Teentalk

Poll

Sino sa tingin niyo si Alexander Zauldy?

alagang aso ni Xiane
0 (0%)
long lost bestfriend ni Xiane
0 (0%)
boyfriend ni Trish
0 (0%)
bestfriend ni Lee
0 (0%)

Total Members Voted: 0

Voting closed: March 13, 2010, 10:15:42 pm

Author Topic: "Everything happens for a reason" (PLEASE SUPPORT!!)  (Read 6481 times)

.kwatro.04

  • jellybean
  • **
  • Posts: 136
  • Karma: +28/-2
  • 1.2.3.4.
hi...kwatro here...:D

ang cute ng stowiee mo po...;D ;D ;D

me here to support-support...:D :D :D
« Last Edit: March 08, 2010, 09:53:32 pm by .kwatro.04 »
♥ kwatro || note so self: stop expecting

thePLAYMAKER

  • Guest


^^Ahahah~!! Ang kulit ng Kuya ni Xiane~! :D

Nice update~! ;)

goldz_ravex

  • taffy
  • ***
  • Posts: 302
  • Karma: +11/-2
  • what will come, will come.
Chapter 3

"You again? Malas talaga ng araw na to!" Hay naku! Ayaw ko pa naman ng gulo ngayon.Pero heto, hindi pa nga ako nakakapasok sa room, gulo na naman.

"Pasensya na. Hindi ko sinasadya.." walang iba kungdi yung Lee na yun.Nakakainis talaga to.

"Third time mo na to!" tapos nun tumakbo na siya. Anong third time? Ang gulo nun.

"Ganyan na naman yung mukha mo. Ano na namang drama yan?"

"Tulad rin kahapon."

"Ano bang nangyari sa'yo kahapon?"

"May nakabangga kasi akong isang..." papunta na sa inuupuan niya sa Lee. "Err...beast."

"At feeling mo naman si Beauty ka. Sino naman yung beast?"

Lumingon ako sa likuran ko. Nagtama naman ang mga mata namin ni Lee. Ang sama nga ng tingin, e. Narinig niya siguro. Ewan ko lang kung nagets ba ni Trish yun. Tumatawa kasi siya.
Ayun discussion naman. Hindi nga ako nakinig,e. Ewan ko pero masyadong malalim ang iniisip ko. Basta narinig ko na lang na tinatawag ako ng teacher namin at umoo na rin ako nun. Teka, ano ba yung sinabi niya?

"Anong nangyari sa'yo? May lagnat ka ba?" lumabas na yung teacher namin. Yung mga kaklase ko nagdaldalan na.

Nagtatakang tumingin ako kay Trish. "Bakit? Ano ba ang sinabi ni Ms. Tore?"

"Yan kasi, e, hindi nakikinig!"

Minsan talaga kahit wala ka namang importanteng bagay na dapat isipin, natutulala ka na lang bigla na parang may malalim na iniisip. Ewan ko pero para kang nag-iisip ng kung ano.Pati nga ang mga sinasabi nila, kahit naririnig mo, hindi mo naman naiintindihan. Ang gulo gulo ng utak ko.

"Hoy! Xiane. Umalis na yung teacher natin." Nagtataka na siguro tong kaibigan ko. Akalain mo yun?Apat na subjects ang hindi ko pinakinggan. "Kain tayo. Baka gutom lang yan."

Hinila naman niya ako palabas. Nagbalik ako saglit sa sarili ko.

"Bitiwan mo nga ako. Ang sakit ha."

Palabas na rin sina James at yung Lee na yun.

"O, Xiane, napansin ko lang. Ang tahimik mo kanina." napansin pala niya. Ako nga, e, hindi ko napansin.

"Ah, masama lang siguro ang nangyari sa'ken kanina. Kasi naman, e, sa laki ba naman ng daan dito sa skul, may makakabangga ka rin pala. At kung sino pa itong may kasalanan siya pa tong galit."

"Sa laki ng skul natin, kahit na napakaraming daanan, mga ibang tao kasi hindi nakatingin sa kanilang dinaraanan. Kaya kung  may mabunggo, iba yung sinisisi." yung Lee na yun. Hindi naman siya nakatingin sa'ken pero ako yata ang pinariringgan.

