Teentalk

Poll

Di ko maedit poll

hu
0 (0%)
hu
0 (0%)

Total Members Voted: 0

Voting closed: December 13, 2009, 11:15:23 pm

Author Topic: I'M Glad It's YOU - [END] - p109  (Read 99470 times)

isalicious

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2430
  • Karma: +328/-116
  • Destined to meet, not to be together
    • Blog
I'M Glad It's YOU - [END] - p109
« on: November 21, 2009, 01:24:21 pm »
NOTE: MADAMI PO ITONG MGA MALI KAYA PAGPASENSYAHAN NA <3 LAGI KASI AKO NAGMAMADALI NUNG SINUSULAT KO PA SIYA SO YUN...

love, isa





I'm
Glad It's You


By: Isa  :-*



I usually make fun of her,   
because every time I do that, she makes
this face that’s so cute! 
I, uhh, make her cry sometimes, not
on purpose actually.. 
She always hurt me, physically! She
Punches me and kicks me! 
But I am actually very happy.
For I am madly, crazily inlove with her!
Ynah.

I’m so glad it’s her.The one with no doubt at all,
the perfect person for me,
the girl I’d love to spend my
lifetime with.
  :)


Father, I do.





Sometimes he pisses me off,
He’s always making fun of me
And He makes me cry frequently too!
But I don’t know why even though things
are still and were like that,
I’m still here beside him!
He’s making me very happy
He’d been taking good care of me since day 1,
He serenades me with sweet songs,
And he loves me, I can feel it!
What more can I ask for?
I’m going crazy over him..
Now I'm running out of words,
but I want to say that

I’m glad it’s him
, the one I am with
at this moment of my life
Lester...
My one and only.  :)



I do, father…

~~~~~~

Navigation:

THE LINKS ARE ALL BROKEN, I DONT KNOW WHAT HAPPENED WITH THEM, IM VERY SORRY. - APRIL 28 2011

Season 2:
It Will Always Be You
Link: Click ME


Season 3:
It's You and I Forever

Please tell me immediately if the links are not working. thanks!
« Last Edit: April 29, 2012, 03:27:42 pm by isalicious »

isalicious

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2430
  • Karma: +328/-116
  • Destined to meet, not to be together
    • Blog
Re: I'M Glad It's YOU
« Reply #1 on: November 21, 2009, 01:46:11 pm »
♥The Characters♥


Luisa Ynah Cruz[Ynah]
Age: 18
Birthday: July 15
Year: 2nd year college
Maganda  :D, maputi, nasa 5’4 ang height, mahaba ang buhok, at kulay brown ang mata.
Panganay sa tatlong magkakapatid. Makulit. Minsan maldita. 
Magaling kumanta. Nasa US yung mga kapatid niya at parents niya,
ayaw niya magstay dun kasi mahal niya daw yung pilipinas!  ;D




Lester Yves Castro[Lester]
Age: 20
Birthday: June 27
Year: 4th year college
Hot!!  :D Gwapo, maputi, nasa 5’9 ang height. Nagiisang anak, kaya naman siya
ay napakaspoiled. Magaling din siya kumanta,
pero kunti lang ang may alam nun. Mahilig sa chix! ;D



Katrina Lo [Kat]
Age: 19


Ang matagal ng kaMU ni Lester. Yun nga lang iniwan niya si Lester para mag aral sa Paris ng Fashion Design. But then one day, bumalik siya ng walang pasabi. At kung anong nangyari sa pagbalik niya, abangan niyo nalang  ;)


Riley dela Santos
Age: 19
Seatmate ni Ynah. Simple lang siya, pero mayaman. Nagkakagusto kay Ynah secretly. Magiging kaagaw kaya siya ni Lester?



Cindy Suarez[Cindy]
Age: 20
Ang classmate ni Lester na magpapahamak kay Ynah ng bonnga!  :o



Jaemee Ice Miranda [Ice]
Age: 18
Ang best friend ni Yna. Consistent Dean’s Lister since 1st year.  ::) Madaldal,
NBSB [no boyfriend since birth] pero madami naman nanliligaw sakanya.
Siya ay may pagkamakulit kaya magkasundo talaga sila ni Ynah.



Mark Anton Santos [Anton]
Age: 20
Ang kinakapatid at laging takbuhan ni Lester.  ;D Team captain ng basketball team ng college nila.
Gwapo at syempre habulin ng chix, team captain eh  :P


♥Extras♥


Jerry Castro - dad ni Lester
Cee Castro - mom ni Lester

Yaya ni Ynah
Ate Luz - Katulong ni Lester

Dan, Tim
Hales, Nina
Iba pang kabarkada ni Lester at Anton



♥Songs♥

At The Beginning
-for chapter 7

Happy
-for chapter 9

I Finally Found Someone || Panalangin
-for Chapters 23 & 24

Patron Tequilla || Shots || Go Girl
-for chapter 26


« Last Edit: April 03, 2010, 02:59:18 am by isalicious »

isalicious

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2430
  • Karma: +328/-116
  • Destined to meet, not to be together
    • Blog
Re: I'M Glad It's YOU
« Reply #2 on: November 21, 2009, 02:02:29 pm »
NOTE:
Colored Lines = delivered speech
Black = thoughts
*** = end of someone's POV
chic = pretty / hot girls

-----------


Chapter 1

♥The Beginning♥



YNAH’s POV

September 15
[Sa labas ng library]

Ynah!

Wow so nice naman, malapit na talaga mag sembreak!  ;D Grabe excited na talaga ako, hahaha! Ako nga pala si Yna Luisa Cruz, isang magandang babae,  :D ;D  joke lang! Aba bakit ba, masama magsinungaling noh. Seryoso na nga, eto, ako’y isang college student na, akalain mo yun, parang kelan lang..

Ynaaaaaaaaaah!!!

Mukang kanina pa ako tinatawag ni Ice, ang best friend ko.

Ang aga aga sumisigaw ka na agad Ice!
   
Pano naman kasi, kanina pa kita tinatawag jan noh. Kung anu ano na naman iniisip mo! Nakita mo na ba ung nasa bulletin board sa hallway?
   
Ano naman kayang meron dun?

Hindi ko pa nakikita. Bakit anong meron?

Napili ka para irepresent yung college natin para sa Mr. & Ms. University!!

Ako-kasali-Mr & Ms. University..



LOADING 50%..



LOADING 75%...



LOADING COMPLETE?



Ok.


Okay?!


Nag sink in na sakin!

OH MY GAHD :o  :o. Kasali ako sa Mr. & Ms. U. Meaning, kalaban ko ung mga representatives  ng iba’t ibang colleges like College of Nursing, Pharmacy, Fine Arts! Grabe na toh!!  :o Mababaliw na ata ako!   :o


Earth calling Ynaaaah!


Waaa! Best kasali ako sa Mr & Ms U!!!  :-[

Congrats best! Galingan mo dapat dun ha! Teka kilala mo ba si Lester Yves Castro?  ???

??? Hindi ko siya kilala eh. Bakit? Sino siya?

Siya ung partner mo! Parang narinig ko na pangalan na yan dati eh, di ko lang talaga matandaan!

Sana gwapo at hot partner ko best! Haha. tingin mo gwapo un?

Siguro, kasali sa pageant eh. Tara na best. Pumasok na tayo, mallate na naman tayo nyan eh!


At yun nga. Habang naglalakad kami, pinag usapan lang namin ang tungkol sa magaganap na pageant. Shocks ang haba ng hair ko!


Pag tapos ng klase namin ng mga 3pm, [10am-3pm lang kasi pasok ko araw araw] pumunta na kami sa KFC para magmerienda. Pagdating namin dun iniwan ko ung book ko sa lamesa pang save ng table at pumila na kami ni Ice.




[/b]
***





LESTER’s POV

[Sa bahay]

Malapit na naman umalis sila mommy at daddy. Hay  :(. Maiiwan na naman ako magisa dito sa bahay namin.

Tsaka ko na nga ulit iisipin. Makapunta na nga sa school.

Yaya! Thank you po sa paglinis ng kotse ko. buti nalang talaga at may yaya ako na tulad niya! Sobrang bait na nga, ang sarap pa magluto!

Welcome iho! Sige na pumunta ka na ng school.

Sige po ya. Una na ako. Paki sarado nalang po ung gate.




Calling...
Anton Santos
09178849889


Ano bay yan, nagddrive ako. Sino naman kaya tong tumawag?

Hello?
Les, magkakasama na kami nila Tim at Dan, papunta kami sa KFC. Sunod ka?
Sige sunod ako, malapit na ko, nag ddrive na ako. Sige bye.
Geh. Bilisan mo nalang, malapit na din kami. Bye]



Naku talaga yang mga kabarkada ko, 4th year college na kaming lahat pero hilig pa din sa mga fastfood.

Buti nalang walang traffic. Andito na ako sa kfc. Mga lokong un, pinag madali ako pero wala pa sila. Si Anton nga pala ay kinakapatid ko, ninang ko kasi Mom niya. Ever since gradeschool, magka schoolmate na kami.

Tim: Lester ikaw bay an? Marunong ka na pala magbasa ng libro ngayon?? Si Tim ay kabarkada din namin ni Anton. Salamat naman at dumating din sila.

Gag*. Para sa lit namin to. >:( At nagtawanan pa sila. Buisit. Bakit ba kasi pa namin kailangan gumawa ng book report?  >:(

Bat ba ngayon lang kayo?  >:(


Nagpa gas pa kasi kami.

Ah. Tara umorder na nga tayo. Wala kayo dalang gamit?

Dan: Iniwan na namin sa kotse e. si Dan, kabarkada din. 4 kaming magbabarkada.

Iwan mo na yang libro mo sa lamesa, pila na tayo. At dahil nga wala sila dalang gamit, iniwan ko nalang libro ko at pumila na kami.
[/b]



*****




YNAH’s POV





Habang nagoorder na si Ice..

Ynah tignan mo, may paparating dito na hot boys!! Tignan mo ung nasa gitna, ang gwaaaapo! Sana katabi natin ng table!

Ikaw talaga, pag dating sa mga boys ang bilis bilis ng mga mata mo. Punta ka na sa table natin. Ung may libro ha, baka san ka na naman pumuntang table.

Sige una na ko, bilisan mo magorder, lonely mag isa sa table! Yung best friend ko talaga, ang OA. Infairness, ang gwapo nga nung nasa gitna! So hottie fafa. Maka order na nga.



*****




LESTER’s POV


Habang nakapila kami...

Dan: Lester, chic oh. Tinuro ni Dan yung magandang babae na kakatapos lang magorder, pabalik na sa table. Aba, maganda nga siya! Ang puti. Chic nga.  ;D

Ikaw talaga Dan, bilis ng mga mata mo sa mga chics.

Ganyan talaga mga playboy. Haha  ;D ;D. Nagtawanan na naman kami.

Nakaorder na kami at bumalik na sa table. Parang nag iba ata ung table namin, ang tanda ko eh ung table na sinave ko ay ung malapit sa may CR, pero ngayon andito kami sa table sa may bandang gitna. Mga loko talaga to. Humanap ng magandang table siguro para mag chic-hunt.



Pagkatapos namin kumain, kinuha ko ung libro tapos pumasok na kami sa school. Ang pangit ng sched ko, 4pm-9pm, nakakatamad pasukan, nakaka antok. Grr.
[/b]




*****






YNAH’s POV


Bakit lumipat ka pa ng table? Loko talaga tong best friend ko, andito kami sa table malapit sa cr, ano ba yan, titignan niya ata lahat ng dadaan dito na lalake eh.

Ano? Lumipat ng table? ???

Nako, lumilipad na naman isip mo. Nevermind. Heaven, sarap ng mga pagkain ko. finger lickin good!  ;D :D so yummeee.


Pagtapos namin kumain, kinuha ko na ung libro ko tapos umuwi na kami ni Ice. Malapit lang bahay namin dito eh, isang jeep lang.

Pag dating ko sa bahay, binasa ko na ulit yung Love in the Time of Cholera, may book report pang nalalaman yang prof namin sa lit eh! Grrrr.



*****





LESTER’s POV


Pagkatapos ng klase ko nga mga 9pm, umuwi na ako agad sa bahay kasi naghanda daw ng hapunan si mommy. Aba, madalas lang magluto mommy ko kaya uuwi agad ako.

Pagdating ko sa bahay kiniss ako ni mommy sa cheeks ko. Ano ba yan, si mommy binibaby na naman ako.

Lester, magpalit ka na ng damit, at kakain na tau. Gutom na kami ng daddy mo. Sabi ni mommy

Gutom na ko my. Mamaya na ako mag papalit ng damit. Tara kumain na tayo

Habang kumakain kami..

Iho, next month na yung alis namin ng mommy mo papuntang Singapore, opening kasi nung branch ng business natin dun. Mag stay kami  dun ng 6 months para mabantayan muna ung kompanya, at maguide ung mga employees natin dun ng mabuti. Sabi ni dad. Buti naman at 6 months lang. Akala ko naman matagal. Businessman nga pala ang daddy ko, kaya eto, lahat ng gusto ko nabibigay sakin. Ang dami na ngang branch ng business namin eh.

Sige po dad. Ihahatid ko nalang kayo sa airport nun.


Kamusta school anak?
Tanong ni mommy sakin.

Ok lang. Kasali pala ako sa Mr & Ms University, sa September 28 po yung pageant. Shet. Parang kadiri naman magsabi na pageant, dba pang babae lang halos un?!

Sakto. Nov. 3 flight namin, makakapanood kami ng dad mo. We’ll support you. Ang bait talaga ng mom ko. Hay. Magiging busy pala ako niyan dahil sa mga rehearsals.

Thanks mom. Aakyat na po uli ako sa kwarto ko, tapos na ako kumain. Makapag basa na nga ulit ng libro.

Pagkita ko sa libro, nanibago ako. Bakit naka plastic cover? At may LYC na pangalan. LYC ang initials ng pangalan ko, pero hindi ito akin! Kanino naman kaya ito? >.<

Binuksan ko ung libro. At eto yung nakasulat sa first page, pink pa ang kulay.



   LYC ♥♥♥
   09172751518
   University of Sto. Tomas
   College of Engineering




Aba! Kauniversity ko to ha, at kabuilding ko pa. Engineering din pala siya. Pero paano napunta saakin yung libro niya?!?! Matxt nga.


[/b]
To: 09172571518
From: My Number

   Nasayo ba ung Love in the Time of Cholera mo ngayon?





muka ata akong masungit sa txt. Napapaisip talaga ako kung paano napunta sakanya libro ko eh. Sana naman magreply to. Bili pa naman sakin un ng... 1 message received.




Siya na kaya tong nagtxt?
  ???





To be continued... 
« Last Edit: March 20, 2010, 02:59:15 am by isalicious »

isalicious

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2430
  • Karma: +328/-116
  • Destined to meet, not to be together
    • Blog
Re: I'M Glad It's YOU
« Reply #3 on: November 21, 2009, 02:18:23 pm »
Chapter 2
♥Magkita Tayo!♥

YNAH’S POV
September 15 [night]



Habang nasa kasarapan ako ng pagbasa ko, biglang nag vibrate yung cellphone ko. Sino naman kaya tong nagtxt na toh?  ??? Number lang eh..



To: ynah♥
From: 09178020020

   Nasayo ba ung Love in the Time of Cholera mo ngayon?


Makareply nga. Sungit naman nitong nagtxt na toh.  >:( Kala mo close kami! Ay siguro classmate ko to sa lit!  ;D


To: 09178020020
From: ynah♥
   Oo bakit? Eto nga oh, nagbabasa ako! Sino ka ba?


To: ynah♥
From: 09178020020
   Hindi sayo yang libro na hawak mo, dahil nasa akin yung libro mo!



Shet nakakatakot naman tong katxt ko na to.  :( Sino kaya to?  ??? At at...

tinignan kong mabuti ung libro na hawak hawak ko ngayon..



teka...  ???


Walang plastic cover?  :o Sino kaya nagtangal nun!! >:(


at Walang pangalan sa first page?!?!  :o

 >:(


At HINDI KO NGA LIBRO TO.  :o :o




To:  09178020020
From: ynah♥
   Eh bakit nasayo ung libro ko ha? Ibalik mo nga yan saakin!



May kumuha ng libro ko. huhuhu.  :'( Masave na nga ung number! Huhuntingin ko to! Buisit.  >:(


To: ynah♥
From:  kuha-buk-ko
   Ibabalik ko kung ibabalik mo din yung libro ko! Magkita tayo. 


To: kuha-buk-ko
From: ynah♥
   Sorry hindi ako nakikipagkita sa mga strangers. :p

 

Ano siya siniswerte? Gr.  >:( Pero paano na yung libro ko?  :(


To: ynah♥
From: kuha-buk-ko
   Sige akin na libro mo. Bye.



Waaaa! Yung libro ko!! T_T galing pang America yun, padala ng mga kapatid ko sakin! Mukang lalake tong katxt ko ha. Napaka sunget eh!!!!  >:(



To:  kuha-buk-ko
From: ynah♥
   Fine. Magkita na tayo. Bigay lang sakin yang libro.


To: ynah♥
From: kuha-buk-ko
   3:30 bukas. Sa botanical garden ng school.


 To:  kuha-buk-ko
From: ynah♥
   Ng UST? taga ust ka din?


To: ynah♥
From: kuha-buk-ko
   Magkita nalang tayo bukas. Wag ka mallate. Malalagot ka pag late ka bukas.



Matawagan nga si Ice sa bahay nila.




Hello?
Oh bakit ka napatawag Ynah?
Kasi naman, yung libro ko napunta sa isang lalake, at nakikipagkita siya bukas saakin. Nagkapalitan kami ng libro. Naku buisit talaaaaaaga,  >:( bigay pa naman sakin yun ni Christine.
Paano naman napunta ung libro mo sakanya?

Aba malay ko ba, nakakatakot nga eh. Samahan mo naman ako bukas oh?
Sige sige.
Sige thanks. Good night. See you yom!  ;D




Si Christine nga pala ay kapatid ko na nasa US. Tatlo kaming magkakapatid, ung isa si Ram. ako lang yung nasa pinas kasi ayoko umalis dito, kaya sa bahay namin, ako lang at si yaya ang nakatira.

Makatulog na nga. Lord sana po hindi po bad guy yung nakapalitan ko ng libro..  :(

Ang himbing himbing ng tulog ko ng bigla akong ginising ng yaya ko. aba, umaga na pala!  :o Papasok na ko.

Pagdating ko sa school, may kumausap saakin.


Miss are you Luisa Ynah Cruz? Sabi ng isang babae na parang prof na basta!


Yes ma’am. I’m Ynah.  :) Why are you asking po?  ???



I’m Ma’am Keith, assistant of the Mr & Ms U organizer. I’m here to tell you that rehearsals will start later at 4pm sharp in the Central Auditorium. Your attendance is a must.


Okay ma’am. I’ll be there and I won’t be late.

