Teentalk

Poll

What do you think of the story?

I love it! O0
50-50 ::)

Author Topic: Complete my HEART ||EPILOGUE|| doc copies are now available. PM me.  (Read 23503 times)

deynyel08

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 703
  • Karma: +131/-28
  • `.Twenty.Treis.CLOUD~!.
Re: Complete my HEART [Prologue -- Part II] posted! revised edition.
« Reply #30 on: November 28, 2009, 04:13:54 am »
Ate Lyn!! ;D
Here na ako..
Yess naman..
Next na !!
.MINE.YOURS.

fatimamolina

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 83
  • Karma: +19/-5
  • chase me!!
Re: Complete my HEART [Prologue -- Part II] posted! revised edition.
« Reply #31 on: November 28, 2009, 07:05:30 am »
WHAAA!!!your back mamheee.haha

YEY dito na ulit prince charming kakalurky
(Un)Arranged Marriege
Forced Love?

karenita

  • taffy
  • ***
  • Posts: 471
  • Karma: +29/-3
  • follow me on twitter: @icbsuperman
Re: Complete my HEART [Prologue -- Part II] posted! revised edition.
« Reply #32 on: November 28, 2009, 09:57:57 am »
wow! nice update!  :D
update ka na ulit.. ahaha!
excited ako....

~mystic.lady

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1080
  • Karma: +98/-11
  • Past is past.
Re: Complete my HEART [Prologue -- Part II] posted! revised edition.
« Reply #33 on: November 28, 2009, 09:03:38 pm »
ngek..mahina ang powers ko ngayon e.. :D
sige..wait ko na lang.. :P

sige sis. hopefully ma-post ko na `yun soon.

Ate Lyn!! ;D
Here na ako..
Yess naman..
Next na !!


hi danielle! thanks for dropping by.
support mo pa rin `to kahit revised na siya ha?


WHAAA!!!your back mamheee.haha

YEY dito na ulit prince charming kakalurky

yeah, i'm back mhee!
pero hindi na gaya ng dati na always active.. siguro semi na lang.
pero active pa rin. haha. gulo no?
oo nga, si prince charming mo.. binago ko na rin siya. haha.
`yung role lang niya ng kunti.  ;)


wow! nice update!  :D
update ka na ulit.. ahaha!
excited ako....



hope i can update very soon.
ntambakan kasi ako ng mga projects ngayon. hehe. but i'll surely find time.  ;)
Inactive.

~mystic.lady

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1080
  • Karma: +98/-11
  • Past is past.
Re: Complete my HEART [Prologue -- Part II] posted! revised edition. readers???
« Reply #34 on: December 05, 2009, 11:35:07 am »
may readers pa po ba nito?
i really hope meron pa.  :-\
sorry kung mabagal ang updates..
bawi na lang po ako this christmas vacation..
part 3 of the prologue will be posted tonight.  :)


~lynn
Inactive.

~mystic.lady

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1080
  • Karma: +98/-11
  • Past is past.
Re: Complete my HEART [Prologue -- Part III] wanted:readers! 120509 -RE
« Reply #35 on: December 05, 2009, 10:53:08 pm »
may nagbabasa pa ba nito? sana meron pa..  :-\



Prologue
  -Part III-




   Grabe~! Ang boring sa bahay! Mga around 12:30 kami dumating ni Cody, sabi niya eh magpahinga na daw ako at prepare for tonight. Kung ano mangyayari, hintayin na lang ang gabi. Hahaha.. Well, kung matutuloy. Wala sila mama at papa, ayaw ko naman istorbohin sa mga trabaho nila yung mga kasambahay namin kaya napag-isip isip ko na lumabas na lang. Pumunta ako ng mall at nagdecide na manood ulit ng sine. Sa cinema 2 naman ako ngayon, nakipila ako para bumili ng ticket at pagkain tapos pumasok na. Nagsimula na yung movie nung pumasok ako.. Umupo at nanood..


