Teentalk

Poll

Sino ang pinakafav. niyo para kay Mau?

Andrei- ang gustong gusto ni Mau
34 (55.7%)
Zeji- dahil...
7 (11.5%)
Kevin- ang too-bf kung mag-act
5 (8.2%)
Daison- laging PMS kay Mau
12 (19.7%)
o si Angelo.. para masaya! :D
3 (4.9%)

Total Members Voted: 58

Author Topic: CRAZY FIRST LOVE: the end (",) ANNOUNCEMENT po!!! :))  (Read 39953 times)

yurilovetamahome

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1006
  • Karma: +237/-24
  • Lee Hong Ki is my Guardian.
Re:----Chapter 2---- Crazy First Love [BAGO 'TO]
« Reply #30 on: March 15, 2010, 06:01:58 pm »
jhenny>>> Tama ba yung name mo? Haha.. Thank you!!! :D



Chapter 2



:o Nanlaki yung mata ko at hinila ko agad palayo si Pau.

"Nakita mo yun, yung ginawa nun. Nakakakilabot," inayos ko salamin ko. "Ayoko na sa lalaking yun!" sabi ko at halatang ayoko talaga. >:(

Huminto sa harap ko si Pau. Ganun pa din ang reaction niya, ang lungkot. May problema ba siya. O medyo napalakas yung pagkakahila ko kanina.

"Sorry, nasaktan ba kita?" huminde naman siya.

"Si Zeji, mabait naman siya." napaewan look ako. Hindi ko kasi maintindihan ang sinasabi niya. ???

"Sino ba yun?" ang lungkot ng mga mata niya. She try to smile pero nangingibabaw parin yung lungkot sa mata niya.

Hanggang sa magklase, naging malungkot parin si Pau. Sino ba yung Zeji'ng yun? Bakit sobrang affected si Pau?

Naglalakad ako pabalik sa room galing faculty. Vacant namin, hindi ko naman makakasama si Pau dahil busy siya at iniiwasan parin niya ako. Si Kevin naman ay nasa room at may inaasikaso. At nandito ako mag-isa, umiinom ng juice. May nakita akong basketball player na pumunta sa gym. Kaya naisip ko na baka maaari akong manood. Sumilip muna ako kung may nanonood ba, confirmed meron.

Pumunta ako dun sa pinto ng gym, sumilip ako pero wala naman siya dun. Captain ball pa man din siya. Nasaan kaya yun.

Naglibot-libot uli ako.. Habang naglalakad. Di ko sinasadyang makaencounter ng dalwang taong nag-uusap. Aalis na sana ako nang masabit yung uniform ko. Yung palda pa kamo.

"Anu ba..aalis na ako." sabi ko habang pilit inaalis yung palda ko.

"Zeji, gusto kita!" nacurious na lang ako nung marinig ko yun. Titingnan ko sana kung sino pero hindi ako makaalis. Pinilit ko paring alisin yun.

Br-*BLAG* biglang pumatak yung mga bola. Arouch!!! Sa ulo ko pa, ang daming bolang nalaglag.

"Anu yun?"


"Saka na lang tayo mag-usap. Sige." naalis rin yung sabit pero ang sakit ng ulo ko ah.

:o

"Waah! Ang palda ko."

"Hoy! Ikaw ba yan Angelo! Sabi ko naman sayo diba na wag kang mangingialam dyan ng hindi humihingi ng tulong. Lampa ka talagang tabatsoy!" naramdaman ko yung pag-akyat ng isang tao papalapit sakin. Kailangan ko ng umalis! Anu ba..

"Taba-" napalingon ako. Nagkatinginan kami. Napatingin din kami sa paligid. Ang dumi. Ang gulo. :o

"HOY IKAW! Anung ginawa mo!? Lagot kami kay captain!" agad siyang lumapit.

"WaaaaHhh!!! WAG KANG LALAPIT!!!" napatigil din naman siya.

"Bakit? Kailangan linisin agad natin to! Bakit ka ba pumasok dito!" lalapit sana siyang muli nang humiyaw muli ako.

"Anu bang problema!?"

"Zeji! Magsisimula na ang praktis! Tara na!" walang pagdadalwang isip siyang lumapit. Hihiyaw sana ako pero tinakluban niya agad ang bibig ko gamit ang kamay niya. At lumapit na sobrang lapit sakin. Napabitiw naman ako sa palda ko at napahawak sa uniform ng lalaking yun. Itutulak ko sana siya kaso- :o

"Ze-" nung makita ko ang lalaking papalapit.

:o "Pa-pasenxa! Isipin niyo na lang na wala akong nakita." agad siyang lumabas at binagsak ang pinto na malakas.

Bumitaw naman ako sa lalakin yun. Lumayo din siya sakin.

