Teentalk

Poll

Sinong nagbabasa nito?

ako! super comment pa.
7 (53.8%)
ako.. silent nga lang.
6 (46.2%)

Total Members Voted: 13

Author Topic: • Blog: The Pianist's pov• 12th entry at page 14  (Read 5226 times)

greedddd

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 74
  • Karma: +6/-0
  • zzzzz
Re: • BLOG: THE PIANIST'S POV • NOTE -- 13
« Reply #195 on: December 11, 2010, 04:26:19 pm »
AnDito na si greed haha, ang galing naman hehe, ayos, sana maupdate na po haha =p

mikaayre

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1241
  • Karma: +137/-15
  • Growing up.
Re: • BLOG: THE PIANIST'S POV • NOTE -- 13
« Reply #196 on: January 01, 2011, 09:46:39 am »
Entry 12

Quote

Subject: Di ko inaasahan…

October 16, 2010


Iba ang gising ko ngayong umaga.

Pagmulat pa lang ng mata ko, nabagot na agad ako kasi sabado ngayon. Di ko siya makikita.

EUREKA! Parang si Archimedes lang habang naliligo siya sa bath tub niya.

Bigla ko na lang naisip na bisitahin si Ideal Girl sa bahay nila kaya lang sigurado akong nandoon yung tatay niya. Nagpang-abot na rin kami paminsan-minsan noong tinuturuan ko pang mag piano yung kapatid ni Ideal Girl.

Mukhang istrikto, o baka naman sa akin lang siya ganun. Natural lalaki din siya, alam niya yung mga style ko at yung mga tinging binibigay ko sa anak niya pag  hindi siya nakatingin.

Naiintindihan ko naman na protective ang mga tatay sa mga anak nilang babae pero di ko maiwasang kabahan pag hinahatid ko si Ideal Girl sa kanila. Isang beses lang kami nagkita ulit pero matigas pa rin ang tingin niya sakin. Para akong marumi at nakakahawang mikrobyo na tinitingnan mula sa microscope.

Takteee! Nakakapanliit. Para akong lalamunin nang buhay!

Siguro excited lang talaga akong makita siya kaya o kaya naman ay tinubuan na talaga ako tapang sa singit kaya tumuloy pa rin ako sa kanila. Natagalan nga lang ako bago makarating sa kanila.

SI KUYA KASI ANG DALDAL!

Narinig tuloy ni lolo na aalis ako. Magkakatay raw siya ng manok para ibigay kay Ideal Girl. Ano yun alay? Magsusunog na ba ako ng kahoy at sasayaw sa paligid ng apoy? Takteng-ina naman yan o. Umalis na kaagad ako bago pa isunod ni lolo yung baboy.

Pagdating ko sa harap ng bahay nila, inayos ko muna yung itsura ko. Dyahe naman kung haharap ako sa kaniya na mukhang na-rape. Bago pa manlambot ang mga tuhod ko, nag doorbell na ako agad at dahil sa napaka, ubod nang sobra-sobra akong swerte, yung tatay niya yung nagbukas ng pinto. Galing no? May sensor siguro sila dito ng mga unwanted guests at nasa blacklist ako ng tatay niya.

Syempre hindi mawawala ang akyat-babang tingin sakin ng tatay niya pagkatapos ay tititigan ako nang maigi sa mata. Takte. Katakot.


Good morning po.

*tango lang* May pupuntahan ba kayo ng panganay ko?


Fuuuuuuu. Alam niya!

Hindi po. Bibisita lang ho sana.

Alam ba niyang pupunta ka?

*nahihiyang umiling*



Patay. Papalayasin na talaga ako. Tinitigan lang niya ako, tinitigan ko lang din siya. Nagreready na nga akong umuwi eh. Sayang naman yung binili kong grocery. Tsk.

Ano pang tinatayo-tayo mo dyan. Pasok na.

Sabi ko nga eh. Pahiya naman ako. Tsk. Bawas pogi points kay daddy. Pero lahat ng kaba at pagkapahiyang nararamdaman ko ay biglang nawala nang makita ko si Ideal girl. Nagulat pa nga siya nung una, pero ngumiti rin pagkatapos.