"Nagsosorry na nga, nagagalit pa rin. Tinutulungan na nga, naninisi pa rin. Magpapaliwanag ka naman, tatakbuhan ka pa!" hindi ko talaga siya uurungan kung gusto niya ng away. Sina James at Trish ay nakikinig lang sa amin. Nagtataka.

"Kasi naman hindi lang isa o dalawang beses nagtanga-tangahan. Kungdi tatlo! Sino ba naman ang hindi magagalit niyan!" Aba! Gusto talaga niya ng away. Medyo mahaba-haba pa yung break. Papatulan ko muna to.

"Hindi ako tanga noh! Sumosobra ka na!" nagtaas na talaga ako ng boses nun. Tawagin ba akong tanga?

"Bakit sinabi ko ba yun? Sabi ko nagtanga-tangahan!" mukhang galit na rin siya.

"Kahit na baligtarin mo pa yun, tanga pa rin ang ibig sabihin nun!" yung iba nakatingin na sa amin. Sina Trish naman nang-aawat na rin.

"Tanga na kung tanga! Bato-bato sa langit tamaan wag magalit!"

"The one who says is the one who is!" sigaw ko sa kanya.

"Hep hep! Tama na yan. gumagawa kayo ng gulo." inawat na kami ni James. Parang natatawa nga siya.

"Oo nga Xiane. Tiyak mapupunta ka sa Guidance niyan."

Tiningnan ko lang ng masama yung Lee na yun tapos tumuloy na sa cafeteria.

"Akala ko wala ka sa sarili mo kanina. Pero sa nakikita ko, mukhang okay ka naman. Okay na Okay. Mang-away ba naman. Sa hallway pa!"

"Hay! Wag na lang natin pag-usapan yun." tapos nagsimula na akong magreview ng notes. "O nga pala, ano ba yung ipinapagawa sa'ken ni Ms. Tore?"

"Sige sasabihin ko pero wag kang mabibigla?"

"Nabigla na ako kanina nung pumayag ako ng hindi ko naman alam. So ano yun?"

"Ang sabi ni Ms. Tore ay... ay..." ibinitin pa niya.

"Ano?"

"Mag-aral ka raw ng mabuti!" batukan ko kaya to. Ibinitin pa yun lang naman pala.

"Hay! Akala ko pa naman kung ano na!" tapos nun ngumiti siya sa'ken.

"Bakit? Ano ba sa akala mo?"

"Akala ko pa naman...na...na patatalunin niya ako sa building. Hindi naman pala." binatukan ba naman ako. Siya nga tong nauna, e.

"Sira ka pala, e. Pakakantahin ka kaya niya!" kakanta lang naman pala. Whaat?!?

"Whaat?!? Nagbibiro ka ba? Trish hindi corny yan. Ayos yan. Sige tuloy mo pa."

"Sa tingin mo nagbibiro ako? Hindi noh! Kaya nga nagulat ako nung pumayag ka. Pero natuwa rin naman ako." tumayo siya. "For the first time, maririnig rin kitang kumanta!" tumatawa siya. Sira!

"Never akong kakanta! Kahit palakarin niya ko sa baga, pabugahin ng apoy o patulayin sa alambre lahat yun gagawin ko. Wag lang niya akong pakantahin!" umupo na siya. Nadisappoint ata.

"OA mo naman. Magaling ka raw kumanta at maganda raw boses mo. So bakit hindi?" Sinara ko na yung notebook ko saka sumagot.

"Dahil ayoko at never akong kakanta!"

"Nag-eenarte ka lang, e. If I know gusto mo lang na may pumilit sa'yo."
ako na ngayon ang bumatok sa kanya.

"Kaibigan ba talaga kita? Sinabi nang ayoko, e." kinuha ko na yung notebook ko saka naglakad na para bumalik sa room.

"Hintay!" tumayo na siya at sumunod sa'ken. Kung hindi ko lang talaga kaibigan to, sinabunutan ko nato.

"Sige na naman Xiane, o. Pumayag ka na para matapos na."

"Bakit ba atat na atat kang pakantahin ako?"

