Four.
Part 2 ♥
Pagdating kila Micah nilapag lang namin yung gamit ko at nagkwentuhan
“Mics, kaw a. Like mo na ba si Jobb?”
“Hmm.. Medyo. Mabait naman kasi sya, diba?”
“Oo. Sobra. E bat di mo pa sagutin? Naka-2 months narin syang nanliligaw sayo diba?”
“Oo nga. Pero syempre after graduation. Alam mo na, daming makikilala.. Daming boys”
“At madami ding girls” Nag-sigh naman ako. Sakin na din naman mismo nanggaling yung tungkol sa girls kaya aaminin ko na. Yun ang dahilan kung bakit ayaw ko pa maggraduate. Baka kasi may mahanap na iba si Rye lalo na’t di pa naman kami pareho ng course na itatake. Pero schoolmates kami. Syempre ayaw namin maghiwalay

Pero kahit na
“E kayo ba ni Rye? Anong plano?”
“Ewan ko. Bahala na. Lahat naman na-plano na ni God diba? Wala na kaming magagawa kung ano man dumating na pagsubok sa relasyon namin”*knock knock knock* “Kain na” mommy yan ni Micah.
“Sige po” sabay naman naming sabi ni Micah.
“Oh Micah, anong plano niyo ngayong gabi? Matagal-tagal na din kasing hindi natutulog si Gelene dito kaya nakakapanibago. Mabuti naman at natulog na dito ulit bago kayo maggraduate” Nag-smile sya sakin
“Nakakamiss po kasi yung luto niyo tita. Ang sarap kasi.” Nag-smile naman ako
“Ai sus, nambola pa ang batang ito” tapos tumawa kami.
“Pero mommy, okay lang ba kung gumimik kami ngayon?” Yan si Kuya Jace, kapatid ni Micah.
“Nako, walang kaso yun sakin basta mag-taxi nalang kayo para mas safe kayong maka-uwi. At wag kayong maghiwa-hiwalay a. Mahirap na, lalo na’t kasama niyo pa si Gelene. Ayokong malagot kay kumare ko”“Oo naman mommy. Akong bahala sakanila”
“Dapat pala andito palagi si Gel para payagan tayo gumimik ni mommy no kuya?
” Bigla ko namang naalala yung text ni Rye na wag daw akong gumimik. PATAY!
Pagkatapos kumain nagready na kami pa sa gimik na magaganap mamaya
“Oh Gel, bat parang ang tamlay mo?”
“Wala. Naisip ko lang si Rye.. Sabi kasi nya kanina sakin wag daw tayong gumimik”
“Ano ka ba, kasama naman si kuya e. Pati wala namang masama sa pag-gimik. Lika na, magayos na tayo para di tayo magmukhang ewan sa pupuntahan natin” Tumayo naman na ko at sumunod na sa ginagawa ni Micah.
Tinititigan ko lang ng mabuti yung nakasulat na “Raften Super Club”. Oo, andito na nga kami sa gigimikan namin. Haiy, sorry Rye, ayaw sana kitang suwayin pero wala naman sigurong masama kung pumayag ako diba? Hindi rin ako nagpaalam. Panigurado naman kasi mag-aaway lang kami. Naka-mini dress nga pala kami ni Micah, cute pero hindi slutty ang dating. Si kuya Jace naman, poging pogi sa suot nyang black polo

Ayos a, parang kapatid ko sya kung ipagmalaki ko

Nilibre naman nila ko sa entrance at sa drinks, sila daw ang taya dahil madalang lang naman daw to.
“Tara dun” ang daming tao kaya nakikipagsiksikan talaga kami hanggang makaabot sa bar at bumili si kuya Jace ng 3 beers. Kahit di naman ako umiinom e kinuha ko din, pakisama nalang sakanila kasi nakakahiya naman.
Sayaw lang kami ng sayaw at may mga kung sinu-sino na din kaming nakakasayaw pero sa huli, si kuya Jace yung nakasayaw ko talaga. Galing nya sumayaw, halatang gimikero. Haha.
“Wow, pare. Andito ka din pala” napalingon naman kami ni kuya Jace dun sa nagsasalita
“Ui tol. Kayo pala. Musta?” Tumigil naman kami sa pagsayaw ni kuya Jace at nakipag-usap sya dun. OP naman ako.
“Nga pala, bestfriend nung kapatid ko, si Gel” nakipagshake hands naman ako sa mga pinakilala sakin. Ang formal ko naman

Napansin din ni Micah yung eksena kaya pumunta sya saamin. At ayun, mukhang kakilala nya yung mga kaibigan ni kuya nya.
“Hi..” nagulat naman ako dun sa lalaki.
“Ai, hello” tapos nag-smile sya kaya napa-smile din ako. Ang ganda kasi ng ngiti niya

Nag-usap nalang kami nung lalaki,
Sean yung pangalan nya. Galing daw syang Australia at dito magcocollege sa Pilipinas.. Kaya pala hindi sya ganun nagtatagalog, panay English lang sya magsalita. Halos magdamag kami magkausap ni Sean at kami yung naging magkasayaw. Mabait sya at gwapo. Maputi na medyo maganda yung built ng katawan, di masyadong malaki pero di din naman payat.. Tamang may muscles at abs