"Sige na, tumayo ka na. Kailangan pa nating imisin to bago ako mamura ni Drei!" nagsimula na siyang mag-imis. Ako naman.. Naramdaman ko naman ang pagpatak ng luha ko at..

"Waaaaaah. Hu.hu.hu.huhuhu!" tumingin siya sakin ng parang nagulat na naguguluhan.


"Napag*sob*kamalan.. waaah.. Tayo! Na-na*sob*naaaaaa.. Naghahalikannnnnnnnn!!!" nasa mata ang mga kamay ko habang pinipigilan lumuha ang mata ko. Ang hirap ng may salamin.

"Kasalanan ko bang bumagsak yung mga gamit namin. Kung hindi dahil sayo hindi ko rin naman kailangan na gawin yun diba?"

"huhu..waaaaaaahH!" lumapit siya sakin. At pinilit akong patahanin.

"Tumahan ka na. Hindi naman tayo nakita ni Drei na nag-aanu nga. Di ka naman niya nakita e." tumingin ako sa kanya. Tumingin din siya sakin. Nasa mata naman niya na hindi siya nagsisinungalin.

Aalis na sana ako nang..

"WaaaaHHhh!" tumalikod naman agad siya.

"Hindi ko talaga sinasadya yun! Wala akong nakita!" :-[ naiyak na naman ako.

"Gusto mo bang iwanan na lang kita?" hindi ako sumagot. Umiiyak parin ako. Pero ramdam ko naman ang pagyapak paalis nung lalaking yun.

Pinilit kong gawan ng paraan yung palda ko. Pati yung salamin ko masisira sa kakapunas ko ng luha sa mata ko.

Mamaya pa't-

"Heto isuot mo!" :-[ hindi siya nakatingin sakin pero nakahain naman yung mga jersey niya sa palad niya.

"Para saan yan?" :'(

"Hindi ka naman maaaring umalis ng ganyan. Nasira ng sobra ang palda mo."

"pero-baka-"nagdadalwang isip kong sagot.

"Anu naman kung makita nila yan. May pakelam ka pa ba, basta makaligtas ka lang ok na. Sige na, isuot mo na yan!" lumabas na siya at sinarado ang pinto.

Tiningnan ko yung jersey. Pinawi ko yung mga luha ko. Natukso naman akong amuyin yung jersey niya. Ang bango. Ang bango gaya nung naamoy ko gaya niya kanina yung nung sobrang lapit namin sa isa't-isa. Mabango din ang kamay ng lalaking yun.

At after 15 mins,

"s-Salamat!" nakatungo kong sabi. :-[

"Sige na alis ka na. Ako narin ang bahalang kumausap sa office at advicer niyo." aalis na sana siya.

"Pero paano ka! Ang jersey mo?" he smirks at me..

"Ok lang." ;) then he winks again. For the 2nd time.
« Last Edit: November 10, 2010, 01:42:49 pm by yurilovetamahome »

yahk06

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1661
  • Karma: +88/-10
  • I bite! ^__^
    • Sweetkiss
Re:----Chapter 2---- Crazy First Love [BAGO 'TO]
« Reply #31 on: March 15, 2010, 09:40:18 pm »
^^PERS ako? wahehe~!

Ehem.. sino ba talaga? Si Drei or Zeji? ??? ;)

Nice update sis. Next na~! aweet
Tumblr | DeviantArt | Twitter | Sweetkiss

I realized, it was only just a drea

palmahall.up

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1879
  • Karma: +117/-13
  • spanish, chinese, filipino blood in me <3
Re:----Chapter 2---- Crazy First Love [BAGO 'TO]
« Reply #32 on: March 15, 2010, 09:43:05 pm »
nako mukhang may love triangle dito ahhh ;D ;D

akin nalang ung jersey kung ayaw mo

isalicious

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2430
  • Karma: +328/-116
  • Destined to meet, not to be together
    • Blog
Re:----Chapter 2---- Crazy First Love [BAGO 'TO]
« Reply #33 on: March 15, 2010, 11:27:03 pm »
haha kahit ako pagkakamalan siguro silang nag kikiss! :D wuhooo!  ;D

violetbaudelaire

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1097
  • Karma: +32/-8
Re:----Chapter 2---- Crazy First Love [BAGO 'TO]
« Reply #34 on: March 16, 2010, 09:50:36 am »
hey yuri!

nbasa ko na!haha...

hooray hooray!:)

congrats s new story mo...
woooh!:D

yurilovetamahome

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1006
  • Karma: +237/-24
  • Lee Hong Ki is my Guardian.
Re:----Chapter 2---- Crazy First Love [BAGO 'TO]
« Reply #35 on: March 16, 2010, 05:42:22 pm »
^^PERS ako? wahehe~!

