Teentalk

Poll

Continue or not? at kanino niyo gusto mapunta si Summer?

Yes! Continue! I'll go for SUMMER-DYLAN!
11 (45.8%)
Yes! Continue! I'll go for SUMMER-TRISTAN!
2 (8.3%)
H'wag na boring eh?
4 (16.7%)
No, it's better that the author will start another story.
1 (4.2%)
YES! ANO BA? I CAN'T WAIT NA NGA KUNG KANINO BA TALAGA SI SUMMER EH @ GUSTO KO MALAMAN ANG TUNGKOL SA SARAH-KAVEN LOVE STORY!
6 (25%)

Total Members Voted: 24

Author Topic: KiIM SUN YE IS DEAD;CHAPTER 31: LVING WITHOUT YOU IS A HELL[10-20-10] P.41  (Read 17452 times)

sQuirreL_tObee

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 804
  • Karma: +12/-5
  • *yeongweonhi neomanul sarang hae <3*
Re: KiIM SUN YE IS DEAD
« Reply #405 on: January 24, 2010, 04:48:41 pm »
hahaha sa talagang conceited si kaven ah??

hahaha go sarah!!


xanxa athe! ngayon lang ako nakapagpost d2 hehe :D

valentinegirl_03

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 772
  • Karma: +13/-3
  • alexithymia
Re: KiIM SUN YE IS DEAD
« Reply #406 on: January 24, 2010, 10:56:47 pm »
hahaha sa talagang conceited si kaven ah??

hahaha go sarah!!


xanxa athe! ngayon lang ako nakapagpost d2 hehe :D

hahaha! Okay lang yun atleast kahit papaano nabasa mo di ba?
Thank you sis!
hahaha!
Wanna read my stories? Check this PAGE out!
PAGEofmySTORIES

valentinegirl_03

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 772
  • Karma: +13/-3
  • alexithymia
Re: KiIM SUN YE IS DEAD
« Reply #407 on: January 27, 2010, 06:47:37 pm »
new reader and comment tayo mga sis! salamat
[/b][/color]  :)
Wanna read my stories? Check this PAGE out!
PAGEofmySTORIES

valentinegirl_03

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 772
  • Karma: +13/-3
  • alexithymia





CHAPTER 23: I STAY IN LOVE WITHU




“Sumbei, please wake up. We’re going to buy our stocks.”

         Hayst! Tignan niyo oh? It’s  8:00 in the morning pa lang! Kapag nandito talaga si Mommy hindi ako makapagpahinga ng maayos. Kailangan laging kumikilos. Hindi niya ba iniisip na kapag wala akong pasok that means na rest day ko ‘yun?Hayst! Hindi pa din ako bumabangon. Nakadapa at nakapikit pa din ang mga mata ko. Gising ang diwa ko pero ang katawan ko tamad na tamad.

“Yes Mom.” Sabi ko na tamad na tamad.


“And I want Dylan to come with us. Tell him after you fix yourself.” WHAT?? :o  Sa pagkakataon na ito napaupo ako bigla sa kama ko. Parang sa sinabi ni Mommy nagising talaga ako. Bakit kailangan kasama si Dylan?Ano ba yan! Kung sabagay, wala pa lang alam si Mommy about sa status namin ni Dylan ngayon. Hindi ko masabi dahil hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Since my Mom met Dylan, she became closer with him. Hayaan na nga. Wala na akong magagawa.

Agad na akong tumayo, naligo, nagbihis, nag-ayos ng itsura at lumabas ng room at dirediretso na akong pumunta sa unit ni Dylan.

“Dylan?” Katok ako ng katok sa pintuan ni Dylan.

“Dylan?”

“Dylan?”

“Dylan?” bakit ba walang sumasagot? Nasaan ba siya?
  ???




Miss, sino hinahanap niyo?





“’Yung nakatira dito. Kanina ko pa siya tinatawag hindi siya sumasagot.”



Bakit mo siya hinahanap?



“My Mom wants him to be with us kasi. Aalis kasi kami.”




"Talaga?Paano ‘yan hindi pa ako nakakapag-ayos?"  :-\ Nagulat ako. Kaya hinarap ko ang lalaking kinakausap ko kanina. Pag kaharap ko, si Dylan pala. He gave me a smile. A smile that…alam niyo na. Basta kasi naman bakit kailangan niya mag-smile.

