Teentalk

Poll

Sino sa tingin niyo si Alexander Zauldy?

alagang aso ni Xiane
0 (0%)
long lost bestfriend ni Xiane
0 (0%)
boyfriend ni Trish
0 (0%)
bestfriend ni Lee
0 (0%)

Total Members Voted: 0

Voting closed: March 13, 2010, 10:15:42 pm

Author Topic: "Everything happens for a reason" (PLEASE SUPPORT!!)  (Read 6481 times)

goldz_ravex

  • taffy
  • ***
  • Posts: 302
  • Karma: +11/-2
  • what will come, will come.
"Everything happens for a reason" (PLEASE SUPPORT!!)
« on: March 06, 2010, 10:21:32 pm »
Hello po. This is Goldie. I hope you'll appreciate my first story ever. Just leave your comments. Anything will be appreciated. Comment rin naman yun. Hope you'll enjoy.


"Everything happens for a reason"
There's no such thing as coincidence.


"Hindi ko naman alam na mangyayari sa'ken to. Hindi ko rin ito inexpect. I didn't even dreamed to experience this. Pero may magagawa ba ako kung tadhana na ang gumawa ng paraan para mangyari ito sa buhay ko."

"Waiting for the right time may not always be the smartest thing to do. Because sometimes' the wrong moment could be the perfect one after all."

"Pretending to be friends with the one you love is like breathing under water. You can't hold it too long because if you do, you won't make it out alive."

"The heart has reasons which the reason cannot understand."     - Blaise Pascal

Characters:
Rexiane Sanchez
Zhard Leebrian Feron
Alexander Zauldy
Trisha Kim Levon
Nathaniel Sanchez
James Medina


First story ko po 'to. Sana po suportahan niyo.
« Last Edit: March 01, 2012, 08:52:20 pm by goldz_ravex »

yahk06

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1661
  • Karma: +88/-10
  • I bite! ^__^
    • Sweetkiss
^^First ako~!!

awee~!! Hi Goldie, ako si Khay~!

I'll support this~! ;)
Tumblr | DeviantArt | Twitter | Sweetkiss

I realized, it was only just a drea

palmahall.up

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1879
  • Karma: +117/-13
  • spanish, chinese, filipino blood in me <3
hello
i'm going to support this one

btw
i'm corrs ;)

goldz_ravex

  • taffy
  • ***
  • Posts: 302
  • Karma: +11/-2
  • what will come, will come.
Hello sa inyo!! Baka mamaya o bukas ko na maipost yung Intro. Pero salamat na rin at susuportahan niyo. Khay and Corrs right?

palmahall.up

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1879
  • Karma: +117/-13
  • spanish, chinese, filipino blood in me <3
tama..

cge abangan ko un ;)

yahk06

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1661
  • Karma: +88/-10
  • I bite! ^__^
    • Sweetkiss
^^Yup, it's Khay~! hehe

hookiee... aking aabangan yan~! ;)
Tumblr | DeviantArt | Twitter | Sweetkiss

I realized, it was only just a drea

goldz_ravex

  • taffy
  • ***
  • Posts: 302
  • Karma: +11/-2
  • what will come, will come.
Heto na po.

Introduction

Ahh!! Anong oras na? 7:00 yung klase ko. Patay late na ako. Pagtingin ko sa alarm clock ko...6:15?? Lagot na to!. Bangon agad sa kama, ligo, bihis, kain. Tapos takbo na sa pinto. May nakalimutan pa, bag at baon ko. Balik!

"Ma, alis na po ako.." sabay hingi ng baon. Kauubos lang ng allowance ko. Lunes naman ngayon.

"O, eto. Medyo malaki-laki yan. Magtipid ka naman. Ang dami mong gastos. Wala pang dalawang linggo ubos na naman yung allow-" hay heto na naman tayo. Sa tuwing hihingi na lang ako ang daming sinasabi.