Ehem.. sino ba talaga? Si Drei or Zeji? ??? ;)

Nice update sis. Next na~! aweet

si drei ay si Andrei at si Zeji yung flirt. Gets? Hahah.. :D

nako mukhang may love triangle dito ahhh ;D ;D

akin nalang ung jersey kung ayaw mo
gusto mo ba corrs? :D

haha kahit ako pagkakamalan siguro silang nag kikiss! :D wuhooo!  ;D
;D medyo malaswa ba? Senxa isa.. :(

hey yuri!

nbasa ko na!haha...

hooray hooray!:)

congrats s new story mo...
woooh!:D
thanks lei!!! Keep support! :D

gingersnap

  • jellybean
  • **
  • Posts: 288
  • Karma: +27/-12
  • Chin
    • Baby Dolls In Reality
Re:----Chapter 1---- Crazy First Love [BAGO 'TO]
« Reply #36 on: March 16, 2010, 09:31:35 pm »

{{ok lang ako. Nagbakasyon lang kami ng family ko w/in 3 days. Kaya naging inactive ako. Ikaw ba?
nabasa ko lang yung part na yun kaya sinali ko na. Oks ba? :D
weet.. Nagsasalamin karin. Kasing cute karin siguro ni Mau. ::D}}
 
reply: e2..msya..hehehe kc nmn after 2 days n hnd aq ngcomputer..xmpre miss n miss ko toh..hmppftt..kc nmn ung brother/best friend ko eh hnram tong pc ko kya yan tuloy uber late reply ko.xnxa n ah..anyway ok n ok ung sinali mo n nlglg ung bra..pra comedy......yup ngsslamin din aq..kc medyo mlbo pero now nkcontact lens aq kc nsira ung slmin ko,..hnd nmn aq mxdong kyut..medyo lng..ahihi(mafeeling noh) heheheh..medyo medyo
musta sis????

gingersnap

  • jellybean
  • **
  • Posts: 288
  • Karma: +27/-12
  • Chin
    • Baby Dolls In Reality
Re:----Chapter 2---- Crazy First Love [BAGO 'TO]
« Reply #37 on: March 16, 2010, 09:44:30 pm »
hayzz
uber late tlg aq
hahahah
pero dba ok lng nmn kht leyt?
its better to be late than never? ryt?
------
anyway
answeet nmn
pinahiram ni ANO ung jersey nya pra hnd mphiya si ANO
answeet tlg
hmppft..
pero honestly
medyo mswerte si pau kc s mga bola.....ahihihih
anu b nmn yung npgkmalan n ngkis
mga tao b nmn ngaun ohh
hmppft---iba n agd nsa isip
tlgng nkkcrazy itong story
crazy pers lab (6_6)

yurilovetamahome

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1006
  • Karma: +237/-24
  • Lee Hong Ki is my Guardian.
Re:----Chapter 2---- Crazy First Love [BAGO 'TO]
« Reply #38 on: March 16, 2010, 11:00:18 pm »
{{ok lang ako. Nagbakasyon lang kami ng family ko w/in 3 days. Kaya naging inactive ako. Ikaw ba?
nabasa ko lang yung part na yun kaya sinali ko na. Oks ba? :D
weet.. Nagsasalamin karin. Kasing cute karin siguro ni Mau. ::D}}
 
reply: e2..msya..hehehe kc nmn after 2 days n hnd aq ngcomputer..xmpre miss n miss ko toh..hmppftt..kc nmn ung brother/best friend ko eh hnram tong pc ko kya yan tuloy uber late reply ko.xnxa n ah..anyway ok n ok ung sinali mo n nlglg ung bra..pra comedy......yup ngsslamin din aq..kc medyo mlbo pero now nkcontact lens aq kc nsira ung slmin ko,..hnd nmn aq mxdong kyut..medyo lng..ahihi(mafeeling noh) heheheh..medyo medyo
musta sis????

haha. Kaw lang nakapansin nung sa bra. :D Weeh.. cute ka rin. Lahat tayo magaganda at cute! Hehe.. Minsan nagsasalamin ako dito pagmalapit sa computer, pagnagccp, kung anu-anung makakasira sa mata. Mga classmates ko nagcocontact lense. :)

hayzz
uber late tlg aq
hahahah
pero dba ok lng nmn kht leyt?
its better to be late than never? ryt?
------
anyway
answeet nmn
pinahiram ni ANO ung jersey nya pra hnd mphiya si ANO
answeet tlg
hmppft..
pero honestly
medyo mswerte si pau kc s mga bola.....ahihihih
anu b nmn yung npgkmalan n ngkis
mga tao b nmn ngaun ohh
hmppft---iba n agd nsa isip
tlgng nkkcrazy itong story
crazy pers lab (6_6)
haha.. Oo naman. Thanks to you nga ng sobra at nagpaparamdam ka pa. Konti na nagcocomment oh. :D
yung nim na Pau, Mau ba means mo dun? Haha.. Yung sa bola. Gusto mo mangyari rin sayo yun, at least may gwapong lumapit sayo. :D
bakit, kung iba ka bang tao di mo sila mapagkakamalan pag ganun? Hehe.. Thanks chin! Nakakacrazy ba? Haha.. :D

