“…kasi ayoko nung buhok niya. Kulay pink.”
Eh di kung ayaw mo… baguhin na lang natin. Si Jayden si Superman. Ako si Spiderman at Ikaw si…”
   Bigla siyang ngumiti sakin. Labas pa lahat ng ngipin.
“…WONDER WOMAN!” :D
   At tinaas niya yung isa niyang kamay at parang lilipad na superhero. Aaargh!!!
“Erick!”
   Hinila ko siya sa manggas tsaka ko sinabunutan. Wehehehe. Sweet revenge. Bibigyan ko to ng pasa!
“Ah! Ang lakas pala talaga ni Wonder Woman! Araguy! Aray!”
“Ako si?”
“Si Maya… si Maya! Aray! Tama na! Nagugulo na yung buhok ko!”
“Pasalamat ka mabait ako ngayon.” 8)
   Binitawan ko na siya. Pero paglingon ko sa kanya nakangiti parin siya ng nakakaloko.
“Anu na naman?! Ngiting aso ka na naman ha!?”
“Eto naman…nagpapaka-wonder woman masyado!”
“ERICK!!!!!!!!!!”
   Biglang bumukas yung pinto ng room namin at lumitaw si Mam Brenda.
“Nasa labas na nga kayo ang iingay niyo parin!”
“Kaya nga po…”
   Tumango-tango ako.
“Ewan ko ba dito kay Erick. Hindi na po nahiya.” ::)
“Aba’t-------!”
“Kaya po pagpasensyahan niyo na siya. Ako na po ang humihingi ng dispensa.” ::)
   Kumunot yung noo ni Mam at parang hindi ako nage-gets. Magsasalita pa sana ako pero sinara niya na ulit yung pinto. Nilingon ko si Erick at ginaya ko yung ngiti niya kanina.
 :)
“Bakit ganyan ka makangiti? Tong is-is na to!”
   [is-is = sulsol]
“Wala lang. Nagpapa-praktis sana akong maging model ng colgate o di kaya close up.” ;D 8)
“Hahahaha!”
   Sumandal ako sa pader at ngumiti ako.
“Natawa ka mag-isa? Baliw ka!”
        Patungkol ko kay Jayden.
“Sinong baliw?”
“Ikaw.”
“Oo. Sayo.”
“Gagu.”

   Natahimik na lang ulit kaming tatlo.

“Uhmmm… nga pala. Yung dapat sasabihin ko?”
“Move on pare. Hindi na kakagat yang joke mo.”
“Totoo na to.”
“Tungkol saan ba?”
“Yung classmate nating bago?”
“Si Meryl?”
“Hindi. Si Paula.”


   Wala nang sumunod na nagsalita. Hindi na nagtanong ulit si Jayden. Hindi siguro interesado o ayaw niya rin pag-usapan. Well? Anu nga ba dapat kong gawin?

“Alam niyo bang may lahi akong manghuhula?” :D


   Napa-huh na lang yung muka nung dalawa.





“Huhulaan ko yang sasabihin mo Erick. Hmm… tungkol sayo to malamang? At kung damay si Paula… a-huh! Parang alam ko na!”



   Tumawa ako ng mahina dahil alam kong kalokohan lang tong sasabihin ko.



“…may gusto ka sa kanya no?! At may gusto rin siya sayo! Kaya ang tawag dun M.U.!” :D



   Lumakas yung tawa ko sa mga pinagsasabi ko.



“…haha! Ano ba tong sinasabi ko. Puro kalokohan! Alam ko namang hindi mangyayari yun kasi-------.” :D






   Naputol yung sasabihin ko dahil biglang sumagot si Erick na hindi ko inaasahan.






















“Panu mo nalaman?” ???
...I J.G.S.
...

karenita

  • taffy
  • ***
  • Posts: 471
  • Karma: +29/-3
  • follow me on twitter: @icbsuperman
Re: Tayong Tatlo. *updated* /08.04.10/ Chapter 7 na!^^
« Reply #84 on: August 04, 2010, 07:22:03 pm »
ren nalang twag mo saken  :P

katuwa ung update ee. haha! mula sa naruto naging superhero. :))

Jajazzbee

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3427
  • Karma: +646/-54
  • Silent Reader :3
    • FACEBOOK
Re: Tayong Tatlo. *updated* /08.04.10/ Chapter 7 na!^^
« Reply #85 on: August 05, 2010, 01:01:18 am »
Nameeeeen. Pati ako naiingayan sa kanilang tatlo! hahaha. Ang gugulo  :D

eimee23

  • jellybean
  • **
  • Posts: 185
  • Karma: +3/-4
  • TeenTalker
    • Tumblr. <3
Re: Tayong Tatlo. *updated* /08.04.10/ Chapter 7 na!^^
« Reply #86 on: August 07, 2010, 07:36:56 am »
Ang cute! ;)
may lahi ngang manghuhula si Mayaa.. Hahaha
ako rin kaya magpahula?

Magpapapansin nanaman ba si crush sa akin? Ahahaha!

Joke lan. :D ;D

uppie naa.. Ahaha
I deleted my stories in CC.
Yeah. That's how cool I am.
Deal with it.

junachoopxz

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2228
  • Karma: +86/-38
  • is undeniably in ♡
Re: Tayong Tatlo. *updated* /08.04.10/ Chapter 7 na!^^
« Reply #87 on: August 07, 2010, 05:27:58 pm »
Nice Update! :)

OUCH. Yun lang. :( e diba may gusto si Maya kay Erick? :-[ Em sad for Maya!

Okay lang yan! Nandiyan pa naman si Jayden e. ;D

Next Update po! :)

MhAe06saiZ

  • taffy
  • ***
  • Posts: 354
  • Karma: +26/-2
  • ~bembZ~
    • ...Tumblr...
Re: Tayong Tatlo. *updated* /08.04.10/ Chapter 7 na!^^
« Reply #88 on: August 28, 2010, 02:15:25 am »
Guys! I'm really sorry kung matagal na akong hindi nag-a-update o nagre-reply man lang sa inyo.. Nahihiya kasi ako... Nauubusan ako ng ideas.. Siguro kasi nawalan na ako ng inspirasyon. Palibahasa bahay at sideline lang ako ngayon. I'm really am sorry.. Pero don't worry, i'm going to update din hindi lang muna ngayon.. WRITER'S BLOCK ba ang tawag dito? :-\

And guys, i really need your opinions.. kelangan ko pa bang ituloy to?
I'm confused...  :-\ :(
Reason #1 - Masyadong mabagal ang mga pangyayari..i mean slow ang pacing.

Reason #2 - Masyadong nakakaantok.. yung pakiramdam ko walang spice yung story.

Reason #3 - Dahil isang ordinaryong storya lang ito..walang bago.

Reason #4 - I'm insecure. :-X :-\

I really have to think about this... I'm so sorry guys.
:'( :-\ :(
...I J.G.S.
...

eimee23

  • jellybean
  • **
  • Posts: 185
  • Karma: +3/-4
  • TeenTalker
    • Tumblr. <3
Re: Tayong Tatlo. *Author's Note* page 6. =(
« Reply #89 on: September 02, 2010, 09:23:03 am »
awww. sis, im also writing a story pero hindi pa siya published. and right now im experiencinh writer's block. ramdam ko rin yung mga thoughts mo na parang ang bagal ng kwento and it comes to the point (yung sa akin ha?!) ayaw mp na ituloy. ewan ko lang kung feel mo yun. kaya ayun. take your time lang ate. get advices from your friends regarding your so called writer's block. ayun lang. :D
I deleted my stories in CC.
Yeah. That's how cool I am.
Deal with it.

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website