"Sige Ma, alis na po ako. Late na, e." hindi ko na pinatapos. Marami pa yung sasabihin. Siguro aabuting ng dalawang oras. Hindi naman. Ganun lang talaga yun. Exagerated lang ako.

Paglabas ko ng bahay wala pang tatlong minuto ay nakaskay na ko. Late na talaga!! Pangatlong late ko na to kung saka-sakali. Magkakareferral na naman ako. Ang sama talaga. Mabuti na lang at medyo mabilis-bilis magpatakbo ang jeep na nasakyan ko. Makatingin nga sa wrist watch ko...6:50? Medyo makakaabot pa. Sige lang!

Pagdating ko sa skul, medyo kaunti na lang ang mga tao sa hallway. Malapit nang magbell. May kalayuan pa naman ang room ko. Tumakbo lang ako. Sa kakatakbo ko ay may nabangga ako. Pero hindi naman siya natumba kaya hindi ko nalang pinansin. Pasensiya na lang sa kanya. Sama ko noh??

Mga 5-meter away from the door na ako nung narinig kong nagring yung bell. Late ba ako? Siyempre hindi. Nakaupo na ako ng pumasok yung teacher namin.

"Okay, good morning class." tapos nun nagsimula na ang klase namin. Nakinig naman ako. Hindi naman boring dahil may mga illustrations sa harapan. Hindi ko namalayan, lunch break na pala.

"Xiane, sabay na tayong kumain"

Oh. I'm Xiane nga pala. Rexiane Sanchez, 15 yrs. old at nag-aaral sa Adelaide High School. Yung nagyaya sa'ken? Si Trish yun. Trisha Kim Levon. My bestfriend since first year. At 3rd yr. high school na ako ngayon.

Natapos yung lunjch break na wala akong ibang ginawa kungdi makinig sa pinagsasabi ni Trish. Nung hapon na, wala rin akong ibang ginawa kungdi makinig naman sa teacher namin.

Pagkatapos ay umuwi na ako sa amin. Parang ordinaryong araw lang din. Magkaklase, magbebreak, tapos klase uli. Yun lang naman ang nangyayari araw-araw sa buhay ko. Boring noh? Buti na lang at may kaibigan kang madaldal. Yun na lang siguro ang kakaiba sa mga araw na dumarating sa buhay ko.  Pero hindi ko inaasahan ang mga kasunod na pangyayari.


CHAPTER 1

Hay!! Tuesday. Mabuti na lang at maaga akong nagising ngayon at least hindi na ako magkakandarapa sa paghahanda. Naligo lang ako tapos nagbihis. Hinanda yung gamit at bumaba na para mag-almusal.

"Hay si miss sungit bumaba na rin. Akala  ko aabutin ka ng isang taon, e."

Kay aga-aga nang-aasar na naman. Ganyan kami magbatian ng "Good Morning".

"Gising ka na rin pala Mr. Playboy." lumapit na ako at sinabayan silang kumain. Inaantok pa ako. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako.

Nandito na ako sa hallway ng skul ngayon. As usual, marami na namang mga estudyanteng nagkalat. Sabagay tahimik rin naman ito pag nagsisimula na yung klase. Hindi naman ako nagmamadali kaya hindi na ako tumatakbo. Pero may nakabangga na naman ako. Siyempre hindi ako ang bumangga siya itong nagmamadali, e.

Matapos kong puluting ang mga nahulog kong gamit ay humingi na rin ako ng sorry kahit hindi ko kasalanan.

"Sorry. Hindi kasi kita napansin." parang dumilim naman yung mukha niya. GAlit?

"Sa susunod Miss, tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" Aba! Ako pa itong may kasalanan samantalang siya itong nagmamadali. Ang kapal nito. Hindi na lang ako nagsalita uli. Pinipigilan ko ang inis ko.

Pagpasok ko sa room ay nahalata naman ni Trish na mukhang hindi maganda ang gising ko.

