Sorry for double post. Nandito na yung next chappie. Sana magustuhan nyo. medyo mahaba eh
Chapter 14- Revenge is never sweet
Nasaan ako? Nakakasilaw. Tinakpan ko ang mga mata ko para mag-adjust sa ilaw. Nasan ba kasi ako? Bakit ako lang mag-isa? Hindi ko matandaan kung ano nangyari basta alam ko nagbasa ako ng text tas poof. Black-out. Ngayon naman puro ilaw. Nasan ba kasi ako?
May tumunog. Tumingin ako sa likod ko saka, niliitan ko yung mata ko para makita ko ng maayos. Aba’y mahirap makakita sa puro ilaw, parang dilim din yon. May matandang babaeng palapit sakin. Parang kilala ko siya. Ayan palapit na talaga siya. Anong ginagawa nya ditto? Nasaan ba kasi ako?
“Iha, maupo ka muna.” Sabi ni Lola Alice. Oo sa kanya ko nakuha yung pangalan ko, pero matagal na siyang wala eh. Patay na ba ako? May mga luhang namuo sa mga mata ko pero hindi ko pinansin. Out of thin air, may lumabas na dalawang upuan. Isang mukang bean bag or something, yung isa yung paboritong rocking chair ni Lola.
“Lola…” sabi ko, “p-p-patay na po ba ako?” ayun lumabas din. Ngumiti lang si lola sakin at umiling. “Hindi Allisse, “ nakangiti pa din siya. Hindi nya ako binigyan ng panyo or something. Basta hinayaan nya lang ako.
“Bakit po ako nandito? Saka nasan po ba ko?”
“Nasa parte ka ng mundo kung saan nagtatagpo ang langit at lupa. Hindi ka pa patay kasi hindi mo pa oras, iha. Pero bago ka bumalik sa mundo mo, tignan mo muna yung mga ginawa mo. Saka mo sabihin kung ano ang naidip mo pagkatapos.” Sagot niya. Tumango ako at sa harap namin nahati yung tinatapakan naming at para kaming lumulutang.
Alam ko to ah. Dito naganap ung unang paghihiganti ko kay Kent. Bakit kami nandito? Pero imbis na tanungin ko, pinisil ni lola ung kamay ko para manuod ng tahimik.
“Ma’am bakit naman po ganito?” Sabi ni Kent. “Maganda naman yung grades ko nung first term at second ah. Bakit bigla akong bumagsak?”
“Kasama sa grades and right conduct.” At doon umalis si Ma’am Ixa. Ngumiti ako nung kwinento ni Mommy yun sakin. Oo ako ang dahilan kung bakit siya bumagsak. Nung sinabi ko sa kanya yung nangyari at yung mga pinagsasabi sakin ni Kent at nung Inah na yon, nagalit ng husto si Mommy. Hindi kasi ako plastic at lalong hindi ako nangingialam sa buhay nila. Sa katunayan, I’m wallowing alone in my own problems after the break up. Pero ayun naisipan kong maghiganti. At saan pa mas madaling gawin yun, e di sa impluwensya k okay Mommy Ixa.
Though pasado si Kent sa exams nya nung 3rd term, its only barely passing. Madaling nahila nung minus points niya sa conduct ung grades nya. Mahalaga sa MAPEH and disiplina. At oo, ako ang nagbawas nun. Hindi naman nakita ni Ma’am eh, kasi hindi naman ganun kalaki yung bawas pero bagsak pa din. Meaning pag bumagsak pa siya sa isang subject, nanganganib na ang buhay niya sa Greenville. At sa pagkakarinig ko, bagsak din siya sa Asian Lit. *evil laugh*
Biglang nahinto ung panunuod namin at nagbago yung paligid. Nakita ko dun yung itsura ko habang pinapalitan ko yung grades nya. Feeling ko ako yung nasaktan. Kasi sobrang halaga ng grades para sakin. Pag nangyari sakin yun, hindi ko alam kung anong gagawin ko. At yung mukha ko, sobrang saya ko habang ginagawa yun, pero bakit ngayon.
Nung tumigil na iyong mga pagbabago ng paligid, napataas ako ng kilay. Bakit ako nandito? Nasa classroom ako nila Kent. Wala si Lola, pero bakit ulit ako nandito, at anong ginagawa ni Sir Viktor dito? Saka ko naalala. Pinilit ko nga palang si Mommy na i-sub si Sir sa class nila ng MAPEH during health.
At si Sir ay isang malaking ma-L. If you get what I mean.
“So Miss Inah, anong masasabi mo sa contraceptive types na ito?” Pointing to the artificial ones. Actually, he’s just pointing to the condom. At oo, nagdala siya ng condom in class. He’s looking rather vicious and hungry at her. At hindi sa mukha ah, sa dibdib. Masyado kasing pinagpala sa bahaging iyon ang maldita.