“Aaaaaaaaaaaaaaah~!” Sh!t! eardrums ko! Bigla ba naming sumigaw yung mga babae sa tabi ko, harap ko, at mga nasa likuran ko.. Tsss! Eh about love kaya tong movie na to. Tumingin na ako sa malaking screen... Biglang may nagpakitang white lady na dugu-duguan at may hawak na kutsilyo.. So? Ano nakakata— ??? What the? Horror `to? Gusto kong sumigaw pero pinigilan ko na lang. Bakit walang nagsabi na horror to?  :o Daya talaga oh! Ayaw ko naman lumabas kasi baka sabihin nila na matatakutin ako at ang bilis ko naming natakot. Kaya ayun, nanonood ako habang nakatakip yung hands ko sa face ko at sumisilip ng kaunti pag walang sound effects. Ang dilim pa dito, bakit pa kasi madilim ang mga sine?


Inexplore ko yung mga nanonood.. Bigla na lang nanlaki mata ko nung may naghahalikan..  :-* take note, sa harap ko pa.  :o Nakacap yung guy tapos si girl naman ah nakaponytail. Akala ko sa mga movies lang na may love love ang may ganito? Pati rin pala pag horror, bago yun ah. Tapos nung lumiwanag yung screen kasi may ilaw ilaw effect yung movie eh nakita ko yung dila nila... eeeewww! Ano yun, torrid? Hindi ko na lang sila pinansin at kunwari eh wala akong nakita.. la la la la la la.. wala akong nakita.. la la la la la la la.. Pero hindi ko alam at parang nasasaktan ako.. Tssss~! Ignore ko na lang.


After ilang minutes eh umalis na yung dalawa, hindi pa ng tapos yung movie. Bigla naman akong naiihi kaya pumunta na ako ng CR. Pagkatapos eh narinig ko na lang na nagsisigawan na lahat ng tao kaya napastep back ako.. Gusto ko pang mabuhay no.


“What? Tell me, come on. No one can here us. She’s not even here.”


Sino yun? Sumilip ako sa labas at nakita ko yung nagdedate kanina. Yung nakaponytail at nakaca--.. What? What is he doing here with her?


Ewan ko at bigla na lang akong naluluha.. Ibig sabihin kahalikan niya yung babaeng yun? Bakit, porket ba conservative ako kaya wala pa akong first kiss?


“Stop it. Don’t make a scene here.”


“I’ll just stop when you tell me the truth.”

“Okay.. Okay.. To be honest, I never really loved her. She’s just a mere toy in my eyes, I used her to get over you, to make you jealous and be mine again. Happy?”


“I’m more than happy. So just dump her then, I’m yours again babe. Your plan worked, I really missed you. And men I miss the way how you kiss.”


Then they kissed again.  :'(


Wala na akong pakialam, tumakbo ako palabas at dinaanan sila. Hindi ko alam kung nakita nila ako, pero hindi siguro kasi masyado silang BUSY. Napagod din ako sa kakatakbo siyempre kaya nung nasa exit na ako eh sumandal ako sa pader at huminga ng malalim. Nagdial ng number...


“Hello? Oh napatawag ka Rhizh?”


“Kuya.. uhm.. ah. Kasi, pwede bang magkita tayo?”

“Bakit naman? Uutang ka? Hahaha. Joke lang, medyo busy sa bahay eh.”

“Ah, ganun ba.. hehehe.. sorry to disturb you.” Binaba ko na yung phone ko at tumulo ulit luha ko.. “*sobs sobs*"

“Rhizh, umiiyak ka ba?” Shoot, nakaloudspeakers pala at hindi pa naend yung call. “hahaha. Hindi ah kuya, kaw talaga. Naghahallucinate ka lang eh. *sobs*” Ampupu naman oh. “Umiiyak ka talaga.. Wait for me there, asan ka pala?”

“Sa harap ng mall.” *toot toot* Hihintayin ko na lang siya. Nakayuko ako sa labas while hugging my knees, ang emo tuloy ng dating ko.


“Carla! Carla!” Napatayo ako at nakita ko na nakatayo sa may exit si Cody, hinahabol yung hininga niya. Kahit naman hindi ko tignan eh alam ko naman na siya yun kasi siya lang ang tumatawag sa akin ng Carla. Papalapit na siya sa akin, habang ako naman eh papalayo. Tumakbo na ako at umalis doon. Seeing him breaks my heart more. Bigla namang bumuhos yung napakalakas na ulan. Blurry na vision ko pero tumatakbo pa rin ako. I can’t afford to let him catch, and if he did, I don’t know what I’ll do. “Ouch!” Sh!t naman, bakit ngayon pa ako nadapa? Parang nawala na lahat ng lakas ko. Hindi na ako makatayo.