"Bakit ganyan ang mukha mo? Kuya mo na naman noh?"

"Buti sana kung siya lang."

Pumasok na rin yung teacher namin few minutes after magring yung bell. At may bitbit siyang dalawang lalaki. Este kasama pala. Parang pamilyar yung isa.

"Good morning, class! May mga bagong kaklase kayo." bumailng naman siya dun sa dalawa. "Okay boys, introduce yourself." saka naman lumapit yung isa sa kanila.

"Good morning! I'm James Medina, 15 yrs. old from De Lana High. I hope we'll be good as friends." sa tono ng pananalita niya ay mukha naman siyang mabait.

"I'm Zhard Leebrian Feron, 15 yrs. old and from De Lana High also." yun lang ang sinabi niya. Di gaya nung kasama niya na may "we'll be good as friends" pa. Mukhang ito yung nakabannga ko kanina ah.

Nagsimula na rin yung klase namin. At kung tinatanong niyo kung saan sila umupo, well, sa likuran lang naman namin ni Trish. Yun lang kasi ang bakante. So ayun nagsimula na ang discussion pero tuloy parin yung bulungan ng mga kaklase ko.

"De Lana High? Di ba maraming gwapo dun?"

"Oo nga. At isa sila dun."

At dahil nasa harapan ko lang sila, malamang narinig nung dalawa ang bulungan nila kung bulungan nga ang maitatawag dun. Hindi ako nakatiis kaya pinagsabihan ko.

"Lizette, Ferlyn, kung magbubulungan kayo, yung medyo mahina naman. Kasi naririnig kayo ng taong pinag-uusapan niyo."

Tumingin naman sila sa likuran ko tapos ngumiti. Akala ko pa naman nahihiya sila, nagpapacute pala. Hindi rin nakatiis si Trish kaya ayun may ibinulong sa'ken.

"Hoy! Ang gagwapo nila noh?" mukhang hindi naman ata bulong yun.

"Hinaan mo naman baka marinig ka nila, nakakahiya ka. At wala akong pakialam sa mga sinasabi mo kaya tumigil ka na." tumigil nga siya.

Nagpatuloy yung klase namin hanggang sa lunch break nah.

"Trish, kain na tayo." nakatingin naman siya dun sa dalawa. "Hoy! Sabi ko kain na tayo!"

"Sabi ng kaibigan ko kain na daw tayo. Halina kayo." Aba! Siya lang ang sinabihan ko.

"Sure!" sabi pa nung James. Bruha talaga tong si Trish.

Naglakad na kami patungong cafeteria. Nauuna ako sa kanila habang si Trish naman ay nakikipag-usap dun sa dalawa.

"By the way, si Xiane nga pala, kaibigan ko." narinig kong sabi ni Trish. Pero hindi ako lumingon."Xiane, sandali."

"Bakit?" tiningnan ako ng masama.

"Sina James at Lee, bagong kaklase natin."

"Alam ko." tapos tumingin ako sa kanila. "Hello sa inyo. James right?" sabi ko kay James.

"Yeah"

"And Lee?" tiningnan niya lang ako. Hindi man lang sumagot. Oh well. Bahala nga siya sa buhay niya.

Pagdating namin sa cafeteria ay tuloy pa rin ang pakikipagkuwentuhan ni Trish dun sa dalawa. Napapansin kong friendly naman yung Lee na yun. Nakangiti pa kay Trish. Samantalang sa'ken, deadma. May gusto ata siya sa kaibigan ko o hindi niya lang talaga ako feel. Pwes, same here.

Sinasali rin naman ako nila sa usapan nila kaya medyo hindi ako nao-op. Pero hindi ko lang talaga matagalan yung Lee na yun. Ang sama ng tinging sa'ken. Nag-snob nga ako at. Nabusy-bisihan sa pagkain.