"For two reasons, una gusto kitang marinig kumanta sa stage. Pangalawa, part rin ito sa gagawin naming program at isa ako sa mga organizer nun. So please lang naman pumayag ka na."

"Give me time to think about it!" narinig ko pa siyang sumigaw. Ang OA talaga ng babaeng to.

Nasa classroom na kami ngayon at nakikinig sa teacher na naglelecture sa harapan. Hindi ko na lang pinansin yung Lee na yun. Baka mahigh blood pa ko. May quiz nga pala kami sa Chem ngayon.

Nagsimula na rin yung exam namin. Nung una akala ko identification at enumeration type of exam. Hindi naman pala. Explanation lang ang kailangan.And after 48 yrs... actually 48 minutes ay natapos ko na rin. Nasagutan ko naman lahat. Ewan ko lang kung tama ba yun.

"Alam mo Xiane, ang hirap ng mga questions noh?"

"Siguro." heheheh. Nabasa ko lahat yun.

"Siguro ka diyan!" tapos kinausap niya yung dalawa.

"How was it?"

I wonder kung paano nila nasagutan yung mga questions kung kahapon lang sila lumipat. I hope na makapasa si James at total zero naman yung Lee na yun.

"Quite difficult"

"Hmmm..." tapos tingin sa'ken. Hindi ko napansin nakatingin na pala ako sa kanya. Kaya humarap na uli ako. Ayaw niya sigurong makinig ako sa sasabihin niya. Kung ayaw mo, e di wag. Hindi naman kita pinipilit. Ang sa'ken lang naman gusto kung malaman kung nahirapan ka ba. Alam mo na. Bago ka dito. Para hindi na matuloy ang pagstay mo dito.

"Hahahah!" tumingin silang tatlo sa'ken.

Ano ba yan Rexiane! Nababaliw ka na talaga. Tumatawa ng mag-isa? E, kasi yang Lee na yan, e. Hindi ko tuloy narinig yung sinabi niya.

"Xiane, may nakakatawa ba?" seryosong tanong ni Trish.

"Ah wala naman. May naalala lang ako."

Pero napansin kong medyo natawa rin yung Lee na yun. So ngayon may nakakatawa ba? Inirapan ko lang din siya. Bakit kaya siya natawa? Curious lang po.

Nung matapos na ang last period namin, sabay na kaming lumabas ni Trish. Habang naglalakad kami sa hallway ay nakatagpo namin sa Ms. Tore. Ang ganda nga ng ngiti niya, e.

"Hello girls! Rexiane prepare yourself for the practice on Friday."

"Am Ms, pwede po bang iba na lang yung kunin mo? Hindi po kasi ako sanay sa mga ganyan. Baka mapahiya lang po layo sa'ken." si Trish naman ang sumagot.

"Wag po kayong mag-alala. Sabi niya pag-iisipan daw po niya." and daldal talaga nitong si Trish. Malay mo, baka magbago isip nun.

"Okay. Rexiane, ayaw ko ng tinatanggihan ako." Aba! Marami na pala kami ngayon. Mga miyembro ng Sanguniang Kababaihan na hindi pwedeng tanggihan.

"See you, girls!" tapos nun ay umalis na siya.

"Wala na ba talaga akong magagawa?"

Napansin kong ngumiti ang bruha at parang may tinitingnan. Si James pala at yung kasama niyang ewan.

"Mukhang meron."

"Ano naman yun?"

yahk06

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1661
  • Karma: +88/-10
  • I bite! ^__^
    • Sweetkiss
^^ako pers~!! hahaha~!!

Talagang bangayan sila ni Lee ah? :D hahaha

nice update~!!

awee~!! ano kaya ang pwede pa niyang gawin? ??? *thinking mode*
Tumblr | DeviantArt | Twitter | Sweetkiss

I realized, it was only just a drea

goldz_ravex

  • taffy
  • ***
  • Posts: 302
  • Karma: +11/-2
  • what will come, will come.
^^ako pers~!! hahaha~!!