~~~

After ng class namin pinuntahan ako agad ni Ice

Best! Sorry hindi kita masasamahan, nagpapamake up class ung isa kong prof mamaya. Sorry. Basta pag may nangyari na di maganda, itxt o kaya tawagan mo nalang ako agad..

Ganun ba? Sad naman.  :( Pero sige na, pumasok ka na sa make up class niyo, baka malate ka pa!
Shocks.  :o Bigla ako natakot! Ako lang mag isa makikipagkita sa isang stranger!

Sige. Magingat ka best!!

Naku lagot. Malapit na mag 3:30. Makapunta na nga sa botanical. >.< bahala na kung ano mangyayari




to be continued.. ♥



*******************
« Last Edit: March 23, 2010, 08:36:28 pm by isalicious »

isalicious

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2430
  • Karma: +328/-116
  • Destined to meet, not to be together
    • Blog
Re: I'M Glad It's YOU
« Reply #4 on: November 21, 2009, 02:25:03 pm »
Chapter 3

♥Hot and Cold♥



LESTER’s POV




Maya maya magkikita na kami nung LYC na yun. Makukuha ko na din yung libro ko! sana hindi nalaglag yung nakaipit dun na picture namin ni..   :(

Lester, malapit na mag 3:30, ready ka na Makipagkita sa chic mo? Haha  ;D

Panira ng pagmumuni muni ko talaga toh si Anton kahit kelaaaan! >:( grr

Hindi pa nga ako sure kung chic nga talaga eh.


Pumunta ka na ng Botanical Garden, punta na kami ng classroom nila Dan at Tim

Sige, balitaan ko nalang kayo mamaya. Hindi nga pala ako makakapasok today sa klase natin, excused ako. Rehearsal mamaya eh para sa pageant. Paki sabi nalang sa prof natin.

Geh dude, sasabihin ko nalang sa prof natin. Good luck!

