Chapter 1: Distract my speech with your scented paper
First day of first sem na naman. Hindi pa nga ako nagsasawa sa bakasyon e nandito na naman ako. Balik sa pagiging estudyante, balik na naman sa kampus.
Haay. Kanina pa ko nakatunganga. Kanina pa umiinit yung pwet ko kahihintay. Asan na ba talaga ‘yung prof namin? Dapat kasi hindi na lang ako pumasok. Ni wala nga akong kakilala sa room na ‘to. Nakakabanas.
Parang back to square 1 lagi dito sa school. Bakit ba kasi ito pa pinili ko? Kung tutuusin ang dami ko namang naipasang entrance exam.
Pero sabi naman ng kuya ko, I should consider myself lucky. Marami raw ang nagpapakamatay para lang makapasok sa school na ‘to. A, ewan. Pareho lang din naman. Pakiramdam ko nga, unti-unti kaming pinapatay dito sa sobrang dami ng exams. Buti nakakasurvive pa ko.
Teka. Tama na nga. Ayoko na munang mag-isip. Nakakaantok. Makaidlip nga muna habang wala pa ‘yung pa-importanteng prof.
**
First day of classes. First period. 8:35 am na at heto, hinahanap ko pa rin ‘yung room ko.
Naku. Sana late din yung prof or better yet sana absent na lang siya. First day pa lang naman e. Sa pagkakaalam ko, kapag 1st day automatic walang klase. Pasaway lang talaga ang ibang prof. Pinapatay ang nakagisnang tradisyon dito sa school.
Teka, asan na ba talaga ‘yung CLA 411? Nasa 4th floor na naman ako, di ba?
Okay, fine. Ang haba ng corridor na ‘to. Teka, baka nasa dulo lang? Hmmm. Let’s see.
CLA 405.
CLA 407.
CLA 409.
Finally, CLA 411!
Yes! Sa wakas, nasa harap na ko ng room ko. Grabe. In fairness, nakakapagod maghanap. Opps. Teka, bakit parang ang tahimik yata?
Creepy. Baka terror yung prof namin kaya halos lahat hindi humihinga? Haynaku. Bahala na nga. Eh sa naligaw ako e. First day pa lang naman. Better late than absent, di ba?
And with that thought in mind, she gently turned the knob and pushed the door.
**
Kanina pa ko nakatungo dito sa desk pero hindi pa rin ako makaidlip. What’s wrong with me?
Tahimik naman ‘yung buong classroom. Malakas naman yung aircon. And the most valid reason I have is-- antok ako. Antok na antok. Kung alam lang nila.
Madaling araw na yata ako natapos dun sa book na binabasa ko. Astig kasi ‘yung author. Sa sobrang cool ng kwento, nakalimutan kong may pasok pa pala ko ngayon. Teka nga muna. Ayoko nang tumungo. Nonsense na. Di naman ako makatulog e. Makaunat na nga.
**
Thank God! Wala pa pala ‘yung prof! Phew. I thought nandito na. Tinatakot ko sarili ko sa wala. Anyway, saan ba ko pwede umupo?
Opps. Wala ng vacant seats sa likod. I have no choice but to sit in the front row. Tsk. Kung minamalas ka nga naman talaga, noh?
What to do? What to do?--
“Okay class. Good morning! Sorry I’m late—,”
Arrgh, Our prof’s here! Bakit ba kasi hindi ako nagising nang maaga? Haynaku. Front row na nga kung front row. May choice pa ba ko? ‘Di bale, next meeting aagahan ko para makaupo ako sa likod. Hmmph.
**
Buti naman at dumating rin.
Akala ko talaga masasayang effort kong gumising nang maaga.
Matangkad. Makapal ang eyeglasses. Red lipstick. Hair in a tight bun. Wrinkles.
Mukhang terror. Pwede rin namang hindi.
Hmmm…Let’s see if this prof is worth the wait.
**
“Okay, class. Apology for coming late. Di ko kasi akalain na sa 4th floor yung assigned room sa akin. They only inform me bout this early this morning. Anyway, I’m Ms. Pacita Soledad Ignacio.”
“I prefer to be called Ms. Ignacio. I graduated summa cum laude in this university and also took my master’s degree here. I worked abroad for almost 7 years. Then, all of a sudden, na-miss ko yung Pilipinas kaya I decided to go back and teach.”
**
Hassle naman kapag sa front row ka nakaupo. Nakakabingi yung boses ng prof. Diretsong-diretso pa sa eardrums ko. Okay lang sana kung malumanay kaya lang ang tinis ng boses niya. Kanina pa naninigas katawan ko dito e. I can’t keep still. Ever since elementary talaga, hate ko na maupo sa harapan for obvious reasons. First, kitang-kita ng prof lahat ng galaw mo. Second, ikaw yung mauutusang magbura ng writings sa board. Third, hindi ka pwedeng makapagnakaw ng tulog. At fourth--
**
“There, I’m done. I guess it’s your turn, my dear students. Pangit naman kung ako lang magsasalita dito. Okay. Let’s start with you, young lady in black cardigan. Tell us something about yourself. C’mon. Stand up. Let’s make this first day fun.”
