Teentalk

Poll

Dapat pa bang ituloy?

Oo naman,interested ako.
18 (94.7%)
Tama na, please? Itigil! Itigil! =)
1 (5.3%)

Total Members Voted: 18

Author Topic: When Zeus Cut Us In Half →Chapter 21←"PNP si Camille?"  (Read 7200 times)

margaret17

  • taffy
  • ***
  • Posts: 325
  • Karma: +33/-3
  • ╫Gnosis╫
Re: When Zeus Cut Us In Half →Chapter 4.1← Dapat pa bang ituloy?
« Reply #30 on: May 21, 2010, 08:36:02 pm »
Chapter 4.1
Flashback...(5 years ago)

“Lav? Ui Lav?”

Napatingin ako dun sa nagsasalita.  ??? Si Dash pala  ;) , andito ako ngayon sa may kalsada, hinihintay ko yung pinsan ko kasi tuturuan niya daw akong magbike.  17 years old na ako pero hindi pa rin ako marunong magbike.  :( :'(

“Ui ikaw pala yan, kamusta?”

“May dinaan ako diyan sa kabilang kanto, nagpapaturo ba naman sa aking magbike, 15 years old, hindi pa rin marunong.  ANg hirap ngang turuan, dapat kasi habang bata pa lang nag-aaral na. May hinihintay ka?” Timing na timing pa talaga ha! :-[

Panu pa kaya ako 17 na hindi pa rin marunong. Talunan?!! :'(


“Errr  :-\ . Meron yung pinsan ko. Tuturuan niya kasi akong…magdrive.” Ayoko ngang sabihing magbike, kakahiya yun ang tanda ko na di pa rin ako marunong, dapat pala masabihan itong pinsan ko na dun kami sa medyo malayo dito sa subdivisión namin magpractice

“Ah okay, ayos yan para habang mas maaga matuto ka agad. Yan yung gagamitin niyo? Mukhang bago ah. 8) Sabay turo sa kotse naming  bago pa nga

“Oo nga, sana hindi ako mabangga. Hahaha! :D

Hindi ko talaga ibabangga yan. BIKE ang pag-aaralan ko. BIKE! BIKE!

“Ate, halika na, turuan na kitang mag--- awww! Bakit?” Medyo nilakasan ko yung pagbatok sa kanya pero hindi masyadong halata. Pinsan ko nga pala yan :D

“Ayun, nakikita mo yung bagong tanim na kamote ni Mama?”Tapos bumulong ako sa kanya at medyo nagside view ako para hindi makitang may binubulong ako

"Umaayos ka ha.Wag mong sasabihing tuturuan mo ako magbike, kunwari  kotse ang tuturo mo sa akin. >:(

Kung hindi, dadamputin ka sa kamotehan mamaya!

“Bakit? Nahihiya ka siguro no?” Sino bang hindi ha?!!! :-[

“Hindi, ayusin mo ang buhay mo kung hindi, ikaw ang mapapahiya, natatanda mo yung napaihi ka sa kama kasi nanaginip kang umiihi ka. May picture ako nung ginawa mong yun. Baka gusto mong ipakita ko kay Purita yun.”

Papa God, sorry po ah, ngayon at ito na ang huling beses na mangblablack mail ako. Nakakahiya lang kasi talaga kay Dash. Promise! :)


“Okay. Tama na. Gets ko na at hindi Purita ang name niya, Purity, Ate!”

"Ayan, mabuti ng nagkakalinawan tayo.”

Bago ako humarap ulit kay Dash, binigyan ko muna ng warning look tong si pinsan ko.

Peewee! Makuha ka sa TINGIN! :D

“Pinsan ko nga pala si Peewee, Peewee si Dashiel.” Bagay na bagay ang name ni Peewee sa kanya, kaya pala ganun yung mga panaginip niya. Nagtanguan lang sila at nagshake hands.

“Sige, mauna na ako sa inyo. Paalis na yata kayo.”
Umalis na siya, naghintay muna kami ng ilang minuto bago namin binitbit na yung mga bike. Hindi na naman siguro niya makikita di ba?

Nagpunta na kami dun sa medyo malayo sa subdivisión namin para maturuan niya na akong magbike. Tamang tama nga kasi medyo madamo para in case na matumba ako, medyo malambot ang babagsakan ko.  :D Nagsimula na ang pagtuturo niya sa akin. Medyo nagegets ko naman agad.

“Ate, dapat sa malayo ka lang nakatingin, wag kang titingin sa ibaba.”

“Okay. Parang medyo nakukuha ko na. Wait --- ayy! :o

Ayun tumumba yung bike. Ang hirap din palang magbalance. Sige try lang ng try.