Good luck pare!
Sabi ni Tim. Ano ba yan,  >:( ginagawa nilang big issue ung pakikipagkita ko sa nakapalitan ko ng libro.


~~~


Naglakad na ako papuntang botanical.

Nandito na ako sa botanical garden. Umupo ako sa may swing at tinxt ung LYC.

[author’s note: may isang pangdalawahang swing sa botanical garden, sa gitna ng mga hala-halaman. Maliit lang    yun.]


To:  09178020020
From:  My Number
   Nasa may swing ako.




Maya maya lang, may nakita ako na isang magandang babae. Hindi makapal ang make up, maputi at ang ganda ng mga mata,  ;D :D kulay brown. Contacts kaya un o tunay?  ::)


Are you the book guy?  Sabi nung girl. Book Guy amp!  >:( Nasa harap ko na pala siya ngayon. nakatayo siya habang ako nakaupo sa swing. I suddenly noticed that she is beautiful!  :D ;D


Hello are you the book guy?  ??? Inulit niya tanong niya..


Yes I am.  :) And you’re i guess the book girl?  :)



****

YNAH’S POV



Oh my God, napaka HOT  ;D nung nasa swing!!  :D Andito na pala ako sa botanical garden. *bzzz* Nag vibrate fone ko. siya na siguro tong nagtxt.  ::)




To: ynah♥
From: kuha-buk-ko
   Nasa may swing ako.



sheeet shEt syeeeet. Siya yung nasa swing!  :D Ang hot, ;D nakashades siya. Naka uniform, ang puti, ang kinis ng muka, hot talaga. Ang gwaaaapo. Jackpot ako!  :D Woooo. Can’t wait na tuloy na ikwento to kay Ice!!  ::)

Lumapit na ko sakanya..

Are you the book guy? Aba hindi ako sinasagot, nakatitig lang siya sakin. Hello wala naman akong dumi sa muka! At baka matunaw na ako. Syeeet Ang gwapo talaga nia -.-

Hello are you the book guy?
Inulit ko tanong ko..

Yes I am. And you’re I guess the book girl?

Yah ako nga. Here’s your book.  :) Inabot ko na yung libro niya. Kinuha niya. And then binuksan niya bag niya, at mukang hindi niya mahanap ung libro ko! waaah. Pano na yung book report ko??  :'(


I left your book in my car, i’ll just go and get it. Come with me if you like..


Ayoko nga! Baka dalin mo pa ko kung san noh.  >:(
Syempre pakipot muna ako kunwari. Haha! my gulay,  :D He is such a super hot guuuy!


Tignan mo naman yang itsura ko noh, muka ba akong rapist? At hindi ako magkakainterest na rapein ka noh! Tsss.


Halika na nga! Kunin na natin libro ko! buisit. Gwapo nga, ang yabang naman. Mayabang nga, gwapo naman.  ;D Magkaiba ata ung sinabi ko at naisip ko!  :DAno ba yan Ynaaah.

Did you say something
  ??? Tanong niya. Naku narinig ata ako.

Sabi ko bilisan natin dahil may pupuntahan pa ako! Naglalakad na kami papunta sa kotse na nasa hindi-ko-alam-kung-san-nakapark ang kotse nya.


*****

LESTER’s POV



Buti nalang naiwanan ko yung libro ni LYC sa kotse ko. Pero hindi ko naman sinasadyang maiwan un, akala ko nasa bag ko na talaga. ;D :D

Habang naglalakad kami palabas ng botanical garden, bigla nalang siyang napahawak sa braso ko





Aray ouch ouch!!  :'(





To be continued...
« Last Edit: March 23, 2010, 08:37:15 pm by isalicious »

isalicious

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2430
  • Karma: +328/-116
  • Destined to meet, not to be together
    • Blog
Re: I'M Glad It's YOU
« Reply #5 on: November 21, 2009, 02:30:46 pm »
Chapter 4

♥Getting to know you♥


LESTER’s POV


[Sa may malapit sa labasan ng botanical garden]

Aray ouch ouch!!




Natapilok siya. Hindi niya siguro nakita na may bato dun sa nilalakaran niya.


Ayan kasi hindi tumitingin sa dinadaanan!


Ouchie.  :'( ang sakit na nga eh tapos gaganyanin mo pa ako!  :'(



Oo nga naman, kawawa naman siya, nung naglakad na kami uli, mukang nahihirapan siya maglakad. Paika ika siya kung maglakad, kaya ambagal tuloy namin.


Umakbay ka na nga sakin, tutulungan na kita. >:(


mejo mabait ka din naman pala eh. Kala ko puro yabang lang. Umakbay na siya sakin. Ang lambot ng skin niya, at ang bango pa ng buhok.


Tss. Andito na kami sa tapat ng kotse ko. Binuksan ko yung kotse, pinaupo ko muna siya sa front seat para irelax niya ung paa niya.


Eto na yung libro mo. Inabot ko na sakanya yung libro. Pinasok niya agad un sa bag niya.


Salamat sa pag tulong sakin kanina. ay teka!  :o anong oras na?

3:50 na. Bakit?


Sheeet! May kailangan ako puntahan ng 4 pm!



Anak ng, ako nga din pala may pupuntahan pa ng 4pm! San ka pupunta?


Sa central auditorium. Ikaw san punta mo? Bakit naman kaya siya pupunta dun sa central auditorium? Hmm? Siya kaya yung partner ko?


Dun din. Isara mo na yang pinto. Pumunta na tau dun.


Ang lapit lapit mag ddrive ka pa?  ??? Napaka kulit netong babaeng to! Ipag ddrive ko na nga kasi nahihirapan tapos ang dami pang tanong!  >:(

Gusto mo pang mahirapan maglakad?


Ah sabi ko nga eh. Tara na. 4 pm call time ko!  ;D





******




YNAH’S POV

[Sa Central Auditorium]


After 5 mins, nasa Central Auditorium na kami. Pag pasok namin sa pinto, may sumisigaw na babae, ah si Ma’am Keith. Nag checheck ata ng attendance! Teka, ano nga pala ginagawa netong lalakeng eto dito? Ohh. Hindi ko pa alam pangalan niya! :o


Mr. Tan and Ms. Abad from the College of science? Nagchecheck nga ng attendance. Patay pa sa stage, baka andun na partner ko!

Present ma’am sagot nung lalake
Present ma’am sagot nung babae

Mr. Castro and Ms. Cruz from the College of Engineering?


Present Ma’am Sabay naming sagot.

OMG. SIYA YUNG KAPARTNER KO! :o

Pumunta na kayo dito sa stage.


Habang naglalakad kami..

So ikaw pala partner ko. oh my gaahd. Siya pala si... yung.. nakalimutan ko name. Ano nga kasi ulit un? Ay basta! pero infairness ang gwapo ng partner ko. woohoo.  :D ;D

Well, di pa ba obvious? I’m Luisa Ynah Cruz nga pala, pero Ynah nalang for short. You are?
   
Lester Yves Castro. now I know kung bakit LYC nasa book mo, bakit meron ka din pala nun?


Ahh oo. Initials ko un. Kaya ko naman napagkamalan na libro ko ung libro mo dahil LY ung nakasulat. Akala ko tuloy akin. Ahh. Irregular student kasi ako, kakatransfer ko lang sa UST kaya inadvance ko na yung literature subject. Ikaw? Nagbabasa ka nun?


Napatawa talaga ako ng malakas. Mahina niyang pinalo ung kamay ko
 
Mr Castro and Ms Cruz, keep quiet please!


Napahiya tuloy ako ng dahil sayo! Ang daldal mo kasi!


Edi wag mo ako kausapin!
Tapos siniko ko siya!   >:( Ang yabang talaga neto! Nakakainis!

Ok ganito ung gagawin niyo....

Tapos tinuruan na kami kung paano maglakad sa stage, kung saan poposition. 9 na colleges yung kasali sa pageant, kami ung contestant # 5 kaya halos nasa gitna yung pwesto namin sa stage. At ang pinakagrabe, may talent portion! Dapat daw magkasama ung pair sa talent nila. Meaning, maghahanda ako ng talent kasama tong mayabang na toh! Mga 9pm na nung natapos yung 1st rehearsal namin. Ang dami pa kasing sinabi tungkol sa magaganap na pageant.

Nung uwian na..

Hoy!

Oh ano?
Grabe kami magusap noh? haha

San ka nakatira?


Sa village sa may likod ng SM. Bakit  ????

Ah. Ihahatid na kita, malapit lang bahay ko dun. Besides, late na.

Sabihin mo gusto mo lang ako ihatid! Wahaha.  ;D :D

Huwag mafeeling. Kung hindi lang masakit paa mo, hindi naman kita ihahatid. Sayang gas ko noh! Aaaaah. Okay. Sabagay, siya naman may kasalanan kung bakit ano natapilok. Laki laki ng university namin, dun pa siya nakipagkita!



*****

[Sa loob ng kotse niya, sa tapat ng bahay ko]

After 20 mins, nakarating na kami sa bahay ko.

Gusto mo pumasok? Magjuice?. . 
Hindi man lang kami nagusap habang nagddrive siya, tinanong niya lang kung saan ung  bahay ko. talagang inangkin ko na tong bahay noh? Hahaha!

Uh maybe next time. I think you should rest already.
Aba next time daw!!  :o


Sige ikaw bahala. Uhmm. Lester, maraming salamat nga pala sa paghatid sakin.  ;D Pasensya na sa abala. Ingat ka nalang pauwi.  :)



Wala yun. Baka gusto mo ng bumaba para makauwi na ako?
Loko loko talaga to, makababa na nga.

Ang yabang mo talaga! >:( Sige bye!

Nung binubuksan ko na yung gate bigla niya ako tinawag. Binuksan niya bintana niya..


magisip ka na ng pwede natin gawin sa talent show.




Kanina pa kita hinihintay. Sino naghatid sau?
Tanong ng aking yaya dear.

Nagpractice po kasi kami ya para sa pageant.


Ah ganun ba? Oh tama na yang kakangiti mo, abot tenga na eh.
Hahaha. Tinatawanan ako ng yaya ko! grr.

May girlfriend kaya yung mayabang na oh-so-hottie na yun? Hihi. Kung anu ano iniisip ko. ano ba yaaaan!

Tinawagan ko agad si Ice sa bahay nila pagkaakyat ko sa kwarto ko..

Ice!!! Excited kong tawag sakanya.
Sige na, ikwento mo na lahat. Aba yung bruha alam na agad kung bakit ako tumawag.
Ang gwaaapo niya!  :D Papable best!!
Talaga?? Anong itsura niya?
Basta tignan mo nalang! Inakbayan ko pa nga siya kanina eh!
Wow best ang bilis mo ha!
Gaaga, natapilok kasi ako kaya tinu...
Best?
Ay sorry may nagtxt kasi. Kwentuhan kita uli bukas sa school! Bye best! Muah labyu
Sige best, bye muah. Labyu2.





1 message received
From:  kuha-buk-ko




Ano naman kaya sasabihin nitong mokong na toh?  ???





To be continued...



************
« Last Edit: March 02, 2010, 10:03:36 pm by isalicious »

isalicious

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2430
  • Karma: +328/-116
  • Destined to meet, not to be together
    • Blog
Re: I'M Glad It's YOU
« Reply #6 on: November 21, 2009, 02:38:41 pm »
Chapter 5

♥It's just a little CRUSH♥




YNAH’S POV




To: ynah♥
From:  kuha-buk-ko
   Hoy.  Isipin mo na kung ano talent natin.


[/b]
Hinohoyhoy lang ako nitong loko na to. Napakayabang talaga! >:( Nakakainis! Mapalitan nga yung pangalan niya sa fone ko.


Haha. M&M, Masungit & Mayabang. Bagay!  ;D

To:  M&M -,-   
From:  ynah♥
   Hoy ka din. MAGISIP KA DIN!


Pasungitan pala sa txt gusto niya ha...  ;D

To: ynah♥
From:  M&M -,-
   Di mo bagay masungit. :p


Waaah. Hindi daw bagay!  >:( Sabagay, sa ganda kong toh, joke lang :D  8)
To:  M&M -,-   
From:  ynah♥
   Whatever. Pwede ba kumanta nalang tau? Hindi ako marunong sumayaw eh..




*****




LESTER’s POV

[Sa kwarto nakahiga]

Naku.  :o Gusto niyang kumanta kami. Bahala na nga.



To:  09178020020
From:  My number
   Sige. Magisip ka na din ng kanta. Matutulog na ko. nyt.

Sana naman madali lang yung kanta na isipin niya. Matutulog na nga ako. Teka, save ko na nga sa contacts ko number niya..




After 3 days... [Friday]


[Sa Starbucks]

Tuwing Friday nga pala wala akong pasok, pero ngayon meron, grr 5pm start ng rehearsals namin. Pesteng pageant yan.




To:  Ynah Cruz
From:  My number
   Hoy pagkatapos ng klase mo pumunta ka dito sa Starbucks SM.



To:  My number
From:  Ynah Cruz
   Hindi ako nagkakape. At bakit? Wag mo nga ako ihoy.



asarin ko nga to. Hahaha.  ;D  ;D


To:  Ynah Cruz
From:  My number
   Hoy hoy hoy! Pumunta ka nalang dito. Hihintayin kita. 4:30 dapat andito ka na. Kung hindi, lagot ka sakin.

To:  My number
From:  Ynah Cruz
   Oo na! May kasama ako papunta dyan, wala na ko load. Papunta na kami. Buisit ka talaga!!!



Hahaha! Nabadtrip ata.  ::) Makapagorder na nga.
2 Chocolate Cake nalang yung inorder ko para kay Ynah at sa kasama niya.



Dude, bakit 2 cake inorder mo?


Ah, para kay Ynah at sa kasama niya.


Pinopormahan mo na agad si Ynah? Makikita ko na pala siya mamaya!
Hindi pa nga pala sila nagkikita ni Anton. Hehe.

Hoy hindi noh! Mamaya na kasi kami mag practice ng kanta namin sa pageant. Dun kami sa bahay namin mag practice eh wala yung katulong namin ngayon, nag day off.

Loko dadalin mo na agad sa bahay niyo!  ;D


lul, kung anu ano iniisip mo.
Nag tawanan kami. Hehehe. ;D  :D



After 15 minutes, dumating din silang 2.  




******




YNAH’S POV

[kakadismiss lang, sa school]

Nag txt si Lester, ang yabang talaga. Lagi nalang ako hinohoy, parang di niya alam pangalan ko ah.  >:( Buisiiiiit! Isasama ko talaga si Ice, isipin pa nun gusto ko kaming 2 lang eh! Grr!   >:(

Habang naglalakad na kami palabas ng building...

Hay salamat natapos din klase natin for this week!

Thank God it’s Friday! Haha.  :)


Tara merienda tayo best!


Best, ano kasi, uhmm.. Pwede ba magpasama sa SM  ;D?


Oo sure! Tagal ko na din di nagSM eh, mga 1 week?

Gaga 1 week lang yun! Ano tara?  ???


Ano ba gagawin mo dun?


Si Lester kasi, ano, uhmm, magkita daw sa starbucks...  :-[


Uuuuuyy! Iba na yan! May nasesense ata ako :D

At yun, sumakay na kami ng jeep papuntang SM! Ano ba kasi nakain nun at gusto pa kong papuntahin sa starbucks. Una, ayoko ng kape, pangalawa, ayoko ng frappe, pero pangatlo, gusto ko ng chocolate cake ng Starbucks! Yeah. Yun nalang nga kakainin ko dun para makabawi, hihi.

After 15 mins, dumating na kami sa SM. Pero nag CR muna kami ni Ice, hehe naihi yung bruha eh, at naginayos ko itsura ko. powder unti, at lip gloss.  ;D :D hehe

Chocolate cake, HERE I COME! :D

[Sa starbucks]

Lester! Chic nga!


Shh.  >:(


Nagbulungan pa ata sila. Bigla ako napatingin sa 2 cake... YUM YUM gutom na ako! ;D Pinaupo na nila kami, tabi kami Lester, tabi sila ni Ice. Kinikilig ako, haha bagay si Ice at yung guy na kasama niya! Yihee! Maasar nga to si Ice mamaya!

Anton si Ynah, yung partner ko. Ynah, bestfriend ko, si Anton. Nagshake hands kaming 2.

Lester and Anton, this is Ice, my best bud. Nagshake hands silang 3. So puro ganun lang haha.

Di ko lam kung ano oorderin ko sainyo eh, since ayaw mo ng frappe, cake nalang kinuha for the both of you.


Yan nga gusto kainin nito ni Ynah eh, kanina pa.
Haha tama bang ilaglag ako!! Kill me now!  >:(

Sakto pala bili ni Lester eh. Tara kain na tayo. :)

Bakit mo ba ako pinapunta dito?

Walang maghahanda ng pagkain sa bahay eh.

Bahay?  ???

Magppractice tayo sa bahay namin!


Nagtatanong lang ako noh! Sungit!


Nakakatawa naman kayong dalawa..
;D

Nakakatawa ka jan!
After nun, tawanan kami ng unti tapos sinimulan ko ng kainin yung cake, ang saraaap talaga 

Pagtapos namin kumain, lumabas na kami ng mall. Tagal din namin nagstay sa starbucks haha. May kotse din pala si Anton, ihahatid niya daw si Ice, magkavillage lang pala sila!! Small world grabe. Kinikilig ako sakanila.  ;D At kami naman ni Lester, pumunta na sa bahay nila.

~~~~~

Habang nasa kotse kami kanina, napagusapan na namin kung ano ung kakantahin namin. Mga 6 na nung nakarating kami sa malaki nilang bahay. Grabe may pool pa at ang laki ng garden!

[Sa garahe]

Tayong dalawa lang tao dito, wala katulong namin, wala din sila Daddy at Mommy.


Bakit wala parents mo?
Ok bat ko ba tinanong!

Binisita nila relatives namin sa Pampanga, malapit na kasi sila umalis for Singapore


Nalulungkot ka siguro noh pag iniisip mo na aalis na sila?
Namiss ko bigla family ko...  :(

Minsan oo. Teka pano mo nasabi?


Kasi yung parents ko at mga kapatid ko wala din dito sa Pinas eh, nasa US sila. Ayoko kasi dun, tsaka na ako pupunta dun. Hehehe


Tara na pumasok na tayo sa loob.


