Chapter 5
Kinabukasan maaga akong nakarating sa skul. As usual maraming estudyanteng nakakalat. yung iba nagkukwentuhan habang naglalakad. Meron din namang nagliligawan at nagtsitsismisan. Meron ring busy sa pagtetext at meron din namang nagpapakanerd; nagbabasa habang naglalakad. At sa di inaasahan, sa dami ng mga estudyante sa paaralang ito, yung hindi mo pa nanaising makita ang makakasabay mo. Ang daming kamalasan noh?
But wait. Oh yeah! The deal. I almost forgot. Dapat pala good girl ako ngayon. Kung kinakailangan ay iiwasan ko siya. Pero pano kami magkakasundo kung iiwasan ko siya? What shall I do then?
Alam ko na. Start the day right. Lalapitan ko na lang siya at makipagkwentuhan. Effective siguro yun. Papalapit na ako ng mabangga ako ng sinumang yun na tumatakbo. At sa kasawiang palad ay napasubsob ako sa Lee na yun na walang kamalay-malay kung anong nangyayari sa likuran niya.
So ayun nga. Dahil napasubsob ako sa kanya, natumba siya kasama ko. Galing noh? Lagi nalang kaming nagkakabanggaan.
"Aray!"Yung nakabangga sa'ken ay parang nagmamadali ata. Kaya nga tumatakbo, e. Hindi ko masyadong nakita yung mukha niya. Pero parang pamilyar siya sa'ken. Hindi lang sa mukha kungdi pati sa presensiyaniya. Sino kaya yun? Inalalayan niya muna akong tumayo, nagsorry at tumakbo uli. Galing ah. Makakatikim ka rin sa'ken.
"Ikaw na naman? Nananadya ka na ata ah!" nakatayo na siya.
Ako naman medyo nasasaktan pa dahil sa exhibition ko. Parang dumudugo ata yung tuhod ko. Oh no! kaya pala mahapdi. Ito kasi yung unang tumama sa sahig.
Nang mapatingin siya sa duguang tuhod ko, nawala ata yung galit niya.
"Ano ba yan! Halika, sasamahan kita sa clinic.""Wag na. Kaya ko na to. Sorry nga pala sa nangyari. Hindi ko sina-""Wag nang matigas ang ulo. Sumama ka na sa'ken. Mamaya na yang sorry-sorry na yan."Hinila naman niya ako. malapit lang naman ang clinic. Mga ilang lakad lang. Pagdating namin dun ay nilinis naman nung nurse yung sugat ko tapos nilagyan ng bandage.
In fairness, hindi ako iniwan ng Lee na yun. Teka nga lang, bakit 'Lee na yun' ang tawag ko sa kanya? Baguhin ko na para hindi masyadong masama yung dating.
"Salamat.""Bakit ba palagi ka na lang nababangga? Kung hindi ako iba naman yung nababangga mo." Aba! Parang tatay ko to ah!
Calm down Rexiane. Calm down. Cool ka lang. The deal, remember?
"Sorry na kasi. May tumatakbo kasi kanina. E, nakatalikod ako kaya hindi ko napansin.""Sa susunod mag-ingat ka namn. Buti at yan lang ang nangyari sa'yo. Pano kung mas malala pa diyan?" concern ka ata.
"Mag-iingat na po, Itay." and he smiled.
Oh men! That's the sweetest smile I've ever seen. Sabay na kaming naglakad papunta sa roon namin.
"Sorry talaga kanina. May katangahan lang siguro ako kaya lagi akong may nababangga."Naalala ko naman yung sinabi niya nagtanga-tangahan daw ako. Napangiti nga ako ng maalala ko yun.
"Ngayon inaamin mo na?""Parang ganun na nga!""In fact, pangatlong beses mo na akong nabangga.""Ganun na ba karami?""Medyo." ngumiti naman siya.
