Chapter 2“Good morning Katie! Nakatulog ka ng maayos?” “Yes, Pa. Hindi na nga ako nag-aircon. Malamig na din kasi.
Si Mama?” “Ayun nasa kusina, nagluluto na naman. Hija, dadating nga pala ang Tita Cecilia at Tito Joseph mo .”Sa totoo lang hindi ko sila masyadong gusto pero malaki ang natulong nila sa pamilya namin. Hindi kasi kami mayaman dati at nagkataon pang nagipit kami kaya walang ibang paraan kundi pumayag sa isang kasunduan.Tutulungan nila kami pero kailangan magpakasal ako sa anak nila.
“Katie, may problema?”“Pa, okay lang, okay na sa akin yun. Sige, puntahan ko muna si Ma.”
Pinuntahan ko si madir sa kusina.
“Morning, Ma!”“Morning, pupunta ang mga Castillo dito mamaya. Dadalaw na din sila. Kelan ba ang punta ng mga kaibigan mo dito?”“Ayaw ngang sabihin nila Tootsie, sosorpresahin na lang daw nila ako.” Pasurprise-surprise pa“Alam mo sayang yan si Tootsie, may itsura pa man din ha. Si Isabel napunta din dito dati. “Kaya nga sinasabi ko na sa kanila na pumunta na sila, tagal din namin hindi nagkita-kita.” Si Tootsie, na hindi niya totoong name. Hulaan niyo?

Parang yung isang kaibigan ko din to si Tootsie, ayaw nilang tinatawag sa real name. Matagal ko ng kaibigan yan, akala ko nga nung una sa side ng mga kalalakihan siya pero hindi pala. Si Isabel naman, close friend ko din yan pero mas matagal nga lang si Tootsie, napakahinhin niyan at super haba ng hair, daming suitors kasi pero kapag inagrabyado mo, humanda ka ng magtago sa sinapupunan ng nanay mo For sure manghihiram ka ng mukha sa aso. Joke!
“Katie, bakit kailangan mo pang ituloy yang kasal na yan. Hindi ka din magiging masaya sa bandang huli.” Heto na naman si mother dear, nangungulit na naman
“Ma, tama ka. Hindi na nga siguro.Mag-aayos na ako baka dumating na ang mga Castillo. "
“Huwag mong parusahan ang sarili mo dahil sa nangyari kay Julian.
”Bago ako tumalikod, napansin kong biglang lumungkot ang mukha ni Mama. Naligo na ako at nag-ayos ng sarili. Pagbaba ko dumating na pala ang mag-asawang Castillo. Alam niyo na ang nangyari, batian dito batian doon. Kwentuhan muna sila pagkatapos namin mananghalian.
“Sigfrido! Andyan ka na pala. Bakit ngayon ka lang dumating?” Kailangan talagang sumigaw?

Nagtingin kaming lahat sa pinto.

Andyan na pala siya. Astig ng porma , akala mo maamong tupa.
“Mom, don’t call me that. My name is Siege.” Tama kayo andyan, asar siya sa name niya, para daw lalaking matanda na may makapal na bigote
“Kumain ka na ba Sigfrido?” “Tita, pati ba naman kayo.
Call me Siege,please
and tapos na po akong kumain.Thanks” Parang nangasar din Mama ah.
“Hi, Katie!” Sabay yakap sa akin.

Friends naman kami nito ni Siege, alam niya din na may planong ipakasal kami pero parang wala lang sa kanya. Chillax na chillax ang drama ng lolo niyo
“Musta? Si---“
“Hep. Hep. Kung sasali ka sa pang-aasar. Please wag mo na lang banggitin ang name ko.”“Of course not,….
Sigfrido!”

Sabay tawa. Akala niyo naman mabait ako at tatawagin ko siyang Siege. Masarap kayang mang-asar minsan

“Bahala ka.
Humanda ka kapag nakaisip ako ng loko sa pangngalan mo.:evil: “ Lumabas muna kami ng bahay ni Siege kasi for sure nag-uusap na yung mga oldies tngkol sa amin...
“Kamusta naman? Hindi ka man lang ba mag-oobject baka nga ikasal tayo?”“Hindi ah, baka nga ikaw pa ang mag-object.”“Bakit parang okay lang sayo, wala ka bang girlfriend?”
“Syempre madami. Alam mo naman ang sex appeal ko, hinahabol talaga ako ng mga babae.
Minsan nga naiisip ko. God, blessing ba talaga tong binigay mong kagwapuhan ko o parusa kasi sobrang daming naghahabol sa akin?”
Nag-act pa siya na parang nagdadasal at nakatingin sa langit. Parang pose ba ni Santino
“Hindi din naman masyadong madami ang nilagok mong gamot? High na high ka, tsong, tindi ng effect sayo, parang feeling mo bestfriend na kayo ng bagyo
.” Sarap kutusan nitong taong ito
“Totoo yan, madami talagang nagpapantasya sa akin. Hirap talaga, kaya nga namomoblema ako. Alam ko namang katawan ko lang ang habol nila, pagkatapos nila akong pagsawaan, iiwan na lang nila akong parang laruan.” Ano? Kukutusan na ba ito para magising kasi nanaginip ng gising?

“Dude, are you insane? Huwag kang managinip ng gising. Sigfrido! Sigfrido! Sigfrido! Sig--”“Okay fine,STOP!
““So serious na na nga, okay lang sayo?
”“Oo nga, friends naman tayo saka no offense ha, hindi ako naniniwala sa love..love..na yan. Ang importante, we understand each other. Baka ikaw nga lang, ma-inlove ka sa akin lalo na pagnakita mo ang ka---“ Ka-anuhan niya daw?
“Oops. Tama na. Okay, grabe no, parang simpleng bagay lang pinag-uusapan natin ngayon.”“Ikaw, bakit ayos lang din sayo magpakasal?”“Medyo parehas din sayo pero ang mali ko lang naniwala ako dati sa love..love.. na yan. Sa huli ako lang ang naging talo.”
“Parang mga emo na tayo dito.
Change topic na nga.” Tiningnan ko si Seige, pero may itsura naman siya. (Magaglit sa akin to, pagsinabi kong PARANG MAY itsura lang siya

). Yung buhok niya sa totoo lang yung style, magulo, parang kagigising niya lang sa umaga.

Kung may adjective na naiisip kong description para sa kanya: CUTE. Palagi kasi siyang nakangiti, parang walang kaproble-problema.
Nagkwentuhan pa kami ni Seige. Medyo pinipilit niya pa rin minsan ibalik sa topic tungkol sa
“Malaking problema niya daw sa babae”. Sanay na ako sa kanya pero parang kailangan ko pa rin minsan kumapit sa silya kung ayaw kong tangayin papuntang Mindanao.

Mabait si Siege, nawala yung awkward na feeling between the of us especially nung malaman namin na may possibility na maging kami dahil sa kanya.
Parang magkapatid lang talaga ang turingan naming dalawa pero pwede pa bang magbago yun?

Medyo maiksing update, at ng magshine na si Sigfrido.
Thanks kina aira, farzy and lys.
Patuloy pa rin kayo sa pagbasa nito. Ate niyo nga akong tatlo. 
Lys, medyo madadagdagan yata ang iisipin mo dahil sa update.
Go lang ng go basta may nagbabasa nito, ituloy. 
-Margaret