Then I suddenly felt a very warm hug despite the cold rain. “Akala ko kung napano ka na. Pinag-alala mo ang kuya mo.”

“Kuya, wala na. *sobs* Wala na kami. Niloko niya ako.  :'( Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Parang may lifetime supply ako ng iyak ah.

“He doesn’t deserve your love Rhizh. Wala siyang kwenta. So ano na plano mo for tonight?”

“Pakisabi na lang po kay ma at pa pati na rin sa restaurant na cancelled na, anyway nabayaran na lahat ng expenses. Wala namang saysay yung “meet-the-parents” na yun para maging legal na kami kung wala naman ng “kami” `di ba?”

“Sige, just remember na lagi akong nandito para sa`yo.”


Quote from: manghuhula
“The truth will be revealed to you very soon. I’m sorry to tell you, but it will break your heart. The person you really love is involved for that matter. But I tell you, know the whole truth first.”

So yun pala yung katotohanan..


Nanghina na katawan ko at nanginginig na sa lamig at sakit ng puso kaya. Kaya nandilim na mata ako.. Maybe there were really no “us” before, huh?

« Last Edit: April 01, 2010, 01:29:24 pm by ~mystic.lady »
Inactive.

Lonely Procrastinator

  • Guest
Re: Complete my HEART [Prologue -- Part III] wanted:readers! 120509 -RE
« Reply #36 on: December 06, 2009, 05:02:36 pm »
Ouch naman yun. :(

raice03

  • jawbreaker
  • *****
  • Posts: 13214
  • Karma: +616/-51
  • I am raice03 and I am Inevitable.
    • Twitter
Re: Complete my HEART [Prologue -- Part III] wanted:readers! 120509 -RE
« Reply #37 on: December 06, 2009, 05:10:50 pm »
ay..ouch raised to infinity yun ah.. :(

fatimamolina

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 83
  • Karma: +19/-5
  • chase me!!
Re: Complete my HEART [Prologue -- Part III] wanted:readers! 120509 -RE
« Reply #38 on: December 06, 2009, 11:24:00 pm »
OUCH!!!paki salo naman hearts ko!!!

ang kapal naman ng kuding na yan..

USER!!!!
(calmdown)

NOOO!!!user siya user.



hello mhe,ok ba drama ko?
(Un)Arranged Marriege
Forced Love?

~mystic.lady

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1080
  • Karma: +98/-11
  • Past is past.
Re: Complete my HEART [Prologue -- Part III] wanted:readers! 120509 -RE
« Reply #39 on: December 07, 2009, 07:09:47 am »
Ouch naman yun. :(

ay..ouch raised to infinity yun ah.. :(

OUCH!!!paki salo naman hearts ko!!!

ang kapal naman ng kuding na yan..

USER!!!!
(calmdown)

NOOO!!!user siya user.



hello mhe,ok ba drama ko?

thanks po at may nagbabasa pa rin.. i'll post chap 1 and hopefully chap 2 na rin pagbalik ko po sa friday.. aalis na po kasi ako ngayon sa far far away land. haha. joke. keep on supporting ha?
Inactive.

animechan

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 508
  • Karma: +28/-17
  • ~vindicated
    • tumblr
Re: Complete my HEART [Prologue -- Part III] wanted:readers! 120509 -RE
« Reply #40 on: December 08, 2009, 06:50:35 pm »
lynnnnnnnnnnnnnnn!!!!! binalik mo???

waaaah!!! hndi q pa sya nababasa!!!!
wait bsahin ko lang!!!!


siiiiiiiiiiiiiiiissssssssssss!!! labyu somats!!!!!!!!11

it is me following the path of Idiocy

~mystic.lady

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1080
  • Karma: +98/-11
  • Past is past.
Re: Complete my HEART [Prologue -- Part III] wanted:readers! 120509 -RE
« Reply #41 on: December 11, 2009, 01:25:18 pm »
lynnnnnnnnnnnnnnn!!!!! binalik mo???

waaaah!!! hndi q pa sya nababasa!!!!
wait bsahin ko lang!!!!


siiiiiiiiiiiiiiiissssssssssss!!! labyu somats!!!!!!!!11

yep.. CMH is back.
pero revised edition siya ha.
thanks sis!

labs you too!
Inactive.