“Magbalance ka kasi saka huwag kang magpanic pagfeeling mo na matutumba ka.” ;)


“Sige, ayan kaya ko na. Wooo kaya ko na. Ang galing ko talaga! Waiiitttt, Peewee, paano lumiko???!!!!”


“Ate, magpreno ka, mababangga ka na!”

“ Peewee!!!!! :D :o :o


Nagderederecho ako dun sa medyo matataas na damo. Hindi muna ako gumalaw, parang biglang tumigil sa pagtibok yung puso ko. Natakot talaga ako. Wait, pakiramdaman ang sarili, :(  baka ako naman ang napawee-wee  :D dito sa sobrang takot. Salamat naman at hindi. Nakahiga pa rin ako nun. Nakita ko ng lumalapit si Peewee.

“Ate okay ka lang? Hala may sugat ka sa noo. Lagot tayo nito kila Tita! Tiyak mabubugbog ako ni Tatay nito, tapos paaminin niya akong bading ako, hindi naman talaga ako bading! Ate! Hindi ako bading.  Mahal ko naman si Purity, pero nacoconfuse ako minsan. Hindi pa ako sure talaga, mga 30 percent pa lang naman yung feeling ko na bading nga ako. Pero baka nga bading ako? Minsan kasi tinatry ko yung liquid eyeliner ni Mama, tapos nadiscover kong mas maganda palang gamitin ang eyebrow powder compared sa eyebrow pencil. Pero hindi, hindi ako bading, lalaking-lalak---!  ”

Paano na si Purita? :o

“Tangi ka talaga, nagmonologue ka na diyan! Tulungan mo nga akong tumayo.”


Sa dami ba naman ng panahon na magdradrama siya kung ano talaga ang gender niya, ngayon niya pa talaga napili. Tinulungan niya na akong makatayo, medyo mahaba din yung sugat ko sa noo. Iniwan na lang muna namin yung mga bike tapos binuhat niya ako sa likod pauwi ng bahay.

“Pero Ate, sa tingin mo.. anu.. ganoon ako?”

“Kung ganoon ka? Ikaw ang makakasagot niyan pero dapat magpakatotoo ka. Wala mapupuntahan yang pagtatago mo. Kung inaalala mo si Tito, siguro sa simula, di ka niya matatanggap pero dadating din yung time na magiging okay kayo kasi halos lahat naman ng mga magulang, gusto nila kung saan mas magigig maligaya ang anak nila.”

“Thank you.”

Nakauwi na din kami. Napagalitan nga kami pero hindi naman pala ganoon kalala yung sa noo ko kaya okay na din. Naasikaso na ni mama yung sugat ko. Hindi na muna daw ako magprapractice magbike, normal lang naman daw yun nasasaktan pero sa susunod, mag-ingat na daw. Bigla kong naalala yung tawag sa akin ni Dash. Ano kayang spelling nun?

Lav? Para naman short for lavatory
Lab? Laboratory
Lavv?

ANO?! ???


@x-iRis-x
 ;D natawa din ako nung jinoke sa akin yan.
ano ang nickname mo? Angel? Angelika? Aj?

@_aira25_
oo nga e, kung wala sanang nambabato ng cellphone. ;D

Post ko agad yung part 2 pag may nagreply. Thanks for reading. ;)

farzymae12_lp

  • jawbreaker
  • *****
  • Posts: 8875
  • Karma: +756/-70
  • New Ghost in Town
    • SUPERSTAR!
Re: When Zeus Cut Us In Half →Chapter 4.1← Dapat pa bang ituloy?
« Reply #31 on: May 21, 2010, 08:44:19 pm »


ahahahaa!!! ang cute naman ng update ;D ayos ah natawa talaga ako :D

margaret17

  • taffy
  • ***
  • Posts: 325
  • Karma: +33/-3
  • ╫Gnosis╫
Re: When Zeus Cut Us In Half →Chapter 4.2← Dapat pa bang ituloy?
« Reply #32 on: May 21, 2010, 09:18:22 pm »
Chapter 4.2

“Lav? Anong nangyari sa noo mo?”

Diyos ko! Si Dash pa yata ang magiging dahilan ng maaga kong pagkatsugi! :o
Andun na naman siya sa ibaba ng terrace.  :D

Ahh ano kasi..sa totoo lang hindi talaga niya ako tinuturuan magdrive ng kotse  :-[ … ang tinuturo niya sa akin ay-magbike.”

Hinintay kong tawanan niya ako at magkanda-gulong gulong siya sa lupa sa kakatawa  :D...pero hindi nakatingin lang siya. Hindi din nga siya ngumingiti, seryoso lang yung mukha niya.