Talagang bangayan sila ni Lee ah? :D hahaha

nice update~!!

awee~!! ano kaya ang pwede pa niyang gawin? ??? *thinking mode*


Hello khay!! Thanks sa pagbabasa! Ang pwedeng niyang gawin?? Abangan mo na lang sa susunod na update! heheh!!

Quote
hi...kwatro here...:D

ang cute ng stowiee mo po...;D ;D ;D

me here to support-support...:D :D :D

Hello kwatro!! Thanks sa pagsupport! Hope i-continue mo pa. I'm goldie nga pala.

yahk06

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1661
  • Karma: +88/-10
  • I bite! ^__^
    • Sweetkiss
^^No prob sis~! My pleasure~! Toinks~! Englisk yun ah? Di ka ba na-nosebleed, khay? ... hmppp~!! :D

wahihi... aking aabangan yan~! ;)
Tumblr | DeviantArt | Twitter | Sweetkiss

I realized, it was only just a drea

.kwatro.04

  • jellybean
  • **
  • Posts: 136
  • Karma: +28/-2
  • 1.2.3.4.
hi goldie...:)

wait, kailangan ko pa po ba mag-ate???  ::)

welcome po pala... ;D ;D ;D

bakit kaya tumawa si Lee??? curious lang din po...  :D ;D ::) 8)
♥ kwatro || note so self: stop expecting

angelgonebad01

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 12
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
cool love it

goldz_ravex

  • taffy
  • ***
  • Posts: 302
  • Karma: +11/-2
  • what will come, will come.
Chapter 4

Ewan ko lang ha, pero parang hindi magiging maganda ang ipapagawa sa'ken ng babaeng ito.

"Simple lang! Sa loob ng isang araw ay kailangang kaibiganin mo si Lee. Hindi mo siya aawayin at kailangang makita kong nag-uusap kayo. At dapat rin maging mabait sa'yo si Lee. O ano? deal?" Anong kalokohan na naman to?

"At paano nasali sa usapan natin yung Lee na yun?"

"At least di ba? Kung hindi man kita mapapayag sa pagkakanta, matutulungan naman kitang makasundo si Lee. Parehong maganda ang hangarin ko. Naway pagpalain ako ng Diyos!" at dinamay pa ang Diyos sa kalokohan niya. "Ano deal?"

"Pag-iisipan ko pa."

"Palagi ka na lang nag-iisip,e." siyempre tao ako, e. Sabi nga nung isang scientist 'Corgito ergo sum" which means 'I think therefore I am' or 'I think therefore I exist'.

"Corgito ergo sum." nagtaka naman siya sa sinabi ko.

"Ano? TAo po! Andito pa po ba si Trsih? O baka nasa outer space na." akala ko pa naman alam niya yung line na yun.

"Andito pa po ako. Sige na nga deal. Sa loob ng isang araw lang ha." tumango naman siya. "E pano kung ako yung awayin niya?"

Hindi malabo yun. Sa ugali nun, tiyak hindi kami magtatagal ng isang oras.

"Dahil ikaw ang involve sa deal natin, ikaw ang mananagot. Kaya kung ako sa'yo, pagpapasensiyahan ko na lang siya. Mabait naman yun. Siguro hindi lang maganda ang pagkakakilala niyo."

"Wala akong maipapangako sa'yo. Pero gagawin ko ang lahat."

"Wala namang mawawala sa'ken kung saka-sakali." ngumiti pa ang bruha.

May bigla namang tumawag sa'ken. Si kuya pala. Nakalimutan ko sabi niya susunduin niya pala ako.

"Rex, tayo na!" Hay! Walang galang talaga. Kita niyang kasama ko pa si Trish. Hindi man lang bumati.

"Kuya kung saan man tayo pupunta, isama na natin si Trish."

Nagdadalawang isip pa ata siya. Tapos nun tumingin siya kay Trish. Parang ang lalim ng iniisip niya. At nagbuntong hininga siya.

"Sige na nga. Pero Trish, wag kang manggugulo ha?" sira talaga tong si Kuya. Pati ba naman kaibigan ko, idadamay niya sa kalokohan niya.

"Hay naku Nathan! Bakit naman ako manggugulo aber? Baka saan-saan mo lang kami dadalhin niyan. Kalokohan mo na naman to. Hindi ka na nahiya sa'ken."