gingersnap

  • jellybean
  • **
  • Posts: 288
  • Karma: +27/-12
  • Chin
    • Baby Dolls In Reality
Re:----Chapter 2---- Crazy First Love [BAGO 'TO]
« Reply #39 on: March 17, 2010, 12:19:54 am »
kaw nmn
ito pla fb ko if u want to view my face---> kristine.mamaril@yahoo.com
mamaril tin ung name ko s fb
eheheh
c pau pla un
hehehe
medyo mgkpreho kc mau tska pau
actually ung bola n nangyari n sken
kaso bola nga lng ng volleyball
hahah
ang skit pero nkkkilig
kc u know what
after aqng mtamaan ng bola
lumapit sken ung crush ko
then he comfort me
my gosh
nkkcrazy tlg!
hehehehhhe ;D :D ;) :)
hows ur day friend?

yurilovetamahome

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1006
  • Karma: +237/-24
  • Lee Hong Ki is my Guardian.
Re:----Chapter 2---- Crazy First Love [BAGO 'TO]
« Reply #40 on: March 17, 2010, 07:31:59 am »
Chin>>> mamaril tin? Bakit chin dito sa cc? Hehe.. Nu ba full nim mo?
Sosyal ka naman! Ako, all girl's school pinapasukan ko eh. Pagmay event lang napasok boys taz wala pa ako kaclose na lalaki. Lam ba ni crush mo na crush mo siya? Siguro kung ibang lalaki yun, babalewalain ka lang. May ganun kasi.
Ok lang day ko, after finals, yun bahala na kami sa school. :D

gingersnap

  • jellybean
  • **
  • Posts: 288
  • Karma: +27/-12
  • Chin
    • Baby Dolls In Reality
Re:----Chapter 2---- Crazy First Love [BAGO 'TO]
« Reply #41 on: March 17, 2010, 04:54:03 pm »
actually kristine ang name ko pero nickname ko tin or chin
kya tin ung name ko s fb
d2 nmn chin
hehehe  :D ;D ;)
gulo nohh?
d ko alm if alm nya n crush ko sya
private skul ung pinapasukan ko pero hnd exclusive for girls ..
hehehhe
gnda nmn pla jan  s skul nyo pgktpos ng finals bahala n
d2 s skul nmn
ang dmi dmi pang ggwin.. >:(
pero ok lng din nmn
hehehehehheeh

yurilovetamahome

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1006
  • Karma: +237/-24
  • Lee Hong Ki is my Guardian.
Re:----Chapter 2---- Crazy First Love [BAGO 'TO]
« Reply #42 on: March 17, 2010, 06:15:35 pm »
Haha.. Taga saan ka? May kilala rin akong Kristine na tin palayaw. Kaya nga medyo wala akong crush eh, yung tipong kinakikiligan kasi girl's school. Hindi rin ganung kasaya, kasi minsan babae na nga kami may mga hindi pa nagkakasundo. :(
Pero pagmay event naman, it's exclusive for all students in other school, dun lang maraming lalaking napunta. :D
haha. Ang saya parang kang palang talagang si Mau.
oks lang yan chin, matatapos mo rin yang requirements mo. Kami after finals na yan, peo di parin ako tapos. Haha.. Ganun din naman mga kaibigan ko. Ok lang susulitin na namin hs lyf since gagraduate narin kami. :(

gingersnap

  • jellybean
  • **
  • Posts: 288
  • Karma: +27/-12
  • Chin
    • Baby Dolls In Reality
Re:----Chapter 2---- Crazy First Love [BAGO 'TO]
« Reply #43 on: March 17, 2010, 08:01:33 pm »
 :o  ah gnun bah..tga pangasinan po aq..msya nmn d2 s skul nmin kc mgkksundo kmi ng mga classmates ko..halos mgkptid kc turingan nmin d2,,3rd yr. po plng pla aq..heheh..14 yrs. old..lan taon n po pla kau?? ;) :) :D ;D

yurilovetamahome

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1006
  • Karma: +237/-24
  • Lee Hong Ki is my Guardian.
Re:----Chapter 2---- Crazy First Love [BAGO 'TO]
« Reply #44 on: March 18, 2010, 08:01:27 am »
Ah, akala ko kaw siya. Taga laguna naman yung sinasabi ko.
Masaya din naman ang section namin, what I mean is.. Sa ibang section, kakumpitensya ba? :D
bata ka pa pala, aixa sulitin mo hs lyf mo huh. Ngkabf ka na ba?
16 naman ako at graduating students. :)

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website