“Ganun pala. Mag-ingat ka na lang sa susunod.”

“Akala ko tatawanan mo ako kasi 17 na ako pero hindi pa rin ako maru----“

“Hindi at…”

“Ano?”

ANO!?? :o crush mo ako?! [/color]

“Wala, mag-ingat ka na lang sa susunod.”

Naging magkaibigan kami ni Dash, mabait naman talaga siya pero ewan ko ba, sa iba kasi ang tingin nila sa kanya parang mayabang siya pero para sa akin hindi, ang tawag dun confidence  8) 8) . Nalaman ko ding kaya pala siya laging nandun malapit sa amin kasi malapit yung bahay nila dun, kilala na din siya nila mama pero hindi nila siya gusto, mukhang hindi daw mabuti ang impluwensiya niya. Tinanong ko din sa kanya dati kung ano ba talaga yung spelling nung nickname na binigay niya sa akin. SECRET na lang daw.May ganun? :o   Yun nga lang, medyo nafa-fall na ako sa kanya. :-[

And there were three sexes then,
One that looked like two men glued up back to back,
Called the children of the sun.
And similar in shape and girth were the children of the earth.
They looked like two girls rolled up in one.
And the children of the moon were like a fork shoved on a spoon.
They were part sun, part earth Part daughter, part son.

The origin of love
Now the gods grew quite scared of our strength and defiance
And Thor said, "I'm gonna kill them all with my hammer, Like I killed the giants."

And Zeus said, "No, You better let me Use my lightening, like scissors,
Like I cut the legs off the whales

And dinosaurs into lizards."
Then he grabbed up some bolts and he let out a laugh,
Said, "I'll split them right down the middle. Gonna cut them right up in half."

And then storm clouds gathered above into great balls of fire


Favorite namin kantahin yan, magaling din kasi siyang maggitara. 8)
 
“Sana makita ko din yung other-half ko... Malas ko nga lang kung sa ibang bansa pala tinangay ng bagyo.”
Nafifeel kong ikaw yun 8) :-[ ![/color]

Based kasi sa kwento pagkatapos daw tayong hatiin dun sa  other half natin, gumawa ng malakas na bagyo yung isa pang God para magkahiwa-hiwalay yung mga magkakapartner at mahirapan magkasama-sama. :( :-\

“Malas mo nga pero sa tingin ko hindi naman.”

“Sana nga.”[/color]

kasi nasa tabi lang kita...  :)

Sana parehas na lang tayo ng nararamdaman...  :(


Tumingin siya sa akin, seryoso pa. ???
“Huh ???? Nacacarried-away ka yata sa kanta ah.”

Mahirap nang umasa...


“Hindi.”

“Bakit ka ganyan tumingin, ang weird mo.”

“Nakita ko na siya.” Bumilis yung tibok ng puso ko, may part sa akin na nagwiwish na sa ako na lang yung tinutukoy niya :-\

“Sino?” Tumingin ako sa paligid

“Ikaw.” Niyakap niya ako


@farzy
Ayos, natuwa sa update. Thanks for reading. ;)

Pasensiya. :PCheesy ba? :D

_aira25_

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1231
  • Karma: +251/-8
  • i think you're awesome!
Re: When Zeus Cut Us In Half →Chapter 4.2← Readers?
« Reply #33 on: May 21, 2010, 09:42:04 pm »
“Ate okay ka lang? Hala may sugat ka sa noo. Lagot tayo nito kila Tita! Tiyak mabubugbog ako ni Tatay nito, tapos paaminin niya akong bading ako, hindi naman talaga ako bading! Ate! Hindi ako bading.  Mahal ko naman si Purity, pero nacoconfuse ako minsan. Hindi pa ako sure talaga, mga 30 percent pa lang naman yung feeling ko na bading nga ako. Pero baka nga bading ako? Minsan kasi tinatry ko yung liquid eyeliner ni Mama, tapos nadiscover kong mas maganda palang gamitin ang eyebrow powder compared sa eyebrow pencil. Pero hindi, hindi ako bading, lalaking-lalak---!  ”
hahaha tawang tawa ako dito ;D


dun naman sa second part
oo ate masyado syang cheesy :D

margaret17

  • taffy
  • ***
  • Posts: 325
  • Karma: +33/-3
  • ╫Gnosis╫
Re: When Zeus Cut Us In Half →Chapter 4.2← Readers?
« Reply #34 on: May 21, 2010, 10:17:08 pm »
hahaha tawang tawa ako dito ;D


dun naman sa second part
oo ate masyado syang cheesy :D

aha! natatawa din ako nung iniisip ko yang line na yan ni Peewee kasi hindi ko maimagine na sasabihin yan nung Peewee in real-life na kilala ko  :D :D
Next update, bawasan na nga ang kacheesihan :D, ito kasing sila Katie at Dash.

margaret17

  • taffy
  • ***
  • Posts: 325
  • Karma: +33/-3
  • ╫Gnosis╫
Re: When Zeus Cut Us In Half →Chapter 4.2← Readers?
« Reply #35 on: May 22, 2010, 02:42:07 pm »
Continuation po ng flashback itong chapter na ito. :)

Chapter 5

“Ikaw.”

