Teentalk

Poll

Nag-enjoy ka ba sa pagbabasa ng MOARH?

Oo naman!
Okay lang.
Naah, di masyado.

Author Topic: Memoirs of a Ruthless Heartbreaker - HARD COPY GIVEAWAY!  (Read 124927 times)

karenita

  • taffy
  • ***
  • Posts: 471
  • Karma: +29/-3
  • follow me on twitter: @icbsuperman
Re: Memoirs Of A Ruthless Heartbreaker - 70
« Reply #2295 on: September 11, 2010, 10:16:07 am »
OMG! akala ko hnd mggng happy ending ito ee. haha
congratulations sis! another beautiful story done. keep it up. :)

elaine143oh!me

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2074
  • Karma: +72/-15
  • Life would never be the same without you </3
Re: Memoirs Of A Ruthless Heartbreaker - 70
« Reply #2296 on: September 11, 2010, 11:44:20 am »
HAHAHHA. ang galing ng nanay ko!! superb!
cw tayo next sem ah! :)) ;D ;D

season two. maya na ung matinong comment. gawa lang ako ng papers

raice03

  • jawbreaker
  • *****
  • Posts: 13214
  • Karma: +616/-51
  • I am raice03 and I am Inevitable.
    • Twitter
Re: Memoirs Of A Ruthless Heartbreaker - 70
« Reply #2297 on: September 11, 2010, 12:45:11 pm »
Grabe lang Alyssa. Nawindang ako sa mga kaganapan. Kaloka lang e. Parang roller coaster lang ang dating. :D Pero I love the way you delivered this chapter. Ang ganda lang talaga. I shall wait for the epilogue. Congrats on this Alyssa! O0

yanyan7192

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4759
  • Karma: +330/-74
  • Hate, haters.
    • Formspring
Re: Memoirs Of A Ruthless Heartbreaker - 70
« Reply #2298 on: September 11, 2010, 01:51:45 pm »
Nff! Sobrang sulit siya.. FTW! Galing mo talaga..
 
Ang lalaking tumutol sa kasal namin ni Louise ay walang iba kundi si Franco de Vera!

Awww! Galing parang sa movies lang.. Hehehe. :)


”Goodness, man! Mamaya na kayo maglampungan diyan! May mga bata oh. Paano ang iniwan nating kasal?”

Tamaaaa!~ Hahahhaha. Sapul. :) ;D

“No Daddy! Bawal mo i-kiss si Tita Louise! You can’t kiss another girl aside from our Mommy! Sige ka, magka-cry na naman siya because of you.”


Cute ni Andro.. Gusto kong kurutin ang pisngi niya.. Waaah!

Lex~ Namiss kita ng bongga!!! Ikaw pa ngayon ang savio.. Love ittttt!~ :)

Yung ginawa ni Ethan.. I can`t even.. Waaaah! Ang sweet. :)
“I know you’re my other half, Alex. I know you’re the one for me. I can feel it since the day we first met.

“Walang kasalanang magaganap kung hindi lang din ikaw ang bride ko."

 WAAH! Hindi ko alam yung sasabihin ko dito. yung mukgha ko  :) -->  ;D :D

Mali pala ang hula ko.. Hahah! Kung anu-anong masasamang bagay ang naiisip ko e.. buti nalang mali ako kasi maganda `tong ending mo.. Weee. :)

« Last Edit: September 11, 2010, 02:19:02 pm by yanyan7192 »

grounded_gal

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1713
  • Karma: +241/-21
Re: Memoirs Of A Ruthless Heartbreaker - 70
« Reply #2299 on: September 11, 2010, 02:10:36 pm »
Whew! Kinabahan ako dun ah. Kala ko di magiging si Alex at Ethan sa huli. Napascroll down tuloy ako. hehe

Kakatawa ung nasa van sila. Tong si Franco at Louise talaga walang patawad. Alam nilang andun ung kambal pero ganun pa din. haha.
Pero mukang pinaghandaan na nung magpinsan ang mangyayari ah, nakaready na ang passport at ticket ni Ethan e. At pati ung kambal kasama sa plano! hehe

