Unang Kabanata[/size]
“Ma! Alis na na po!”
“Sige anak. Ingat ka ha!” Paglabas na paglabas ko ng gate tumingala agad ako. Ang ganda ng panahon ah? At ang sarap pagmasdan ng mga ulap. Napangiti na lang ako. Totoo ngang napakaswerte nating mga nilalang at kasama sa araw-araw nating pamumuhay ang ganito kagandang mga bagay. Naglakad ako hanggang makalabas na ako ng kanto namin. Mag-aantay pa ako ng jeep papuntang school. Nang biglang umihip ang malakas na hangin kasabay ng pagtama ng isang…
“Aarggh!!!” Napahawak ako sa muka ko kung saan tumama yung papel. What a good morning! Hmft. Kinuha ko ito tsaka ko tinignan. Eh kaganda naman! Natulala ako dun sa nilalaman ng papel. Isang sketch… sketch ng isang bahay. May dalawang palapag… May malaking bakuran ang mga halaman sa loob nito… May seesaw… May isang sasakyan sa garahe… Ang ganda naman nitong bahay na to. In fairness type ko ang kasimplehan. Weird nga lang siguro yung nag-sketch. Pano ba naman. Ilagay ba daw sa isang pilas ng papel galing sa notebook tong magandang likha na ito? *wow, anlalim ng tagalong ah* Luminga-linga ako para tignan kung may naghahanap. Pero wala naman.
Binalik ko yung tingin sa sketch tsaka ko lang napansin na may maliit na pirma sa bandang ibaba sa kanang bahagi. Tinignan kong mabuti, pero hindi ko talaga maintindihan yung pangalan. Ang ganda nung pirman. Ang hirap gayahin. At ang hirap din intindihin. Ayus!
“Huy!” Binulsa ko yung sketch tsaka ko nilingon kung sino yung lamang lupa ng tumawag sakin.
“Tsss. Ikaw lang para Erick!”
“Bakit. Ayaw mo?
“Oo ayaw ko.” 
“Nasa sayo yan.”
“Duh.” Tsaka ko inirapan ang mokong.
“Tara sakay na tayo.” Tumango lang ako at sumunod sa kanya. Siyempre, dahil gentleman siya… nauna siya sumakay. Amabait nuh? Haha! Hindi pa man nakakaandar yung jeep may sumakay pang isa na kaparehas namin ng uniforn at tumabi sakin.
“Pare!” 
Nakangiting bati sa kanya ni Erick. At tumango lang siya sabay ngiti.
“Jayden! Balik kana ulit sa school natin! Yehey!”
“Hindi ko kayang malayo sayo eh… haha!” 
“Ulul. Libre mo na lang kami pamasahe.”
“Okey lang.”
“Yown!” Sabay naming sabi ni Erick sabay apir!
“Yun naman yun eh! Welcome back pareng Jayden!”
Ako nga pala si Maya Andrea Cabrera. Isang senior student. Si Erick naman ang isa sa pinakamayabang slash pinakamaingay slash pinakamakulit kong super close friend. At Si Jayden? Close friend of mine since 1st year din. Pero malaki ang pinagkaiba ng dalawang to, weird na nga siguro. Magkakaibigan kami pero magkakaiba ng ugali. Kaso hindi siya sa school namin nag-3rd year. Umalis siya to fix some issues na until now… hindi namin alam kung ano. Nuon pa man ayaw na niyang saibihin kung ano yun. Pero okey na rin atleast bumalik siya, diba?
“Kamusta na school naten?”
“Wala namang masyadong pinagbago…”
“Bukod sa mas gumanda ako.” 
“Uhmmm… Mag-tansfer na lang kaya ulit ako?”
“Isama mo ko pare.”
“Hmft. Wareber.” 
Nagkatinginan lang yung dalawa tsaka tumawa.
“Na-miss ko to!” 
“At magsasawa ka ulit! Hahaha!” 
Napangiti na lang din ako. Namiss ko din to. Kaming tatlo… asaran, tawanan, damayan… Magkakaibigan na kami nuon pa man.
“Teka. Anong section niyo?”
“Raspberry.” Nagkatinginan lang yung dalawa sabay tingin sakin.
“Ganun din ako.”
“Nakakatuwa naman.”
“Coincidence?”
“…destiny.” 
Then he flashed a quick smile on me. I still remember that smile…one of the reasons why I got attracted to him.
“Si Maya tulaley!”
Poof! Andito pa pala ako sa earth!? Ah… tulaley means tulala. Hehe!
“ah… eh… ha! Ha! Ha!” 
Tumawa ako ng sarcastic para makalusot. At alam nga pala ni Jayden na naging crush ko si Erick nuon.
“Titignan mo ako. Tapos bigla kang tatawa. Aba Maya! Masyado na bang nakakabaliw tong ka-gwapuhan ko?” 
Kusang tumaas yung kilay ko sa sinabi niya.
“ahahahaha! Joke? Ayh! Joke nga! Tawa tayo Jayden baka malugi!” 
Sabay irap.
“Tama na nga yan. Teka… malapit na pala tayu eh. Ma, para ho sa tabi.” Bumaba na kami ng jeep at sabay-sabay na kaming naglakad papuntang school. Nadaanan namin yung mga kaklase namin nung 2nd year na nakatambay sa isang sari-sari store malapit sa school. Well, anu pa nga ba? Nakatambay sila dun habang nagyoyosi. Sheesh.
“Oi malapit na mag-time.”
“Susunod na rin kami Maya. Teka...” Sabay-sabay silang tumingin kay Jayden.
“Pare! Welcome back!” Well, kayo na bahala mag-isip ng muka nitong mga classmate ko na nakangiti pero alam mong B.I.
“Tutal naman balik ka na ulit dito. May gift ako sayo.”
“Gift your face! Ano na naman yan?!”
“Maya naman. Wag masyadong serious.” At binalik nila yung tingin nila kay Jayden at may inabot sila sa kanya. Well… stick. Stick ng yosi?!
“Maligayang pagbabalik!”
“Akin na lang yan!”
Bigla kong inagaw yung yosi. Si Jayden yung klase ng tao na hinding-hindi susubok ng kahit anong klaseng bisyo. Maloko to. Oo. Pero mas ayaw niya sa mga ganitong bagay. Lalo na sa yosi.
“Salamat! Tara na…”
Hinila ko si Jayden. Pero parang…
“Akin na yan.” 
Bigla niyang kinuha yung yosi sakin.
“Sakin binigay. Hindi sayo. Sige, una na kami…”
Nabigla ako sa ginawa niya. Napatingin na lang ako kay Erick na parang sumenyas na hayaan mo na…
Tahimik kaming naglakad papuntang school. Parang biglang nawala yung energy namin kanina? Napabuntong hininga na lang ako.
“Maya. Alam kong alam mo na hindi ako nagyoyosi. Pero, para kunin mo to hindi ako papayag.” Sabay tapon niya sa yosi at inapakan niya.
Wala paring tao sa story ko... nalulungkot na ko. Comment naman po kayo. 