Teentalk

Poll

Nag-enjoy ka ba sa pagbabasa ng MOARH?

Oo naman!
Okay lang.
Naah, di masyado.

Author Topic: Memoirs of a Ruthless Heartbreaker - HARD COPY GIVEAWAY!  (Read 124927 times)

sweetrax

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2984
  • Karma: +303/-25
  • My name is Aei.
Re: Memoirs Of A Ruthless Heartbreaker [updated] :: NINETEEN on p.37
« Reply #540 on: December 24, 2009, 05:36:20 pm »
Parang iba yung writing style ko ngayon.  Nainspire ako sa swimming namin kahapon. Happy Birthday kay Papa Ethan!


Revenge 19
He’s My Reality


“Akala ko ba iniinvite mo lang ako for your birthday? Bakit naging date?"
“C’mon, Alex, pagbigyan mo na ako. Birthday ko naman ngayon, eh. Saka hindi lang naman tayong dalawa ang nandun.”


Alam ko birthday ni Ethan ngayon pero hindi ko pa rin maiwasan na awayin siya. Kasi naman no, sabi niya, celebration lang for his birthday and for Christmas. Saan nanggaling ang salitang date doon? At saka napagbigyan ko na siya noon di ba?

“Don’t tell me, for blackmail na naman to?”
“Ano ka ba, nakalimutan ko na yung ginawa mo sa’kin,”
sabi ni Ethan na may nakakalokong ngiti sa labi.

I am so not loving that look. Baka mamaya may pinaplanong kung ano tong si Ethan.

“Hey, wala akong balak na masama kung iyan ang iniisip mo. Saka wala nang atrasan. Malapit na tayo eh.”
“May magagawa pa ba ako?”


Bakit ganun? Kapag si Ethan ang ka-argue ko, hindi ako makakontra? Napapa-oo ako ng wala sa oras. Para bang ang helpless ko kapag siya ang kaharap ko. Parang ibang Alex ang nasa harap niya. Parang yung totoong Alex. Yung Alex way before the pain. May ibig sabihin kaya yun?

“Sino bang kasama?”
“College friends ko lang. Nandun na sila sa resort. Wala kasi sila Jess dahil nasa Spain sila ngayon. Doon sila kina Mamita magse-celebrate ng Christmas. ”


Resort. Hindi ko alam kung paano niya ako napapayag sa isang swimming party. Hindi naman sa takot ako sa tubig. Ayoko lang talaga. Siguro kaya niyo nang hulaan kung bakit. Maraming ayokong alalahanin.

“Matutulog muna ako ha? Napagod ako sa movie marathon namin ni Kuya Pat kagabi. Wag kang magulo. Gisingin mo na lang ako kapag nandun na tayo.”
“Sleep well, princess.”


Ano daw? Princezzz… Zzz… Zzz…

Ilang oras na ba akong tulog? Bakit hindi na umaandar yung sasakyan ni Ethan? Dinilat ko yung mga mata ko para masagot yung mga tanong ko. 5:30 na pala ng hapon. Ibig sabihin mga dalawang oras na rin akong nakatulog. Naka-park na rin yung kotse ni Ethan. Pero bakit hindi niya ako ginising?

I looked to my left. I caught Ethan staring at me. Was he watching me sleep? If yes, it’s embarrassing.

“Ethan, how many times will I tell you, staring is rude?”
“How many times will I tell you that it’s not if the one I'm staring at is as gorgeous as you?”
“Wala namang court dito ah? Bakit nambobola ka?”
“Ang corny mo naman, Alex,”
sabi niya sabay pisil sa ilong ko.

Aba, may papisil-pisil pa siya sa ilong na nalalaman. Hinampas ko tuloy siya sa balikat. Para fair.

“Nandito na pala tayo. Gano na tayo katagal na nandito? Bakit hindi mo man lang ako ginising?”
“Kanina pa tayo. Mga thirty minutes na siguro. Bakit kita gigisingin? E di nawalan ako ng magandang view?”


Hindi ako madalas mag-blush pero pakiramdam ko napunta lahat ng dugo ko sa mukha. Ano bang meron kay Ethan at parang bumabalik ako sa dating ako? Hinihila niya ako pabalik sa reality na matagal ko nang tinatakasan.

Ano bang meron sayo, Ethan Balmaceda?

“Ang cute mo, Alex. Nagba-blush pala ang isang heartbreaker.”

Pagkasabi niya nun, hinalikan niya ako sa pisngi sabay labas ng kotse niya. Naiwan ako sa loob ng kotse niya ng nakatunganga. Nayanig ang mundo ko sa ginawa niya.