Aww, ang sweet ni Ethan. Sabi na nga ba ung katabi ni Alex sa plane ay si Ethan e.  :D
Grabe, di ako makaget-over sa mga pangyayari.
Super duper love this chapter.
Will wait for the epilogue!  ;)
"sometimes love's just ain't enough"

chloe.seductive

  • jellybean
  • **
  • Posts: 191
  • Karma: +14/-2
  • I love the way YOU love me. ♥
Re: Memoirs Of A Ruthless Heartbreaker - 70
« Reply #2300 on: September 11, 2010, 03:30:14 pm »
Waaah. Kala ko naman tuloy talaga yung kasal.
Buti nalang andyan si Franco.  :D Asar naman kasi tong si Ethan eh. :(
Super sweet talaga ni Ethan. Bagay na bagay talaga sila ni Alex.
Can't wait for Fernandez-Balmaceda Nuptial. :D :D
I you! I'm melting with your smile, boy. :)

http://twitter.com/yhaniepop

I Follow back!

esowtoo

  • taffy
  • ***
  • Posts: 343
  • Karma: +14/-1
  • It's so fluffy I could die!
    • Tumblr
Re: Memoirs Of A Ruthless Heartbreaker - 70
« Reply #2301 on: September 11, 2010, 06:52:24 pm »
Wah! Kelan epilogue! :D
Mga sis? Pwede pa try nito? I am a b1tch. Thanks! :D
I don't want the world to see, my Untitled Story.

sandra_1029

  • jellybean
  • **
  • Posts: 187
  • Karma: +18/-1
  • TeenTalker
Re: Memoirs Of A Ruthless Heartbreaker - 70
« Reply #2302 on: September 11, 2010, 07:26:06 pm »
kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! OMO!  ;D kaloka . ang galing! haha. MAY EPILOGUE PA DAW OH!

sweetrax

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2984
  • Karma: +303/-25
  • My name is Aei.
Re: Memoirs Of A Ruthless Heartbreaker - 70
« Reply #2303 on: September 11, 2010, 08:17:24 pm »
Epilogue


E T H A N

“You may now kiss the bride,” masiglang sabi ni Father Ruther na siyang nagdiwang ng kasal namin ni Alex. Bakas na bakas sa mukha ng batang pari ang kasiyahan , base na rin sa maluwang na ngiti sa kanyang mga labi.


Binalingan ko si Alex na nakaupo sa wheelchair niya. Bagama’t may iniinda siyang sakit ay masasalamin sa kanyang magandang mukha ang kasiyahan para sa isang milestone sa buhay naming dalawa.


Dahan-dahan akong dumukwang para maglapat ang mga labi namin. Mainit, maingat, at puno ng pagmamahal ang halik na iyon, di alintana kahit ilang taon na ang nakalipas mula nang unang magtago ang mga labi naming. Para pa ring unang beses ko siyang hinalikan ang pakiramdam ko tuwing hinahalikan ko siya.


Narinig ko ang masigabong palakpakan ng mga bisita  namin para sa okasyong ito. Sa aming tahanan—ang dream house namin ni Alex—ginanap ang napakahalagang okasyong iyon sa buhay namin. Kapiling an gaming mga anak na sina Eros, Andro, at ang bunsong si Jenara, mas lalong naging solemn ang pagtitipon.


“Congratulations, Mommy and Daddy,” masiglang bati sa amin ni Eros. Yumakap siya sa akin pagkatapos niyang dampian ng masuyong halik sa noo ang kanyang ina.


“Salamat, anak. Thanks for making this possible,”   nanghihinang sambit ni Alex. Bukal pa rin sa puso niya ang pagngiti kahit na sa kalooban niya ay nahihirapan na siya.


“No, Mommy, thank you. We owe everything to you.”


Napangiti  ako sa sinabing iyon ni Eros. Ang mga taong nagdaan ay naging maganda para sa kanya. Kasama si Andro ay silang dalawa na ang namamahala sa kompanya na itinatag ko noon. Mas naging malago pa iyon mula nang hawakan nila iyon.