~mystic.lady

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1080
  • Karma: +98/-11
  • Past is past.
Complete my HEART [Uno - His Own Inpiration] new readers? 121209 (RE)
« Reply #42 on: December 12, 2009, 10:31:41 pm »
sorry guys for double posting.



Uno
His Own Inspiration

[JV’s POV]




*poke*


*poke*


*poke*



   Ano ba `yan, kita na ngang ang himbing ng tulog ng tao eh. n_n


“Yaya naman. `Di ba sabi ko na bawal pumasok sa kwarto ko kasi baka kung ano makita mong foreign objects?”


   Sambit ko sa kanya habang nakapikit pa rin mga mata ko. Nakakahiya kaya na makita niya mga briefs ko na nakakalat, kahit na lalaki ako eh siyempre ako nag-aayos ng mga gamit ko, pero minsan `pag sinumpong eh tatamarin din naman ako. Deadma pa rin ako kay yaya kahit na poke na siya ng poke sa akin. Weird. Bagets na ba ngayon si yaya at may poke poke na siyang nalalaman? Bigla niyang hinila `yung kumot ko, eh siyempre naaantok pa rin ako kaya hinila ko pabalik sa akin at nagkulot sa loob ng kumot. Humirit pa si yaya at hinila ulit. Ano ba `yan, nakikipaglaro ata ah.  ::)


“Ya naman!”



“Aba, kanina ka pa yaya ng yaya diyan ah. For your information, hindi mo po ako yaya no.”


   What the heck? Boses `yun ni.. teka.. bumangon ako agad at tinitigan `yung babaeng nagmamay-ari ng boses na `yun. Nagpa-Belo ba si yaya? Bakit nag-iba hitsura niya?  ???


“Yaya, nagpa-Belo ka ba? Iba ata hitsura mo.” ^-^


   Binatukan ako ng napakalakas ng babae.


“Aray!” Bigla akong natauhan. Tinitigan ko ulit `yung babae at kinusot ko mga mata ko. Naghahallucinate ba ako? Bumalik na siya dito sa Pinas?


“Aries?!” Tinaasan niya ako ng kilay.  ??? Tssss~ Siya talaga `yan. Ang laki ng pinagbago niya ah. Mas lalo siyang nagmature.


“The one and only. I miss you sooooo much Jed my labs! Buti naman at natatandaan mo pa rin ako. It’s been years, huh?” Sabi niya habang yakap-yakap ako ng napakahigpit. Yeah, it’s been years. And she’s still sweet... as always.


     I miss her hug
            ...her angelic voice
            ...her scent
            ...her soft white skin
            ...her long black smooth hair




          No doubt, it’s really HER. I can’t believe she’s back.


“Alam mo, `pag hindi mo pa ako bitawan eh magluluksa ang buong mundo dahil mababawasan ng mga gwapo. Sige ka, hahabulin ka ng mga fans ko.”


   Bumitaw na siya sa yakap. “Yeah right. Parang hindi mo tuloy ako miss ah.” Nagtampo pa siya sabay pout ng lips tapos walk-out. Siyempre ayoko naman siyang pabayaan na lang `di ba kaya tumayo na ako sa higaan at pinigilan siya. Hinawakan ko `yung right wrist niya.


“Uy, sorry na ah."

“haha.. ikaw talaga. Kalian pa ba ako nagalit sa`yo? Mahal na mahal kita eh.” Sana nga, mahal mo ako higit pa sa kaibigan... higit pa dun. Wala na akong masabi kaya ngumiti na lang ako sa kanya.

“Bilisan mo na nga at maligo ka na. Gutom na ako eh. `Di pa ako kumain, sabi kasi nina titan a pwede daw akong kumain dito. Hehe.” Tinulak-tulak niya ako papunta ng banyo.. “Teka, paano `yung—“


*blag* (pagsara `yan ng door ah, sorry wala akong alam sa sound effects.)