Pagkasabi niya niyan parang masyado akong masaya, mabilis yung tibok ng puso ko, gusto kong lumipad, hindi ko maexplain yung feeling parang gusto kong maiyak na mapatawa na hindi. Hindi ako makapagsalita. :D :-X

“Magsalita ka naman?”

Walang salitang gustong lumabas sa bibig ko. :-X

“Alam kong hindi mo ako mahal pero gusto ko pa rin sabihin sayo. Hindi kita pinipilit, hayaan mo lang akong ipakita ang pagmamahal ko sayo. Sawang-sawa na akong magpanggap na kaibigan lang turing ko sayo.”

Hindi ko napigilan mapatawa.  ;D Akalain mo yun, akala ko one sided love lang , yun pala parehas lang kaming nagpapanggap na kaibigan lang ang turingan namin.

Alam kong hindi mo ako mahal pero gusto ko pa rin sabihin sayo

Alam kong hindi mo ako mahal pero gusto ko pa rin sabihin sayo

Alam kong hindi mo ako mahal pero gusto ko pa rin sabihin sayo


Paulit-ulit sa isip ko yan. Napapatawa talaga ako. ;D Siguro kung may makakakita sa akin, iisipin na nababaliw na ako.  :D Kanina hindi ako makapagsalita sa gulat tapos ngayon natatawa ako.

“Kakaiba ka talaga, ito ang unang beses kong magsabi ng mahal ko ang isang babae tapos tatawanan mo lang ako! >:( >:(

Narealize ko kung gaano katagal namin itinago sa isa’t-isa yung mga nararamdaman namin. Yung mga panahon na sana, alam na namin na mahal naman pala namin ang isa’t-isa. Siguro mas masaya kami ngayon. Pero nagpapasalamat na din ako kasi naging malinaw ang lahat. Thank you talaga! Thank you! Medyo teary-eyed na ako. :-[

“!@#$! Kung suklam na suklam ka sa nalaman mo na mahal kita, hindi mo kailangan umiyak ng ganyan. Kalimutan mo na lang na sinabi ko yun. Susubukan ko din na iwasan ka pero bigyan mo ako ng panahon, hindi ko naman kayang basta na lang kalimutan yung nararamdaman ko. Pucha naman.  >:( Sh*t! !@#$! Sh---“

"Wag ka ngang magmura ng magmura! :o

“Buti nga nakakapagpigil pa ako at nagmumura lang ako sa sobrang galit na nararamdaman ko ngayon!”

Paalis na siya pero bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. Nagulat yata siya kasi nafeel ko na parang natigilan siya. Matagal-tagal din kami sa ganoong posisyon. Sa wakas nagsalita na ako.Parehas na kaming nakatayo.

“Bakit mo ngayon mo lang sinabi yan? Dapat dati mo pang sinabi yan. Akala mo ikaw lang ang nahihirapan na magpanggap? Akala mo ikaw lang ang nasasaktan na ang lapit mo nga pero hindi ko naman masabing mahal kita. :-\

“Ibig sabihin pal—“

“Oo tama ka! Parehas lang tayo! ::)

“Yes!”  :D ;D  Binuhat niya ako sa bewang tapos pinaikot-ikot

“Tama na. Nakakahilo na. Ibaba mo na ako!” Nakangiti na ako ngayon :)

Pagkatapos niya akong paikot-ikot na akala mo isang akong sinampay na damit na  enjoy na enjoy siyang paikot-ikutin na pinapatuyo  sa hangin. :D Naupo na kami sa damuhan ulit

“Ang saya ko talaga ngayon, akala ko talaga hindi mo ako mahal.”

“So totoo ba yung sinabi mo kanina? :-\


“Alin dun? Sa haba ng mga pinagsasabi ko kanina. ;)

Tumingin muna ako sa kanya tapos yumuko ulit sabay parang pinagsusundot ko yung pointing fingers ko sa isa’t-isa. 8)

“Yung... ano.. ahmm...yung tungkol..na..”