"Trish, ano bang problema ng kaibigan mo? Mukhang masungit, e." Narinig ko yun. Ako pa itong masungit. Sinagot ko nga.

"Ano namang pakialam mo? HIndi ako masungit noh. Sa mga kagaya mo lang siguro!" umalis na ako. Pero narinig ko pa ang sinabi ni Trish.

"Pagpasensiyahan niyo na yun. Kanina pa kasi wala sa mood yun." hay Trish! Bruha ka talaga.

Sa buong maghapon ay nakikinig lang ako sa discussion. May quiz raw kami sa Chem bukas. Kaya nung matapos na yung last period ay naghanda na ako para umuwi.

"Xiane wag ka munang umuwi. Samahan mo muna akong i-tour yung mga bagong kaklase natin. Nakapangako na kasi ako."

"Ikaw lang yung nangako di ba? E, di ikaw lang ang dapat maglibot sa kanila"

"Ayaw ko ngang nag-iisa dahil baka..."

"Baka ano?"

"Baka you know nah!" bumulong pa sa'ken. "Marape ako ng mga yun. At least nandiyan ka para dalawa na tayo!" binatukan ko nga.

"Wag ka nang umasa. Walang magtatangka sayo." ako naman ang binatukan niya.

"Sira! Samahan mo na lang kasi ako."

"Ayoko."

"Sige na. Para matapos na."

"Ayoko pa rin."

"Sige ka. Sasabihin ko sa kanila na kaya ayaw mong sumama dahil may..."

"May ano?"

"May period ka." nakakaloka talaga ang mga naiisip nito. "At saka kaya ka nagmamadali dahil tumatagos na."

"Trish!"

"Pano?" tiningnan ko talaga siya ng kay sama-sama.

"Fine!"

"Yes!"
« Last Edit: March 15, 2010, 10:04:22 pm by goldz_ravex »

mizzyjoy

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 2
  • Karma: +0/-1
haiE goLdZ..! nGLeVeL uP ka na aH..!  8) hnDi Lng akO anG nag LeveL uP nOh..!  :P hAhaha..  ;D daT'S a goOd sTarT..! cOntinUe wAt uR dOinG ha..! dOn't stOp..! keEp iT uP guRL...!  :D

palmahall.up

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1879
  • Karma: +117/-13
  • spanish, chinese, filipino blood in me <3
haha...

cold...cold

sayang mukhang mabait at gwapo talaga ung james...kaya lang...baka incest ehh

ahaha
medina kasi ako ;D

magaling mang-blackmail si trish ahh
maganda yan

goldz_ravex

  • taffy
  • ***
  • Posts: 302
  • Karma: +11/-2
  • what will come, will come.
haiE goLdZ..! nGLeVeL uP ka na aH..!  8) hnDi Lng akO anG nag LeveL uP nOh..!  :P hAhaha..  ;D daT'S a goOd sTarT..! cOntinUe wAt uR dOinG ha..! dOn't stOp..! keEp iT uP guRL...!  :D

Mizpah!! Thank you kaayo!! Ambot lang kung mahuman bah ni!! hala!! gabinisaya ko!! heheh!!

goldz_ravex

  • taffy
  • ***
  • Posts: 302
  • Karma: +11/-2
  • what will come, will come.
haha...

cold...cold

sayang mukhang mabait at gwapo talaga ung james...kaya lang...baka incest ehh

ahaha
medina kasi ako ;D

magaling mang-blackmail si trish ahh
maganda yan

Medina ka rin?? Mukhang meant to be talaga na mabasa mo to. Hindi kasi ako naniniwala sa conincidence. HEhehe! Thanks sa comment.

palmahall.up

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1879
  • Karma: +117/-13
  • spanish, chinese, filipino blood in me <3
yup...i'm a medina

hahaha
bakit naman nde ka naniniwala sa coincidences?

thePLAYMAKER

  • Guest
Goldie~! It's me khay (yahk06), senxa new account. May prob kasi yung dati ko. Hehehe~!