Taena. Nagsirko na naman ang puso ko. Di ko na kailangang i-explain pa.

ALAM NIYO NA YAN.

Mainit naman ang pagtanggap sa akin ng mommy at kapatid niya. Nagkwentuhan muna kami sandali. Yung daddy naman niya… minsan tumitingin-tingin sa amin ni Ideal girl lalo na nung nasa kusina kami. “Tutulungan” daw niya ako.

Marunong ka bang magluto?

*isip sandali* *iling* Turuan mo ko.

O sige. Hugasan mo lahat yan. Balatan mo to, hiwain mo yung mga nandun tapos isunod mo yun. Tapos pakuluan mo yan. Habang pinakukuluan mo yan, igisa mo to, tapos iyon at ilagay to. Isunod mo na rin yang hawak mo. Pagkatapos n—

Tekatekateka. Isa-isa lang!


Tawa ako nang tawa sa reaksyon niya. Ang cute-cute niya kasi! Sa tuwing ganyan siya gustong-gusto ko siyang yakapin. Alam niyo yung ganun? Halos mamanhid na yung katawan ko sa sobrang pagpipigil ko na hindi siya yakapin. Baka nandyan lang kasi sa tabi-tabi yung tatay niya e.  Syempre kailangang gumalang lalong-lalo na sa bahay ni Ideal Girl.

Kaya imbes na yakapin ko siya, I just patted her head. Like a dog… Joke lang. Kung may aso man sa aming dalawa, *ehem ehem* AKO NA YUN!

Wala nang natitirang pride si Mr. Blogger!

Meron naman po. Pagdating lang kay Ideal Girl biglang tumatalsik lahat ng pride ko kasabay ng pag-DUG! DUG! ng puso ko.

O ha. O ha.

Di rin naman nagtagal sa kusina si Ideal girl. Kahit gusto kong nandun lang siya, kahit gusto ko na kasama ko siyang magluto, kahit pa tanong siya nang tanong at sobrang gusto ko na siyang nakawan ng halik dahil sa sobrang kacute-an niya… wala akong nagawa nang tawagin siya ng tatay niya. Tatay niya yun e. Makaka-angal pa ba ako?

Syempre dahil natural na gwapo at charming ako, nahuli ko ang kiliti ni Daddy. Hindi ko nga lang alam kung paano  ko ginawa yun, basta nagawa ko! Siguro dahil yun sa niluto kong caldereta ng manok at chopseuy na may inihaw na tilapia o di kaya dahil dun sa mga tanong niyang nasagot ko naman nang maayos (yata?). Baka naman humanga siya kasi ang sipag-sipag kong bata. HAHA!

Okay, tama na.

Isa ito sa mga hindi ko inakala. Hindi ko inakalang magiging “okey” agad sa akin yung tatay niya. Hinihintay ko ngang tanungin niya ako kung nililigawan ko ba ang anak niya kaso hindi niya tinanong. Baka alam na.


alam na.

alam na.

Baka nga alam na… kasi iniwan lang kaming dalawa ni Ideal Girl sa sala e. Tiwala na siguro sila sa akin. Sana. Sana.

Alam naman ng mommy niya na malinis ang intensyon ko sa anak niya e. Oo, nag-usap na kami dati pa. Next time ko na lang ikikwento— WEH. Wag na pala. Sa amin na lang ni mommy yun.

Yun nga. Naiwan kami ni Ideal Girl sa sala nila. Sa wakas! Alone time with her na! Kanina ko pa yun hinihintay e.

What did you do?

Anong ‘what did you do’?

*pout then smile* Bumait yata sayo si Daddy. Anong ginawa mo?

Bakit nagtataka ka? Sino bang hindi mapapa-amo ng pagkagwapo-gwapong mukhang to?

*pout more* Hi dad!

*biglang lingon* Wala naman e. Ikaw ha!


Sinundot ko nga yung tagiliran niya.

Hey! No tickling.

Pinisil ko yung ilong niya. Hmp. Ang cute mo.

And in return, binatukan niya ako. Galing! Di bale, cute pa rin.