“Sumbei?” then he snapped his fingers infront of my face. Nakatulala na pala ako sa kanya. Tsaka bakit Sumbei na din tawag niya sa akin?Hm? Sumbei ang tawag sa akin ni Mommy. Summer Blaire-Sumbei. Basta yun na yun.Hahaha

“Dalian mo na. Ayaw ni Mommy ang mabagal.” Sabay pumasok na ako sa unit namin ni Mommy.




_____________________________________________________



           Nasa kotse na kami. At sa inaasahan ko nga naman.  Sila ang nag-uusap at ako naman out of the blue.  Nasa passengers seat kasi si Mommy at si Dylan naman ang pinagpamaneho niya ng revo namin. Nasa back seat ako kung maitatanong niyo lang naman. Wala akong magawa. Si Tristan hindi naman ako tinetext. Hindi ko alam kung ano problema niya. Hayst. Pinakikinggan ko na lang ang background music sa loob ng car. Matatapos na ang kantang naririnig ko. Ganda pa naman. Ano kaya next song?

Narinig ko unang beat..very familiar. Tapos nung narinig ko na ang boses ni Mariah na humuhuni, naalala ko na, I Stay in love  ni Mariah. Love her songs talaga.hehehe. Nanahimik ang dalawa, parang naisip nilang manahimik dahil ang ganda ng background music namin. Panget naman kung sisirain nila. Hahaha,

Habang naririnig ko ang kanta ni Mariah, napapangiti ako. Ang gaan sa pakiramdam ng boses niya. Feel na feel ko tuloy ang pag-s-sight seeing. Hahaha. Malapit na mag-chorus! Sasabayan ko.
:) :) :)




We said let go
But I kept on hanging on
Inside I know it's over
You're really gone
It's killing me
'cause there ain't nothing
That I can do
Baby, I stay in love with you


Napatingin ako kay Dylan. Nagboses babae pa siya. Si Mommy naman nakatingin sa kanya. Feel na feel niyang kumanta. Parang nasa contest lang.

And I keep on telling myself
That you'll come back around
And I try to front like "Oh well"
Each time you let me down
See I can't get over you now
No matter what I do
But baby, baby


Bago niya sabihin ang last line, tumingin siya sa akin.

I stay in love with you

At kumindat?  :o  May ganun effect pa. Nanahimik uli ang paligid. Pinakikinggan ang kantang naririnig.


“So, how’s your relationship with my daughter?” nagulat ako dun ah?Nasamid tuloy ako kaya hindi ako matigil sa kakaubo.

Sumbei, are you okay?” sabi ni Mommy at napatingin sa akin.

“Mommy, I think we’re here na.” Mommy pa din tawag niya kay Mommy.

   At ayun nag-grocery na nga kami. Ang ingay pa din ni Mommy at si Dylan ang kausap niya. Sige ikaw na ang anak niya,Dylan.Hahaha! Bitter ako nuh?Hmp! Nililibot naming ang buong Rustans supermarket at sa bawat ikot namin naririnig kong iba-iba kwento ng mag-ina este nila Dylan.


“Psst! Miss!”

“Pwede magtanong?”
Tinignan ko lang siya habang tulak tulak niya ang push cart. Ano trip nito?Miss pa tawag sa akin.

“Bakit ang ganda mo lagi?” Ngumiti ako. Ang cheesy eh! Sabay tumingin na ako sa hilera ng mga bread.

“Psst! Miss!” For this time, tinaasan ko na siya ng kilay.

“Bakit kapag nakikita kita ang gaan ng loob ko?”  ;) *sigh* sabay iling.

“Psst! Psst! Miss!”

“ANO BA?!!!”  >:( Nagulat ang mga taong nakapaligid sa amin. Kaya napahinto ako at napayuko. Si Dylan naman naglalakad na at susunod na kay Mommy pero bago siya umalis, tinignan niya ako at sobrang lapit ng mukha niya sa akin na nagpapalaki ng mata ko at napapaurong.

“Bakit ka nagbublush?” sabay alis pero bago siya umalis, nag-iwan siya ng magandang ngiti. Super hawak naman ako sa mukha ko at sige ayos ng itusra. Hindi ako nagbublush!