Ano bang ginagawa mo sa’kin, Ethan Balmaceda? Anong gusto mong mangyari.

Tulala pa rin ako. Iniisip ko yung ginawa ni Ethan sa’kin. Naputol lang yung pag-iisip ko nang may kumatok sa bintana ko. Binaba ko naman agad yung bintana. Si Ethan lang pala.

“Ano, papakabulok ka na lang ba diyan? Baka naman gusto mo lang halikan kita ulit? This time sa lips naman.” 8)
“Magtigil ka nga, Ethan! Pasalamat ka, birthday mo ngayon kundi uulit ko yung ginawa ko sa’yo dati.”
“E di thank you!”
sabi niya habang binubuksan yung pintuan sa side ko.
“Ewan ko sa’yo. Maghanap ka ng kausap mo.”

Bumaba na ako at dumire-diretso sa isa sa mga cottage dun. Wala pang tao. Siyempre, alangan namang mauna pa ang bisita sa celebrant di ba?

“Alex, joke lang naman yun.”

Sinundan pala niya ako hanggang sa cottage. Dala-dala na rin niya yung mga gamit namin.

“Alam ko. Di naman ako napikon.”
“Whew. Kala ko nagalit ka eh.”
“Di naman.”


Isa pa yan. Kahit gusto kong magalit sa kanya, ewan. Hindi ako magalit-galit sa kanya. May kung ano kay Ethan na hindi ko matanggihan. Kung siya lang siguro ang una kong nakilala, hindi malabong magustuhan ko siya. Kaya lang, sorry na lang siya. Wala na sa bokabularyo ko ang pag-ibig.

“O, matulog ka muna ulit dyan. Gigisingin na lang kita kapag nandito na sila.”
“Sige, medyo inaantok pa nga ako.”
“Sweet dreams, Alex.”


Pagkahiga ko, bagsak agad mata ko. Pagod na pagod talaga ako.

Zzz… Zzz… Zzz…

May naramdaman akong mahinang pagtapik sa balikat ko. Dumilat ako para makita kung sino. Si Ethan pala. Oo nga pala, may party. Tumayo na ako at dumiretso papasok ng CR sa loob ng cottage na tinulugan ko. Inayos ko ang sarili ko. Paglabas ko, nandun pa rin si Ethan, naghihintay.

“Tapos ka na?”

Tumango na lang ako. Nilahad niya yung kamay niya sa’kin na tinanggap ko naman kaagad. Sa unang pagkakataon sa apat na taon, naglakad ako nang may ka-holding hands na maluwag sa loob ko, walang alinlangan, hindi dahil sa trabaho.

“Gising na pala ang first lady mo, Ethan.”
“Aba, marunong kang pumili! Ang ganda niya! Mas maganda pa kay Hana.”
“Wag nga kayong magulo. Mamaya magwala tong si Alex sa sinasabi niyo.”
“Loko ka! Anong akala mo sa’kin baliw?”


Hinampas ko sa balikat si Ethan. Kanina pa niya ako niloloko ha. Nagtawanan naman yung mga kasama namin. Kahit papano mag-eenjoy din siguro ako dito.

“Tara kain na tayo.”
“Alright! Happy birthday, E.”
“Thanks, man.”


Oo nga pala, hindi ko pa nababati si Ethan. Kanina ko pa siya kasama pero ni hindi ko man lang siya binabati. Hindi naman ako ganun ka-rude. Mabait naman sa’kin si Ethan kaya dapat ko siyang batiin.

“Ethan.”
“O?”
sabi niya pero hindi niya ako tinitignan. Kumukuha kasi siya ng pagkain namin. Oo, pagkain namin kasi siya ang nag-insist na maghati na lang kami. Ewan ko bakit hindi ako tumanggi.
“Happy Birthday,” sabay kiss sa pisngi niya.

Okay, pretend na hindi ko ginawa yun. Naglakad ako palayo at dun ako sa may kubo napadpad. Dun ako umupo at hinintay na mag-react si Ethan. Nakatayo pa rin kasi siya dun. Nagyelo na yata dun.

Ano ba talagang meron dito sa Ethan na ito at nagagawa ko ang mga bagay na hindi ko naman ginagawa dati? Ginayuma ba ako nito para maging dating Alex ulit ako kapag kaharap ko siya?

“ETHAN! TATAYO KA NA LANG BA DYAN?”

Pagkasigaw ko, nun lang siya natauhan. Naglakad na siya palapit sa kubo. Para siyang ewan kasi may isang napakalaking ngiti sa mukha niya. Tuwang-tuwa yata sa ginawa ko.