Sumunod na lumapit sa amin ang bunsong si Jenara. Kasama niya ang kanyang asawang si Ken. Humalik silang pareho sa amin ni Alex.


“Happy golden anniversary, Mommy and Daddy!” bati ng unica hija naming si Jenara.


“Salamat, baby girl,” tudyo k okay Jenara. Kahit katulad ng relasyon naming ni Alex ay 50 years old na rin, baby pa rin ang tingin ko sa kanya.


“Dad, 50 years old na ako. Tignan mo nga’t may apo na ako sa tuhod!”


Nagtawanan naman kaming lahat. Lumapit ang anak ni Jenara na si Jianne, dala-dala ang five years old na si Jesha. Pati ang panganay ni Eros na si Juleanne, kasama si Daniel na asawa nito ay humalik at yumakap sa amin.


Limampung taon nna ang nakalipas. Lumaki na rin ang pamilya naming. May mga apo na rin ang mga anak namin. Maraming taon man ang lumipas, heto pa rin kami ni Alex, magkasama pa rin kahit ilang pagsubok ang aming pinagdaanan.


Lahat ng iyon ay nalagpasan namin maliban sa isa na tatlong taon na naming pinaglalabanan—ang colon cancer ni Alex. Dahil lagpas setenta (70) na ang edad ni Alex, mahina na ang kanyang katawan. Hindi na masyadong umeepekto ang mga gamot sa kanya. Siya na rin mismo ang tumangging ipagpatuloy ito.


Anumang oras ay malapit na siyang mawala sa amin. Sa akin.


Masaya akong nakikihalubilo sa mga apo ko. Si Alex ay tahimik lang na nanonood sa amin. Kung wala lang siyang sakit na iniinda ay siguradong siya mismo ang makikipaglaro sa mga apo niya.


Kumukuha ako ng pagkain ni Alex nang may humila sa laylayan ng suot kong polo shirt. Si Rona iyon, ang anak ni Lisette na anak nina Eros at Crystal.


“Tatay Ethan, sabi po ni Nanay gusto daw po niyang magpunta sa beach at manood ng sunset.”


Iniwan ko ang pagkaing kinukuha ko at agad na nilapitan si Alex.


“Mahal, gusto kong makita ang paglubog ng araw ngayon,” mahinahong hiling ni Alex. Bakas  sa mukha niya ang pagod pero nanatiling maaliwalas ang mukha niya.


Kinausap ko ang mga anak naming tungkol sa gusto ng Mommy nila. Pumayag naman sila na ipahatid kami sa rest house namin sa Batangas.


Alam kong nararamdaman na rin nila nab aka ito na ang huling pagkakataon na makasama namin si Alex.


“Mommy,  salamat po sa pagmamahal niyo sa amin. I love you, Mom,” mangiyak-ngiyak na sambit ni Andro.


“I love you, Mom. I love you very much. I’ll see you soon, okay?” bulong ni Jenara sa Mommy niya.


“Mom, thanks for everything. Thank you for taking care of us and for loving us. We love you, Mom. We love you from the bottom of our hearts.”


Pigil na pigil ang pagpatak ng mga luha ko. Alam kong malapit na mawala si Alex pero hindi pa ako handa para doon. Pero wala naman akong magagawa. Kaya gagawin ko ang lahat para mapasaya sya hanggang sa huling sandali.



---

click to listen

Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?


“Kay tagal na pala talaga nating magkasama ano? Biruin mo, umabot tayo ng golden anniversary. Masaya ako’t naabot ko pa itong okasyon na ito kasama ka.”


Sumandal si Alex sa dibdib ko; binalot ko siya sa aking mga bisig habang umiihip ang malamig na panghapong hangin sa paligid. Nakaupo kaming dalawa sa buhanginan at nakatunghay sa kawalan. Nag-aagaw na ang kulay ng langit, tanda ng papalubog nang araw.