“Uh, sir, well, may possibility po sigurong mabuntis pa din yung babae if ginamit yan. Nothing is one hundred percent safe, after all.” Crinoss nya yung mga kamay niya sa dibdib nya habang namumula. Lahat ng babae sa klaseng iyon ay hindi tumitingin sa kanya, habang lahat ng lalaki tinatawanan siya. Tama naman sinabi nya pero yung itsura nya kasi mukha siyang puputok na kamatis sa pula.
“See me in my office Inah.” Sabi ni Sir pagring ng bell. Sinundan ko sila. Si Inah mukhang takot, its written in her face. Pagpasok sa office, umupo si sir behind the desk tas pinaupo si Inah sa harap ng desk.
“What would do you think if I use this condom here?” He said. Napa-gasp ako habang si Inah naman ay hindi makatingin kay sir. Alam naman niya kung anong ibig sabihin nun. “Shy are you?” He taunted. Inah can’t respond. Tumayo siya at nilapitan si Inah. Minasahe nya yung bandang leeg ni Inah at hindi yung matinong masahe kasi bumababa yung kamay nya, lumalapit sa dibdib ni Inah. Napatayo si Inah at lumabas ng office.
Bumalik ako sa nakakasilaw na lugar na iyon. Tumutulo ung luha ko kasi hindi ko alam na ganun pala yung nangyari kay Inah. She’s harassed, and for goodness sake, its my fault. Ang sabi ko lang naman ipahiya siya. Pero higit pa dun ang nakuha nya.
This time, binigyan ako ng panyo ni Lola, nakangiti siya sakin. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may dapat akong gawin.
“Ngayong alam mo na ang nangyari. Anong naiisip mo?”
“Gusto kong humingi ng tawad. Pero lola, bago yun, pwedeng malaman kung ano ang nangyari sakin pagkabasa ko nung text?” Tumango siya at napunta ako sa hospital room.
May IV at iba pang devices na naka-connect sa katawan ko, umiiyak si Kris sa tabi ko. Oh damn, first time iyon. Hindi ko siya nakitang umiyak ever. Tapos pumasok si Kent, may pasa siya sa mukha. Tumayo si Kris ng galit. Mukhang siya ang may gawa nun kay Kent. Tapos dumating si Inah, at bago pa magwala si Kris dumating ang barkada at pinigilan siya. Nilabas siya sa room at doon nakita ko si Kent at Inah umupo sa upuan sa magkabilang panig ng higaan. As if on cue, bigla akong may narinig.
“Sorry, Liss. Hindi ko naman alam na magkakaganito ka eh. Hindi ko alam na may sakit ka sa puso. Hindi ko din alam na ganun pala ang nagagawa ng sakit na dinulot ko nung nakipaghiwalay ako ng walang matinong dahilan.” Sabi ni Kent. Nagluluha ung mga mata niya. Pero pinigilan niya iyon na bumagsak.
“Ate Liss, sorry talaga. Kahit na nasaktan ako sa paghihiganti mo, hindi ko naman alam na dahil sa text na iyon eh magkakaganito ka. Sorry talaga. Please wag ka munang mamawala. Yung Kris kanina na nandito, sa tingin ko mahal ka nya talaga. Kaya please for him gumising ka na.”
Ilang minuto pa ang lumipas, si Inah umiiyak at si Kent pilit pinipigilan ang luha. Tumayo sila nung bumukas ang pinto at pumasok si Daddy at Mommy. Nag-apologize sila pareho sa parents ko. Hindi ko na nakita o narinig yung sinabi nila sa isa’t isa kasi bumalik ako sa nakakasilaw na lugar.
“Iha, iiwan na kita. Kailangan mo ng bumalik. Ikaw lang ang makakatama sa nagawa mo. Mag-ingat ka iha.” Hinalikan ni lola Alice ang pisngi ko at unti-unti siyang naglaho. Umiyak lang ako ng umiyak. Hindi ko namalayan na nakatulog nap ala ako.
Nakakasilaw. Nasaan ako? Nandun pa din ba ako sa lugar na iyon? Inadjust ko yung mata ko sa liwanag. Hindi wala na ko dun. Naramdaman kong may nahawak sa kamay ko. Tinignan ko at si Kris ay nasa tabi ko, natutulog habang hawak ang kamay ko. Alam ko na kung nasaan ako. Nakabalik na ulit ako sa lupa. Oo, nandito na ako.
A/N: Lovelies, I'm not sure kung magugustuhan nyo. I planned this story last year nung mainit pa yung isyu sa utak ko. Pero ngayon,,.napag-isip isip kong attached pa ko sa story, no sa original story. Pero isang taon na nakalipas, kaya naisip kong gawing ganito.
I hope you like it. >.< I'm the best. But I think its the best for Liss. Malapit na po ito matapos.
Dearies, you won't see the revenge too much. And I know you kinda like it.

But hindi na siya magiging pang-minors eh. I'm sorry. Really.
With my dearest hopes,
Lyn.