“Bakit ganyan ka makangiti?”
“Chansing ka. May pa-kiss kiss ka pang nalalaman.”
“Gusto mo naman.”
“Pwede isa pa?”


Hinilamos ko yung kamay ko sa mukha niya. Kulit talaga nitong lalaking to.

“Kiss mo mukha mo.”
“Kumain ka na nga lang. Gutom ka lang yata eh.”


Hindi ko inaasahan yung sunod na ginawa niya. Kumuha siya ng isang slice ng pizza dun sa plato tas nilapit yun sa bibig ko.

“Kain ka na.”
“Uh… Ano yan?”
“Pizza. Ayaw mo?”
“Alam ko pizza yan pero bakit nasa tapat ko yan?”

“Susubuan kita.”
“Kaya kong kumain mag-isa.”
“Alam ko pero gusto kong gawin to.”


Sinubukan kong ilayo yung kamay niyang may hawak nung pizza kaso bumabalik lang ulit yun sa tapat ng bibig ko. Kaya ang ginawa ko hinawakan ko siya sa may pulso tapos kumagat ako ng malaki dun sa pizza. Hindi ko binitawan yung kamay tas hindi ko rin tinanggal yung pizza sa bibig ko. Pinandilatan niya ako ng mata nang dahil dun. Kung wala lang sigurong laman yung bibig ko, tatawa ako ng sobra. Para kasi siyang bata nung pinandilatan niya ako eh.

“Pakipot pa kasi. Kakainin din naman.”
“Babae ako. May karapatan akong magpakipot.”
“Yeah, yeah.”


Buti na lang nakaraos kami sa pagkain namin. Ang kulit pala namin kapag pinagsama kami. Nagsusubuan ng pagkain pero pareho namang pakipot. Aaminin ko, nag-eenjoy akong kasama si Ethan. Nakakalimutan ko yung mga nangyari sa’kin noon.

Bandang 11PM nang matapos kaming kumain. Ang tagal no? Pahirapan kasi kami sa pagkain tas ang dami pa naming kinain. Lahat yata ng pagkain na hinanda nila, sinubukan namin. Kaming dalawa na lang din pala yung magkasama ngayon. Nagsialisan na yung mga bisita ni Ethan kasi sa kanya-kanyang pamilya nila sila magse-celebrate ng Christmas.

Nagpalit na ako ng swimming attire. Sayang ang pool kung hindi magagamit. Dapat sulitin ang bayad dito sa venue.

Umupo ako dun sa may gilid at nilublob yung paa ko sa tubig. Ang lamig ng tubig. Talagang naeenganyo akong lumangoy. Matagal-tagal na rin mula nang huli akong magswimming.

After ten minutes, nakita kong nagbihis na rin si Ethan. Napanganga naman ako nang makita siya. Grabe, ang abs niya, ang sexy niya. Alam ko, alam ko, hindi ito ang kilala niyong Alex. Ang kilala niyo ay yung matapang, mataray, walang sinasanto. Pero gaya nga sabi ko sa inyo, pagdating kay Ethan, bumabagsak lahat ng defenses ko.

“Tulala ka sa abs ko no?” Naupo siya sa tabi ko.
“Kapal mo. Nakita ko na yan. Pati yung di dapat makita.”
“Ang naughty mo,”
sabi niya sabay pisil sa pisngi ko.
“Alam ko naman yun.”

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad palayo. Pero mukhang wala siyang balak na tantanan ako dahil tumayo na rin siya at sinundan ako. Binilisan ko ang lakad kaya binilisan na rin niya ang lakad niya. Nung tumakbo ako, tumakbo na rin siya. Naging playground tuloy yung gilid ng swimming. Naghabulan kami dun hanggang sa maabutan niya ako.

“Huli ka!”

Niyakap niya ako mula sa likuran. Pinilit kong makawala kaso wala, masyado siyang malakas. Hindi na lang ako nagpumiglas dahil ako lang ang mapapagod.

“Tara, swimming na tayo.”
“Ayoko pa!”
“Nag-two piece ka pa kung hindi mo rin naman pala gagamitin.”


Nakayakap pa rin siya sa’kin. Kaya naman nung tumalon siya sa pool kasama ako. Pag-angat ng ulo ko, kumapit kaagad ako kay Ethan kasi hindi ko na abot yung sahig ng pool.

