CHAPTER 1
___________________________________________________"There are 6 living subspecies of tigers today: The Bengal Tiger, Indo-Chinese Tiger, South China Tiger, Sumatran Tiger and...
The Siberian Tiger"Bigla akong nagising dun sa huling sinabi ng teacher namin."Well, well well. Magigising rin pala si Ms. Benavente! Would you care to explain the last breed I mentioned?"Hmm...Akala siguro ni Mrs. Soriano na wala akong alam dito ah.."The Siberian Tiger has the scientific name of Panthera tigris altaica, and is also called as Amur. It once ranged throughout Western and Central Asia and Eastern Russia, but it is now completely confined to the Amur-ussuri region of Primorsky Krai and Khabarovsk Krai in far eastern Siberia for protection."Wala namang nasabi si Mrs. Soriano at nag senyas nalang siya na umupo ako. Haha..RIIINNGG!!!Bell na pala. Lumabas na ako ng classroom at naglakad papuntang locker ko. Grabe talaga.. ang ironic. 
Siberian Tiger. Gusto niyo malaman bakit? Kasi--"Psst. Pare, Reresbakan raw natin mamaya yung kabilang gang--"I glared at that guy. Natahimik naman sya at naglakad nalang papalayo kasama yung ka usap nya.
Di naman sa may mali sa kanya, may mali lang talaga sa sinabi niya. Connected rin yun dun sa sinabi ko kanina..I'm a gang hater.To the highest level. Syempre dapat may rason yun,d i ko lang naman trip yun eh.
1. They killed two of my
FAMILY members. Mga kapatid ko pa! Ang mas masaklap. I witnessed it
firsthand2. I nearly
died because of them. Hinostage na nila ako once, at muntik na akong mamatay dahil
SINAKSAK nila ako.
3. Nawalan ako ng bestfriends dahil na-black mail sila para sumali sa gang, pero ngayon
NAGUSTUHAN na nila yung
pag-stay nila dun.
Madami pang dahilan kung bakit ayaw ko sa gang, pero di ko lang talaga ma-express sa salita. Kilala ako sa lahat (halos lahat siguro) ng gang, as "Siberia" (Siberian Tiger. Ngayon alam nyo na bakit ang ironic).
Nickname ko na yun dati pa, dahil kinatatakutan ako ng mga gang dito samin.
Wonder what I do?
Hmm...Ang maganda sigurong analogy eto: They're the vampires; I'm a vampire hunter.
Uy, analogy lang yan ah. Di talaga ibig sabihin na I "hunt" them. Basta nakikipaglaban lang ako sa kanila pag nang-aapi sila ng inosente, at pag talagang kinakalaban nila ako.
Ano pa ba meron sakin?
Ah! Name nga pala--
"Hi Cyra!"Nag wave nalang ako dun sa babaeng yun,di ko kasi kilala.."Hi Janine!"Wave nalang ulit, di ko rin kilala eh."Excuse me, Ms. Benavente"Alam niyo na siguro full name ko?_________________________________________"Woo! Ang galing mo talaga boss! Wala ka talagang kupas, kaya lagi tayong panalo!!!"
"Tumahimik nga muna kayo. May sasabihin ako...
...Hindi na ako ang magiging GANG LEADER nyo"
"Ano?!! Eh boss, sino pala??""Ako"Biglang napatingin sakin yung isa sa kanila na parang walang tiwala tapos yung iba naman in-oobserbahan lang ako.
Sus, kala nitong mga toh na wala akong binatbat sa ex-leader nila? Tss...
"Hoy mga walang kokote! Di niyo ba nakikilala yan?! Sya yung top Most Wanted Gang Leader sa buong Pinas!"Natulala silang lahat."...I-Ikaw si...
King?!""Jared King Alvarez, also known as "King". Nice to meet you"Wala akong sinaksak na 'friendly tone' dun. I said it coldly.
At muhkang tulala parin silang lahat maliban nalang dun sa ex-leader nila.
"...
..."BEEP. BEEP. BEEP.Putek. Si Ma."Well then, next time nalang ulit tayo magkita. May kailangan pa akong gawin, Sige."Tumango nalang sakin si Xyrus (yung ex-leader nila) pagkalabas ko.
Binuksan ko yung pintuan ng kotse ko tapos umuwi na. Ay mali. Binisita pala sina Ma, kasi di na ako tumitira sa kanila, meron na akong sariling condo unit pero lagi akong pinipilit nila Dad na bumisita sa kanila kaya ayan, napa-alis ako ng di oras.
Pagkadating ko dun sa bahay nila Dad, naabutan ko ang anpaka-excited na muhka ni Ma. ...Parang di ko ata magugustuhan ang mga susunod na mangyayari.."Anak! Buti naman at nakadating ka!""Ma, importante po ba tong sasabihin niyo sakin? Kasi medyo busy ako ngayon at..."Hmm...Sa totoo lang di na ako busy ngayon eh. Masama lang talaga ang kutob ko sa kung bakit ako pinapunta dito nina Ma at Dad.
"Anak, wag ka sanang magagalit. Pero masyado lang kasing na-excite tong mommy mo at--""Oo nga nak! Kasi naman, magkaka-reunion ang school namin dati ng daddy mo sa Saturday at gusto ka naming i-sama"Sabi ko na nga ba eh."Pero diba yung dati niyong school yung school ko ngayon??""Exactly. Which gives you no reason not to come!!!". . .
. . .__________________________________________________________________Pagka-uwi ko nung araw na yun, di naman ako masyadong pagod. Syempre, kakastart palang kasi ng (junior) school year kaya walang masyadong madaming activities."Anak...pwede ba kitang maka-usap?"Uh-oh...Parang di ko ata gusto yung tono ng boses ni mother dearest ah.
"Ma naman, wag niyo ako takutin!""
Di kita tinatakot anak. Kakatawag lang kasi sakin ng school namin ng daddy mo dati at may reunion raw sa Saturday. Eh gusto sana kita isama"Hmm...reunion? Ibig sabihin wala akong ka-idad dun?
Tsk...boring naman."Fine..""Tsaka anak...Napag isip isipan ko...
Gusto na kitang mag-aral dun"_________________________________________END OF CHAPTER 1