“Kung pwede lang ulit isulat ang buhay ko, gugustuhin kong mawala itong sakit ko para mas makasama pa kita ng mas matagal. Kaso hindi maaari, Ethan. Malapit na. Nararamdaman ko na.”


Mababakas sa boses ni Alex ang panghihina ngunit hindi niya alintana iyon. Pinipilit niyang lumaban. Pinipilit niyang maging malakas para hindi ko siya makitang nanghihina. Kahit matanda na siya at nanghihina na ang katawan niya ay naroroon pa rin ang matatag niyang personalidad.


“Sshh, wag ka nang magsalita, Alex. Baka mapagod ka lang.” Halos mabasag ang boses ko nang magsalita ako. Pilit ko pa ring pinipigil ang mga luha ko. Kung kaya niyang maging malakas, kaya ko rin.


“Hayaan mo na ako sa pagkakataong ito, Ethan. Huling pagkakataon ko na ito para masabi sayo ang lahat ng nararamdaman ko.”


Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal’wa ang unang nagkita?
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang
Mangarap at tumula



“Alam mo, noong una tayong magkita, hindi ko naisip na ikaw pala ang lalaking nakatadhana para sa akin. Masyado kasi akong nakatutok sa sugatan kong puso noon. Sa totoo lang, kaya kita nilapitan noon ay dahil gusto ko lamang aliwin ang sarili ko. Pero may kung ano sa iyo na hindi ko matanggihan.”


Nakatitig lang siya sa karagatan, pinapanood ang mga bangkang dumaraan at ang mga batang nagtatampisaw sa tubig. Yumuko ako para sulyapan ang mukha niya. Nakangiti siya. Iyong tipo ng ngiti na kuntento na sa buhay at wala nang pinoproblema.


“Tanda mo yung ginawa ko sa iyo? Ginawa ko iyon dahil natatakot akong baka hindi kita matanggihan sa gusto mong mangyari. Namamagneto ako sa iyo. Ano nga ba ang meron sa iyo at ang hirap mong bitawan? Kahit ngayon ay natatakot akong iwanan ka.”


May isang luhang kumawala sa mata ko. Mula sa kaliwang mata ko. Ang sabi nila ay luha daw iyon ng lungkot. Oo, malungkot ako. Oo, natatakot akong mawala sa akin ang babaeng pinakamamahal ko.


“Pero salamat sa pagkakataong iyon, nakilala kita. Salamat sa iyo, natuto akong magmahal muli.”


Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon



“Nakakatuwa rin ang tadhana hindi ba? Sino bang mag-aakala na ikaw pala ang kapatid ng isa kong naging kliyente?”


Paano ko makakalimutan iyon? Kung hindi dahil sa kapatid kong si Jessica ay hindi ko muli makikita at makakasama si Alex. Iba sana ang kwento namin ngayon. Hindi siya ang makakatuluyan ko. Hindi siya ang magiging ina ng mga anak ko. Hindi siya ang magiging sentro ng buhay ko. Hindi siya ang mamahalin ko.


Sa pag-aalala ko sa mga nangyari noon, hindi ko maisip kung paano na ang buhay ko kung hindi siya ang nakasama ko. Hindi siguro ako magiging kasing saya kung ibang babae ang nakasama ko.


“We owe it to her, Ethan. We owe our love story to Jessica. Kapag wala na ako, sabihin mo sa kanya na nagpapasalamat ako sa kanya dahil kundi sa kanya ay walang magiging Alex at Ethan. Walang mabubuong Eros, Andro at Jenara. Hindi makukumpleto ang buhay ko.”


Hinawakan ko ang kamay ni Alex. Mainit pa iyon, tanda ng buhay. Hinawakan ko iyon ng mahigpit na tila maaari kong pigilan ang nalalapit niyang paglisan sa pamamagitan niyon.


Naramdaman kong pinisil iyon ni Alex ngunit mahina lamang. Talagang mahina na ang sistema niya pero masaya na rin ako kahit papaano dahil nagagawa niya pa iyon.