Pagdating namin sa room ay nagtaka pa si Trish kung bakit may bandage yung tuhod ko. Inexplain ko naman.
"Ang galing mo ah! Umaga pa lang nakapuntos ka na.""Tumahimik ka nga. Kita mo naman may sugat ako."Medyo maaliwalas ang araw ngayon. Biro mo, kahit ngayon pa lang ay nararamdaman kong magkaibigan na kami ni Lee. Saka naman nag-alarm para lunch break.
"Sabay na kayo sa amin ni Xiane." niyaya naman ni Trish yung dalawa.
"May pupuntahan pa kasi kaming kaibigan. Bago rin siya rito. Susunod na lang kami."Pumunta na kami ni Trish sa cafeteria. Kwentuhan lang kami ng kwentuhan. After 20 minutes ay sumunod din yung dalawa.
"Trish, matanong lang kita. Pano ba kayo naging magkaibigan ni Xiane?"Oo nga pala. Hindi ko pa nasasabi kung pano kami naging magkaibigan ni Trish. nagkakilala kami nung mga freshmen pa kami sa skul na to. Dahil ko pa masyadong alam ang paaralang ito, medyo naliligaw pa ako. Dahil na rin siguro sa katangahan ko ay nabangga ko si Trish. Bago rin si Trish sa skul. So ayun nagsorry kami sa isa't-isa at sabay kaming naglibot. So yun ang history namin. Hindi naman masyadong memorable.
"Ah yun ba? Si Xiane kasi may balak na magpakamatay nun. Nagpunta sa 4th floor at balak tumalon. Dahil isa akong concern citizen, pinigilan ko. Kaya ayun."Binatukan ko nga. Ang galing talagang mag-imbento ng kwento. Si James naman ay nasock dun sa sinabi niya. Si Lee, well, tumingin sa'ken.
"Wag kayong maniwala dyan. Gawa-gawa lang niya yan.""Anong gawa-gawa? Siguro half dun ay gawa-gawa ko lang pero iba dun ay totoo.""Trish, hindi ko balak magpakamatay nun, no.""Bakit ka umiiyak? Tapos andun ka pa sa 4th floor na mukhang tatalon ka pa nga.""Umiiyak ako nun dahil inaway ako ni Kuya. Sinabihan niya ako na isusumbong daw niya ako kay Mama na hindi raw ako pumasok sa klase at naglakwatsa raw ako.""Yun lang, umiyak ka na?""Siyempre first year pa ako nun. Takot pa akong pagalitan ni Mama. Baka sumugod siya dito sa skul at pagalitan ako. Nakakahiya kaya yun."Natawa na lang din si James. Si Lee naman ay ngumiti rin. Dahil nag-alarm na, nagsitayu-an na kami at papaalis na. Dahil may nakalimutan ako sa mesa bumalik pa ako. Sakto namang pagharap ko ay nandun si Lee. Ang lapit niya sa'ken. Nailang tuloy ako. Hindi ko alam na sinundan niya pala ako nung kunin ko yung wallet ko na naiwan.
"Totoo ba talagang umiyak ka nun?"Ang seryoso naman niya. Kinakabahan tuloy ako.
"Oo. Bakit?"Tapos nun ay inilapit niya yung mukha niya sa'ken. Dahil matangkad siya at ako naman ay matangkad-tangkad lang, yumuko pa siya ng kaunti. Pinikit ko na lang yung mata ko. Bakit ang tagal? Ano ba tong iniisip ko? Ano bang ineexpect ko? Na hahalikan niya ako? Pagbukas ko ng mga mata ay nakita kong ngumiti siya.
"Iyakin ka pala! Hahahah!"Naku naman! Inasar pa ko. Tumalikod na siya at paalis na. Nagulat na naman ako dahil humarap uli.
"Don't worry, hindi ka na iiyak uli."Tuluyan na siyang umalis. Ano daw? Hindi na ako iiyak uli? Anong ibig sabihin nun?
"Weird."