Eight. Kahit Kailan
(The Narrator’s Eye)
Kung ikaw ay mawala sa piling ko di na alam kung kakayanin pa kayang umibig pang muli. Kahit na ano pang mangyayari, di maaring ipagpalit. Sasamahan pa kita hanggang sa huli.....
Nag tatanong ang isip. Di raw maintindihan. Kung anong nararamdaman. Dapat mong malaman sa puso ko’y ikaw lamang ang nag-iisang pangangamba.. dapat bang isiping walang hanggan asahan mo na... kahit kelan... di kita aah iiwan kahit kailan... di kita pababayaan. Kahit kailan kahit kailan...
Bulong ng iyong damdamin pag ibig na walang hanggan. Ang siyang nais mong makamtan. Ngayon ay narito ako. Handang umbig sa iyo.... oohh... ng walang..... katapusan.... pangangamba. Dapat bang isiping walang hanggan... asahan mo na.
Kahit kailan. Di kita aaahh iiwan.. kahit kailan. Di kita pababayaan.. kahit kailan... kahit kailan...
EKSENA:Lingo ng gabi, nasa kwarto ni Joey sina Claire, Brix, Paul at Ben.
Joey naglalaro ng PSP. Paul tumutugtog ng guitara habang nakikinig sa iPOD niya.
Brix, Ben at Claire... nanunuod ng Pinoy Big Brother Double Up Eviction Night.
Humihigop ng mainit na sabaw sa napakalamig na gabi si Ben habang nag-lalaro ng DOTA gamit ang Laptop ni Joey.
Samantalang nakikipag-talastasan naman sina Ben at Claire sa pag-hula ng commercial, matapos sabihin ni Toni Gonzaga ang “Sa pagbabalik ng Pinoy Big Brother Double Up Eviction Night!”
“Patay ka sa’ken ngayon.... IMBA! You’re dead meat! OH GAD!!! I SMELL KARNE... EH? EH? NAKARNE KO NGA ANG KALABAN! HAHAHAHAHAHAHAHAHA!! TAKE THAT YAYA!!!!” nag-iingay nanaman si Ben as usual habang pasimpleng pinapanuod si Claire at Brix.
Samantala....
“Tide!!!!” sigaw naman ni Brix. Matapos siyang hampasin ng pag-kalakas lakas ni Claire.
“Awwwwwwwwwwwww!!!!! Ang daya naman, e. Di pa nga game, e. T_T” sagot ni Claire.
“Ikaw pa ang nag-awww.. ako na nga hinampas mo....” sabi ni Brix.
“E, ba’t ba? Inis ka, e. Inunahan mo nanaman ako...” sabi ni Claire.
“E, bakit naman hindi? E, kala ko ba paunahan tayo makahula.. bakit napipikon ka diyan?” Pakikipag-talo naman ni Brix.
“E, basta ang daya mo.... kainis ka....” Sabi ni Claire, nakasimangot...
“Pssssshhhhh... Wag ka na mag-tampo, ayan na oh.. lalabas na si Melissa...” Sabi ni Brix, niyayapos sa braso si Claire.
“Eeeeehhhh..... Hindi si Melissa ang lalabas diyan, si Hermes!” Inis na sagot naman ni Claire.
“Si Melissa...” sabi ni Brix.
“Si Hermes!” Sagot namn ni Claire.
“Si Melissa nga, e.” sagot naman ni Brix, napapakamot na ng ulo....
“Si Her,.... Anu ba yan!!!” napatigil si Claire at si Brix.
Kinuha kasi ni Ben ang remote control at nilipat sa TV 5 ang palabas. Biglang mga WWE wrestlers ang nakita nila...
“What the

” sabay na sabi ni Claire at Brix.
“O, mag-tatalo pa kayo? Ang ingay-ingay niyo ha...” sabi ni Ben.
“Thorn naman agaw trip ka, e. Nanunuod kami ng PBB e...” sabi ni Brix.
“Pakielam ko? Scripted naman yan.” Sabi ni Ben.
“Hay naku.... pampam ka talaga.” Sabi ni Claire.
“O, bakit ako nanaman?” Sabi ni Ben.
“Tanong mo kaya sarili mo...” Sagot ni Claire.
“Alis na ko mga thorns... Brix, Paul, Joey... alis na ko... sa bahay na lang ako manunuod... baka maabutan ko pa..” Sabi ni Claire, akmang nakatayo na sa pintuan.
“Teka... ililipat ko na, wag ka ng magalit... wag ka na umalis... sige na, sorry na..” Sabi ni Ben.
“Sige na panalo ka na sa commercials, wag ka na umalis.” Sabi ni Brix.
“Patawa ba kayo? Kahit ilipat niyo yan, wala na.. ayoko na... Alis na ‘ko. Kairita kasi iba diyan, e.” sabi ni Claire.
“Kasi naman.,, e...” sabi ni Joey, hindi na natiis ang mga kaibigan niya na nag-aaway away.
“Alis na ‘ko. Maaga na lang ako matutulog. Maaga pa ko susunduin ng service, e.” Sabi ni Claire.
“Anong service? Hindi ka ba sasabay sa’ken?” Tanong ni Ben.
Pero di na siya sinagot ni Claire dahil nakalabas na si Claire sa kwarto ni Joey.