"At bakit naman ako mahihiya sa'yo?"

"Aba! Kaibigan ata ako ng kapatid mo. Dapat tratuhin mo ako ng maganda."

"Trish, kahit nga ako na kapatid niya, hindi nga niya tinatrato ng maayos." sinimangutan lang niya si Kuya.

Dinala kani ni Kuya sa isang park. Ang ganda nga dun, e. Maraming mga puno sa paligid,  mga bulaklak na ibat-ibang kulay at may mga damuhan sa buong kapaligiran. Alam ko ang lugar na to.

"Alam niyo, kaya ko kayo dinala rito dahil..." binitin pa talaga niya.  Biglang may humaplos na malamig na hangin. Ang presko talaga rito.

"Dahil gusto mo kaming mag-enjoy! Kahit ganyan ka Nathan, medyo sweet ka rin pala." tumingin si Trish dun sa may swing tapos lumapit saka naupo. Sumunod rin ako sa kanya.

"Hindi ko naman kayo dinala rito para mag-enjoy!" tumingin-tingin siya sa paligid.

"E di kung ganun, bakit mo kami dinala rito?" sabi ko ng mapansin kong may hinahanap siya.

"Ano, e, ano-"

"Sabihin mo na kasi!"

"Fine! Dinala ko kayo rito dahil sa isang babae." tapos tumingin na naman siya sa paligid. "Eh, ang lakas ng tama nung babaeng yun sa'ken. Ayaw akong tantanan. Kaya naisip ko-" pinutol naman agad siya ni Trish.

"Kaya naisip mong magpanggap si Xiane na girlfriend mo?" Ang galing naman ni Trish. Nahulaan niya yun? Yun rin naman ang naisip ko.

"Parang ganun na nga!" tapos ngumiti siya ng nakakabuwisit. Gagamitin pa ako. Anong akala niya sa'ken, artista para magpanggap?

"Kuya nababaliw ka na ba? Bakit naman ako magpapanggap? Artista ba ko? Kumuha ka na lang sana ng award winning actress."

"Kaya nga ikaw dahil marami kang alam tungkol sa'ken. Kapag tinanong ka niya ng kung ano, masasagot mo."

"Nathan, hindi maganda yang ideya mo." sabat ni Trish.

"Hindi ko kailangan ng opinyon mo." tapos binalingan niya ko. "Pumayag ka na. Promise gagawin ko ang lahat ng gusto mong ipagawa sa'ken bukas."

Nag-isip naman ako. May makukuha rin naman pala ako dito. Bakit hindi ko kaya subukan?

"Sige na nga. Pero kung ayaw niyang maniwala, hindi ko na problema yun." ngumiti na siya. Si Trish naman hindi sang-ayon sa naging pasya ko.

"Kaya mas lalong naloloko yang kapatid mo, e dahil nakikisakay ka sa mga kalokohan niya."

"Wag ka na lang kasing kumontra." sabat naman ni Kuya. "May dalang camera ang babaeng yun. Palagi niya akong kinukunan ng litrato. Nakakapikon na nga, e. Inaabuso niya ang kagwapuhan ko." binatukan ko nga. Ang yabang talaga.

Naghintay pa kami sandali. Kinukuwento niya ang mga kalokohang pinaggagawa niya sa eskwelahan nila.

"O, ayan na pala siya. Rex, halika dali!" lumapit naman ako sa kanya. Sumunod rin si Trish.

Maganda naman yung babae. Maputi, makinis at matangkad. Bakit ngayon hinihindian niya? Hindi ko talaga siya maintindihan. Palapit nang palapit ang babae sa amin. May dala nga siyang camera at todo ngiti pa.

"Hi Nathan! Nice to see you here!" tapos tumingin siya sa'ken, then kay Trish at sa'ken uli. "You must be Rexiane, his sister." nagulat si Kuya at tumingin sa'ken. Binigyan ko siya ng hindi-ko-alam na tingin.

"How did you know she's my sister?"