Kaso naputol yung conversation naming nung may mag-doorbell. Kaya umalis sandali so Ideal Girl ko. Haay. Mamimiss kita!


AYAN NA! BUMALIK NA SIYA!


Kaso pagtingin ko sa likod ni Ideal Girl…  Siya. Siya. Siya.

Bumalik na siya.

Siya… na aking first love gone wrong.






Thank you for waiting and pasensya na sa sooooooobrang tagal kong mag-update. Hi prom_princess08 and greedddd! new reader ko sa story na to. Thank you ulet and happy new year!  :D :-*
« Last Edit: January 01, 2011, 09:49:42 am by mikaayre »
◊◊ Jeep ng Bayan ◊◊
Para na!

aeinlovewithyou

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4109
  • Karma: +167/-22
  • RN as of August 21, 2011 :)
Re: • Blog: The Pianist's pov• 12th entry at page 14
« Reply #197 on: January 01, 2011, 11:25:58 am »
HAPPY NEW YEAR, JANE! OMG. ;D Kinikilig ako. Ganyan din daddy ko dati eh. Kaso wala e, malayo si bf kaya ayun.. Pero namimiss ko yung mga eksenang ganyan. ;D Ang sweet naman ni Piano Guy. ^-^

greedddd

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 74
  • Karma: +6/-0
  • zzzzz
Re: • Blog: The Pianist's pov• 12th entry at page 14
« Reply #198 on: January 01, 2011, 11:57:19 am »
Yehey may update na tnt, si pers lab ni pboy? Ooohhh interesting haha

yanyan7192

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4759
  • Karma: +330/-74
  • Hate, haters.
    • Formspring
Re: • Blog: The Pianist's pov• 12th entry at page 14
« Reply #199 on: January 01, 2011, 12:05:37 pm »
Namiss ko `to, Jane! Waaaah! <3

Waaah! Kinikilig ako sa pagkahiya ni Piano boy. Ang kyoooot! Si Daddy talaga nagiging cute pagprotective.

Happy New Year!

sweetmit08

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2664
  • Karma: +115/-6
Re: • Blog: The Pianist's pov• 12th entry at page 14
« Reply #200 on: January 01, 2011, 01:01:41 pm »
Naks. Kinikilig na naman ako.  :D ;D
Hahaha.
Naku, first love daw. Patay tayo dyan.  :-X
Worst Battle = What I know Vs. What I feel.

mikaayre

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1241
  • Karma: +137/-15
  • Growing up.
Re: • Blog: The Pianist's pov• 12th entry at page 14
« Reply #201 on: January 01, 2011, 03:36:36 pm »
HAPPY NEW YEAR, JANE! OMG. ;D Kinikilig ako. Ganyan din daddy ko dati eh. Kaso wala e, malayo si bf kaya ayun.. Pero namimiss ko yung mga eksenang ganyan. ;D Ang sweet naman ni Piano Guy. ^-^

Anya! haha. kaya pala hindi makaliskisan ng daddy mo kasi ang layo pala ng syota mo. tsk. ayos yan, less pressure for the guy.  ;D Umaariba na naman si Piano boy.  ;D Thanks!

Yehey may update na tnt, si pers lab ni pboy? Ooohhh interesting haha

Yeeep. Magkakagulo na nang bonggang-bongga. Nyahahaha! hehe. Salamat!

Namiss ko `to, Jane! Waaaah! <3

Waaah! Kinikilig ako sa pagkahiya ni Piano boy. Ang kyoooot! Si Daddy talaga nagiging cute pagprotective.

Happy New Year!

Sana mapanindigan ko na tong si Piano Boy! haha. Ilalagay ko sa New Year's resolution ko ang mabilis na pag-aupdate nito. haha. *cross fingers*

haha. ngayon lang ako nakakita ng girl na kinikilig dahil napahiya si guy. haha. galing! Thanks Yanyan!