**
Shet. Sinasabi ko na nga ba e! Kaya ayoko sa front row. Kaya ayoko umupo dito e. Lagi na lang akong nauuna sa recitation. Hmmph. Ano pa bang magagawa ko? Naitulak na nila ako sa stage. I need to sing or else patay ako kay Ma’am.
“Hi classmates—I’m Maria Cornelia Aragon. My friends call me Nel. My brothers call me Lia. But, I like Nel better so just call me Nel.”
“I’m a 2nd year English Literature student. Umm—I love chocolates. I love sunsets. Umm—I love my bike---Ummm---,”
Here we go again. Mental blocked na ko. I have nothing more to say. Somebody save me please? Kinakapos na ko sa hininga. And it’s not helping na nakatulala lahat sila sa akin. What are they waiting for? Wala na kong masabi. As in, wala na talaga.
**
“Okay. Thank you, Ms. Aragon. You can now take your seat. Let’s move on to the next.”
**
Nice. De-kalibre pala ‘tong professor namin. Summa cum laude from this university and may master’s degree pa. I’m sure ‘di masasayang oras at tuition ko dito. And from the way she speaks, mukhang magaling siyang magturo. Stern and strict. This spells challenge for me.
Okay. Okay. Pfft. Here we go again. Asar. Iisa-isahin na naman kami for that cliché portion. Ano pa? Kundi yung dreaded “tell-me-something-about-yourself” portion na nangyayari tuwing first day. As if naman pwedeng i-summarize yung buong pagkatao ng isang tao sa isang maikling speech.
Teka, ayan nagstart na yata. Na-pinpoint niya na ‘yung girl na nasa front row. Mukhang ninenerbyos yata. Nakatingin lang sa blackboard habang nagsasalita. Looks like she doesn’t know what she’s doing. But anyway, baka ‘di lang sanay humarap sa tao. Aaa…kaya naman pala. Eng. Lit. student. Typical na yata ‘yan sa mga taga-College of Liberal Arts. Just as I’ve expected, ang bilis niyang tinapos yung intro niya. Daya. ‘Yun lang nalaman ng buong class sa kanya.
**
I survived that didn’t I? Buti na lang sinalo ako ni Ms. Ignacio.
Uggh Pero nakakahiya pa rin. Ewan ko ba kung bakit ako ganito. Madaldal naman talaga ako pero bakit nauubusan ako ng sasabihin sa harap ng maraming tao? Kasi naman bakit inuna pa nila ko? Sana yung mga makakapal na lang yung mukha. Yung mga pang-VJ material. Pero parang kakaunti lang ang mga malalakas ang loob sa classroom na ‘to. Nasa last row na pero parang ganun at ganun lang din ‘yung sinasabi nila.
Name. Course. Year. Likes. Ganun.
Geez. Parang ginaya lang nila ako.
Hmmm…Buti pa ‘tong nagsasalita ngayon medyo ganado kahit mukhang isang buwang ‘di nakatulog. Maganda sana kung nakikita ko mata niya. That’s the problem with chinitos. Nawawalan ng mata kapag nakangiti. Funny.
*BEEP-BEEP…BEEP-BEEP!!!*
Gawd. Is that my phone? Patay! Sana wala silang narinig. Wala silang narinig. Oh Lord!
**
“I’m Benedict Arguelles. Bene for short. I’m 18 years old. 2nd year BS Chemistry student. Pangalawa sa limang magkakapatid. We’re all boys ngapala. My dad’s a surgeon—a heart surgeon that is. And my mom’s a lawyer. My brother already graduated last March and we live in--,”
*BEEP-BEEP…BEEP-BEEP!!!*
Nagkatinginan ang mga magkakaklase. But they somehow learned where the sound came from. Lahat sila natuon ang titig kay Nel—the young lady in black cardigan.
“Ms. Aragon, give me your phone please. Sorry but I have to confiscate it. Next time, try to read your student’s handbook. ‘Di mo yun binayaran para itambak sa table mo. Okay. Mr. Arguelles, continue your speech.”
**
“Thank you, ma’am… but that’s all. Wala na po akong idaragdag.”
“That’s good then. Ngayon, I’ll assign your seats. Ayoko ng pakalat-kalat lang kayo. I want to be systematic. And para madali na rin kumuha ng attendance. So stand up. Tumayo muna kayo dito sa harapan and wait for your names to be called.”