"Well, magkamukha kayo." sabi ko nga,e. Magkamukhang-magkamukha talaga kami. Ugali nga lang ang hindi. "Pwede ko ba kayong kunan ng picture?" ipinosisyon niya ang camera then click. Hindi pa nga kami umoo.

"Siyanga pala Karen, girlfriend ko si Trish."

Nagulat ako dun. Si Trish naman nanlaki yung mata. Nakuha niya ang tingin ni Kuya kaya umayos siya.

"Ah, ganun ba? Well, nice to meet you Trish." nawala ang ngiti sa mukha nung Karen na yun. "Sige, mauna na ko." tapos nun ay mabibigat ang paang lumayo siya sa amin.

"Anong ibig sabihin nito, Nathaniel Sanchez?!?"

"Ah, Trish pasensiya na. Yun lang kasi ang alam kong paraan para hindi na niya ako guluhin. E, akala ko maniniwala siya kung sabihin ko mang girlfriend ko si Rex. Alam naman na niyang magkapatid kami."

"Kuya naman kasi. Bakit ba ayaw mo sa babaeng yun? Maganda naman siya, makinis at saka matangkad. Di ba yun yung type mo?"

"Kaya lang hindi ko siya type at saka may gusto na akong iba."

Umalis na si Trish. Naiwan naman kami ni Kuya na nagkatitigan. Hindo ko talaga maintindihan tong si Kuya. Umlis na rin kami dun.

Pagdating namin sa bahay, tahimik lang siya. Halata talagang bad mood siya. Siguro nagi-guilty sa ginawa niya kay Trish. Hanggang sa maghapunan kami ay bad mood pa rin siya. Kahit nga inaasar ko ay hindi lang niya pinapansin. Nakakapanibago ha.

Nagpalit na ako ng pantulog nang marinig kong tumunog yung CP ko. May message galing kay Trish.

Sender: tRiSh >ei, sbhn mo s KUYa mo n my kplit ung pgppnggp q. kta nlng kmi.

Nagreply naman ako kay Trish. Sinabi ko na sasabihin ko kay Kuya at humingi na rin ako ng pasensiya sa ginawa ni Kuya. Eto nga ang nireply niya sa'ken > ok lng un. bsta ikaw!. Bait talaga nitong kaibigan ko.

Pinuntahan ko naman si Kuya sa kwarto niya para sabihin yung ipinapasabi ni Trish. Isang katok ko nga lang pinapasok na niya ako samantalang noon, sinisigawan ko pa siya para lang buksan niya. Nakaupo siya sa kama niya pagpasok ko.

"Siyanga pala Kuya pinapasabi ni Trish na-" hindi ko na natapos dahil bigla siyang tumayo at lumapit sa'ken. Aba! Parang nagiging alerto to ah!

"Na ano?" excited pa ata. Biruin ko nga! hahah!

"Pinapasabi niya na kailanman ay wag ka nang magpapakita sa kanya dahil baka kalbuhin ka lang niya pati yung Karen na yun. At-"

Tinakpan niya yung bibig ko. Parang galit nga siya, e.

"Kuya, tingnan mo yung sarili mo sa salamin. Para kang monster. You look horrible." humiga naman ako sa kama niya at ipinikit ko yung mga mata ko. Inaantok ako sa kwartong ito.

"Kung nandito ka lang para matulog, get out and go to your own room." hindi naman siya galit. Siguro natauhan lang siya kaya ayun pilit akong pinatatayo.

"Kuya naman, e." tumayo ako at pinagdekitahan ko naman yung mga cd niya. "Ang boring naman ng kwarto mo." tiningnan ko naman siya. "Sabi niya magkita na lang daw kayo at sasabihin niya sayo ng personal ang magiging kapalit ng kabaliwang ginawa mo kanina."

"Akala ko ba ayaw na niya akong makita?"

"Sinabi ko lang yun. Naniwala ka naman agad. Hindi naman ganun kasama yung kaibigan ko."

"Ah ganun!" Patakbo siyang lumapit sa'ken. Pero hindi ata ako magpapahuli sa kanya kaya tumakbo rin ako. Kaya ayun para kaming mga bata na naghahabulan sa loob ng bahay. Napagalitan pa nga kami ni Mama.