   Nakinig na lang sa Ipod ko.Buti na lang dala ko bag ko. Now Playing: U by Super Junior. Gustong gusto ko talaga yung kanta nilang ito lalo kapag ang lyrics na ay, No I can’t stop thinking bout you girl, you’re mine….lalalala.  Oops! Gusto ko nito! Napastop ako kung saan ang mga potato chips ay nandito. Asaan ba sila Mommy?


“Sumbei! Come here!” Nasa counter lang sila? Ang bilis naman. Mommy gusto ko nito. Hmmmmm…..

   Sumunod na lang ako tuloy sa kanila. Tinitignan ko yung mga nilalagay nilang mga pinamili sa may counter. Tinitignan ko din yung screen kung saan lumalabas ang mga prices.


“Sumber, I can’t deny that you’re my daughter. Like me, you love eating potato chips too.” Nabigla ako sa sinabi ni Mommy. Ang daming potato chips!

“I love you, Mom.” Sabay niyakap ko si Mommy.


“Thanks to Dylan.” Napatingin ako kay Dylan habang siya naman ang naglalagay ng mga pinamili naming sa counter.

No I can’t stop thinking bout you girl, you’re mine.

“HOY!” sa gulat ko naturo ko pa siya. Nagulat ko din ata si Mommy, si Dylan at yung nasa counter.

“What’s wrong?” sabi niya habang nakatingin sa akin ng seyoso. Dahil sa napahiya ako. Nabuhat ko tuloy ang mga pinamili naming nakaplastik na at nauna na pumunta sa Revo.




________________________________________




   Akala ko aalis na kami pero nagyaya pa si Mommy na kumain kami. Nasa isang open and hanging restaurant kami.Ay sarap ng hangin kahit tangahaling tapat at ang ganda ng view. Hindi ko mapigilan ang mapatingin sa paligid at manahimik na lang. Ang daming pagkain sa harap naming at dahil ito ka Dylan.

FLASHBACK

          Habang nasa amin ang menu, wala ako mapili dahil sa dami ng gusto ko kainin. Naka-order na si Mommy. Pasta asusual. Gusto ko din nun pero iniisip ko pa din kung ano talaga ang kakainin ko.Hehehe.

I’m thinking of…

Spaghetti Bolognese
Red Iced Tea
French Fries
1 slice of Pepperoni Pizza
 Tapos…ay ayun na lang may banana slit din kasi sila eh. Kaso iniisip ko baka hindi ko naman maubos lahat ito kaya mamimili na lang ako.


“Miss,here’s our order. 2 spaghetti Bolognese, 2 red iced tea, 2 French fries, 2 slices of Pepperoni pizza and 1 banana split.”

“HOY!” sabi ko at naturo ko na naman siya. Nagulat si Mommy, si Dylan at ang waitress.

“What’s wrong?” At ganun uli reaksyon niya.

“You really know each other huh? Even in foods.” Sabi ni Mommy na nakangiting nakatingin sa amin. Wala na akong palag at nanahimik na lang ako.

“That’s how I love her.” Napatingin ako sa kanya at nakatingin din pala siya sa akin. Ano pa nga ginawa niya?Syempre, nginitian ako. Hmp! Dylan naman eh!

Nagsimula na kami kumain. Grabe sarap ng foods feeling ko bibitayin na ako mamayang 3pm kaya ganito kasasarap kinakain ko. Sa sobrang busy ko sa pagkain hindi ko na naririnig ang usapan ni Mommy at Dylan.

Pero parang may sumisipa sa paa ko? Tinignan ko, paa ni Dylan. Ano ba problema nito?Tinginan ko siya at mouthing of words siya na WIPE-YOUR-MOUTH-MATAKAW! Aba?Nakuha pang mang-asar?Hmp! Agad ko naman pinunasan ang mukha ko, nakakhiya eh. Tumingin ako uli sa kanya at nag-wink siya sa akin. Hmp! Pa-cute.

“Wait, I need to go to the comfort room.” Then she walked away. Sa pagkatalikod ni Mommy, bigla ako hinila ni Dylan at hinarap sa kanya.Nakatitig ako sa kanya at ganun din siya. Hindi ko pa nauubos sa bibig ko ang spaghetti na nasa bibig ko kaya hindi ako makapagsalita. Pero pinapahalata ko na sa kanya na nagtataka na ako with my facial expression.