   --uniform ko? Wala naman akong magawa kaya naligo na lang ako. Sa labas na lang ako magpapalit ng uniform ko, buti na lang at may malinis akong boxers dito na `di pa nagagamit.


   After ng ilang minutes eh tapos na ako. Paglabas ko, nakita ko si Aries na hinahalungkat `yung mga photo albums sa drawers ko. Hinayaan ko na lang siya. Ang cute niyang tignan, parang bata na ngumingiti na parang ewan. Haha. Ah, basta. Binuksan ko naman `yung isa kong closet para kumuha ng uniform nang bigla na lang siyang sumigaw ng napakalakas.


“Aaaaaaaaaaaaahhhh~! Jed naman!” Binatuhan niya ako ng mga hawak niyang albums. Tandaan: PHOTO ALBUMS!!!  :o


“Aray! Alam mo ba na masakit `yang ginagawa mo?” Tanong ko sa kanya habang hinihimas `yung likod ng ulo ko na nabull’s eye.


“Alam ko. Matigas kaya ang photo album.”

“`Yun naman pala eh. Bakit mo ako pinapaulanan niyan?”

“Tignan mo nga sarili mo. Towel lang suot mo tapos expose na expose upper body mo, sino bang hindi magugulat?” Sabi niya habang nakatalikod sa akin. Tsk tsk tsk. Inosente talaga `to. Hindi nananamantala gaya ng ibang babae diyan.


“Nakaboxers po ako, kahit tignan mo pa.”


“Ayoko nga, bilisan mo na lang magbihis. Kawawa naman `tong mga mata ko kung mabubulag rin lang.”

"Machoo po ako noh."  Binilisan ko naman kaya ayos na ayos na ako.


“Pwede ka na pong tumalikod.”


“Sure?” Hahaha..  ;D

“Sure na. Nakadamit na po ako. Siya nga pala, bakit mo ako pinagmamadali?”


   Tumayo naman siya tapos umikot. Bakit naman siya parang nagmomodel? Tinaasan ko ng kilay `yung ginawa niya.  ???


“Sa school mo na po ako mag-aaral. Can’t you see what I’m wearing right now?” Uniform ng girls sa school namin. Ibig sabihin eh sa school na siya mag-aaral? Makikita ko na siya everyday?


   Wait, magapakilala muna ako. Ako nga pala si Jerard Vinson. JV for short, Jed naman sa mga close ko. So kung hindi tayo close, don’t you dare call me Jed. Isang nilalang ng Diyos na pinagpala sa kagwapuhan, katalinuhan, at maabilidad. Kaya nga heartthrob ng school eh.  8)


(A/N: Don’t forget ang pagiging super yabang.  ;D)




Going back to the story. Hmmmm. I think from now on, I won’t regret going to school anymore because...








 I now have my own inspiration.





___________________________________

This is a revised edition.




dahil nga revised edition eh nilubos lubos ko na. haha. kaya huwag ng magtaka sa flow ng story. okaw? sorry kung maguguluhan kayo. but if you have questions, just post a comment. sorry po kung lame `yung update.
« Last Edit: April 01, 2010, 01:31:00 pm by ~mystic.lady »
Inactive.

fatimamolina

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 83
  • Karma: +19/-5
  • chase me!!
Re: Complete my HEART [Uno - His Own Inpiration] new readers? 121209 (RE)
« Reply #43 on: December 13, 2009, 02:52:52 am »
NO QUESTIONS SIS!!

BASTA MEON SI PRINCE CHARMING!!WHaaaaaa
(Un)Arranged Marriege
Forced Love?

~mystic.lady

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1080
  • Karma: +98/-11
  • Past is past.
Re: Complete my HEART [Uno - His Own Inpiration] new readers? 121209 (RE)
« Reply #44 on: December 13, 2009, 09:00:57 pm »
NO QUESTIONS SIS!!

BASTA MEON SI PRINCE CHARMING!!WHaaaaaa

haha. sige sis.
meron talaga prince charming mo.  ;)
Inactive.

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website