Andito na ako sa loob ng kwarto ko. Rinig na rinig ko nga ang malakas na tugtog mula sa kwarto ni Kuya. Heto na naman kami.

"Kuya, hindi lang ikaw ang tao sa bahay na 'to. Hinaan mo naman yung music mo!"

"Ano?!? Hindi kita maintindihan!"

Wake me up inside
Wake me up inside
Call my name
And save me from the dark


Hindi na lang ako nagsalita uli at siguradong hindi na naman niya maririnig. Narinig kong hininaan na niya yung music at boses ni Mama naman ang narinig ko. Hahaha! Pinagalitan din.







« Last Edit: March 11, 2010, 10:12:23 pm by goldz_ravex »

goldz_ravex

  • taffy
  • ***
  • Posts: 302
  • Karma: +11/-2
  • what will come, will come.
cool love it

Hello sa'yo! Thanks sa pagcomment! I'm Goldie nga pala.

goldz_ravex

  • taffy
  • ***
  • Posts: 302
  • Karma: +11/-2
  • what will come, will come.
Re: "Everything happens for a reason" (pakisagot lang po ng Poll)
« Reply #25 on: March 11, 2010, 10:17:13 pm »
Attention mga READERS. I'll appreciate it if you answer the POLL question every time you visit my story. You can vote only once. And please do leave your comment, whatever it is, after reading.

Yours truly,
Goldie

yahk06

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1661
  • Karma: +88/-10
  • I bite! ^__^
    • Sweetkiss
Re: "Everything happens for a reason" (pakisagot lang po ng Poll)
« Reply #26 on: March 11, 2010, 11:19:50 pm »
^^ahaha~!! Ang kulit ni Nathaniel~! wahaha~!!

Sino kaya ang iba niyang gusto?? haha

si Trish pa ang pinagpanggap niyang gf. nyahah~!

anculeett,,,

nice update sis~! ;)
Tumblr | DeviantArt | Twitter | Sweetkiss

I realized, it was only just a drea

goldz_ravex

  • taffy
  • ***
  • Posts: 302
  • Karma: +11/-2
  • what will come, will come.
Re: "Everything happens for a reason" (pakisagot lang po ng Poll)
« Reply #27 on: March 12, 2010, 06:34:00 pm »
^^ahaha~!! Ang kulit ni Nathaniel~! wahaha~!!

Sino kaya ang iba niyang gusto?? haha

si Trish pa ang pinagpanggap niyang gf. nyahah~!

anculeett,,,

nice update sis~! ;)


Hai khay!! Buti napadaan ka sa story ko.!! BTW my story ka rin pala? babasahin ko story mo!! Thanks sa pagcomment!

yahk06

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1661
  • Karma: +88/-10
  • I bite! ^__^
    • Sweetkiss
Re: "Everything happens for a reason" (pakisagot lang po ng Poll)
« Reply #28 on: March 12, 2010, 07:13:59 pm »
Hai khay!! Buti napadaan ka sa story ko.!! BTW my story ka rin pala? babasahin ko story mo!! Thanks sa pagcomment!

^^Basta may time ako, talagang nagbabasa ako ng update~! ;) Kahit gano kahaba na. Ehehe~! ;)

Nakuu, salamat ng marami sis~! awee~! *HUGSS*
In need of readers ako eh. Hehehe~! Salamat talaga. Mwahugsz~!
Tumblr | DeviantArt | Twitter | Sweetkiss

I realized, it was only just a drea

goldz_ravex

  • taffy
  • ***
  • Posts: 302
  • Karma: +11/-2
  • what will come, will come.
Re: "Everything happens for a reason" (pakisagot lang po ng Poll)
« Reply #29 on: March 12, 2010, 10:39:12 pm »
^^Basta may time ako, talagang nagbabasa ako ng update~! ;) Kahit gano kahaba na. Ehehe~! ;)

Nakuu, salamat ng marami sis~! awee~! *HUGSS*
In need of readers ako eh. Hehehe~! Salamat talaga. Mwahugsz~!


Ang ganda nga ng story mo eh!! yung MY CUPID? its really nice!! Ang gwapo cguro ni Cupid noh? hehehe

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website