“Ano nga?” Unti-unting linalapit niya yung mukha niya sa akin

“Na ako yung unang babaeng sinabihan mong mahal mo!” Sabay cover sa mukha, hiya pa ako sa mga ganyan bagay bago kung saan mapunta yang lips mo :D

Narinig ko yung malakas niyang tawa. Sabay akbay sa akin. Hinawakan niya yung ulo ko at inilapit niya sa may balikat niya.

“Oo. Sila kasi yung palaging nagcoconfess sa akin. “

“Sure ka talaga?”

Hinawakan niya yung kamay ko at tinapat sa puso niya. Naramdaman ko yung mabilis niyang heartbeat.

“I love you.”
“I love you too.”

Sa may di kalayuan ay may isang taong masusing pinagmamasdan sila Dash at Katie. Nakakuyom ang mga kamay na nagpapakita ng matinding galit. >:(

“Pagbabayaran mo ang mga ginawa mo .Isinusumpa kong magiging miserable ang buhay mo!"



Thanks sa mga readers. Sana continue niyo pa ang pagbabasa. ;)

x-iRis-x

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3229
  • Karma: +192/-44
  • Hasta la vista, BABY
Re: When Zeus Cut Us In Half →Chapter 5← Readers?
« Reply #36 on: May 22, 2010, 04:14:52 pm »
hellllllllooooooooo
abrilata here!!! kahit ano na lang te

omg may new member ba ng federasyon ng mga bakla  :D ;D

at kung sino nagsabi nito

“Pagbabayaran mo ang mga ginawa mo .Isinusumpa kong magiging miserable ang buhay mo!" Baliw nanira ka pa ng moment  :D ;D


Magiging inactive na

margaret17

  • taffy
  • ***
  • Posts: 325
  • Karma: +33/-3
  • ╫Gnosis╫
Re: When Zeus Cut Us In Half →Chapter 5← Readers?
« Reply #37 on: May 22, 2010, 05:44:30 pm »
hellllllllooooooooo
abrilata here!!! kahit ano na lang te

omg may new member ba ng federasyon ng mga bakla  :D ;D

at kung sino nagsabi nito

“Pagbabayaran mo ang mga ginawa mo .Isinusumpa kong magiging miserable ang buhay mo!" Baliw nanira ka pa ng moment  :D ;D



wow. napatawa naman ako sa mga comment mo.
"Abrilata here." :D
"Baliw nanira ka pa ng moment" :D


grabe. oo feeling ko confused pa  si Peewee. Isa pa siyang "juvelita." meaning batang bading. ;D
hmmm. ano kaya nickname mo? Ghelai?Ano tatawag ko sayo? ???
Thank you sa pagsupport. ;)


x-iRis-x

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3229
  • Karma: +192/-44
  • Hasta la vista, BABY
Re: When Zeus Cut Us In Half →Chapter 5← Readers?
« Reply #38 on: May 22, 2010, 09:33:30 pm »
wow. napatawa naman ako sa mga comment mo.
"Abrilata here." :D
"Baliw nanira ka pa ng moment" :D


grabe. oo feeling ko confused pa  si Peewee. Isa pa siyang "juvelita." meaning batang bading. ;D
hmmm. ano kaya nickname mo? Ghelai?Ano tatawag ko sayo? ???
Thank you sa pagsupport. ;)

pag talagang juding na sya pakisabi sakin ah  ;) pwede na Ghelai  ;D i like it  :D
Magiging inactive na

margaret17

  • taffy
  • ***
  • Posts: 325
  • Karma: +33/-3
  • ╫Gnosis╫
Re: When Zeus Cut Us In Half →Chapter 5← Readers?
« Reply #39 on: May 23, 2010, 08:30:24 am »
pag talagang juding na sya pakisabi sakin ah  ;) pwede na Ghelai  ;D i like it  :D

gusto mong maging julet si Peewee, paano na si Purita? :D
yey, buti gusto mo, Ghelai. :)
update mamaya or bukas.

purple_rays16

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 3
  • Karma: +1/-0
  • TeenTalker
Re: When Zeus Cut Us In Half →Chapter 5← Basahin mo naman ako? =)
« Reply #40 on: May 27, 2010, 12:25:00 pm »
new reader here.
dearbie ;)
update ka na pls.

margaret17

  • taffy
  • ***
  • Posts: 325
  • Karma: +33/-3
  • ╫Gnosis╫
Ngayon lang nakapag-update. Busy kasi sa bahay. Parang mahaba tong chapter kasi andito yung part na nasa prologue, kailangan ko talaga ilagay dito para mas maexplain kung bakit sila naghiwalay ni  Dash( hindi po ako tinatamad ah :D ;D)

@purplerays16
thanks sa pagbabasa. Ayan na ang update. Margaret pala.  ;)
Sana dumami pa ang readers. :'(

Chapter 6

flashback...continuation(5 years ago)

Naging kami nga ni Dash, masaya kami sa isa’t –isa . Yun nga lang, hindi gusto nila Mama at Papa si Dash. Isang gabi, niyaya niya akong lumabas. Pumayag naman ako agad. Ang sabi niya may surprise daw siya sa akin. Kaya excited ako ngayon, habang nag-aayos ng buhok ko sa harap ng vanity table.