“Huwag kang mag-alala, Alex. Sasabihin ko sa kanya iyan. Ipapaalala ko sa kanya palagi kung gaano ka nagpapasalamat sa kanya.” Dinampian ko ng mabining halik ang ulo niya. May kumawala na namang luha mula sa kaliwang mata ko.


Ang mga puno’t halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan?



“Nakikita mo ba ang mga dahon sa punong iyon?” Itinuro ni Alex ang isang puno sa gilid ng bahay. Marami nang dahon ang nalagas at nagkalat sa lupa.


“Anong mayroon sa kanila?”


“Isipin mong isa akong dahon. Nagsimula ako sa maliit at mababa hanggang sa tuluyan akong lumago. Kasama ng iba pang mga dahon, nagtrabaho ako para bigyang buhay ang puno at ang mga tao. Pero lumilipas din ang buhay ng isang dahon. Dadating ang puntong malalanta na ito at mahuhulog sa lupa. At ang buhay ko ay nasa ganoong punto na. Tapos na ang tungkulin ko sa mundo at nalalapit na akong kumalas sa kinakapitan kong tangkay at mahulog sa lupa.”


Tuluyan ko nang hindi napigilan ang pagtulo ng luha ko. Ito na ba ang pagpaparamdam niya sa akin na anumang oras ay lilisanin na niya ako? Ito na ba ang huling pamamaalam niya sa akin? Pitumput-isang taong gulang na siya pero parang napakaikli pa rin ng mga panahong nakasama ko siya.


Maaari ko bang ibalik ang panahon?


“Huwag mo akong iyakan dahil malapit na akong lumisan, Ethan. Sa halip dapat kang maging masaya dahil makakasama ko na ang Lumikha. Isipin mong mapupunta na ako sa mas maginhawang buhay. Ayokong malungkot ka, mahal.”


Tuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko. Naramdaman kong dumampi ang mga malalambot na labi ni Alex sa kamay kong hanggang ngayon ay hawak pa rin niya.

Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?



“Sa totoo lang, ayoko pang umalis. Ayoko pang iwanan ka. Hindi ko kaya pero sinusundo na Niya ako. At gusto ko na ring sumama sa Kanya. Ipinangako Niya sa akin na gagaan na ang pakiramdam ko. Huwag kang mag-alala, sandali lang akong mawawala. Magkikita pa ulit tayo—ikaw at ng mga anak natin.”


Tila isang talon ang mga mata ko sa walang humpay na bugso ng mga luha ko. Heto na talaga. Malapit na siyang umalis. Hindi man ako handa, kailangan ko na siyang pakawalan. Kinukuha na siya sa akin. Wala akong laban. Ngunit kahit iwanan man niya ako ngayon, baon baon ko ang mga alala naming magkasama—masaya at nagmamahalan.


Ngayon ikaw ay nagbalik
At tulad ko rin ang iyong pananabik
Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa?



“Masaya akong ako ang pinili mong makasama noon, Ethan. Inakala ko noon ay iiwan mo na ako pero binalikan mo ako. Dahil sa pagbalik mo ay nabuo ulit ako. Nabuo muli ang mga pangarap ko. Binigyan mong katuparan ang lahat ng iyon. Alam mo kung bakit? Dahil ikaw lang ang pinangarap ko. Ikaw ng katuparan ng mga pangarap ko sa buhay.”


Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ni Alex sa kamay ko. Bahagyang bumagal ang paghinga niya. Naging putol-putol na rin ang pagsasalita niya, tanda ng nahihirapan na siyang magsalita. Sumikip na rin ang dibdib ko dahil sa walang humpay na pag-iyak. Hinapit ko siya ng mas malapit sa akin para marinig ko ang paghinga niya. Isinubsob ko rin ang mukha ko sa balikat niya.


“Kapag mamimiss mo ako, lagi mo lang panoorin ang paglubog at pagsikat ng araw. Sa paraang iyon, lagi mo akong maaalala bago magsimula ang araw at bago iyon magtapos.”


“Tama na, Alex. Ako naman ang pakinggan mo.”


Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno’t halaman
Bakit kailangang lumisan?

Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?



“Salamat sa mahigit limampung taong pagsasama natin, Alex. Salamat sa walang sawang pagmamahal mo sa akin kahit ilang beses mo na dapat akong iniwanan. Salamat dahil tinanggap mo pa rin ako. Salamat sa pagbibigay sa akin ng tatlong mababait na anak. Lumisan ka man sa piling ko ngayon, palagi pa rin kitang maaalala dahil sa kanila.


“Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang muli kapag umalis ka na. Pero kakayanin ko. Para sa iyo, para sa mga anak at apo natin. Pipilitin kong maging matatag kagaya ng pagiging matatag mo. Kung maaari ko lang talaga pigilan ang oras ay hindi pa kita ibibigay sa Kanya. Pero  kailangan kong magparaya. Gusto ko nang matigil ang paghihirap mo dahil sa sakit mo. Ayokong makita kang nahihirapan.


“Magkikita pa tayo. Ipangako mo iyan sa akin. Magkikita pa tayo sa kabilang buhay. Hahanapin kita. Ikaw lang ang gusto kong makasama kahit sa ilang cycle ng buhay pa ang magdaan.


“Salamat sa pagmamahal, Alex. Mahal kita, minamahal kita at mamahalin kita hanggang sa kamatayan ko. Mamahalin kita maging sa kabilang buhay.”



Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno’t halaman
Bakit kailangang lumisan?



“Mahal na mahal din kita, Ethan. Ikaw lang at wala nang iba.”


Sa huling pagkakataon ay dinampian ko ng mabining halik sa labi ang babaeng minahal, minamahal ko at mamahalin ko hanggang sa kabilang buhay. Naramdaman ko ang pagtaas ng mga sulok ng labi niyang iyon. Nang pakawalan ko siya ay nakatingin siya sa langit at nakangiti.


“Ayan na Siya, Ethan. Sinusundo na Niya ako. Mahal kita, mahal. Hanggang sa susunod na pagkikita natin.”


Pumikit siya. Nandoon pa rin ang ngiti sa mga labi niya. Isang luha ang tumulo sa mga mata niya. Mula sa kanang mata. Isang luha ng kaligayahan.


“Magpahinga ka na, mahal. Hanggang sa susunod nating pagkikita.”


Niyakap ko siya ng mahigpit habang nakatunghay ako sa paglubog ng araw.


Kasabay ng paglisan ng Haring Araw ay siyang paglisan din ng babaeng pinakamamahal ko.


Wala na siya. Kasama na niya ang Lumikha.


Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?



Maraming taon na ang lumipas. Ilang beses ko siyang hinanap-hanap. Gaya ng sinabi niya, pinapanood ko lang ang araw at nakikita ko siya. Nakikita ko siyang nakangiti sa akin at binubulong kung gaano niya ako kamahal.


Hindi ko na maibabalik ang mga oras na nagdaan. Ngunit naghihintay na lang ako ng oras para magkasama kaming muli.


Ilang taon na ang nakalipas pero ang paghanga, pagmamahal, at ang pag-ibig ko sa kanya ay katulad pa rin ng unang beses ko siyang nakita, tulad ng unang beses kong ipinahayag ang damdamin ko sa kanya, tulad ng unang beses kong ipinangako sa Diyos na si Alexis Danielle Fernandez-Balmaceda lamang ang mamahalin ko.


“Wait for me, Alex. Malapit na tayong magkitang muli.”


Maraming taon na ang nakalipas ngunit siya pa rin ang nagmamay-ari ng puso ko.









Fin
sweetrax © 11 September 2010

krizZ@candy

  • Guest
Re: Memoirs Of A Ruthless Heartbreaker - Epilogue
« Reply #2304 on: September 11, 2010, 08:24:22 pm »
UNA!

WAAAA~! I never thougt mag-ttime skip ka ng ganun kahaba. One big happy family na sila.

AHETCHU! Sabi ko kaninang madaling araw e di ako iiyak, pero mahina ang puso ko sa mga scenes na ganun. Shocks! Paimpit akong umiiyak dito. Argh! Para akong baliw.