“Twelve na pala. Merry Christmas, Alex.”
“Merry Christmas, too, Ethan.”
“I totally enjoyed my birthday. Salamat sa pagsama, Alex.”
“Glad to make you happy, Ethan. Hindi ko alam kung anong meron sayo pero ibang-iba ako ngayon.”
“Baka naman kasi you like me.”
“Kapal mo ha. Ang dami mong yabang sa katawan.”
“Pero hindi yabang kapag sinabi ko sa’yong I like you.”


Pagkasabi niya nun, lahat nag-blur. Napapikit na lang ako dahil sa kakaibang sensation na gawa niya. Gawa ng lips niya.

He was kissing me. Soft and sweet. On the pool. During Christmas. Ito na ba ang pinakamagandang regalong matatanggap ko ngayong Pasko? Si Ethan na ba?

Siya na kaya?


« Last Edit: February 01, 2010, 12:18:23 pm by sweetrax »

just_being_mae

  • Guest
Re: Memoirs Of A Ruthless Heartbreaker [updated] :: NINETEEN on p.37
« Reply #541 on: December 24, 2009, 05:51:42 pm »
waaaaaaaaaa~ mahal na kita ethan. waaaaaaaa~ i'm freaking out deep inside me alyssa. kung pwede lang bang sumigaw dito sa min ngayon, ginawa ko na kaya lang andito yung pinsan ko. baka mabatukan ako ng wala sa oras. haha. happy birthday ethan and merry christmas to you and alex!

sweetrax

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2984
  • Karma: +303/-25
  • My name is Aei.
Re: Memoirs Of A Ruthless Heartbreaker [updated] :: NINETEEN on p.37
« Reply #542 on: December 24, 2009, 06:30:44 pm »
waaaaaaaaaa~ mahal na kita ethan. waaaaaaaa~ i'm freaking out deep inside me alyssa. kung pwede lang bang sumigaw dito sa min ngayon, ginawa ko na kaya lang andito yung pinsan ko. baka mabatukan ako ng wala sa oras. haha. happy birthday ethan and merry christmas to you and alex!
Woah. Mae! Hinay hinay lang. Haha. We all love Ethan. Lovable naman kasi siya di ba?  8) Merry Christmas, Mae!








MERRY CHRISTMAS!
Hope you all loved the update :)

ASK ME HERE

.ixe.02

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1575
  • Karma: +119/-10
  • TeenTalker
Re: Memoirs Of A Ruthless Heartbreaker 19 on p.37 :: HAPPY BIRTHDAY ETHAN!
« Reply #543 on: December 24, 2009, 06:43:06 pm »
Aww...
Happy Birthday Ethan  :D
I love this update, ate.
Ganda ng christmas gift ni Ethan kay Alex.
Pero ano naman kaya christmas wish ni Alex..?
Hmm..Anyways, keep up the good work  ;)
Knowledge is limited ||Imagination encircles the world

kathlenerae49

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1022
  • Karma: +61/-2
Re: Memoirs Of A Ruthless Heartbreaker 19 on p.37 :: HAPPY BIRTHDAY ETHAN!
« Reply #544 on: December 24, 2009, 07:48:53 pm »
awwww..
its nice that mainit ang pasko ng ating heartbreaker ::)

thedarkwaltz

  • taffy
  • ***
  • Posts: 384
  • Karma: +38/-2
  • Popper at ♥ :)
Re: Memoirs Of A Ruthless Heartbreaker 19 on p.37 :: HAPPY BIRTHDAY ETHAN!
« Reply #545 on: December 24, 2009, 08:00:17 pm »
kay Ethan muna ako ngayon. hahaha. bye Lex  :P wooooot Ethan!



MERRY CHRISTMAS!!! :)
Pop, Lock and Drop

farzymae12_lp

  • jawbreaker
  • *****
  • Posts: 8875
  • Karma: +756/-70
  • New Ghost in Town
    • SUPERSTAR!
Re: Memoirs Of A Ruthless Heartbreaker 19 on p.37 :: HAPPY BIRTHDAY ETHAN!
« Reply #546 on: December 24, 2009, 08:01:40 pm »

otanjobi omedetou gozaimasu ethan!!

grabe naman ang daming nag celebrate ng bday ngayon ;D

celinarawrcookies

  • jellybean
  • **
  • Posts: 199
  • Karma: +15/-8
  • Cookies are essential to Man kind.
    • MyTumblrBlog :D
Re: Memoirs Of A Ruthless Heartbreaker 19 on p.37 :: HAPPY BIRTHDAY ETHAN!
« Reply #547 on: December 24, 2009, 08:04:53 pm »
The chapter was awesome. Whoa. Ang hot ng kiss! haha. Merry Christmas!
TUMBLR
FORMSPRING

Celina: A beautiful girl who is petite, with brown or blondish hair and green or blue eyes. Sweet but can be annoying.