[sa loob ng bahay ni Lester, sa sala]

Grabe, mauubusan na ako ng boses, halos 2 oras na kami nag practice kumanta, pero parang ok lang, maganda naman boses niya eh. Hindi mo aakalaing Magaling pala siya kumanta.

Ang tagal naman niya kumuha ng tubig. tinignan ko yung fone ko at nakita ko na nagtxt si ice.



To: ynah♥
From:  bEst~
   Bruha, kamusta ka na jan sa bahay ng crush mo? Hihi

To: bEst~
From:  ynah♥
   Baliw. Hindi ko nga siya crush eh. Ok crush ko pala siya, but it’s just a LITTLE crush! Wahaha! Maya na ktia txt uli ü


May pa it’s just a little crush little crush pa akong nalalaman! Wahaha. Infairness, ang bango niya grabe! ;D Ang sarap naman dito sa sofa, ang lambot..  :D

Aaaaaaahh.
Hikab ko. nakakaantok naman...

Makaidlip nga muna..

Zzzz....
 



to be continued. :D

****************
« Last Edit: November 21, 2009, 10:54:07 pm by isalicious »

isalicious

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2430
  • Karma: +328/-116
  • Destined to meet, not to be together
    • Blog
Re: I'M Glad It's YOU
« Reply #7 on: November 21, 2009, 09:48:30 pm »
Chapter 6

♥A Super Happy Day♥





LESTER’s POV

[Sa kusina]



Pagod na ko grabe, nakakauhaw! Nakakainis wala kaming katulong ngayon, ako pa tuloy yung kukuha na tubig. grrr!

Bzzz. Bzzz. Bzzz.

Nag vivibrate fone ko.


Calling...
Anton Santos
09178849889


Oh Anton, bakit ka napatawag?

Dude, may nabalitaan pala ako.
Balita? Tungkol san? ???
Kay Kat. May nakapagsabi na uuwi na daw siya sa pinas next year
Ganun ba? Si Kat daw, babalik na sa pinas,  :o hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil after 3 yrs magkikita na kami uli o ... ewan basta!
Oh bakit ganyan sagot mo? Kala ko magiging excited ka eh.
Dude. Ang tagal niyang hindi nagparamdam satin noh, hindi ko alam irereact ko ngayon. pero salamat na din sa balita.
Anjan pa si Ynah?
Oo, sige na baka hinihintay nako nun sa sala eh
Kala ko sa kwarto! 8)
Gags. Bye! Salamat uli..


Mukang napatagal yung usap namin ni Anton.  Pag kakuha ko ng 2 baso ng tubig, at tinapay bumalik na ako sa sala.


[Sa Sala]

Lumapit ako kay Ynah at nakitang natutulog siya!  :o Ganun ba ko katagal sa kusina? Sa bagay, hinanap ko pa kung nasaan yung palaman ng tinapay!  >:(


Gigisingin ko ba siya?

 ??? Mukang masarap na yung tulog niya eh, ihahatid ko nalang siya sa bahay nila.


Naamoy ko at nahawakan ang buhok ni Ynah habang buhat buhat ko siya papunta sa kotse,  :D ang bango at ang lambot! Mejo mapula pala lips ni Ynah. Maganda nga si Ynah tulad ng sabi ni Anton.


Nung iuupo ko na si Ynah bigla siya nagsalita.


Amanabehkaliafldfen.
Ano daw?

Ynah?


Ambango mo naman. Teka lang ha, tulog muna ako,pagod nako ee.



Tapos bigla nalang siyang nakatulog ulit. Inupo ko na siya ng maayos sa front seat . At ako naman, natawa talaga! Hehe.  ;D Nagsimula na ako magdrive papunta sa bahay nila Ynah.


Akala ko nung una mataray, masungit at maarte si Ynah, hindi pala. Napakasipag at napakabait pala niya.Ako lang talaga ang bully! ::)


Nung nakarating na kami sa bahay niya, kaya lang tulog na ata yung yaya niya kaya di binubuksan yung gate. Ano pa bang magagawa ko kung hindi iuwi tong babaeng to!  >:(




*****



YNAH’S POV

[Sa isang unknown room!!!]

NASAAN AKO? Hindi ko ito kwarto, at hindi ko alam kung kaninong kwarto ito. 8:45am na pala, Saturday. Ang bilis ng araw.


Naglakad ako palabas sa kwarto.
Oh my gahd.  :o

Nakatulog nga pala ako kagabi sa sala ni Lester!

Grabe nakakahiya naman, sana ginising niya nalang ako. Wala nga pala silang katulong, at nagugutom na ako.   :-\



[Sa kusina]


Magluluto nalang ako ng almusal namin ni Lester. Tapa with egg :D . Yumyum!! Daming laman ng ref nila Lester! Hehe, kumain ako ng 3 Ferero, sarap talaga nun!

Luto luto luto.. kanta kanta kanta..


~now and forever wonderful journey
~i’ll be there when the world stops tur...



Hoy!!



Waaaaaaah!  :o Ano ka ba!  >:( Papatayin mo ba ako!! Aga aga nangugulat!


Anong ginagawa mo jan?



Di mo ba nakikita, nagluluto ako!



Sinong nagsabi magluto ka?  >:(



Nagugutom na ako eh! Tsaka bat ba hindi mo nalang ako ginising kagabi?


magpasalamat ka nalang jan at di kita iniwanan sa sala!


Oo nga noh, buti nalang di niya ako iniwan dun, ang lamig pa naman ng panahon ngayon..


SALAMAT! masaya ka na? tss  >:(
Sarcastic kong pagsabi, pero i meant it naman.

Sarapan mo nalang luto mo! Gutom na din ako.  ::)



Fine! Ikaw na magayos ng lamesa, kumuha ka na ng plato, baso, kutsara tinidor natin.


Sige


After mga 10 mins, natapos ko ng lutuin yung tapa and ung sunny side up eggs namin! Saraaaaap talaga! Hihi. Syempre luto ko eh.  ::)

Isa nga pala sa mga hilig ko ay yung pagluluto!
Pag tapos namin kumain, may nagtxt sakin.



[Sa lamesa pagkatapos kumain]

To: ynah♥
From:  VIP-Ms. Maan
   What:   Pictorial for Mr. & Ms. University 2009
   When:   Today @ 4:00 pm.
   Where:   Central Auditorium
   
   Bring the following:
      -Evening Gown
      -Swim Suit
      -Casual Wear
      -Sports Attire



Si Ma’am Maan  nga pala yung organizer ng Mr & Ms. University.Waaaah. Kailangan ko na umuwi at magready ng mga gamit


Lester, uuwi na ako, ireready ko na yung mga gamit ko.



Sige ihahatid na kita.



Huwag na, malapit lang naman bahay namin dito eh, mag ttricycle nalang ako


Hatid nalang kita sa sakayan ng tric.


Bago umalis yung tricycle...

Susunduin kita ng 3:30...
oh my gahd,  ;D  :D wala na akong nasagot sakanya dahil natutuwa ako sakanya ngayon. Why is he so nice all of a sudden? well kung bakit man, ewan ko na, basta, happy ako.



~~~~~



Pagkauwi ko, nag ayos lang ako sandali ng kwarto. Pagkatapos ko mag ayos ng kwarto, nag ready nako ng mga damit. Bakit pa kasi kailangan mag swim suit! Nakakahiya naman isuot yun sa stage noh. Hay naku, bahala na nga, wala naman akong peklat eh! Hahaha! Alaga ko ata skin ko :p

After 5 hours sinundo na ako ni Lester, ang cute niya talaga. Nakakabaliw. Hahaha!  ::)




~~~~~


Pictorial na..

Ma’am umupo po kayo jan sa upuan then sir dun po kayo sa likod niya tapos po yakapin niu po si mam.
Sabi ni kuya photographer! Sheet i’m kilig!  :D

Ginawa naman namin kung ano pinapagawa ni kuya. Hihi

Alam niyo, bagay kayong 2!! Si kuya photographer talaga, nag sasabi ng totoo! Hahaha!  ::)

Kuya ikaw talaga kung anu ano pinagsasabi.


Nagtawanan lang kami pagtapos nun. Hehehe




~~~~~




Pag uwi ko sa bahay, nag YM lang ako. Tuwing Saturday night kasi, webcam night namin ni mommy, para naman Makita ko sila kahit papano.

Anak! Miss ka na namin dito lahat!


Mama miss ko na din kayo jan lahat!  :'( kamusta naman kayo jan?


Ok lang kami dito. Ikaw anak, kamusta araw mo?


Haha. masaya naman  ma.


Talaga? Good for you. Bakit ka pala masaya?


Wala lang ma! Love u. Got to go na, im sleepy na eh. I’m so happy at nakita ko kayo kahit sandali, i hug at i kiss niyo nalang ako sakanila!


Sige. Love u too. Mag aral ka ng mabuti jan. Mag iingat lagi!



kamusta nga naman kasi yung araw ko, gumising lang ng maaga tapos dun pa pala ako nakatulog sa mayabang na yun, tapos nagpictorial pa.. kaya this day, haaaay, it's a super happy day talaga! :D






To be continued...
« Last Edit: November 21, 2009, 10:53:16 pm by isalicious »

isalicious

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2430
  • Karma: +328/-116
  • Destined to meet, not to be together
    • Blog
Re: I'M Glad It's YOU
« Reply #8 on: November 21, 2009, 10:50:52 pm »
Chapter 7

♥The Pageant♥




LESTER’s POV

[September 28]
[nakasandal sa pinto ng driver’s seat, sa tapat ng salon]




Ang tagaaal naman ni Ynah! Naiinip na ako..

Itext ko na sana si Ynah na bilisan niya pero..

Kanina ka pa ba naghihintay?


Ah. Ehh.. hindi naman masyado.
  :o Ang ganda ni Ynah ngayon,  ;D hindi ko tuloy makuha magalit sakanya dahil sa pag...

Sorry ha, napatagal yung pag ayus ng buhok eh. Kasama ko pala si ate Chi, para mag retouch satin mamaya.

It’s worth the wait. :) Curly hair niya and lalo pang gumanda mata niya, nakakainlab itsura ni Ynah! Ano ba yan, kung anu ano na naman pinagsasabi ko..

tara na.


Pinagbuksan ko ng pinto si Ynah, ngayon ko lang ginawa sakanya to. Di ko nga din alam eh kung bakit ko nagawa un. Isipin pa niya gusto ko siya!!  >:(

YNAH’S POV
[Sa backstage, sa room na naka assign samin ni Lester]

Hindi ko alam kung anong feeling uunahin ko eh! Kung yung kilig o yung nerbyos ko! hahaha.  ;D :D Nenenerbyos ako kasi talent portion na yung next, tapos kinikilig ako sa sinabi kanina sakin ni Lester..


*****flashback*****


   Habang hinihintay namin na matawag kami...

   Mr. & Ms. Pharmacy

   Nenerybos ka ba?
   Uhmm oo eh, ikaw ba?
   Hindi masyado, basta pisilin mo nalang kamay ko pag nenenerbyos ka.
   Kahit masakit?  ;D
   oo.
   kahit sobrang pisil?  ::)
   Mr. & Ms. Nursing

   Oo nga.
   Ok sige.   ;DTapos pinisil ko ng sobra yung kamay niya
   Araaaay naman! Lagot ka sakin mamaya!
   Kala ko ba kah...
   
   Mr. & Ms. Engineering
   
   Game na, wag ka masyado kabahan, kasama mo naman ako.  ;)

*****end of flashback*****


Tapos naglakad na kami nun at hindi na ako kinabahan habang naglalakad kami kanina sa stage, kilig na kilig talaga ako nun grabe! Mababaliw na talaga ako!


Get ready Ynah & Lester. Next na kayo sa talent.


Sige po ma’am Keith.


Galingan natin...


Uhmm thank you nga pala kanina sa swim wear portion



Wala yun, tara na labas na tayo




 
[Sa stage uli, talent]



Habang kumakanta kami hinawakan ako ni Lester, naramdaman niya siguro na nenerbyos ako.  ;D Sobrang naenjoy ko yung pag duet namin sa stage. Ang daming sumisigaw at tumitili! Lalo pa tuloy ako kinikilig.   :D


At The Beginning

We were strangers
Starting out on a journey
Never dreaming
What we'd have to go through
Now here we are
And I'm suddenly standing
At the beginning with you




No one told me
I was going to find you
Unexpected
What you did to my heart
When I lost hope
You were there to remind me
This is the start




And...
Life is a road
And I want to keep going
Love is a river
I wanna keep flowing
Life is a road
Now and forever
Wonderful journey

I'll be there
When the world stops turning
I'll be there
When the storm is through
In the end I wanna be standing
At the beginning with you





Ynah's Talent Show Dress

Lester's Talent Show Suit

theme is victorian since galing sa Anastasia yung song :)


Pagtapos namin kumanta, bumaba na kami sa stage at bumalik sa dressing room namin.

Next na yung evening gown competition.

Very nice performance Lester and Ynah! Magpalit na kayo

Thank you.




*****




LESTER’s POV

[sa dressing room pagtapos magbihis ni Ynah]

Ang lambot ng kamay ni Ynah, grabe, todo tinorture niya yung kamay ko kanina nung talent portion! Buti nalang natiis ko!  >:(

Hoy minurder mo kamay ko kanina!


Hindi kaya! >:(

Akala mo lang yun noh!
Napatingin ako sa suot niya, kahit anong isuot ni Ynah, ang ganda talaga niya, no wonder, sobrang daming boys ang nakatingin sakanya nung swim wear portion.

Tingin mo, ok yung pagkanta natin kanina?


Siguro, we did our best naman eh.


Tama tama! Tara labas na tau ng dressing room.


Habang naglalakad palabas ng room..

Sorry sa pag torture ko sa kamay mo kanina, pero salamat ng madami  :)

Wala yun.  ;)




~~~~~



Umakyat na kami stage, ngayon lang ulit ako nag coat and tie pagtapos nung prom nung highschool. Ang init ng suot ko >.<

and si Ynah, ung sinuot niyang gown ay pang fairy.. She's super pretty in her gown, truth is mejo pinagtalunan pa nila un ng coordinator dahil parang hindi naman daw evening gown yun, pero si Ynah, pag gusto, gusto. edi wala ring nagawa ung coordinator  ;D


Ynah's Gown


Lester's Suit



~~~~~



Pagtapos ng evening gown portion, bakit ba evening gown portion ung pangalan, kala mo pati kaming boys mag ggown! Grr.  >:( Ok ulit, pagtapos ng E.G. portion, sportswear naman. Yung suot namin ni Ynah ay yung pang car racing. At ayun, nag sigawan na naman kanina yung mga tao.