Naks. Kinikilig na naman ako.  :D ;D
Hahaha.
Naku, first love daw. Patay tayo dyan.  :-X

Patay talaga. riot na! haha. Salamat!  :-* (still typing POP!ping KISS... hehe)


YAY FOR EVERYONE.
◊◊ Jeep ng Bayan ◊◊
Para na!

prom_princess08

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2451
  • Karma: +294/-31
  • Drexandra. :)
Re: • Blog: The Pianist's pov• 12th entry at page 14
« Reply #202 on: January 01, 2011, 03:42:04 pm »
Ang astig naman! :D Napa-approve agad ni Piano Boy si Daddy! ;D Way to go. :] Naman. Pers lab? Ako ba yan? hahahah. Jk! Nice update.

aeinlovewithyou

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4109
  • Karma: +167/-22
  • RN as of August 21, 2011 :)
Re: • Blog: The Pianist's pov• 12th entry at page 14
« Reply #203 on: January 01, 2011, 03:44:22 pm »
HAHA. Baka di lang kaliskisan, balatan pa ng buhay. ;D Hayy. Namiss ko si Piano boy. ;D *Virtual Hugggggg!*

yanyan7192

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4759
  • Karma: +330/-74
  • Hate, haters.
    • Formspring
Re: • Blog: The Pianist's pov• 12th entry at page 14
« Reply #204 on: January 01, 2011, 03:47:56 pm »
Ang kyooot kaya nun.. parang umaatras yung pagkalalake niya. haha!

SABI MO YAN HA? Isama mo na din si Blogger.

mikaayre

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1241
  • Karma: +137/-15
  • Growing up.
Re: • Blog: The Pianist's pov• 12th entry at page 14
« Reply #205 on: January 01, 2011, 03:54:53 pm »
Ang astig naman! :D Napa-approve agad ni Piano Boy si Daddy! ;D Way to go. :] Naman. Pers lab? Ako ba yan? hahahah. Jk! Nice update.

ligtas na nga ba siya?   ::) tingnan natin ang mga pangyayari ngayong dumating na si pers lab ni piano boy.  ;D

speaking of pers lab, pwede kang mag-claim ka ikaw si pers lab! haha! hindi ko naman siya papangalanan e. kayong readers na ang bahalang mag lagay ng mukha sa mga characters.  ;D marami na ring nag claim na sila si pers lab. share kayo kung gusto niyo. haha. Salamat Ly!

Happy New Year!

HAHA. Baka di lang kaliskisan, balatan pa ng buhay. ;D Hayy. Namiss ko si Piano boy. ;D *Virtual Hugggggg!*

at etong sayo!  :-* :-* :-*  --- from Piano boy.  ;D

ayan ha, ang ganda ng start ng new year mo. may kiss agad from piano boy.  :D

Ang kyooot kaya nun.. parang umaatras yung pagkalalake niya. haha!

SABI MO YAN HA? Isama mo na din si Blogger.

sympre naman! haha. sana nga lang 'mapanindigan' ko.  :D kanina nga sinisipag akong mag type ng next uppie eh. kanina lang.  ;D

so parang nalanta yung... haha. joke.  :D
◊◊ Jeep ng Bayan ◊◊
Para na!

yanyan7192

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4759
  • Karma: +330/-74
  • Hate, haters.
    • Formspring
Re: • Blog: The Pianist's pov• 12th entry at page 14
« Reply #206 on: January 01, 2011, 04:07:48 pm »
Syempre sisipagin ka na kasi ngayong araw ka sinipag e unang araw ngayon ng 2011..

EHEM! Bawal yan, Jane! Ane be, Haha!

sweetmit08

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2664
  • Karma: +115/-6
Re: • Blog: The Pianist's pov• 12th entry at page 14
« Reply #207 on: January 01, 2011, 05:10:54 pm »

Patay talaga. riot na! haha. Salamat!  :-* (still typing POP!ping KISS... hehe)

YAY FOR EVERYONE.

Di lang riot. WAR.
Haha, Yey! Inaabangan ko siya! Hahaha.  :D
Worst Battle = What I know Vs. What I feel.

Jajazzbee

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3427
  • Karma: +646/-54
  • Silent Reader :3
    • FACEBOOK
Re: • Blog: The Pianist's pov• 12th entry at page 14
« Reply #208 on: January 18, 2011, 07:30:21 pm »
Oh no! Patay ka ngayon Blogger Boy! Anung gagawin mo na dumating na si pers lab?  :o

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website