Paano kung magpropose na pala siya? :D

Loka, noodles nga lang kaya mong lutuin, edi nanilaw kayo ;D :D at hindi nga kayo aprubado ng magulang mo!

Pero  hindi nila ako mapipigilan, ipaglalaban ko si Dash!

At paano mo naman siya ipaglalaban, aber? Hindi ka pa tapos ng college, Ineng!

Basta! Bakit kontra ka ng kontra? >:(

Nakita ko sa reflection ng salamin na pumasok pala yung kapatid kong si Julian. Mas bata siya sa akin ng limang taon. Close kami sa isa’t-isa kahit lalaki siya, minsan nga parang mas matanda pa siyang mag-isip keysa sa akin. Minsan nga lang nahihiya siguro siya pero alam kong handa yang ipagtanggol ako sa lahat ng mang-aaway sa akin.

“Ate, andiyan na sa baba si Kuya Dash. Bilisan mo!”

“Oo na,bumaba ka na. Susunod na ako.”

“Ate, ang ganda mo at.... bagay na bagay kayo ni Kuya Dash. :-[

“Thanks Ian. ;)

Lumabas na siya ng kwarto ko buti pa si Ian, okay lang yung relationship namin ni Dash sa kanya. Hindi kasi naiintindihan nila Ma at Pa. Tumingin ulit ako sa salamin for the last time at nagmamadaling lumabas ng kwarto. Pagdating ko ng salon(living room), akala ko si Dash yung makikita ko pero hindi si Adrian pala. Bestfriend yan ni Dash.

“Adrian, nasaan si Dash? ???

Hindi na tuloy? :'( :'(


“Ako na maghahatid sayo kay Dash. 8)

“Teka lang, ang sabi niya susunduin niya daw ako. Bakit ikaw ang maghahatid sa akin?”

“Chillax, Katie. Utos sa akin ito ni Dash, hay grabe nagiging cheesy na ang kaibigan ko dahil sayo.”

“Bakit naman?Hindi kaya!”

Kwinento niya sa akin yung rason kung bakit. :)

--------Adrian's P.O.V---------
Practice ng banda namin ni Dash. Break muna kami kaya nagsilabas muna yung iba para bumili ng pagkain. Si Dash naman ay  naupo dun sa may gilid pero hawak niya pa rin yung gitara niya, hindi naman talaga siya natugtog, strumming lang ang ginagawa niya. Ako naman, naglaro muna ako ng psp. Napatingin ako bigla sa kanya kasi bigla siyang tumigil sa pag-iistrum. Grabe yung nakita ko, nakatingin siya sa akin tapos nakangiti siya. Nakakakilabot yung ngiti at tingin niya, kulang na lang magkorteng puso yung mata niya. :P

“Ui pare, nakakakilabot yung mga tingin mong ganyan.”

Hindi siya sumagot, ngumiti pa siya lalo. Parang napossess si Dash, ngayon ko lang siya nakitang nagkaganoon. :o

“Lav...”

Jusko po! :o :o para siyang kinikilig na ewan. Sinapian nga yata ng masamang espirito itong si Dash, napagkamalan pa yata ako :o

“Pare! Hoy Dash! Hindi tayo talo kaya wag mo akong tingnan ng ganyan, nakakadiri ka.”

Walang sagot. Para siyang nangangarap ng gising.

“Hoy! Masamang espirito na sumanib sa kaibigan ko, parang awa mo na. Lumayas ka sa katawng iyan. Damuho ka! Lumayas ka. Madami pangbabaeng paiiyakin tong si Das---“ Pinagpapalo ko siya nung drum sticks ko.

Woo! Sige lang lang ito na ang time ko para makaganti sayo. Sarap mong pagpapaluin ng drum sticks Dash :D ;) Parang sa commercial ng mayonnaise....Imaginin mo na lang...drum set siya! ;D ;D

“Hoy! Anong ginagawa mo? Ang sakit ah! Tarantado ka ba, bakit mo ako hinahampas!” Bigla siyang naging si Dash ulit, bumalik na yung seryoso niyang expression

Boring na...hay!