**
This is sooo high school. Bakit ba ang malas-malas ko ngayong umaga? Uggh. Naligaw ako. Na-late ako. Na-confiscate phone ko. Then now what? I’ll be forever stuck in this seat. Kung pwede lang magpalit ng apelyido e.
This class is impossible! And this prof—ridiculous! First sem. First day. First period—FAIL! You’re hopeless, Maria Cornelia.
Hopeless!
**
“Okay class. When you hear your name, directly go to your assigned seat. FIRST ROW. LEFT SIDE. Ms. Aragon. Mr. Arguelles. Mr. Bautista. Mr. Buencamino.”
“Go ahead. Dalian niyo. Parang ‘di kayo nag-almusal niyan a.”
“Okay. FIRST ROW. RIGHT SIDE. Mr. Bustamante. Mr. Calvento. Mr. Custodio-Ms. Del Fuente,”-
**
As expected. Mula nang tumuntong ako sa paaralan, lagi na lang akong nilalagay sa unahan. Well, pwera na lang kung di strict sa seating arrangement yung teacher. I got used to it somehow. Actually, I enjoyed it. Less distractions. Board, chalk dust at teacher’s table lang kaharap ko.
Teka, katabi ko pala si Ms. Eng. Lit. Mukhang suplada. ‘Di man lang ako tinitignan. Pinoproblema niya siguro yung confiscated phone niya. Kasalanan niya rin naman kasi. Di siguro alam ‘yung silent mode. Dahil sa kanya, na-cut short tuloy yung mini-speech ko.
**
Ang tagal naman mag-dismissal. Gusto ko nang lumabas sa room na ‘to. Napaka-tempting ng lugar ko. Katabi ng pinto. Hmmph.
Oh God! I forgot! Nagpapasama pala sa akin si Kuya Chester ngayon sa mall. Saan ako magpapasundo? Arrgh. Bahala na nga.
Hmmm. Teka, I have this feeling na kanina pa may tumitingin sa akin.
Nel glanced sideway and caught Bene staring at her.
Bull’s eye! Meron nga. Si Mr. Walang Mata lang pala. Teka. Baka galit sa akin ‘to dahil na-interrupt ko siya kanina. Naghihintay siguro ng apology. Tama nga naman. Ako ang may mali. I really owe him an apology.
“Sorry…”
“What?” Nakakagulat naman ‘tong si Ms. Eng. Lit. Bigla-bigla na lang nagsasalita.
“I said I’m sorry…” okay fine. Nagbibingi-bingihan pa ‘tong singkit na ‘to. Alam ko namang narinig niya ‘yun loud and clear. Nang-aasar ba ‘to or what?
“A..okay. I get it. You’re saying sorry for what happened during my speech. Okay lang ‘yun. Sorry din pala. Di kita agad na-gets. Inaantok pa kasi ko,” then, he let out a big yawn.
Parang baby naman ‘tong si singkit kung makahikab. I thought he’s mahangin but then again, first impressions aren’t always true. Too much of being judgmental.
“Akala ko you’re playing deaf. Thanks ha. Oo ngapala, I’m Nel,” I offered my hand to him kahit parang mukha siyang zombie na nakangiti.
Biglang nawala antok ko sa ginawa niya. So without even thinking, I took hold of her hand and I let go of it slowly. Ang weird lang. Kanina ang taray niya kung makatingin ngayon ang bait-bait niya na sa akin. Is this girl up to something?
“Yeah, I remember. Ikaw si Cornelia, ‘di ba? Benedict ngapala. You can call me Bene,”
So Mr. Singkit’s name is Bene.
“Okay class, pwede na kayong umalis. Ms. Aragon, follow me.”
Naku. Salamat. Kala ko naman bukas ko pa makukuha phone ko. I love you, Ma’aam! Hihihi!
“Okay Bene. See you next meeting ha. Baka ibibigay na sa akin ni ma’am ‘yung phone ko. Bye!”
At dali-daling tumayo sa armchair niya si Nel. Nagmamadali at excited na bumuntot kay Ms. Ignacio.
“See you…” and good luck din sa pakikipag-usap mo kay Ma’am. Nakakaantok talaga. 10 o’clock pa lang. Mamayang 1 pm pa ulit class ko. Katamad.
He was about to stand up and leave when he noticed something from Nel’s seat.
First day of class pa lang nag-iiwan na ng kalat yung Eng Lit na yun. Simpleng papel na lang ‘di pa matapon. Haay. Ibang klase talaga. Ako na nga lang magtatapon nito. Teka, parang di naman kalat. Scented paper pa yata ‘to. Hmmm…Mabuksan nga.
A love letter? Uso pa pala ‘to? Then, a coy smile formed on his lips. Hindi makapaniwala sa hawak-hawak.
**
End of Chapter 1