^ agree ako kay clar-kuN
Wala namang may sabi na bawal gumawa ng p-pop. Sa case ng XLR8, parehas nga yung tono ng 'sorry, sorry' at 'you're so hot' pero dahilan na ba yun para siraan niyo sila? Wala naman kayong mapapala kung sisiraan niyo sila ehhh. Kung ayaw niyo sa kanila then shut up. Dapat nga maging proud pa kayo kasi Filipinos are creating their own wave. Siguro ngayon parehas pa yung kanilang style sa k-pop pero malay niyo, baka sa future ay may sarili ng image ang p-pop. Give them the chance to prove to everyone na kaya nilang tapatan ang k-pop, j-pop, at kung anu-ano pang pop.

Sa ating mundo, wala ng original. Siguro alam niyo naman yun noh?! Well, I guess not since you bash and criticize others for not being original. Ikaw, all the time ba original lahat ng mga nagagawa mo? Lahat ba ng pinapakinggan mong mga kanta na sobrang gusto mo ay original? Magbigay ka nga ng isang
bagay na original that still exists in this world? Kung wala kang masagot, I rest my case.
Siguro nga hindi Pilipino ang kanilang itsura pero hindi niyo ba na-realize na in their appearance, you will remember the history of the Philippines; how other countries invaded ours and how we adapted to different cultures. Hindi niyo ba naisip na through them, we can show to the world na kahit halo-halo na ang ating lahi ay malakas pa rin tayo by means of 'unity'. Hindi ba't dahil sa 'unity' na yan kaya naging matagumpay yung war natin against the colonizers? Nasaan na yung 'unity' na yun sa ating mga taga-pakinig? Instead na suportahan niyo sila ay sinisiraan niyo sila. Sinasabi niyong nakakahiya sila sa ibang bansa dahil gaya-gaya sila ehh kayo, hindi ba't nakakahiya din yung ginagawa niyo?! Sinisiraan niyo ang kapwa niyong Pilipino. Mas pinapaboran niyo pa ang mga kanta ng iba. Alam niyo isa yan sa causes kung bakit hindi umuunlan ang ating music industry as well as our country. Hindi natin sinusuportahan ang mga atin.
Pero I agree na they still have a long way to go and that they need a new choreographer and stylist. Hindi ko type yung moves nila ehhh tapos kelangan nila mag practice pa kasi hindi sila sabay-sabay.

Tapos gusto ko gumawa sila ng bagong tune that will help them make an edge in the music industry or that will atleast give them their own image. Kelangan din nila maghanap ng magandang lugar next time kung gagawa sila ng mv. Masyadong maliit yung lugar ng mv nila sa 'you're so hot'. Then when they sing, mas maganda siguro kung lagyan nila ng feelings/facial expresions yung mukha nila while singing para mas ma-feel ng taga-pakinig yung message na pinaparating nung song tsaka wag sana silang mag lip sync all the time. Pero maganda naman ang mga boses nila + cute sila kaya I'm sure na may mararating sila.

Gusto ko rin sabihin na I support XLR8, basically p-pop, all the way. Laban XLR8! Laban p-pop! Laban Pinoy! Laban! [pero symepre fan parin ako ng k-pop; kaya ko kasi mahalin ang kanila at yung atin at the same time di gaya ng iba diyan]
