2 years old pa lang ako nung hindi na magkasama yung parents ko.. Pumunta ng abroad yung mom ko para magtrabaho tapos naiwan ako sa dad ko. Sabi nila sakin ngayon, may misunderstandings na sila nung umalis mom ko. Pero may communications parin naman kami nung mama ko. Nung 4 years old ako.. sabi sakin ng dad ko,
"Anak, gusto mo sumama sakin?" ang sabi ko hinde.. kasi titira kami dun sa side nya kasama yung mga pinsan ko. Pero syempre mas pinili ko yung sa mother's side ko. mas close kasi ako sa kanila. Then it came out na nakatira ako sa lola ko nung 5 years old na ako. Yung dad ko naman, nandun sa mga kapatid nya pero dinadalaw nya ako paminsan-minsan.
nung 7 years old na ako, umawi na si mama. 5 years rin syang nandun sa abroad pero close naman kami kasi lagi kaming magkausap sa phone. Still, hindi pa rin sila nagkakabalikan. Tuwing birthday ko, lagi akong nagwiwish na sana maging kumpleto na yung family ko. Pero yun nga, di sinuswerte.
Bumalik ulit sa US yung mama ko para magtrabaho ulit. 10 years old ako nun. So, naiwan ako sa mga tita ko. ayaw kasi akong iwan ng mama ko sa dad ko.
Pinag-aral ako ng mama ko sa private school na super mahal ng tuition fee. pero kahit piso, walang binigay dad ko. Ewan ko ba. Last na nagkita kami nung grade school pa ako.. bago ako mag high school.
tinetext naman nya ako kung kelan daw ako pwede para magkita kami. Pero lagi akong busy tska di pa ako handang makipagkita sa kanya. It's been 4 years. hindi ko pa sya nakikita. Pero ang mom ko, kahit nasa ibang bansa, lagi kaming nag-uusap through skype.
Masaya naman ako sa buhay ko ngayon. hindi na lang ako umaasa na makukumpleto pa talaga kasi ako mismo alam ko na ang reason kung bakit di tlga pwede. Contented naman ako kung ano ang meron ako. Nakakapag-aral ako.. masaya rin naman ako with my friends. At least, nakakalimutan ko yung mga ganung pangyayari. Sanayan lang yan