Well, hindi naman ako galit sa mom ko. Pero nalulungkot lang ako madalas dahil lagi niya ako kinokompara sa mga pinsan ko. Parang di niya nakikita efforts ko. Hays.. And when I start doing something lagi niya akong dinidis-courage. Di ko man narinig ni minsan na sinabi niya.. "Ang galing mo anak!. Kaya mo yan!."
Hays.. I think she never trusts me in any ways.
Ano ba pwedeng gawin.
ganyan din mom ko sakin

madalas sabihin nya sakin, mabuti pa si ganito at si ganon..parang discouragement din in a way..puro sya compliment sa mg pinsan ko, pero pagdating sakin, di naman pangit na words, pero talaga lang nakaka disappoint.

madalas pag, lumalabas sya or magmall, di na lang ako sumasama kasi, malulungkot lang ako pag nagcompare sya. Nakaka-baba ng self-esteem. Feeling ko tuloy nakakahiya ako kasama.Nowadays tuloy mas gusto kong mapag-isa.
sabi nila, sasabihan ka ng pangit ng ibang tao, pero hinding-hindi ng nanay mu; pero hindi naman totoo, in my case, mom ko pa nagsasabi na pangit ako

.
kea whenever other people praise or compliments me, di ko alam kung maniniwala ako, di ko kasi alam kung totoo.

i do my very best para mapansin ng mom ko

i study very hard. kung academics lang din naman ang pag-uusapan, di naman sya mapapihiya sakin, pero hindi pa rin sapat. Feeling ko napaka-trying hard ko na, para ipakitang i also deserve her praises.
right now, im sad and disappointed sa sarili ko. and, masama ang loob(nagtatampo) ko sa mom ko, pero kahit ganun di ko magawang magalit sa kanila ng daddy ko kasi they are my inspiration. Pilit akong nagsisikap dahil balang araw gusto kong marinig na proud din sila sa akin.