Ilang sandali lang kumuha siya ng tissue at pinunasan ang bibig ko. Nagulat ako sa ginawa niya pero seryoso ang mukha niya.
“Hanggang ngayon ba naman ako pa gagawa nito?” sabi niya. Lalo ako natulala sa sinabi niya. Naalala ko ang nangyare namin sa Drama class. Galit ako sa kanya pero parang kapag kasama ko siya lumalambot ang puso ko. Sige na kumain ka na uli.” Sabi niya sabay kumain na din siya uli.

“Ipakilala mo na siya mas mahihirapan ka pa kapag lalo ito tumagal.”

“Natatakot ako.”

“Ganun talaga. Ayaw kitang nahihirapan.” Sabi ni Dylan at ngumiti siya sa akin.

Wala na kaming ginagawa. Tinitignan na lang naming ang view. Non-stop pa din ang kwentuhan nila Dylan at ni Mommy. Gusto na talaga ni Mommy si Dylan. Eh Paano kung malaman niya kayang wala na kami?Ano kaya magiging reaksyon niya?

“Say Kawaiii!”

      Nagpicture-picture kami. May dala palang camera si Mommy. Hahaha. Kulit talaga nitong nanay ko. And ayun iniwan niya na naman kami bigla dahil may kinausap siya sa phone.

Nakatingin lang ako sa magandang view na nasa harap ko. Hindi ko na alam ang ginagawa ni Dylan hanggang sa nagsalita siya.


“In every angle you really look beautiful.” Napatingin ako sa kanya. Kinukuhanan niya pala ako ng picture.

“What are you doing?”


“Taking shots to the most beautiful girl infront of me.”

“Give me the cam. Madaya ka! Kaw din dapat.” Tapos inaagaw ko ang camera sa kanya. Nag-aagawan kami at ramdam ko din na pinipicturan niya pa rin ako. Tawa siya ng tawa parang nababaliw na ito. Ang harot harot talaga lagi.Hahaha! Hmp! Hanggang sa hindi naming namamalayan nagkukuhanan na kami ng pictures together. Parang kami pa din ah?Pero hindi na talaga.

Nagtatakbuhan din kami, napunta tuloy kami sa isang place. Hindi ko mapaliwanag pero ang ganda. Napatigil ako sa pagtakbo at dinama ko ang malakas na hangin. Napapikit ako. Hindi ko ininda ang init. Ang sarap.Hehehe.

Nagulat ako asaa si Dylan bakit parang walang humabol sa akin? Napatingin ako sa likod at paparating pa lang siya. Saan ba ito nagsuot?

Pagdating siya kung saan ako nakatayo,Kiliti niya ako ng kiniliti hanggang sa nakayakap na pala siya sa akin mula sa likod. Hindi ko namalayan. Basta ang alam ko lang nagkakasayahan kami. “Let me go.” Sabay tawa ako ng tawa. Bigla siyang tumigil nagulat ako at ramdam kong dumampi sa ulo ko ang noo niya habang nakayakap siya sa akin mula sa likod.

“Dylan?”

“Hm?”

“Okay ka lang?”

“Oo naman.”

“Ano na nangyayari sa’yo?”

“Sarap ng hangin noh?Hayyy….”

“May problema ka ba?”

“Hayaan mo lang akong ganito. Baka huli na ito eh!” sabay lalo humigpit ang yakap niya sa akin.

“Ano?”







“Baby, I stay in love with you.” Kinanta niya ang line na ito hanggang sa inipatong niya ang ulo niya sa balikat ko.




“Dylan.”









“Sumbei, I miss you…























But I will give you the freedom to find your happiness. Tell your Mom about Tristan.”
For the second time, I feel like he’s letting go of me.
Wanna read my stories? Check this PAGE out!
PAGEofmySTORIES

palmahall.up

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1819
  • Karma: +112/-12
  • spanish, chinese, filipino blood in me <3
Re: KiIM SUN YE IS DEAD
« Reply #409 on: January 30, 2010, 07:44:45 pm »
DYLAN!! :'( :'( :'(


ganun na lang ba yun? after letting summer feel she's special...iiwan mo nanaman siya? :'(

hayyyyy

si ina clueless pa rin

valentinegirl_03

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 772
  • Karma: +13/-3
  • alexithymia
Re: KiIM SUN YE IS DEAD
« Reply #410 on: January 30, 2010, 08:04:39 pm »
 