Tapos na ba talaga? Di na pwedeng Season Two nina Alex at Ethan sa paradise? Gosh! Naiiyak uli ako. Dinig ko pa yung 'Kanlungan' o! 

Good job SB! Congratulations!
« Last Edit: September 11, 2010, 08:33:42 pm by krizZ@candy »

raice03

  • jawbreaker
  • *****
  • Posts: 13214
  • Karma: +616/-51
  • I am raice03 and I am Inevitable.
    • Twitter
Re: Memoirs Of A Ruthless Heartbreaker - Epilogue
« Reply #2305 on: September 11, 2010, 08:27:02 pm »
Aww. Nakakatuwang isipin na umabot sila ng 50 years. Grabe lang talaga ang love nila sa isa't isa. Ang ganda nung lines na sinabi ni Alex bago siya mamatay. Sobrang ramdam ko yung emotions. Grabe Alyssa. Buti na lang talaga at humabol ako dito. Super worth it. Congrats ulit dito! Keep it up! O0

.ixe.02

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1575
  • Karma: +119/-10
  • TeenTalker
Re: Memoirs Of A Ruthless Heartbreaker - Epilogue
« Reply #2306 on: September 11, 2010, 08:30:39 pm »
--THIRD!


WAIT...WHAT?! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA


NABASA KO PANGALAN KOOOOOOOOO! TEKA TEKA
DI PA AKO TAPOS MAGBASA EEDIT KO NALANG TOH MAMAYA. NAGULAT TALAGA AKO..NAKITA KO YUNG "JENARA". WAAAAAAAAAAAAAAAA I'M SO FLATTERED :o ;D

--edit
Alam mo ate, kung okay lang, pumapalakpak na ako ngayon. Kaso lang tulog na ang mga tao at baka magising ko pa sila ;D I don't know if there are the perfect words to describe my happiness right now. Kasi ang galing mong magsulat. Kasi sinama mo yung pangalan ko sa kuwento. Kasi masaya na sina Alex at Ethan. Kasi...kasi lahat lahat na :] MABUHAY ANG MOARH! ;D
« Last Edit: September 11, 2010, 08:57:38 pm by .ixe.02 »
Knowledge is limited ||Imagination encircles the world

-janne-

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1319
  • Karma: +151/-17
  • lady jolly.=)
Re: Memoirs Of A Ruthless Heartbreaker - Epilogue
« Reply #2307 on: September 11, 2010, 08:35:06 pm »
sobrang nakakaiyak sis  :'(

the best kwento nila alex at ethan hmmmm
umabot sila nang 50 yrs.. kakinggit sila hehe

kakasatsfy ang ending., ulit ulitin ko itong basahin  :'(
The greatest part of life is finding someone
who knows all your faults and weaknesses but still thinks you're amazing

georjane

  • taffy
  • ***
  • Posts: 349
  • Karma: +13/-7
Re: Memoirs Of A Ruthless Heartbreaker - Epilogue
« Reply #2308 on: September 11, 2010, 08:37:59 pm »
ohmygosh  :'(
iyak na ako..waaaah  :'(
ang ganda talaga neto..speechless ako ah hahaha  :D
i love it  ;D
Hell yeah.

elaine143oh!me

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2074
  • Karma: +72/-15
  • Life would never be the same without you </3
Re: Memoirs Of A Ruthless Heartbreaker - Epilogue
« Reply #2309 on: September 11, 2010, 08:42:48 pm »
nanay. i'm crying right now. and its all because of you. and your superb writing skills. you're such a wonderful writer. you paint the scene right in my head and you're a wonderful musician playing the music in my heart, making a synchronized performance while i read the story. you made me fell the love, the pain, the joy, and all the hope in them. you're really wonderful nanay.

congratulations po. :)

--ahm, nay can you send me the copy? I want to read it all over again. Even if its lifetime. I want to it to be read by the future gen. And let it be my gift to you next year. :)

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website