.L.

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1822
  • Karma: +296/-38
  • wattpad mode.
Re: Memoirs Of A Ruthless Heartbreaker 19 on p.37 :: HAPPY BIRTHDAY ETHAN!
« Reply #548 on: December 24, 2009, 08:13:50 pm »
eh!? ano ba naman `yan. haha. nag iba si Alex. yiee. Go Ethan! :D
Active user of: wattpad | tumblr

sweetrax

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2984
  • Karma: +303/-25
  • My name is Aei.
Re: Memoirs Of A Ruthless Heartbreaker 19 on p.37 :: HAPPY BIRTHDAY ETHAN!
« Reply #549 on: December 24, 2009, 08:23:02 pm »
3 hours and 30 minutes before Christmas :)
Excited na ba kayo?


Aww...
Happy Birthday Ethan  :D
I love this update, ate.
Ganda ng christmas gift ni Ethan kay Alex.
Pero ano naman kaya christmas wish ni Alex..?
Hmm..Anyways, keep up the good work  ;)
Ixe! Merry Christmas! Thank you daw sabi ni Ethan. Thank you rin kasi nagustuhan mo yung update. :)
awwww..
its nice that mainit ang pasko ng ating heartbreaker ::)
Yeah! Buti nandyan si Ethan. :) Merry Christmas!
kay Ethan muna ako ngayon. hahaha. bye Lex  :P wooooot Ethan!



MERRY CHRISTMAS!!! :)
Haha. Galit ka rin naman ata kay Lex eh. Merry Christmas!
otanjobi omedetou gozaimasu ethan!!

grabe naman ang daming nag celebrate ng bday ngayon ;D

Domo Arigatou, Farzy-chan!
Sino pa nagcecelebrate ng birthday? Merry Christmas, Farzy!
The chapter was awesome. Whoa. Ang hot ng kiss! haha. Merry Christmas!
Hi Celina! Yerr here too! The kiss was awesome. :) Merry Christmas!
eh!? ano ba naman `yan. haha. nag iba si Alex. yiee. Go Ethan! :D
Kaya nga eh. Bumalik siya sa dating Alex. Yung Alex before masaktan. :)


HAPPY CHRISTMAS, EVERYONE!
open this

isalicious

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2430
  • Karma: +328/-116
  • Destined to meet, not to be together
    • Blog
Re: Memoirs Of A Ruthless Heartbreaker 19 on p.37 :: HAPPY BIRTHDAY ETHAN!
« Reply #550 on: December 24, 2009, 08:23:25 pm »
ALYSSA! :)
MERRY CHRISTMAS

~
EXCITED NA AKO! DI HALATA NOH?  :D
« Last Edit: December 24, 2009, 08:27:55 pm by isalicious »

sweetrax

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2984
  • Karma: +303/-25
  • My name is Aei.
Re: Memoirs Of A Ruthless Heartbreaker 19 on p.37 :: HAPPY BIRTHDAY ETHAN!
« Reply #551 on: December 24, 2009, 08:25:26 pm »
ISA!


MERRY CHRISTMAS!


Nagpost ako ng question sa formspring mo. Haha. Nabasa mo na update? Haha

isalicious

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2430
  • Karma: +328/-116
  • Destined to meet, not to be together
    • Blog
Re: Memoirs Of A Ruthless Heartbreaker 19 on p.37 :: HAPPY BIRTHDAY ETHAN!
« Reply #552 on: December 24, 2009, 08:28:32 pm »
Not yet :(
Bati muna ako Merry Christmas then update ako then unahin ko read update mo :)

thedarkwaltz

  • taffy
  • ***
  • Posts: 384
  • Karma: +38/-2
  • Popper at ♥ :)
Re: Memoirs Of A Ruthless Heartbreaker 19 on p.37 :: HAPPY BIRTHDAY ETHAN!
« Reply #553 on: December 24, 2009, 08:28:42 pm »
oh well palipasin ko muna galit ko sa kanya ngayon. Christmas naman e. pero yes galit ako kay Lex :P
Pop, Lock and Drop

-xiArA-

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3327
  • Karma: +225/-118
  • The one that got a way. <3
Re: Memoirs Of A Ruthless Heartbreaker 19 on p.37 :: HAPPY BIRTHDAY ETHAN!
« Reply #554 on: December 24, 2009, 08:32:11 pm »
Huwaw. :D Ang sweet ni Ethan! Akin ka na lang, my God! :D ;D
.
Sometimes the right thing
is the hardest thing to do.

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website