“Tang-in* na pare, ang korni mo, ngumingiti  ka ng walang dahilan, in-love na in-love ka talaga kay Katie!” Tinawanan ko siya, tapos hinawakan niya yung collar ko :o

“Adrian!  Wala kang nakita ah! Lagot ka sa akin pagkwinento mo sa iba ito! >:(

[color=tealAkala mo takot ako sayo ah! Hahaha :D  ;D


“Oo, wala, kaibigan mo nga ako. Nakakatakot ang effect ng love sayo, pare! Promise, hindi ko sasabihin sa iba.”

Promises are meant to be broken.wahahah ;D ;D


“Siguraduahin mo lang, humanda ka talaga sa akin!”

“Oo, promise nga!”
Tumakbo ako sa labas  para asarin si Dash na kunwari ipagsasabi ko sa iba. Joke lang syempre, kaibigan ko kaya yang si Dash. :D

“Mga tol’ may ikwekwento ako sa inyo tungkol sa isang lalaking kinikilig!”


--------End Of Adrian's P.O.V---------

Hindi ko napigilan mapatawa, hindi ko nga alam kung tawa yun o halakhak yung ginawa ko. ;D :D  Hindi ko maimagine na magkakaganun si Dash, astigin kasi siya tapos ganun. Nakakakilig talaga. Wooh! Ang lakas ng charisma ko. Pagbigyan niyo na ako, minsan lang ako magbuhat ng sariling upuan! 8)

Kaya halika na, Katie. Baka naiiyak na yun kung bakit wala ka pa doon” Sinabayan niya ng tawa yun pagkasabi niya

“Lagot ka! Isusumbong kita kay Dash!”

Nagkatawanan na lang kaming dalawa. Pumunta na kami sa “Surprise” na lugar, parang yung mga sa pelikula, nakablindfold pa talaga yung babae. Tumigil na kami, so tinggal na ni Adrian yung blindfold ko. Medyo nasilaw pa ako, matagal-tagal din akong nakablindfold. Napanganga na lang ako sa nakita ko. :o

“Katie, yung bibig mo baka may pumasok.” ;D

“Ang ganda...”


“Effort talaga tong si Dash. Sige mauna na ako, tapos na ang pagiging tsuper ko dito. Kay Lalaine naman ako magpapakatsuper. Sige bye! Enjoy!”

“Thanks, Adrian. Kamusta mo ako kay Lalaine.”
Sumaludo lang siya sakin at nagtatakbo paalis. :)

Note: Prologue

Ang ganda naman nitong lugar. May nakaset-up na table na napapalibutan ng mga bulaklak at ilaw. May mga  candles sa table.  Romantic ng set-up talaga. Hindi mo aakalain na mageefort siya ng ganito, I mean mapapalingon ka talaga kapag nakita mo siya, the air that surrounds him shows  how dominant and confident he is.

“Hi. You´re lovely.” Busy ako sa pagtingin kaya hindi ko napansin na lumapit napala siya. Ang gwapo niya sa suot niya. Bagay pala sa kanya ang formal attire. Tiningnan niya ako at napangiti pa siya. Alam na meaning nun. :P

“Ang ganda nito. Nageffort ka talaga. Thanks.”

“For you.” Sabay abot ng flowers sa akin. Nginitian ko siya kasi alam ko na kung ano ibig sabihin nung flowers na yon. Nagpasalamat ako.

“Wala yun. I’ll do everything for you.” Susmaryosep na mga banat yan oh! :-[

Tiningnan ko siya pero may something pero di ko mapoint out. Baka imagination ko lang.  ???Hiniwakan niya yung kamay ko tapos pumunta na kami sa may table. Nakarating na kami pero di niya parin binibitawan yung kamay ko.

“Wala ka na bang ibang napapansin?” Medyo tumaas pa yung mga kilay niya. Napangiti tuloy ako. Ang cute niya kasi. ;)

“ Ang ganda talaga. Parang nasa fairytale ako. I’m very happy.”

“Ano pa?” Sabay adjust ng tie niya with matching "mahinang ubo"

Okay alam ko na kung ano yung tinutukoy niya.  8) 8) Gusto ko naman talaga sabihin yun kaya lang syempre nakakahiya pa rin diba? Okay fine. Kayak o ito, mahiyaan kasi ako. Pasensiya ha. Hingang malalim. Go! :)

“You look…”

“I look what?”

“Ahm..cute.”
  ;D ;D Okay, hindi talaga yun yung gusto kong sabihin. Tumingin ako sa kanya tapos parang nadismaya yung facial expression niya.

“Cute lang?”
Lumalapit na yung mukha niya ng unti-unti. Syempre kinilig nama ang lola niyo  sabay blush :-[

“Okay fine. You look so handsome and… hot.” Napatawa naman siya bigla  ???