~~~~~



Natapos na din yung Question and Answer. Yung napunta saming tanong ay kung ano yung mga gagawin namin 2 bilang engineers upang makatulong sa ating bansa. Kung anu ano nga lang pinagsasabi ko kanina eh, bakit ba kasi kailangan din sumagot nung lalake? Pinapahirapan ako ng pageant na to aa!!




~~~~~




YNAH’S POV

[Sa backstage, sa room na naka assign samin ni Lester]


Isuot niyo na yung para sa announcement of winners


Hay salamat naman at natapos na din yung mga portion portion nayan g pageant! Announcement of winners na!


Hindi na nagpalit si Lester ng suit, ang gwapo niya talaga pag nakaformal!  ;D pero ako nagpalit! haha

eto na last gown ko:
Ynah's Last Gown


[sa stage na uli, habang inaannounce yung mga winners]



Good luck satin Lester!


Wag ka masyado kabahan.
Sabay wink sakin! Ano baaa Lester! Kanina mo pa ako pinapakilig.  :D


Kami ni Lester yung nakakuha ng award para sa Mr. & Ms. Swim wear, Mr & Ms. Talent and Mr. & Ms. Evening gown.


Hindi ka kasi mukang naglalaro ng sports kaya di natin nakuha yung award na yun!
Bulong niya sakin. Hqhaha! Kasalanan ko ba kung wala talaga akong nilalaro sa sports! Hmps hmps. Ang yabang talaga nito!  >:(


Ang yabang mo!


Inannounce na yung 2nd runner up at ung 1st runner up, naku mukang hindi kami mananalo ni Lester, pero ok lang, nagenjoy naman ako sa pageant na to.

May we now call on stage Mr. & Ms. University 2008 to award the Mr. & Ms. University 09.


And now, let us all welcome Mr & Ms University 2009 from the college of Engineering, Lester Yves Casto and Luisa Ynah Cruz!!



Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Kami ung bagong Mr. & Ms. University! Hindi ako makapaniwala!  :o  :D


Lesteeeer panalo tayo!
Woohoo! Tapos niyakap ko siya sa sobrang saya ko!  :D

Omg. Bakit ko siya niyakaaaap >.<  >:(


Ako kapartner mo, malamang mananalo talaga tayo! :D congrats satin



Tss. Yabang!



So after nun, pumunta na kami sa gitna ng stage tapos pinass na sakin yung crown and binigay na yung award namin!

Haaaaay. Ang saya grabe! 







To Be Continued...
« Last Edit: March 23, 2010, 08:38:02 pm by isalicious »

isalicious

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2430
  • Karma: +328/-116
  • Destined to meet, not to be together
    • Blog
Re: I'M Glad It's YOU
« Reply #9 on: November 21, 2009, 11:29:16 pm »
Chapter 8

♥Room For Rent♥



LESTER’s POV


[Sa dressing room]


Habang nag aayus na ng gamit si Ynah, pinuntahan kami ni Anton at ni Ice.

Best friend! Ang galing niyo kanina lalo na sa pagkanta niyo! Tapos nagyakapan sila ni Ynah. Mga babae talaga oo.

Talaga? Nakakanerbyos kaya yun!
  ;D

Ang sweet niyo nga kumanta eh! Haha nagtawanan kaming 4.  Congrats nga pala sainyong 2
  ;)

Grabe humawak ng kamay yan si Ynah, babaliin ata mga buto ko sa kamay!  >:(

Uuuuuy! Nag holding hands nga pala kayo kanina! Kitang kita namin.


Whatever best!  :-[ Biglang nahiya ata si Ynah at nag ayus na ulit ng gamit. Ako din nag ayus na ng gamit para makakain na kami sa labas at mag celebrate.

Tara mag celebrate na tayo!




~~~~~




[Sa labas ng central auditorium]



Lester magkita nalang tayo sa Dencios.


Sige ingat kayong dalawa!


Pumunta na si Anton at si Ice sa kotse ni Anton. At kami naman papunta na din sa kotse ko.

hoy bakit ang tahimik mo jan?  >:(


Wala masaya lang ako, pero mas masaya sana kung andito si mama. Sayang hindi niya ako napanood ngayon, ito pa naman ung 1st pageant na sinalihan ko...
  :-\

Wag ka na malungkot, bibilan nalang kita ng ferero mamaya!
  ;D

Paano mo nalaman na un paborito ko?


Kasi inubos mo yung mga ferero sa ref ko!!


Waaa. Sorry naman. Sarap eh.  :D Yung ferero ko mamaya!! Weee

At yun, nagsmile na siya ulit.



~~~~~



Pauwi na pala kami ngayon ni Ynah, mga 11:30 pm na kami natapos magcelebrate sa Dencio’s.
Habang nag ddrive ako may nadaanan akong 7-11, bumili ako ng ferero, lahat ng kasya sa 1,000 pesos. Pagbalik ko sa kotse, nakita ko na tulog na si Ynah.

Pagod na pagod na siguro siya.  8)

Maya maya lang, nakarating na din kami ni Ynah sa bahay niya. Binuksan ng yaya niya yung gate at binuhat ko na si Ynah. Ayoko na siya gisingin, mukang mahimbing na tulog nito. Tinuro sakin ni Ate kung san yung kwarto niya.

Sleepy head talaga to, ang bilis makatulog!  >:(

Iho, maraming salamat sa paghatid dito sa alaga ko.


Wala po yun ate. Sige po una na ako.






*****





YNAH’S POV

[Sa kwarto, kakagising ko lang]
[September 29]


To: ynah♥
From:  M&M -,-
   Sleep tight. Enjoy your ferero pag gising mo.


Waaah! Ang sweet naman ni Lester, grabe ha, ang daming ferero dito sa bed ko.  ;D nakakahiya naman, natulugan ko na naman siya! :-[


To:  M&M -,-   
From:  ynah♥
   Thank you very much sa chocolates. Sorry ha, nakatulog ako sa kotse mo. :[ i’ll make it up to you nalang!ü




Pag tapos ko magreply humiga ulit ako.
Hay. Nakakalungkot talaga, sana nandito si mama at papa kagabi.  :( Syempre noh, highlight ata yun ng taon kong ito, namimiss ko na sila sobra. After 3 years pa kasi sila uuwi, sa graduation ko.


Teka! May passport naman ako! Alam ko na!  :o Susurpresahin ko sila dun. Mag iipon ako ng pera para makapunta ako dun, kahit 2 weeks lang naman eh, sa summer!  :D


Excited na ako puntahan sila dun! Paano nga ba ako mag iipon?
Teka nga kakain nga muna ako ng almusal ko.

Ynah, bumaba ka na dito, nakahanda na almusal



[Sa lamesa, habang kumakain kaming 2]




Yaya, alam mo ba kung ano pwede ko gawin para kumita ako ng pera?

Mag summer job ka kaya? Bakit mo kailangan ng pera?


Ahh, magiipon po kasi ako para mabisita sila mama sa New York.

Ynah, may naisip ako, bakante naman yung isang kwarto sa taas, yung katabi ng kwarto mo, iparent mo kung gusto mo.

Ligtas naman kaya un?

Syempre pipiliin natin yung magiging tenant mo.


Tama tama!! Gagawa ako ng ad, lagay niyo po sa gate natin! Galing mo yaya!




~~~~~



         -ROOM FOR RENT-
      [with TV & aircon]
      Look for Ynah inside




~~~~~


Ayan, nakapost na sa labas. Sana naman may makapansin. Miss na miss ko na talaga family ko sa New York. Huhuhu.   :( Parang ako pa yung nahohomesick!




After 10 DAYS



Habang nanonood ako ng TV sa kwarto ko..


Ding dong. Ding dong.



Papa Lord please sana po yung nagdodoorbell ay magrerent!

Ynah, may gusto tumingin nung kwarto.


Sige po papasukin niyo sila.

Mag asawa ata sila, mejo may edad na sila, wala ba silang bahay? 
???

Iha magkano mo pinaparentahan yung kwarto sa taas?
Yes yes yes! Sabi nung lalake

Ahh, 6000 po, kasama na po dun yung kuryente at tubig.

Nagustuhan kasi namin yung kwarto, may tv at may aircon, siguro magdadala nalang kami ng dvd player at maliit na ref para sa anak namin. Sabi nung babae

Anak po ninyo?

Oo, hindi kami yung magrerent.  ;D Ibebenta kasi namin yung bahay namin dito, so hinahanapan namin yung anak namin ng matitiran.
sabi nung babae ulit

Lalake nga pala siya, ok lang ba sayo?
Ok lang naman siguro kung lalake, anjan naman si yaya eh.

Okay lang po basta po mabait eh.  :) Dapat lang noh, mamaya baka manyak pa yun eh!  >:(

Ano nga pala pangalan mo iha?
Sabi nung lalake

Ynah Cruz po. Kayo po?

Just call me Tita Cee, this is my husband Tito Jerry.
Sabi ni tita hehe. FC naman ako  ;D

Iha, bibigyan ka namin ng 100,000. Matagal kasi kami mawawala ng dad ng anak namin, kasama na jan yung rent niya at yung pang grocery ninyo. Sabi ni Tito


Oh my gahd.  :o 100,000.00! wuhooo.  ;D 8)


Sige po tito, andito naman po si yaya eh. Inabot na yung cheke saakin.

Magkakasundo kayo nun. Halos ka age mo lang naman siya eh. He’s 19. And may kotse nga pala siya, may gumagamit ba ng garahe ninyo?



Wala naman po tita kaya pwede niya po gamitin yung garahe.


Okay i think everything’s settled, he’ll be moving in 5 days. Sabi ni Tito


Ano po pangalan ng anak niyo tita?  ???


Lester Castro. Iha, mabait siya, kaya lang pagpasensyahan mo nalang kung minsan masungit siya at mayabang. Ganun lang yun, pero malambing talaga siya.. Lilipat siya after ng finals niya. Sabi ni tita.


Sige po tita, hihintayin nalang po namin siya. Marami pong salamat sa bayad.  :)


LESTER CASTRO? YUNG MAYABANG? YUNG PARTNER KO? oh my god. YOU’VE GOT TO BE KIDDING ME.  :o


Nung pag alis nila..


Calling...
bEst
09178171515


Hello best?
Oh best bakit?

Grabe. Guess who kung sino yung tenant ko.
At last nagkaron ka na ng tenant! Good for you

Thank you. :D Ay ano ka ba, guess who?!
Aba malay ko noh, ang dami mo pwede maging tenant!

Well, Si Lester, as in Lester-mayabang-mapangbully  is my tenant!
Whaaaat?
Yeah! Grabe.
Crush mo naman eh!

Duh, kahit na noh, sino naman nag expect na ganun mangyayari! O siya, sige na, got to go na..
Sige best, good luck sa bago mong tenant! Haha








to be continued...

isalicious

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2430
  • Karma: +328/-116
  • Destined to meet, not to be together
    • Blog
Re: I'M Glad It's YOU
« Reply #10 on: November 21, 2009, 11:37:02 pm »
Chapter 9

♥Wanna Make You Happy♥
[/b]



LESTER’s POV

October 10
[Sa lamesa, kumakain ng hapunan]





Ang sarap talaga magluto ni yaya. Paborito ko pa, pork steak!  :D

Anak, may sasabihin kami sayo ng daddy mo.
Pag ganyan ung simula ng sentence ni mommy kinakabahan ako. Ano na naman kaya sasabihin nila?

Yes mom?


Iho, naibenta na namin ng mom mo ung bahay na ito... naibenta na yung bahay na ito?
Itong bahay kung san kami kumakain ngayon?

Mom bakit niyo binenta itong bahay?! Saan na ko titira? Ayoko sumama sa inyo sa Singapore dad!
Alam ko naman na gagawin nila un para mapilit akong sumama sa Singapore! Pero hindi talaga ako sasama dun!!!

Who told you na isasama ka namin sa Singapore?  ???
Sabi ni mom

Then why did you sell our house?


Kasi magpapakasal na yung yaya mo, masyadong malaki ung bahay natin para sayo magisa, at napaaga yung flight namin, sa Oct 15 na yung flight namin, kailangan na kasi kami dun. kaya naisipan namin ng dad mo na ibenta nalang muna, bibili nalang ulit kapag umuwi na kami sa Pilipinas ulit. Ano bang akala nila sa bahay namin? Parang kotse na madali lang ibuy and sell?

And iho, gusto ko din matutunan mo kung paano mamuhay magisa, at kung paano maging independent. Since ikaw lang naman anak namin ng mom mo, sayo mapupunta business natin pagdating ng panahon.


Dad mukang mahirap naman yang pinapagawa niyo!  >:(


Hinanapan ka naman namin ng matitirhan, kung ayaw mo dun sa nahanap namin, pwede ka naman lumipat eh.
Nahanapan na ako? Matagal na pala nilang balak na pag isahin ako.  :(

Saan naman mom?
  ???

Sa village sa likod ng SM, nakakita kasi kami dun ng bahay, maganda naman, may maliit na garden at may garahe para sa kotse mo. Babae yung may ari ng bahay, at may isang katulong. Nirent na namin ng dad mo yung isang room dun for 6 months, but like what i’ve said earlier, kung gusto mo lumipat edi lumipat ka.


sa village sa likod ng SM? mukang mapapalapit ako kay Ynah ah!  ;D

I think wala naman na akong magagawa. Kalian ako lilipat mom?


Sa gabi ng flight namin, pagkahatid mo samin sa airport. Mabait yung may ari ng bahay wag ka mag alala, sila na din bahala sa pagkain mo..
sabi ni mom

Ito nga pala yung address ng lilipatan mo.
Binigay ni daddy yung address, bakit mukang pamilyar sakin to? Aba, magiging kavillage ko pala talaga si Ynah! Ayus din pala! hihi  ;D