DYLAN!! :'( :'( :'(


ganun na lang ba yun? after letting summer feel she's special...iiwan mo nanaman siya? :'(

hayyyyy

si ina clueless pa rin

pasensya sis kung malungkot ang update  :)

okay lang yan ganyan din naramdaman ko nung sinulat ko ito.  :)
Wanna read my stories? Check this PAGE out!
PAGEofmySTORIES

palmahall.up

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1819
  • Karma: +112/-12
  • spanish, chinese, filipino blood in me <3
Re: KiIM SUN YE IS DEAD
« Reply #411 on: January 30, 2010, 08:06:01 pm »
medyo naiinis na ko kay dylan...

pabago-bago ng isip

hahaha

valentinegirl_03

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 772
  • Karma: +13/-3
  • alexithymia
Re: KiIM SUN YE IS DEAD
« Reply #412 on: January 30, 2010, 08:10:02 pm »
daig pa babae noh?hahaha!

okay lang yan...hehehe...nakakainis naman talaga.hehehe
Wanna read my stories? Check this PAGE out!
PAGEofmySTORIES

Lonely Procrastinator

  • Guest
Re: KiIM SUN YE IS DEAD
« Reply #413 on: January 30, 2010, 09:00:32 pm »
Nahihirapan ako para kay Dylan. Anong klaseng buhay yan? :( PWede naman na sila na lang.

valentinegirl_03

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 772
  • Karma: +13/-3
  • alexithymia
Re: KiIM SUN YE IS DEAD
« Reply #414 on: January 30, 2010, 09:08:23 pm »
pwedeng pwede talaga...

ewan ko sa dalawang ito kung bakit nila pinapahirapan nila mga sarili nila.hehehe.


thanks sis sa pagbabasa!mwuah!
Wanna read my stories? Check this PAGE out!
PAGEofmySTORIES

Lonely Procrastinator

  • Guest
Re: KiIM SUN YE IS DEAD
« Reply #415 on: January 30, 2010, 09:14:45 pm »
NP!  :-*

zheaisthria

  • Guest
Re: KiIM SUN YE IS DEAD
« Reply #416 on: January 30, 2010, 09:33:00 pm »
first of all! i'm not yet done reading the whole story
but i just really like it
from the beginning, i start liking it
maybe i'll be late than the others
but i will continue reading it

nice work
i love it
 ;D

valentinegirl_03

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 772
  • Karma: +13/-3
  • alexithymia
Re: KiIM SUN YE IS DEAD
« Reply #417 on: January 30, 2010, 11:53:55 pm »
first of all! i'm not yet done reading the whole story
but i just really like it
from the beginning, i start liking it
maybe i'll be late than the others
but i will continue reading it

nice work
i love it
 ;D

thanks sis!
hope you'll not get bored...
medyo madrama pagdating sa ibang parts.
ibang parts lang naman.
hope you'll be here until the story ends.hehehe.
Wanna read my stories? Check this PAGE out!
PAGEofmySTORIES

jaky11

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1856
  • Karma: +183/-9
  • i love goodbye's but i hate farewell
Re: KiIM SUN YE IS DEAD
« Reply #418 on: January 31, 2010, 10:05:05 pm »
huhu i can't take it anymore! :'( :'( :(
nakakainis kailangan ba talaga may part na
mag hihiwalay sila?
hindi ko na kaya!! iiyak na ako!
jowk masyado na ako madrama ah!
haha  :'( :'( sana mag balikan na sina dylan and summer miss ko na sila!

BlackLily

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2094
  • Karma: +135/-10
    • My Tumblr.
Re: KiIM SUN YE IS DEAD
« Reply #419 on: February 01, 2010, 09:34:32 am »
bakit ganun tuwing binabawsa ko ang scene ni Dylan at summer nadedepress ako?
Website for my stories

BlackLily Stories


Ongoing:
Tears of Angel

 

Candy Blog

What We Did: A Week-Long Internship!
by: guest, 2012-02-10
Hi, :hi: we're Estelle and Tanitha, we're 15 and 14 year old French girls and we're in...

Council of Cool Blog

La Paella in Greenhills
by: Rebecca, 2012-02-10
With our limited allowance and time, us teenagers enjoy finding new spots to enjoy our time...
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website