“Handsome and hot pala. In-love na in-love ka talaga sa sa akin ah. Pinatagal mo pa yung pagsasabi.” Sabay halik sa psingi ko :o

“ Binibitin lang kita. “
Charush! Nakakahiya kayang sabihin yun

Biruan, kwentuhan kami after kumain. Ang saya ko talaga, parang heaven. Sana hindi na matapos ito. Niyaya niya akong sumayaw. Napatingin tuloy ako bigla sa sapatos niya. Kawawa naman, mukhang mahal pa naman at parang bago pa.  Palpak talaga ako sa pagsayaw, ewan ko ba, kahit sabihin na slow dance lang naman at backward, sideward at forward lang yung step pero naapakan ko pa rin siya tuwing sasayaw kami.

“Okay lang yan. Mas mahalaga ka keysa sa sapatos ko. Kaya sayaw na tayo.” Grabe na talaga ang kilig meter nito.May tawag ba kapag nilgnat ka sa sobrang kilig? Okay!Okay! Mababaw nga siguro ako... :D

“Wag mo akong sisihin ha kapag naapakan kita ha.”

“Halika na nga, apakan mo pa yan ng ilang beses. Okay lang” Tapos binuhat niya ako, hinawakan niya ako sa bewang, sakto naman yung paa ko sa sapatos niya kaya naapakan ko nga siya

“Ay ano ba yan! Pasaway ka, naapakan ka tuloy” :-\ :-\

“Kaya nga pinaapak ko na sayo para makasayaw na tayo kasi nga…
...ikaw ang pinakaimportante sa akin “
Tumingin muna siya tapos sabay iwas kasi parang nagblush yata

“Nagblush ka ba?” Hmmmm? ::)

“Hindi ah! Asa naman. Ako magblublush? Hindi nagblublush ang mga lalaki!” Talaga? :D

“Bakit ayaw mong tumingin sa akin?”

“Ahmm. Tinitingnan ko yung buwan. Kung anu-ano pa iniisip mo diyan. Oh ayan humarap na ako.” Alam ko yung style niya, pinatagl niya muna para makarecover siya sa pagblublush niya. Matalino kaya ako? :D

“Ang cute cute mo talaga!” Tapos pinisil ko yung pisngi niya.

Nagreklamo pa siya na kesyo hindi daw bagay na tinatawag siyang cute kasi lalaking lalaki siya at medyo sumimangot pa siya pero nakita ko naman na napapangiti din siya. Hay, ang mga boys talaga! ;D ;D Sumayaw na kami. Ang saya saya, totoo nga talaga yung kasabihan na parang lumulutang ka sa sa langit at feeling mo kayong dalawa lang tao sa mundo. Totoo pala talaga yun!

“Dash, alam mo ang saya ko talaga ngayon. Salamat ah. Kahit ayaw nila mama at papa sayo. Hinaharap mo pa rin sila kahit minsan may mga nasasabi silng hindi maganda sayo. Ako na magsosorry para sa kanila, hindi kasi nila tayo naiintindihan.” Bigla akong lumungkot kasi perfect na sana kung tatanggapin ng mga magulang ko siya. Mahal na mahal ko talaga siya.

“Naiintindihan ko yun. Wag mong masyadong problemahin , ang mahalaga yung tayong dalawa. Isang taon na lang tapos na ako ng college. Magtratrabaho ako ng mabuti para sa future natin. Ikaw motivation ko sa buhay .Ikaw.”

Yumakap pa ako ng mahigpit sa kanya. Naramdaman kong humigpit din yung yakap niya sa akin.

“I love you, Lav"

“I love you, too.”



maurice06

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 43
  • Karma: +7/-7
  • TeenTalker
new reader here ^^  ;D
I'm Maurice .
Update ka na ! :]]
Ahmm , i'm 13 y/o  8)

margaret17

  • taffy
  • ***
  • Posts: 325
  • Karma: +33/-3
  • ╫Gnosis╫
new reader here ^^  ;D
I'm Maurice .
Update ka na ! :]]
Ahmm , i'm 13 y/o  8)


margaret here. thanks for reading. ;)
sana support mo story ko.
update kapag may new posts/readers...wish ko lang...
yay for you! :D

purple_rays16

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 3
  • Karma: +1/-0
  • TeenTalker
Re: When Zeus Cut Us In Half →Prologue←
« Reply #44 on: May 31, 2010, 05:29:22 pm »
hi margaret..tnx for posting a wonderful story such as this... I myself is hoping that someday, I may be able to find my other half...and finally be reunited with him and never to part. thank you..aja

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website