Anyway, ang kulit ah? hehe...
galing mang blackmail ni Trish~! :D

Ehem ehem... Bakit naman dedma ang beauty niya kay Lee? Haha~!

Next na sis~! :)

goldz_ravex

  • taffy
  • ***
  • Posts: 302
  • Karma: +11/-2
  • what will come, will come.
Chapter 2

So ayun nga. Naglibot-libot kami kung saan-saan. Nauuna ako sa kanilang maglakad. Tinatanong din naman ako ni Trish. Sinasagot ko rin naman siya. Hindi nga lang ako nagsasalita pag hindi ako kinakausap.
   
"Sumama ka nga, pero tahimik ka pa sa statwa!" hindi ko na lang siya pinansin.
Napikon siguro. Bahala nga siya. Siya naman itong pumilit sa'ken. "Wait!"

"Bakit?"

"Hey Girl! Look who's coming."

Napatingin naman ako sa titingnan niya. Whaat? Ano namang ginagawa niya dito?

"Kuya?!? Anong ginagawa mo dito?" lumapit siya sa amin tapos tumingin dun sa dalawang lalaking kasama namin. "Hey! Ano?"


Tumingin ulit siya sa'ken.

"E di sinusundo ka. Baka kasi kung anu-ano na namang kalokohan ang ginagawa mo!"

Parang may kahulugan yung tingin niya sa dalawang yun pati na rin yung mga sinasabi niya.

"Okay! Tayo na. At wag kang mag-alala wala akong ginagawang kalokohan. Di ko gawain yun. Gawain mo yun." hidi pa rin siya kumikilos. "Tayo na!"

"Hindi mo ba ako ipakikilala sa mga kaibigan mo?" kilala na niya si Trish. So ang tinutukoy niya e yung dalawa.

Lumapit naman ako sa kanya at bumulong.

"Hindi ko kaibigan ang mga yan."

Si Trish na ang nagpakilala.

"Nathan, sila nga pala si James at Lee. Bagong kaklase namin." tapos tumingin siya dun sa dalawa. "James, Lee si Nathan."

"Nice meeting you Nathan." si James.

"Ako rin." yung Lee na yun. Nakangiti pa.

Naiirita na ako sa kanila.

"Kuya, tara na. Gagabihin tayo niyan!" hinila ko na siya.

"Sige mga 'tol alis na kami. Umuwi ka na rin Trish. Naghihintay na ang anak mo."

Tiningnan naman siya ng masama ni Trish. Natawa ako dun, ah. Narinig ko pa ang sinabi ni Trish.

"Sira ulo ka talaga, Nathan!" tumawa naman yung dalawa.

Nung nasa jeep na kami ay kung anu-ano na namang ikinukuwento ni Kuya. Siyempre tungkol na naman dun sa mga babae sa skul niya. Hay!! Boring. Sa wakas nakarating na rin kami sa bahay.

"Hoy! Mr. Mahangin, mayabang at bolero. Bakit mo namang naisipan na sunduin ako, aber?" mukhang hindi naman siya nakikinig. "Hoy! Nakikinig ka ba?"

Hinubad naman niya yung polo niya.

"Hay naku! Ms. Masungit, mataray at reklamador. Pwede ba wag kang maingay. Kung pumunta man ako dun, wala ka nang pakialam dun." ang sarap suntukin. "Siyanga pala..."

Tapos lumapit siya sa'ken na parang nang-aasar.

"Ano?!?" alam ko na to! Pambihira.

"Sino sa dalawang yun ang boyfriend mo?" ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Alam mo..." inilapit ko yung mukha ko sa mukha niya tapos... Pak!!! I give him a headbutt.

"Aray! Humanda ka sa'ken." hahah!! Yan ang aabutin mo sa'ken.