~~~~~



[Sa kwarto, nakahiga]


Nakakabigla naman! Grabe, short notice kung short notice! Lilipat na ako in 5 days. Meaning, after ng finals pa namin ako lilipat. Hay naku, Pwede naman kasi kumuha ng bagong maid eh, napamahal na pa man din sakin tong bahay na toh. 

bahala nalang nga si batman kung ano mangyayari.  >:(




*****





YNAH’s POV

October 15
[Sa bahay]

To: ynah♥
From:  M&M -,-
   Hoy magbihis ka, susunduin kita ng 2pm sa bahay niyo. Dalian mo.


Ay naku, susunduin daw ako ni Lester ng mga 2pm! San na naman kaya ako dadalin nung mayabang na yun?  >:(

***Ding dong ding dong***
speaking of Lester, yan na ata siya

Ako na nagbukas ng gate kasi naglalaba si yaya

Ok san ba tayo talaga pupunta Lester?


hello din ynah.  ;D Sa airport, ihahatid natin parents ko.

bakit nga ba hindi muna ako nag hello sakanya! grr

Ay oo nga pala, namove nga pala ngayon alis ng parents mo.
Hello alam mo ba mamaya ka na lilipat dito?!?! hahahahahaha  ;D alam na kaya nia?  :(

Tara na, punta na tayo sa bahay namin tapos ihatid na natin sila sa airport. Bibilan nalang kita ng hello kitty.
So ang dami na niyang alam about sakin! Hahaha  :D. Siguro obvious naman na gusto ko hello kitty, halos hello kitty gamit ko dito sa bahay eh!

Promise yan ahh? Tara! :D





~~~~~



Nung nakarating na kami sa bahay ni Lester, yung parents niya nasa sala lang, ipinakilala niya ako sa parents niya! Haha. hinihintay na pala kami. Tapos si Lester umakyat sandali sa kwarto niya.

Tita hindi pa po ba niya alam na samin siya lilipat?

Binigay ko na address mo eh. Hindi pa ba niya alam na ikaw nakatira dun?


Ah, muka pong hindi nia pa alam. Wag niyo nalang po muna sabihin na saamin siya lilipat.
  ;D

Sige, para magulat nalang siya mamaya na ikaw pala yung makakasama niya sa bahay.
Nagtawanan kami ni tita at ni tito. Hehe.

Ang ganda mo nga pala ngayon iha, bagay kayo ng anak namin. Si tita talaga! Nagsasabi ng totoo.  ;D :D Haha joke lang :D

Pagkatapos nun, sumakay na kami sa kotse. Si tito nasa front seat, kami ni tita tabi sa likod.

Iha, bantayan mo tong anak ko ha, pag may ginawa isumbong mo nalang sakin.


Naku tita, mukang marami po akong isusumbong sainyo.


Hoy Ynah, loko ka ah. Lagot ka talaga sakin mamaya!


Tita tignan niyo oh, inaaway ako!  :(
Aahhahahaa.  ;DNatawa si tito at si tita.

Lester, be good to Ynah!


Okaaaaaaaay dad.


At nakarating din kami sa airport.

Anak, lilipat ka na mamayang gabi, ung mga gamit na dadalin mo ha, baka may malimutan ka.

Nakaayus na mga gamit ko mom, kunti nalang aayusin.


Iha pwede mo bang tulungan si Lester mamaya mag ayos ng mga gamit?
Sabi ni tito

Sige po, wala naman po akong gagawin mamaya.


O siya siya, aalis na kami.
Naiyak yung mommy ni Lester. Waaah naiiyak na din ako, ayoko ng ganitong eksina. Naaalala ko pag binibisita ako nila mama dito tapos pag hinahatid ko sila sa airport sobrang nalulungkot ako.  :'(  :'(

Nagyakapan na si Lester mommy niya at daddy niya. Tapos kumiss ako kay tito at niyakap na si tita. May binulong si tita

Gusto kita para kay Lester Ynah, so please alagaan mo siya.


Thank you tita. Aalagaan ko po siya.


Tapos nun, pumasok na sa loob sila tita at tito. Naffeel kong malungkot si Lester.  :(

Lester! Tara MOA tayo?


Niyaya ko siya mag mall of Asia para magskate kami, naisip ko kasi bilan ko siya ng icecream, kaya lang malaki na siya para dun! Kaya ice skating nalang.  :D

Anong gagawin natin dun?


Magskate tayo, sige na? Sinamahan naman kita dito sa airport eh.

Ynah hindi ako marunong magskate.
  >:(

Tuturuan nalang kita :D



click me to play HAPPY


music starts here!




*****




LESTER’s POV

[Sa Mall of Asia]



Bakit ba pag pinilit ako ni Ynah wala na ako magawa? Sumusunod nalang ako palagi.  >:( Gusto pa niya magskate eh di naman ako marunong! Grr  >:(



[Sa Skating Ring]




For the nth time, natutumba na naman ako.

Ynaaaaaah! Lagot ka talaga sakin mamaya sa kotse!
   >:(

paano ko siya mahahabol eh napaka galing pala magskate nung babaeng un!  >:(


Haha! habulin mo muna ako!


Ayoko nga, sakit sakit na ng katawan ko kakatumba!


Lika na nga, hawakan mo na kamay ko. mabait talaga to si Ynah, pero lagot pa din siya sakin mamaya!




~~~~~




[sa kotse na ulit]




Sobrang nagenjoy ako sa pag skate natin! Buti nalang nag aya ka dito


Ang lungkot mo kasi kanina eh, kaya kita niyaya dito...
:(

Niyaya mo ako dito dahil sa malungkot ako kanina sa airport?



Yup I wanna make you happy kasi, alam ko naman nakakalungkot yung paghatid natin kanina sa parents mo eh... si Ynah talaga, sweet siya. Pero sarap kasi niya kasi asarin eh! Haha  ;D





To be continued...
« Last Edit: November 21, 2009, 11:49:52 pm by isalicious »

isalicious

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2430
  • Karma: +328/-116
  • Destined to meet, not to be together
    • Blog
Re: I'M Glad It's YOU
« Reply #11 on: November 21, 2009, 11:45:36 pm »
Chapter 10

♥Ynah's Tenant♥



YNAH’s POV

October 15
[padin hehe]
[Sa bahay ni ulit ni Lester, mga 8 pm]




Yan talaga si mommy, sinabi na lilipat ako 5 days ago lang, napaka short notice.
  >:(

Short pa ba yung 5 days?  ???



Nagiimpake na nga pala kami ng iba pa niyang damit at mga gamit.


Lester! Madami pa ba? Pagod na ako aah, :( langyah ka pinapagod mo beauty ko!  >:(

 
Haha! beauty ka jan. Eto na kunti nalang. Oo nga pala, mukanga magiging taga village na kita..  ;)
oOoOoOkaaaay so as in wala talaga siyang ka ide idea na samin siya lilipat. Mokong talaga to, di niya pala alam kung ano street at number ng bahay namin.  >:( Sabagay, nung una niya akong hinatid sabi ko sakanya pagpasok sa village pangatlong street sa kanan. Ganun lang. Hahaha  :D

Naku ang malas ko naman pala!
Pakunwari lang.  ;D

Swerte sabihin mo. Saan ba tong bahay?
Inabot niya sakin yung papel na may address NAMIN.

Alam ko to. Ituturo ko nalang sayo mamaya
  ;D




~~~~~



[10:30 pm]

Mga 10pm na nung natapos si Lester mag ayos ng mga gamit gamit niya kaya ngayon lang kami nakapasok sa village.

Pang ilang street tong Anya Street?


Pangatlo sa kanan.  ;)


oh tignan mo nga naman oh, Kastreet pala kita bakit hindi mo sinabi agad?  >:( >:(

Aba, hindi mo naman tinatanong noh!



drive dirve. tingin sa kaliwang bahay, tingin sa kanang bahay..

#275 Anya Street..
binasa niya yung address tapos nakita na niya yung bahay!


Ayan alam mo na kung saan ka titira?  ::)



Ynaaaaaaaaaaaaah!! Bakit sainyo ako titira?! 
>:(

uuuuh ooooh.. Oopsie! Lagot ata ako.  :o


Kasi yung mommy mo at daddy mo, naghahanap dito ng marerentahan, eh sakto nung isang araw naglagay ako ng sign na ROOM 4 RENT kasi kailangan ko ng pera, and the rest is HISTORY! so wag ka na magreklamo dahil nagbayad na sila!
  >:(


eh Bakit di mo sinabi agad sakin?  >:(


Sabi ni tita binigay na daw niya sayo ung address, malay ko ba na hindi mo pala alam yung number ng bahay namin at street noh!  8)


Kinuha niya ung kamay ko at...























































Ouch naman!!
:'(, sakit nun! Pinalo ba naman niya ako sa kamay, ginawa akong bata!  :'(


Tara na nga.
Binuksan na ni yaya yung gate tapos inayos na namin yung kwarto niya. :D


buti nga palo lang inabot mo sakin eh!




*****





LESTER’s POV

[Sa bago kong kwarto]

Grabe, nakakailang punta na ako pero bakit hindi ko naman natandaan yung number ng bahay nila Ynah. sino bang magaakala na dito ako titira?  ???


Tinulungan ako ni Ynah at ng yaya ni ynah na mag ayos ng mga gamit ko.


Matutulog na sana ako ng biglang nag vibrate cellphone ko, may nagtxt. Pero bago ko mabasa yung txt...[/b]


Calling...
Anton Santos

09178849889

Dude gimik daw?

Pass muna ako, kakalipat ko lang ng bahay eh.
HA? Bakit ka lumipat?
Binenta ni mommy yung bahay namin eh.
Saan ka na nakatira ngayon? sana sinabi mo kanina para natulungan kita maglipat

Pare grabe, dito ako nakatira kay Ynah, ang coincidence nga eh, pinaparentahan pala ni Ynah yung isang kwarto dito sa bahay niya, tapos sila mommy, eto yung nirentahan.
Talaga? galing ni tita!
Ok naman bahay nila Ynah, hindi masyado malaki pero malinis.
Ah sige! Next week nalang tayo gimik. Enjoy mo na bago mong bahay with Ynah

Ul*l. Hahaha sige ingat kayo! Good luck sa pag chic hunt! :d




Si Anton talaga, hilig mag bar. Mabasa na nga ulit yung txt.




To:  My number
From:  Ynah Cruz
   Hoy lalake, pag may kailangan ka katukin mo lang ako o si yaya. Sige good night. Patayin mo yung ilaw pag matutulog ka na! Magtipid tayo sa kuryente

To:  Ynah Cruz
From:  My number
   Aba hinohoy mo na ako ngayon. oo sige. Good night din. At maraming salamat.

To:  My number
From:  Ynah Cruz
   You’re welcome. Hehe.  :P




Mga 10 minutes after namin magkatxt ni Ynah, bumaba ako para humanap ng makakain sa kusina.


Aba si Ynah andun sa may ref! Katakawan talaga nitog babaeng to.  ;D


Napatingin siya sakin tapos...










Waaaaaaaa!! 
:o






To be continued... 

isalicious

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2430
  • Karma: +328/-116
  • Destined to meet, not to be together
    • Blog
Re: I'M Glad It's YOU
« Reply #12 on: November 21, 2009, 11:57:45 pm »
Chapter 11

♥The Boys' / Girls' Talk♥




YNAH’s POV

[Sa tapat ng ref, kumukuha ng pagkain]


Parang may naririnig akong mga foot steps aa. Creeeepy naman! Tumingin ako sa likod ko at...  :o  :o



Waaaaaaaa!!  :o



Alam mo ang nerbyosaaaaaaa mo!


Papatayin mo na ba ako? Buiseeeeet!  >:( Lagi ka nalang bigla bigla sumusulpot!  >:(


Nagugutom kasi ako, malamang pupunta ako dito sa kusina  8)


At yun, kumain nalang kaming 2 ng cereal, frosties, yummmy!!  :D. Habang kumakain kami,


Anong mga gagawin mo ngayong sembreak?



Magpapasarap buhay lang, ikaw ba?



Maghahanap ng chix! Haha
  8)


Tssss. Tignan ko lang kung may makita ka!  ::)


at ganun ang nangyari sa 1st night namin magkasama dito sa bahay.




