REVENGE 01The Cheater's MishapTarget located.Pumasok na ako sa loob ng isang first class restaurant kung saan nandoon ang current target ko. As expected, kasama niya yung babae niya.
Alright, the show’s about to start in 5 seconds.
5…Dire-diretso ako sa table nila. Looking at their faces, mukhang masayang-masaya silang dalawa. Wala silang kaidi-idea na in a matter of seconds, babaha ng luha dito sa restaurant na `to.
4…Nararamdaman ko ang bawat titig ng ibang customer dito sa restaurant. Wala namang kaso yun sa’kin. In fact, I’m about to give them a show—a very pleasant show.
3…Ilang hakbang na lang ang layo nila sa’kin. Still, mukhang absorbed pa rin sila sa sarili nilang mundo. habang papalapit ako ng papalapit, unti-unti ring lumalapit sa kanila ang malas.
2…Bahagyang napalingon sa’kin yung babae. Mukhang nakuha ko na rin ang atensyon niya. Ni-ready ko na ang sarili ko at lahat ng napag-usapan namin ng client ko.
And 1…“What’s the meaning of this, Chris?”“Excuse me? Who are you?” mataray na sabi nung babae. Di naman ako nasindak.
“I’m Elle, his girlfriend.”Napalingon sa’kin yung target ko—si Chris. Kunot na kunot yung noo niya. Siguro, sinusubukan niyang alalahanin kung sino ako.
“Girlfriend? Paano mangyayari yun, eh, ako ang fiancée niya?” naiiritang sabi nung babae.
“F-Fiancee? Pero sabi mo Chris, ako ang papakasalan mo?”“I-I’m sorry, Miss, pero I don’t know you!”“You don’t know me? Ganyan ka ba talaga kagαgo, Chris? Pagkatapos mo akong buntisin, iitsapuwera mo na lang ako?”Nagpa-panic na yung si Chris. Di siya mapakali sa inuupuan niya. Nakukuha na rin namin ang atensyon ng iba pang customers dito.
The show’s getting intense, huh.“Totoo ba yun, Chris? Tell me!” sigaw nung babae. Halatang hindi niya nagugustuhan yung mga nangyayari.
“Ano pa bang gusto mong malaman, Miss? Hindi pa ba sapat ang umbok na `to sa tiyan ko para patunayan na manloloko yang fiancé mo? Kita mo nga, tinu-two time na pala niya tayo! At balak niya pa tayong pakasalan pareho!”“What are you talking about?! I don’t even know you!”“Iyan ba ang gusto mong maging asawa mo, Miss? Pagkatapos kang buntisin, ide-deny ka na lang basta-basta dahil nakakita na siya ng bago niyang babae? Oh, c’mon! Don’t fall for his crap!”Tumayo yung babae sa pwesto niya tapos pinaghahampas-hampas ng bag si Chris. Umiiyak na rin yung babae.
Poor girl. She fell for that bastard.“I hate you, Chris! You’re such an irresponsible guy! I can’t believe na papakasalan mo lang ako dahil tinatakasan mo ang responsibilidad mo sa kanya!”Hindi makapagsalita si Chris. Masyado siyang caught up sa mga nangyayari. Yung babae naman, pilit niyang tinatanggal yung engagement ring na kabibigay lang ni Chris sa kanya.
“Hayan, ayan na yang fcking engagement ring na yan. Ayokong magpakasal sa’yo. At mas lalong hinding-hindi na rin ako magpapauto sa’yo!” The lady gave him one big slap then walked out of the place.
Nagsimulang magbulung-bulungan yung mga tao sa loob. Shocking nga naman yung na-witness nila di ba? Well, it’s nothing new for me.
“That serves you right, α-hole!”Sinampal ko rin siya. Para pantay naman di ba?
Naglakad na rin ako palabas ng restaurant. Kaso, di katulad nung fiancée ni Chris, I walked out of the restaurant with a big smile on my face.
Mission accomplished.Tinawagan ko kaagad si Maxie, yung client ko.
“Hey, Maxie. The job’s done. Pretty easy, huh.”“Thank you, Alexis! I owe you one.”“You know what to do next, right?”“Oo naman. Bukas na bukas din, idedeposit ko yung fifteen thousand na napag-usapan natin.”Tinapos ko na yung tawag tapos pumasok na loob ng kotse ko.
Grabe yung scene kanina. Ni hindi man lang nag-init yung pwet ko. Ang bilis natapos. Ang bilis kasi kumagat nung babae. I don’t care anyway. Ang mabuti, successful yung project kong yun. I’m fifteen thousand richer this time.
Oh. Sorry for being rude. Hindi ko pa pala naipapakilala yung sarili ko. I’m Alexis Danielle Fernandez. People usually call me Alex. Alias ko lang yung Elle na yun kanina. I need to protect my identity. Mahirap na baka mabuking ako.
The scene earlier? That’s my job—well, hobby actually. People hire me to do the job for them. Just like Maxie. She hired me to teach her ex-boyfriend a lesson. Nalaman kasi niyang niloloko na pala siya ng boyfriend niya which is Chris.
How cruel of me, right? Kaya nga
Ruthless Heartbreaker ang tawag nila sa'kin eh. I break other people's hearts even though they don't really mean a thing to me. Ni wala nga silang atraso sa'kin. I even ask them to pay me for my services.
Oh, well, isang tao lang may kasalanan kung bakit ako nagkaganito. At hindi na siya dapat pang pag-usapan. Hindi ko pa rin kasi nakakalimutan ang ginawa niya sa'kin.
If there's one thing he taught me about love, it's that Love can't exist without hurting others' feelings.
And that's what I do.
Oh, let me tell you this. He broke my heart for the sake of money.
That's why, I break hearts for cash.
Comments, please. I need your opinions para maimprove ko to. Hehe. Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko pa ba to. 
What ya think? 