"Pwede ba! Wala akong boyfriend noh. Wag na wag mo nang babanggitin pa uli yun." Tapos tumawa ako ng malakas. Ang sakit siguro nun.

Paakyat na ako sa taas ng batuhin niya ako ng unan. Tumakbo lang ako habang tumatawa. Sinubukan niya akong habulin pero nakapasok na ako sa kwarto ko.
Nagbihis na ako. Bumaba ako para kumain dahil mag-aaral pa ako pagkatapos nun. Si Kuya talaga! Asar! hindi nga siya nagsasalita pero kita naman sa mga ngiti niya.

"Alam mo Ma, itong si Rex, may ano na pala."

Rex ang tawag sa'ken ni Kuya dahil daig ko pa raw ang mga lalaki sa katapangan ko. Tiningnan naman siya ni Mama.

"Ano yun?"

"Wag kang maniwala diyan Ma. Kalokohan na naman niya yan."

"Na may..."

"Kuya!"

"Bakit ba? Sasabihin ko lang naman na may bagong simcard ka na." tapos tumawa siya.

Hindi na lang siya pinansin ni Mama. Alam naman na ni Mama yun. Actually one week na nga. KSP lang talaga tong si Kuya. Umakyat na uli ako at nag-aaral ng bigla na lang pumasok si Kuya. Ang bait nga at hindi man lang kumatok.

"O, ano na naman? Gusto mo pa ng isa?" parang may hinahanap siya sa kwarto ko.

"Rex, nakita mo ba yung box ko? Kulay blue yun."

"Sorry pero hindi ko nakita, e. Bakit dito mo hinahanap?"

"Ikaw lang naman kasi ang pakialamera sa bahay na to. Pero pag nakita mo ha." tapos lumabas na siya ng kwarto. Sumigaw naman ako.

"Pag nakita ko, hindi ko ibibigay sa'yo!"

Nagbalik ako sa pag-aaral. Medyo naiintindihan ko rin naman yung pinag-aaralan ko. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Zzzzz...

Hayy!! Fresh morning! Beautiful Wednesday! Sana naman magiging maayos ang araw na to. Hindi ko na lang siguro papansinin si Kuya para tahimik naman ang pag-iisip ko. Siguro, hidi sigurado.

"Rex, sama ka sa'ken mamaya."

"Saan naman tayo pupunta? Sa bahay ni Jenny, ni Kathy o ni Mika?" ako pa to ang nagsimula ng away. Lagot!

"Wag ka ngang magsimula. Basta sunduin kita mamaya."

"Bahala ka."

Nandito na ako sa hallway ng skul namin. Ang dami na namang estudyanteng naglalakad. Yung iba tumatakbo. Teka. Parang mat tumatawag sa'ken. Paglingon ko...Dug! Nahulog yung dala kong mga libro pati na rin nung sa nakabangga ko. Pinulot ko naman.

"Here. Sorry may-" Ha? Kilala ko to, e.




goldz_ravex

  • taffy
  • ***
  • Posts: 302
  • Karma: +11/-2
  • what will come, will come.
yup...i'm a medina

hahaha
bakit naman nde ka naniniwala sa coincidences?

Let's say naniniwala ako: 25% hindi: 75% Parang ganun. Naiisip ko kasi na kung lahat ay may reason it means na may patutunguhan ang buhay natin. May naghihintay sa'tin. Di nga lang natin alam sa ngayon. HEheh! Pero sa too lang hindi ko rin maintindihan.

Quote
Goldie~! It's me khay (yahk06), senxa new account. May prob kasi yung dati ko. Hehehe~!

Anyway, ang kulit ah? hehe...
galing mang blackmail ni Trish~! :D

Ehem ehem... Bakit naman dedma ang beauty niya kay Lee? Haha~!

Next na sis~! :)

Siguro dahil hindi maganda ang pagkakilala nila. Narito na rin ang update. Hope you enjoy!

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website