~~~~~




AFTER 5 DAYS
[Sa sala, gabi, mga 9pm]


nakakabadtrip talaga to si Lester!  >:( Manonood siya ng Feng Shui na dvd isasama pa ako! Alam naman niyang matatakutin ako!  :(

magkatabi kami ngayon sa sala, dinala nia kasi yung flat screen TV niya galing sa bahay nila dati, eh since walang tv sa sala, dun niya nilagay. Tapos sobrang nakakatakot talagaaaaa!  :'( :'( Nandun na kami sa part na yung sa babae, pinasok ng lalake sa 2nd floor, yung year of the horse, tapos tapos tapos natatakot na talaga ako!  :'( Yung babae bababa na sana pero bago siya bumaba nakakita siya ng white lady or kung ano man yuuuuun!

waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaH  :'(


tapos bigla ako napayakap kay Lester! Mapapaniginipan ko yung mumu na yun eh!!  >:(

HAHAHA! Ang hina talaga ng loob mooooooooooooo!  ;D


Lester! Ayoko na, please patayin mo na yung TV, pat.....


Nakapikit ako at nakayakap padin sakanya. Buisit, dapat nagdala nalang ako ng unan ko eh, or dapat hindi nalang ako nagpapilit na manood!!!!  >:(

Ynah?


Lester?


Hala, bakit narinig ko si Ice at si Anton?  ??? Napatingin ako sa main door ng bahay, na nasa may sala lang din.

OH MY GAHD!  :o

Nakita nila kaming magkayakaaaap! Tinulak ko si lester papalayo sakin.

Aray!  >:(


Best ikaw ha, nirrape mo si Lester!


Ayus pare, ninja moves ha!



Lumapit ako sa best ko. at si Lester pinatay na yung TV at dvd. Buisit!


Ay naku best, tigilan mo ko. loko loko tong si Lester! Pinapanood ako ng Feng Shui!
Natawa si Ice ng sobra, wala naman nakakatawa eh.  :'(

Wow Lester! Napapanood mo siya ng nakakatakot?


napilit lang  ;D


Hindi kasi yan sumama samin barkada kapag nanonood ng kakatakot, matatakutin yan eh!


Muka nga eh! Kita niyo naman kanina, kala ko mamamatay nako sa higpit ng yakap haha  :D


Hoy kapal mo ha!  >:(


Anton, may beer jan, inom tayo?


Sige,buti nalang nagdala kami ng chips ni Ice


Best, tara na nga sa kwarto, nakakainis talaga yang lester na yan eh  :'(

oh Anton, wag ka masyado iinom ng madami! Ihahatid mo pa ko sa bahay.


Aba ang bruha, ang haba ng hair
bulong ko kay Ice. Tapos umakyat na kami sa taas.





*****




LESTER’s POV

[Sa sala]


[THE BOYS TALK]



Umiinom kami ngayon ni Anton, pero kunti lang kasi magddrive pa siya.

So kamusta naman dito? nakapag adjust ka na?


Ok lang, masaya naman, masarap din yung pagkain lagi. yun nga lang, hindi ako pwede magloko dito, isusumbong daw ako ni Ynah sa parents ko pag may kalokohan akong ginawa


May kinakatakutan ka na palang babae ngayon ahh. haha  ;D


Loko loko. Ako takot? Hindi no! Tagaytay tayo sa Saturday?


Wow cool, sige. Hindi pa ba binenta ung resthouse niyo dun?

Hindi pa naman, nakausap ko ung caretaker eh, ok na ung  lahat. Isama mo si ice dan at tim.


Ano ng balita sainyo ni Ice? Lagi kayo magkasama ah!  8)


Nililigawan ko na siya, bait eh.


Seryoso ka sakanya? ??? Loko pag niloko mo yun papatayin ako ng best friend nun!  :o


Oo seryoso ako kay Ice, kakaiba siya. eh kayo ba ni Ynah?


Anong kami ni Ynah? hahahaha kami nung matatakutin na yun? kami nung nerbyosa na yun?  >:(

Kami?  ??? Lagi lang kami nagkukulitan, lagi ko siya ginugulo, siya naman lagi ako kinukulit!  >:(


Hindi yun. Nililigawan mo ba?  ;D


Balak at gusto ko ligawan. Pero...


pano si Kat?
Nagugustuhan ko na talaga si Ynah, pero magulo pa yung ibang bagay...  :(

kat. ano na nga bang gagawin ko sayo?  ???

kahit na lagi ako kinukulit nun pag umaga at bago matulog, napapasaya pa din niya ako.  ;D kaya lang..

ewan ko, ayoko pang isipin yan sa ngayon. basta nageenjoy ako pag kasama si Ynah.  ;D





*****





YNAH’s POV

[Sa kwarto ko]
[The Girls' Talk]
[/size]


Syempre mag ggirl talk kami noh kaya naman umalis kami dun sa sala, at magiinuman lang naman sila. Hehehe  ;D

Oi langyah ka, hindi ka nagkwekwento sakin! Anong meron sainyo ni Anton ha?  ;D



Ayun, nanliligaw PALANG naman siya.  ;D Best super kinikilig talaga ako sakanya! Haha kayo ng crush mo kamusta?


Ok naman kami, kapag umaga nag uunahan kami gumising, kapag ako una pinupuntahan ko siya sa kwarto niya tapos yung alarm ko tinatapat ko sa tenga niya  8) para magising siya, pag hindi siya nagising kumukuha ako ng yelo tapos nilalagay ko sa kamay niya. ;D kapag naman siya yung nauna kikilitiin niya ko sa paa, sa bewang hangang sa magising ako, at pag minsan, nag wiwisik siya ng tubig sa muka ko.  >:(


Tapos? Waaah ang sweet niyo naman best! dali ano pang kwento? :D


Tapus naghahabulan kami dito sa bahay, parang mga bata lang.  ::) Tapos si yaya babawalan na kami, para daw kaming mga grade school pa!  ;D


tapos pag pagod na kami, magpapahinga na kami sa kanya kanya naming kwarto, ganun lang.  :D



ganun lang pero super nakakawindang na siya, kilig. sobra.
haha!  ;D

soooo mukang nagkakaron ka na ng feelings para sakanya ah?


uhmmmmmmm.
::)




*****



LESTER’s POV

[Sa sala]


Nanonood kaming apat ng movie ngayon, The Day the Earth Stood Still, dito sa sala. Si Ynah yung nagyaya manood pero nung malapit na matapos yung movie...

Lester mukang nakatulog na si Ynah.  ;D


Sige bubuhatin ko nalang siya mamaya papuntang kwarto niya
Napaka sleepy head talga!  >:(

Una na kami lester, 12 na pala, ang bilis ng oras. Bye best kong tulog


Sige, salamat sainyong 2 sa pagdalaw.  ;) Ingat kayo paguwi. 


Hinatid ko na sila sa gate tapos binalikan ko si Ynah sa sala at binuhat na papuntang kwarta niya. Habang buhat ko siya,

amanahuhsfknjn. Amoy beeeeeeer ka. Ewwww hmpppss..  >:(



nakakahiya naman, amoy beer pa pala ako,  :-[


tapos nakatulog na siya ulit. Ynah Ynah. 


 ;D




To be continued...
« Last Edit: December 10, 2009, 03:05:31 pm by isalicious »

isalicious

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2430
  • Karma: +328/-116
  • Destined to meet, not to be together
    • Blog
Re: I'M Glad It's YOU
« Reply #13 on: November 22, 2009, 12:11:55 am »
Chapter 12

♥Tagaytay Outing♥[/size]


YNAH’s POV

[Sa Park sa Tagaytay]



Grabe ang saya dito! ang lamiiiig!  ;D Ang ganda talaga ng mga view dito sa tagaytay. :D

Eto nga pala ako ngayon, nagpapakalonely!  :( Hahaha. Mag isa lang ako ngayon dito sa park, syempre picture picture muna ako.  ::) Paano ba naman kasi, sumasakay sila sa kabayo eh takot ako sumakay dun kasi nalaglag nako nung minsan sa kabayo nung nag baguio kami.  :'(

Ang saya talaga sumakay sa mga kabayo! Nakakaenjoy! Best kasi ang KJ mo! Bakit ba hindi ka sumama samin mag horseback riding?


Ayoko nga! Natrauma na ako. Ayaw sakin ng mga kabayo!

 
Sa sungit mong yan, sinong di aayaw sayo?


Ang yabang mo talaga kahit kalian! >:(


Tama na nga yan. Kanina pa kami nabibingi sa away niyong dalawa, sa sasakyan palang!


Ok!


Nagkasabay pa kami. Kamusta naman dba? >.<



[AFTER 2 HRS]


Andito kami ngayon sa kitaro, kakain muna ng merienda. dito kami sa 2nd floor na bubong-less. So napakalamig talaga dito!

Lester, pahiram naman ako ng susi ng kotse. Kukunin ko lang jacket ko.


Sa dami dami ng makakalimutan sa kotse ung jacket pa.  >:(

 
...:(

Hinubad niya jacket niya. At...

o gamitin mo. Malayo ung pinagparkingan ko.
binigay niya sakin ung jacket niya. ang bango as usuaaaaaal!!  :D

Maraming salamat! Bait mo talaga.
  ;D

Ikaw lang naman hindi mabait eh.  8)

Hay naku tigilan mo nga ako! Kumain na tayo.

Nag aaway na naman kayo!


San na tayo pupunta nyan?





*****



LESTER’s POV

[Sa kitaro]

Kumakain na kami ngayon. ang sarap ng hangin dito sa tagaytay. Ang lamig. Di tulad sa manila, napakainit.

San na tayo pupunta nyan?


Mag cable cart tayo!!!


ouch!!


Oh bakit? Anong nangyari sau?


Ah.. eh.. wala naman, nakagat ko lang ung dila ko..
namutla bigla si Ynah.  bakit kaya?

Nice idea! Tagal ko ng di nakakapag cable cart!

Excited na ako Anton!  ;D

   

[Sa park ulit, mag ccable cart na]



Ilan po kayo?
Tanong nung isang babae

4 po kami.


Sige pumasok na po kayo.
Tapos nagbayad na kami.

Ynaaaaaaaaah! Kanina ka pa tahimk jan ahh?


Weh? Hindi naman eh! una na kayo sumakay ni Anton best.

Oo nga mukang kanina pa tahimik to si Ynah   ???

Sige sasakay na kami



Sumakay na ng cable cart si Anton at si Ice..


After 5 mins.



Sir ayan na po yung cart niyo. Sumakay na po kayo ni Maam.


Tara Ynah?


Bigla humawak sa balikat ko si Ynah.

Ano kasi Lester, natatakot talaga ako.  :'(


Pano mawawala yang takot mo kung hindi mo lalabanan dba? Kaya halika na sumakay ka na dito!  ???

Lester wag nalang tayo sumakay, babayaran ko nalang ulit ung entrance mo. Sige na, hindi ko talaga kayang sumakay jan.
  :'(

Ynah halika na! Sumakay ka na, promise sandali lang to. gustong gusto ko na talaga mag cable cart! Sobrang ganda kaya ng mga view dito!
  8)

Ss..ss..siigeee na nga..
  :-\

Mga 10 mins na kaming nasa cable cart. Hindi pa din nagsasalita si Ynah. mukang takot na takot nga siya.

Ynah, ok ka lang ba?  ???





*****



YNAH’s POV

[Sa Cable cart]

ahuhu anak ng lahat ng kamalas malasan bakit ba ako sumakay dito!  :'( [meron bang ganung anak? hahaha]

Lulang lula na ako
Gusto ko na himatayin!
Waaaaaaaaaah. Papa Lord tulungan po niyo ako natatakot talaga ako!
bakit ba kasi talaga ako sumakay pa dito  :'(

Ynah, ok ka lang ba? Tignan mo lang kasi ung view, wag ka tumingin sa baba para di ka malul....


LESTER!!!!  :o



Sa sobrang takot ko napaiyak na ako.  :'( Tapos niyakap ako ni Lester.


Ynah alam mo nakakatawa ka. Para ka talagang bata. 
::)

Umiiyak na nga ako tapos tinatawanan mo pa ako  >:(


Tumitigil talaga ng 3 mins ung cable cart sa gitna, para Makita mo yung view at makuhanan ng litrato. Wala ka dapat ikatakot.


tinignan ko ung mga mata ni Lester.

Bakit hindi mo naman sinabi agad?  >:(


Tignan mo nalang ung view. Tahan na. 
Tumigil na ako sa pag iyak ko pero nakahawak pa din ako sa arm nia, tapos tinignan ko ung view. Ang ganda! Grabe!  :D

After 10 mins, nakababa na kami sa cable cart.

Oh ano Ynah isa pa?


Mag isa ka!
Tapos pinalo ko siya sa braso niya.

Aray!  >:( Masakit un!

Kahit maganda ung view dun, ayoko na talaga umulit.. hihi
   
Naku dyan ka na nga! Mag ccr muna ako!  >:(
Habang naglalakad ako papunta sa CR, naglakad naman si Lester papunta kay Ice at Anton sa bench.




*****





LESTER’s POV


Sinundan ni Ice si Ynah sa CR. At kinausap naman ako ni Anton.

Oh parang galit si Ynah sayo ah?

Nagalit kasi natakot siya sa cable cart, may fear of heights ata siya peor pinilit ko pa din sumakay.  :(


Bakit nga pala hindi natuloy si Dan at Tim?


Dumating ung kapatid ni Dan from US, siya daw magsusundo ngayon sa airport tapos si Tim naman, ayun, may nabingwit na chix nung nagbar daw kami last week, date daw nila ngayon eh.


Ahh ganun pala. Oh siya, pupunta na ako sa kotse, ikaw nalang maghintay sa dalawang un.


Sige sunod nalang kami.

Nauna na ako pumunta sa kotse para mastart ko na, lumalakas na kasi ung hangin kasi pagabi na, nilalamig na ako dun sa park.

After mga 10 minutes, dumating na din silang 3.

So punta na tau sa rest house?


oo. pagod na pagod na ako grabe.


Ako din best!






~~~~~




[Sa RESTHOUSE na namin]



Wow ang ganda naman ng resthouse niyo dito Lester!
Si Ynah, mahilig talaga sa magagandang bahay. Ewan ko ba kung bakit.  ???

Talaga!  8) Ung sa dulong kwarto sa kanan ng 2nd floor yung magiging kwarto niyo ni Ice, kami ni Anton sa dulong kwarto sa kaliwa.

Sige akyat na muna kami ng Ynah, magpapahinga muna kami.


Okay, sa rooftop muna kami ni Lester.



Oo may rooftop ung resthouse namin, ganito naman ung kadamihan ng bahay dito sa tagaytay eh, masarap kasi magpalamig sa rooftop.  ;)




*****





YNAH’s POV

[pagkatapos maghapunan]


Oh well, andito ako ngayon sa sala, nagbabasa ng magazine.  ;D Si Ice niyaya ni Anton na lumabas, at hindi ko alam kung san sila pupunta. Yung caretaker, umuwi na sakanila kasi 9pm na.. Tapos si Lester...  ???

Ynah?



Ok speaking of Lester, dumating siya na may hawak hawak na 2 tasa!
Tapos lumapit siya sakin at inabot ung isa.

Hot chocolate?!  :o


Yup. Hindi ka naman nagkakape diba?


wooow thanks!  :D Hindi nga ako nagkakape. Ikaw nagtimpla neto?



Medyo lang, sino pa kaya pwede magtimpla nyan eh dadalawa lang tayo ngayon dito sa resthouse?   ::)


sorry naman.  >:( aaaaah!! okay anong kailangan mo’t tinimplahan mo pa ako ng hot chocolate?  ???


Bago ko sagutin yang tanong mo, umakyat na muna tayo sa rooftop, maganda view dun ngayon kasi gabi na.   ;)


Ohh. Sure.
Grabe, si Lester ba talaga toooo? Kanina lang inaasar ako, ngayon naman, pinagtimpla pa ako ng hot chocolate.



[Sa rooftop..]



Actually, bumabawi lang ako. Hindi ko naman alam na may fear of heights ka eh, umiyak ka pa. Kung alam ko lang edi sana hindi na tayo sumakay dun.
  :-[

Wushooo. Pinipilit nga kita na wag na sumakay dun eh! Hmmp.  >:(

Sinimulan ko ng inumin ung hot chocolate, grabe! Ang saraaaaaaaaaaaaaap.  ;D Mas masarap pa sa timpla ni yaya. +5 points Lester!

Kala ko nag iinarte ka lang eh.


Nag iinarte ka dyan,  >:( pero alam mo ok lang naman eh, nagandahan naman ako sa view dun at saka alam ko naming gusto mo sumakay dun.  :-[
Oh my gahd. Anong sinabi ko?!

Sana nakabawi na ako
  :P over over bawi pa.. grabeeeee. grabe. mababaliw na ako  :D


Tapos tumingin lang kami sa stars na magkatabing nakatayo at naramdaman ko nalang na nilagay ni Lester ung jacket nia sa likod ko, ulit! Kaya nilean ko ung head ko sa shoulder nia.  :-[


Siguro 5 mins kaming nakaganun and then





***ring ring ring***





to be continued..
« Last Edit: November 22, 2009, 12:14:54 am by isalicious »

isalicious

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2430
  • Karma: +328/-116
  • Destined to meet, not to be together
    • Blog
Re: I'M Glad It's YOU
« Reply #14 on: November 22, 2009, 12:26:42 am »

Chapter 13

♥Sweetest All Saints' Day Ever♥
Part 1





LESTER’s POV

[sa rooftop parin]


Calling...
No Number




Panira ng moment oh!  >:( Naka 2 ring lang tapos wala na, Sino ba tong tumawag, wala naming number.


Sino yung tumawag Lester?


Hindi ko alam. No number eh.


Ahh. Overseas call yun. Siguro sila tita yung tumawag sayo...  :)


Siguro nga. 




**beep beep**



Pagkatapos ng cellphone, kotse naman. Talaga nga naman oh!  >:(

Tara pasok na tayo ulit. Mukang nasa gate na yung dalawa.





~~~~~



[Sunday. 1 week later. November 1]



Calling...
No Number




Heto na naman tong tumatawag na to. Last na to. Pag hindi pa siya sumagot magpapalit na ako ng number.  >:(




**flashback**

    Last Monday
      Calling...
      No Number

      
      Pag kasagot ko bigla naming nagbusy.
   
   Last Tuesday
      Calling...
      No Number

      
                 Sasagutin ko na sana pero naka 2 ring lang

   Last Wednesday
      Calling...
      No Number

      
      Sinagot ko. Nag hello ako pero wala naman siya sinabi. Kaya binaba ko na

   At ganun din nangyari nung mga sumunod na araw.  >:(



***END of flashback***





**ring ring**



Ano ba bakit ba tawag ka ng tawag?
Lester ikaw nga yan...
Sino ka ba? At bakit ka nanggugulo
Hindi mo na matandaan boses ko?




Lesteeeeeeeer! Bilisan mo naman, bumaba ka na jaaaaaaaaan.




Kilala ba kita?  >:(
Siguro.
Wala akong panahon para makipaglokohan sayo!




Lester ok ka lang?  ??? Sino yang kausap mo?
Umakyat na pala si Ynah.


Ok lang ako. May walang magawa lang sa buhay ung nangugulo sa fone ko. Ready na ba kayo ni ate?



oo. tara naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa.   :P





*****





YNAH’s POV

[Sa Kotse ni Lester]


Isa sa mga bagay na kinabebelievan ko sa mokong na mahangin na mapangasar na to is yung kotse niya.  ;D Never niyang pinalinis ung kotse kay yaya, hindi daw dahil sa nahihiya siya kundi dahil wala lang, lab niya daw kotse niya eh, kaya paghihirapan niya daw linisin un. Haha. Eto nga oh, nasa loob na kaming 3 sa kotse niya, at napakalinis nung loob. Plus 3 points!  ;D


Ok sobrang tahimik naming tatlo..

...

.....
..

Alam niyo bagay kayong dalawa.   :-[
Si yaya nagsalita.

Anooooooooooooooooo?
  :-[ Naku si yaya mukang binubuking ako! Gawshnesssss.  >:(

Yayaaaaaaaaaaaaaaa! Ano ba yang iniisip mo?
Napatingin ako kay Lester at mukang nahiya siya bigla.  :-[

Ikaw talaga ate, joke ka ng joke. saan ko nga po pala kayo ibaba?
Hay salamat naman at naiba na ung topic. Nakakahiya talaga.

Sa may LRT na lang, malayo pa kasi ung sementeryo na pupuntahan ko, at saka baka mga 10pm pa ako makabalik ng bahay.


Ahh sige po ok lang yaya. Ingat po kayo.
Tapos bumaba na si yaya.

Ikaw pala Ynah, saang sementeryo ka?
Aba etong mokong na toh, ihahatid ata ako. Wuhoo. It’s confirmed. Driver ko na nga siya! Ahahahaha.  ;D

At bakit? Ihahatid mo ko driver este LESTER?  ::)


Ano ka siniswerte? Ibababa lang din kita sa sakayan mo noh.


Ang yabang mo talaga, mag LRT na nga din ako! Hmmmmp  >:(


Ikaw naman, di ka mabiro. Ihahatid na kita, baka isumbong mo pa ako kay mommy. Saang sementeryo ba?
Aba? Memorize lahat ng cemetery?

Sa la loma ako, ikaw ba?  ???

Sa La Loma ka din? Tignan mo nga naman oh. Dun din ako eh.



Gaya gaya ka talaga. Tara na nga. Grr.






~~~~~




Syempre dahil araw ng mga patay ngayon, bawal ipasok ung sasakyan sa loob ng sementeryo, kaya nag park muna kami sa may labas ng sementeryo at naglakad na papasok.  Ang daming taaao.

Pang ilang street ung sa family niyo?


Pangatlo lang, buti nalang malapit lang. Daming tao! Yung sainyo pang ilan?

Oo nga eh,  panglima ung amin. Gusto mo ihatid kita?  8)


Naku hindi na. Ikaw na nga nagdrive papunta dito eh. Txt mo nalang ako pag uuwi na tayo.


Uhmmm. okay i’ll just text you later  ;)
. paEnglish english pa! Haha. Ayoko magpahatid kay Lester kasi baka Makita siya ng mga pinsan ko tapos asarin lang ako, at sabihin pa kay mommy. Nakuuu. Mahirap na noh. Malalagot ako kung nagkataon.  ;D



~~~~~




[mga 4:30 ng hapon]


Dito nakalibing yung lola at lolo ko, at ung 3 pa naming relatives na pumunta na din sa heaven. Andito kaming magpipinsan, ayun, nagkamustahan, nagkwentuhan at nagkaasaran! At Nagkayayaan kaming pumunta sa hotdog-on-stick vendor na nasa kabilang street. Sa pang apat na street un so mukang hindi naman ako makikita ni Lester.   ::)




*****



LESTER’s POV


3 oras na kami dito sa sementeryo, pawis na pawis na ako. Gusto ko ng umuwi ng bahay at maligo. Bakit naman kasi napakainit. Namiss ko pa naman ung mga pinsan kong maliliit, este mga bata pala. Kanina pa ako kinukulit at isa isang nagpapabuhat sakin. Ang cute talaga nila. Matext na nga yung babaeng un.



To:  Ynah Cruz
From:  My number
   Ynah, uwi na tayo.




Nakaka 10 minutes na at hindi pa din siya nagrereply. Sunduin ko nalang nga siya, mag papaalam na ako dito.

Siya nga pala, diba binenta ung bahay niyo? Saan ka na nakatira ngayon?

Ahh, sa may malapit lang po sa school, room for rent lang po.

Ganun ba? Sana ok ka lang dun. Hindi ka naman nahihirapan?

Hindi naman po, may kasama din naman po ako dun sa bahay na 2 eh.  Tito, Tita, una na nga po pala ako.


Sige sige, ikamusta mo nalang kami sa mommy mo pag tinawagan ka niya. Mag ingat ka.






~~~~~~




Naglalakad na ako ngayon papunta sa pangatlong street nang  may nakita akong babae na naglalaro sa may kanto ng pang apat na street, alam niyo yung bubunot ka ng papel tapos ilulublub sa tubig para Makita kung ano yung nakasulat na nasa papel? Basta yun yung nilalaro niya, ung premyo kasi nun chick na may kulay. Parang gusto ko din maglaro, piso lang naman kada papel eh at nakakamiss din maglaro. Haha  :D  ;D


Nung papalapit na ako, parang namumukaan ko ung babae. Si Ynah ba un?  :o




Manong, ano ba yan, mauubus na yung pera ko di pa din ako nakakakuha ng sisiw? Huhu  :'(


Sabi ko na nga ba eh, si Ynah nga!  ;D


Sino ako?






to be continued..
« Last Edit: November 22, 2009, 12:29:55 am by isalicious »

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website